Loving The Beast

By Sam_kutcher

714 42 22

Lack of self-confidence that's she is, all the time she think she can't do things others can. Gabrielle is af... More

author's note:
part one:
part two
part three:
part five
Part Six
part seven
part eight
part nine
part ten
part eleven
part twelve
part thirteen
part fourteen
part fifteen
part sixteen
part seventeen
part eighteen
part nineteen
part twenty
part twenty one
part twenty two
part twenty three..
part twenty four
part twenty five
part twenty six
part twenty seven
part twenty eight
part twenty nine
part thirty
part thirty one
part thirty two
part thirty three
part thirty four
part thirty five
part thirty six
part thirty seven
part thirty eight
part thirty nine
part forty
part forty one

Part Four

28 0 0
By Sam_kutcher


"What did you say?" naniningkit ang mga mata niya.

Kinakabahan ako, mukhang galit. Kasi naman itong bibig ko minsan kung anu-ano ang sinasabi.
"Oh sorry i didn't mean it. Pasensiya na po talaga." Yumuko ako hindi ko kayang tignan siya.

"Next time watch your big mouth Ms. dela Paz," at 'yon lang. Umupo na ito sa sofa. Nanatili naman akong nakatayo, hindi ko malaman ang gagawin. Feeling ko maiihi ako, super kinakabahan ako. Kapag ito ang klase ng tao ang makakasama ko araw-araw baka magkasakit ako ng nerbiyos.

"Please take a seat Ms. dela Paz. Hindi magandang makipag-usap ng ako ay naka-upo habang ikaw ay nakatayo."

"S-sorry po." Nakayuko pa din akong naglakad papunta sa inuupuan ko kanina.

Pagkatapos kong maupo ay katahimikan ang namagitan. Hindi ko alam kung mauuna ba akong magsasalita, feeling ko kasi umurong ang dila ko. Tapos hindi ako nakatingin sa kanya para kasing nanunuot sa buto kung makatitig siya.

"Ms. dela Paz," sa wakas nagsalita din siya.
"I think you are aware of the purpose of this meet-up?" Napatingin ako sa kanya, nakasandal siya ngayon sa sofa at mataman na nakatitig sa akin.

"Yes po," maikli kung sagot. Madaldal naman talaga ako, ewan ko nga lang bakit natameme lang ako. Iba kasi ang aura niya, nakakatakot na hindi ko mawari. Sanay ako makipag-usap sa kahit sino but not in him.

"You still have the time to back-out Ms. dela Paz. I think you know who I am, my reputation in women specifically."

"I know po," alam ko naman talaga. Nag research kaya ako about sa kanya. Kahit sabihin pa natin na napapanood ko siya sa tv, napi-feature sa mga magazine at diyaryo. At nakapag desisyon na ako, kahit alam ko na mahirap itong nasuong ko.

"So i think malinaw na sayo lahat. Dito sa ancestral house namin hindi ako madalas umuuwi. But you must stay here after the wedding. You can do all you wanted to do, just be careful na kung may gagawin kang hindi maganda ay hindi madadamay ang pangalan ko."

"Maliwanag po ang lahat Mr. Mariano. At aasahan nyo pong wala akong gagawin na ikasisira ng pangalan nyo po."

"Mabuti kung ganun. At isa pa Ms. dela Paz, drop the po kapag nakikipag-usap ka sa akin. It's too formal and I'm just 5years older than you."

"A-ah ok po.. so-sorry." Haist kainis naman bakit ba nauutal ako.

"Are you afraid of me Ms. dela Paz?" He is intently looking at me.

"Hindi po," maagap kung sagot. Hindi nga ba Gab? Presensiya pa nga lang nito, natatae ka na sa kaba di ba?

"Then look at me when I am talking to you. Kanina ka pa kasi nakayuko diyan."

Tumuwid ako ng upo at napatingin sa kanya. Diyos ko po, ang hirap salubungin ng mga titig niya. Bakit ba kasi ganun siya kung makatingin..

"That's better Ms. dela Paz." Bahagyang napangiti ito. Oh gush, kakalaglag palda ang ngiting yon.
"Why seat that far Ms. dela Paz, kung ikakasal tayo hindi ba dapat may closeness tayong dalawa.?" at ngumisi ito.

Lalong ninerbiyos ako sa sinabi niya, tapos tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Hala Lord, wag naman siyang maupo sa tabi ko baka tumakbo ako o mapaihi ng wala sa oras.

"You are really afraid of me Ms. dela Paz. Namumutla ka eh," sabi nito nang makalapit na sa akin.

"H-hindi po. Naiihi lang po kasi ako!" Shacks ano bang pinagsasabi mo Gab.
"Saan ba ang cr nyo?"

Narinig ko ang pagtawa niya, naiihi na nga ako tapos pagtatawanan pa. Kakaloko, bakit ba kasi naiihi ako..

"Diyan sa pinto na yan ang cr," sabay turo niya sa pinto na nasa bandang kanan.

"Excuse me ha?" Tapos mabilis akong tumayo at naglakad papasok sa itinuro niyang cr. Actually halos takbuhin ko na nga ang pintuan nun. Hindi ko mawari ang naramdaman ko nung nakalapit na siya.

Pagkapasok ko ng banyo, agad dumiretso ako ng kubeta. Talagang napa ihi ako sa sobrang nerbiyos. Pagkatapos ay naghugas ako ng kamay at humarap sa salamin. Namumutla nga talaga pala ako, haist pwede bang umuwi na, sa ibang araw na lang ulit ako makikipag-usap sa kanya. Hindi ko pa pala naiready ang sarili ko.

Kaso ang panget naman ata kung uuwi na ako bigla. Baka magalit naman si Santiago, haist anong gagawin ko.

Tok.tok.tok

Narinig ko ang mahinang pagkatok sa pinto.

"Ms. dela Paz okay ka lang ba? Ang tagal mo naman d'yan sa loob!" boses niya 'yon. Wiwi lang kasi paalam ko pero inabot na ako ng kung ilang minuto.

"Ahmm okay lang ako,nag-aayos lang." Weeeh palusot!

Humarap ako sa salamin at kinompose ang sarili. Hindi dapat ako kakabahan sa kanya, dahil once naikasal na ako hindi pwedeng sa lahat ng oras ay ninerbyusin ako sa presensiya niya.

"Oh okay, lumabas ka na at dinner is ready."

"Sige, lalabas na!"

Huminga ako ng malalim, "kaya ko 'to. Fighting!"

Pagkabukas ko nang pintuan ay napatingin ako sa sofa wala na doon si Santiago. Hmmm baka nauna na sa dinning area.

"Are you looking for me?"

"Hay kalabaw!" Gulat ako ng bigla siyang nagsalita. Nasa gilid pala siya ng pinto at hindi ko kaagad napansin. Pakiramdam ko lumukso ang puso ko palabas sa gulat.

"Hey, why are you that surprise?"

"Ha? ah - eh, w-wala. Ano kasi a-akala ko nakaalis na kayo," hay umayos ka Gab.

"Bakit naman ako aalis, eh di hindi ka makakarating sa dinning area kung ganun." Mahina lang ang pagkakasabi niya. Nagtaka naman ako biglang nag-iba ang tono ng boses niya. Kanina ang bossy niya kung magsalita tapos ngayon parang ang bait niya. Bipolar ba siya?

Napatingin naman ako sa kanya, pero bigla din akong nagbawi ng tingin. Nakatitig na naman kasi siya sa akin. Bakit ba ang hilig nitong tumitig, naaasiwa kasi ako.

"Let's go, nagugutom na ako!" At nagpatiuna na itong naglakad. Ako naman ay nakasunod lang. Ipinagbukas din ako nito ng pinto, may pagka gentleman din pala kahit papano. Tapos nauna ulit siyang maglakad hanggang sa makarating kami ng dinning area.

Namangha ako sa laki ng kainan nila, tapos ang haba ng mesa na ang gara pati upuan. Sa tantiya ko mga labing walong upuan ang naroroon kasama na yung nasa magkabilang kabisera. Tapos may isang portrait ng magandang babae sa kaliwang bahagi ng dingding. Kulay brown ang lahat ng naroroon pati yung salamin na nasa likod nung pinaka-upuan sa kabilang dulo.

May katulong na nandodoon at nag-aabang na sa amin. Yumukod pa ito pagkarating namin. Binati ko naman ang katulong na bahagyang napangiti ng marinig ako.

Ipinaghila ko ang sarili ko ng upuan, hindi naman kasi nag-abalang ipaghila ako ni Santiago. Weather-weather ata ang pagiging gentleman nito.

"Lets eat Ms. dela Paz," anunsiyo niya ng nakaupo na ako ng maayos.

Nagsimula na kaming kumain, ininyayahan ko pa ang katulong pero umiling lang ito at napangiti. Tahimik lang kaming kumakain na puros lagitik lang ng kutsara at tinidor ang maririnig mo.

Nang makatapos kami, naunang tumayo si Santiago at inutusan ang katulong para iligpit na ang pinagkainan namin.

"Lets go sa veranda Ms. dela Paz, magpapahangin muna tayo doon," 'yon lang at naglakad na ito. Sumunod naman ako, mahirap na baka hindi ko marating ang veranda. Nagpasalamat muna ako sa katulong bago ako tuluyang lumabas ng dinning area.

Kahit veranda bongga, may naka-pwestong mesa at upuan din doon. Ang mesa ay gawa sa kahoy na merung detailed design sa gilid. Yung upuan ay kahoy din pero mayroong foam sa bandang puwetan. Tapos tanaw mula dito ang garden nilang malawak, napatingin pa ako sa isang backyard gazebo na nasa pinakadulo ng garden. Malapit ito sa puno ng mangga. Naiilawan ito kaya kita kung gaano ka ganda. Pwede bang puntahan iyon? Nais ko sanang isatinig kay Santiago.

"Nais mo bang sa gazebo tayo Ms. dela Paz?" haist mukhang nabasa niya ang nasa isip ko.

Ngumiti ako at tumango sa kanya. Parang ang sarap-sarap maupo doon at tumambay.

"Okay, tara!"

Natuwa naman ako, para tuloy akong bata na naexcite habang papalapit sa gazebo. Mayroon itong tig-iisang lantern sa bawat haligi. Mayroon din nakapasong bulaklak kaso hindi ako pamilyar kung ano ang tawag dito basta maliliit at kulay yellow. Bale mga tatlong paso na may tatlong lantern din sa bawat isa. Tapos 'yung upuan ay gawa sa rattan pati ang mesa. Yung bawat upuan ay mayroong di tanggal na foam na kulay brown.

Bahagyang malamig ang paligid, gawa siguro na nasa lilim ito ng punong mangga.

Nakita kung umupo si Santiago sa kabilang upuan kaya naupo na din ako. Baka masabihan ako kagaya kanina. Napasandal ako sa upuan, yung kaninang naramramdaman kung nerbiyos ay bahagyang humupa. Nakakagaan ang ambiance ng gazebo.

"Mukhang magugustuhan mo ang magiging bagong tahanan mo Ms. dela Paz."

Napatingin ako sa kanya, hindi ko kasi alam kung anong ekspresyon mayroon sa mukha niya. Masaya ba o hindi habang sinasabi niya iyon. Kaso parang kaswal niya lang na sinabi. Wala akong makitang emotion kasi.

"Yes po, maganda kasi ang mansion nyo Mr. Mariano. Habang naririto ako pakiwari ko nasa lumang panahon ako. Yung katahimikan na nais ko, nandito sa mansion nyo," thats true, kaso ang problema makakatagalan ko kaya ang pagtira dito kung siya ang kasama ko.

"That's good Ms. dela Paz, mukhang madali mong makakasanayan ang buhay dito. Anyways kapag nasa trabaho ako at busy at bibihira akong umuwi dito. Kaya malaya ka sa lahat ng oras, subalit kapag nandito ako, you must perform your wife duties."

Wife duties? Parang kinabahan ako bigla. Hindi ako bata para hindi maintidihan ang bagay na 'yon. Ngayon pa lang kinikilabutan na ako.

"I know Mr. Santiago."

"Good, mukhang madali kang kausap. Since a month from now ay magiging Mrs. Santiago Mariano ka na, we should be in first name basis. Call me Santi."

"Okay po, Gab na lang po sa akin. Iyon naman kasi ang nakasanayan ng lahat na itawag sa akin."

"Gab.... okay then please drop the po."

"S-sorry ," hinging paumanhin ko.

"This is our first meeting so i must call it a celebration." Tumayo siya at nagsalin ng inumin na nasa mesa na pala. Hindi ko kanina napansin na merun pala.

"S-sorry but i don't drink Mr. Mariano... este Santi pala."

"Ows? Dont worry light lang ito," at lumapit siya sa akin para iabot ang baso ng alak.

Hesitant pa ako noong una, pero tinanggap ko na. Sige na nga minsan lang 'to. Nakakahiya kung tanggihan ko siya baka magalit pa.

Itinaas niya ang baso niya at nagcheers.
Agad ko naman ininom ang alak na bigay niya. Napaubo ako ng sumayad sa lalamunan ko ang alak. Gush! Sabi light lang para naman napaso ang lalamunan ko. Feeling ko nag-init ang buong sistema ko.

Napatingin ako kas Santi, nakangiti lang ito habang nakatingin sa akin. Damuhong na to, parang pinagti-tripan ata ako. Napaubo pa ako ulit, dali-dali naman akong nagsalin ng tubig mula sa pitcher na nasa mesa. Ang sama talaga ng lasa.

"Grabe naman, sabi mo light lang. Bakit ang tindi ng guhit sa lalamunan ko!" Parang bata na reklamo ko. Narinig ko lang itong tumawa.

"Oo light lang to," tumayo ito at lumapit sa akin. Amusement on his face.

"Hindi ah, matapang kaya."

"Hmmm ang cute mong tignan habang nagrereklamo," nagulat ako ng hawakan niya ang baba ko. Ayun kinabahan na naman ako pero slight lang. Hindi na kagaya kanina. Nagbawi kaagad ako ng tingin kakaiba kasi ang kislap sa mga mata niya.

"Look at me Gabrielle!" He said in his authoritative voice. Umiling lang ako, ayoko nga.

"I said look at me," may halong diin sa boses niya para makaramdam ako ng takot ulit. Dahan-dahan akong nagtaas ng tingin only to meet his gaze.

"You have a nice pair of eyes Gabrielle and a kissable lips na parang nanghihikayat para halikan." God anung sinasabi ng taong to. Nakadagdag lang lalo sa nerbiyos na nararamdaman ko.

Pilit kong iniyuyuko ang ulo ko pero hawak pa din ni Santi ang baba ko. I can't determine kung lust ba ang nakikita ko sa mga mata niya dahil hindi ko pa naexperience ang matitigan ng ganito.

"Santi, nangangawit na ang leeg ko."

Ngumiti lang siya, tapos dahan-dahan na lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Good Lord, hahalikan niya ba ako? Nangangatog ang tuhod ko, hindi ko maexplain ang nararamdaman ko. Napapikit ako hindi ko kayang salubungin ang tingin niya.

I feel his lips touches mine. So soft and gentle and taste sweet. God, bakit hindi ako makakilos, basta ko na lang hinayaan na makuha niya ang first kiss ko. Huhuhuhu..
Hindi pwede to. Come on Gab think!

Naitulak ko na lang bigla si Santi, napaupo ito sa semento. Gulat siyang napatingin sa akin. "Hey what's wrong?

------------------------------------*******--------------

Wew naitawid ko din.hahaha.
NBSB kasi ang bida nating babae kaya ayun. Sino relate na yung first kiss ninyo naibigay sa taong hindi mo naman gusto.hahahah.

Happy reading po at salamat.

Continue Reading

You'll Also Like

798K 41K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
14.5M 747K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
2M 60.1K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...