Kriminal Pala Ang Crush Ko

By Detective9

206K 4.8K 249

Paano kung isang gabi, habang ika'y nag-iisa sa silid, ay may napansin kang ingay sa bubong ng bahay niyo at... More

1 - Stalking 101
2 - Quota Street
3 - Hulog Ng Langit
4 - Ang Magnanakaw
5 - Manhid
6 - Lovelife Kasi Inaatupag
7 - Research
8 - Birthday Party
9 - Ang Boses Ni Kuya
10 - Imbestigasyon
11 - Adventure of A Lifetime
12 - Abducted
13 - Hide and Seek
14 - Indigo Coffee Shop
15 - Kwento Ni Ms. Pessimistic
16 - Puso Ng Kriminal
17 - Just Like A Rose
18 - Ang Video
19 - Nica Meets Yvonne
20 - Favorite Scenery
21 - Perfect Package
22 - Utusan
23 - RS Goals
24 - Knight and Shining Armor
25 - Ang Pitong Krimen
26 - Pag-ibig Nga Naman
27 - Serious Feels
28 - Nang Dahil Sa Phone Call
29 - Tinik Sa Puso
30 - Ang Paghihiganti
31 - Patawad, Ayra
32 - Ang Sekretong Nararamdaman
33 - The Notebook
34 - And The Reason Is You
35 - Back to School
36 - Ito Na Ba?
37 - Pag-ibig Lang, Sapat Na
38 - Yvonne Kurishima
39 - Ivan Kurishima
40 - Ayra Villion
41 - Dustin Rodriguez

42 - Nicatrix Dimanakawan

7.1K 138 22
By Detective9

"Mas masarap ang pagmamahal kung hinintay ito,
Mas malalaman mo kasi kung gaano ito ka seryoso."
- Nicatrix Dimanakawan

Nagkagusto ako sa isang taong akala kong di mapapa sa'kin. Maraming tao at karanasan ang nagsasabi sa'king hindi kami pwede kasi anghel ako, siya ewan. Pero, I always kept my hopes high. Na sana, one day, there will be an us.

Sa parte na toh ng buhay ko, I'm stuck with choosing kung magiging dalagang Filipina ako na magpapahard to get, o kung magpapakatotoo ako at sabihin sa kanyang mahal na mahal ko siya.

Bata pa ako. Bata pa kami. There's still a lot of time to think, baka kasi one day magising akong di ko na siya mahal. Pero kung sasayangin ko ang oras, baka there will never be an us.


"Sorry, it's a no. Uuwi na ako sa bahay." text ko kay Dustin. Kainis bat kasi nagpadalagang Pilipina pa ako, yan tuloy kahit gusto ko siyang kasama mauudlot tuloy.

"Tara Bes, sa bahay na tayo kumain. Nakakabadtrip yung advise mo." aya ko kay Ayra na tumatawa habang tinitext ko si Dustin. "Ayaw mo nun? Hard to get ka." sabi niya. "Gusto pero hindi." sagot ko. "Ay ewan, heto na sana oh sinusubo na ng mundo yung pagkakataon, niluluwa ko pa." dagdag ko. Wala lang sinabi si Ayra except sa tawa siya ng tawa.

Pag-uwi sa bahay, nandun si Mama at Papa. Dumeretso ako sa kwarto dahil na badtrip. "Anong nangyari dun?" rinig kong tanong ni Mama kay Ayra na nasa baba. Sinarado ko ang pintuan para di ko talaga sila marinig; gusto kong mapag-isa.

Sana naman totoo ang deja vu. Yung tipong aakyat na naman siya sa bubong namin, tas susundan ko siya sa taas at dun magmomoment. Hays ang saya kaya nun.

"Day after day..." rinig kong kanta ng isang lalaki sa labas... Matignan nga sino yung nagcacarolling kahit malayo pa ang pasko.

"But if I let you go..." SI... SI... DUSTIN!!!!!!

Di ko alam anong nangyari, para ba akong nanalo sa lotto, yung tipong nabunot sa sugod bahay, yung tipong nakahula sa tamang trabahador, yung tipong pinili ang tamang kahon at nanalo. OMG!!!

Agad akong bumaba at binuksan ang pinto... SIYA NGA!!!

"Dustin, anong ginagawa mo?" "Hinaharana ka, para ipakita sa'yong sincere ako." sagot niya. "Sincere saan?" rinig kong tanong ni Papa na nasa likod ko lang. "Ahh ano Pa... Ma." explain ko. Ughh pano ba humanap ng palusot?

"Mahal ko po siya." sagot niya.

Tinignan ko siya ng mabuti, kitang kita kong namumula yung mukha niya.

Grabe ang lakas ng heart beat ko. Siya naman, grabe ang pawis, pero di nakakabawas pogi.

"Mahal mo yung anak ko?" tanong ni Papa. "Mahal mo yung anak namin?" tanong naman ni Mama. "Mahal mo ako?" tanong ko.

"Opo, at hindi po ako mahihiyang sabihin yun." sabi ko.

Tama ba yung narinig ko? Mahal ako ng crush ko!?

Best feeling in the world.

Hindi na siya imagination <3

"Halika, dito ka sa loob manligaw." aya ni Papa. "Manligaw?" gulat ko with matching innocent reaction. "Sus, hindi pa ba yan obvious?" sabi ni Mama. "Trix, alam namin all along sino yung crush mo." sabi naman ni Papa. "Huh? Paano?" tanong ko. "SORRRRY BESTIEEEEE!!!" rinig kong sigaw ni Ayra. "BESTIE NAKAKAINIS KAAAA!!!" sigaw ko tas pumasok sa loob at binugbog ko siya, dahil... Dahil KINIKILIG AKO!!!. "Hoy! Dustin, tignan mo nga si Nica, kinikilig. Hinahampas ako." sabi ni Ayra na pilit ko pa ring hinahampas.

"Dustin, ituloy mo nga yung plucking, si Nica naman yung kakanta." sabi ni Ayra kaya nagpluck si Dustin. "Ano ka ba Bestie, ayoko, nakakahiya!" sabi ko. "Sige na Bestie." kulit ni Ayra. "Sige na Nicatrix." sabi naman ni Dustin sabay ngiti. Mas pogi pala siya kung kinikilig. "Sige na nga." sabi ko. At ayun nagkantahan kami kaso pinutol ni Papa dahil kakain muna daw kami.

Sa hapagkainan — AWKWARD. Di ko siya kayang tignan. Si Ayra naman, pinisil ako ng pinisil ughh nakakainis pero masaya. "So anong plano mo sa anak namin?" tanong ni Papa. "Po?" gulat ni Dustin. "Pa naman, hindi kami pa magpapakasal." sabi ko. "Hindi pa... Haaa." comment naman ni Ayra. "Bestie, utang na loob tumahimik ka." sabi ko kay Ayra, pero sila ni Mama, tawa lang ng tawa. "Sir, Ma'am, hihingi po ako ng pahintulot kung pwede kong ligawan si Nica." sabi ni Dustin.

WHAT!? Tinanong niya sina Mama at Papa? May lalaki pa rin palang ganito? Tumpak yung pagiging dalagang Filipina ko!

"Pwede naman sa'kin." approve ni Mama. "Di pwede, dapat tapusin niyo muna yung pag-aaral niyo." sabi ni Papa. ARAY BAWAL! PAPA NAMAN!!! "Pero joke lang!" sabi ni Papa. Hay salamat naman at nabawasan kami ng tinik sa puso. "Kita ko namang mabait kang tao Dustin at ginalang mo kami sa pamamagitan ng paghingi ng pahintulot. Sabihin na nating payag kami ng Mama ni Trix. Eh ang tanong, papayag ba si Nica?" dagdag ni Papa. "Tito, tinatanong pa ba yun?" satsat ni Ayra. "Huwag ka nga Bes." sabi ko kay Ayra na pilit akong tinutukso. "Mamaya niyo na yan pag-usapan dalawa pagkatapos ng kainan." sabi ni Papa. "Pa! Tapos na po akong kumain, busog na busog na po ako. Sige Dustin, hintayin kita sa labas, dun tayo mag-usap." sabi ko. "WOW BESTIE EXCITED LANG!?" react ni Ayra. "Huwag ka nga Bestie, I've been waiting for this all my life." bulong ko kay Ayra.

Lumabas ako ng bahay at doon ko siya hinintay.

Naisipan kong pumunta sa bubong para mas romantic. Dito ko kasi siya unang... Minahal?

Kita kong lumabas siya ng bahay at naghahanap. "Hoy Kriminal!" tawag ko sa kanya na nasa baba. "Oy Crush, andiyan ka pala." sabi niya. "Gusto mo akong ligawan? Akyat ka dito." sabi ko. "Huh? Paano ba ako makaka akyat diyan?" tanong niya. "Ewan ko sa'yo. Di ba nga nakapunta ka na dito?" tanong ko. Ngumiti naman siya, at sa bubong ng kapit bahay dumaan papunta sa'kin.

"Hoy! Bat dun ka dumaan?" tanong ko. "Ganoon yung ginawa ko the last time eh hahaha." sagot niya. "Ano ka ba, may hagdan naman dito sa gilid ng bahay namin." sabi ko. "Nako, marami ka pa palang dapat matutunan, sus baka mahuli ka agad-agad." dagdag ko. "Anong mahuhuli? Di naman ako kriminal." sabi niya tas tinabihan ako sa pag-upo. "Nahuli ka na ba ever?" tanong ko. "Ngayon lang." sagot niya. "Huh? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. "Ikaw kaya yung nakahuli sa'kin, hinuli mo yung puso ko." sagot niya. Nako cheesy, hinampas ko siya sa kilig. "So ano Nicatrix?" tanong niya. "Anong ano?" tanong ko na para bang inosente. "Ano... Pwede ba kitang ligawan?" tanong niya.

Tinignan ko yung mga mata niya, ang ganda. Yung tipong kita mo ang sincerity sa mukha niya.

"Alam mo, hindi kita marinig. Isa pa nga." utos ko, para naman sulit yung kilig. At nagtanong siya,

"Nicatrix Dimanakawan, pwede ba kitang ligawan?"

Mahal ko siya. Pumula man ang pangalan ko, umorange man yung suot ko, dumilaw man lahat ng bulaklak, maging berde man lahat ng telebisyon, maging blue man lahat ng pulis, maging indigo man lahat ng shop, at maging purple princess man ako. Ay teka, ano bang pinagsasabi ko!?

Yung mahal ko — siya yung mugshot na iniisip ng utak ko. Siya yung alahas na nagpapakinang sa buhay ko. At higit sa lahat siya yung drugs na nagpapa-high sa puso ko. Kinidnap niya ako, hinostage pa, at minurder ng pagmamahal. Binaril niya lahat ng mga bad vibes sa utak ko. Siya yung rumisponde noong nahulog ako. At higit sa lahat, kinulong niya yung puso kong mapagmahal. Tama pala ako all along, Kriminal Pala Ang Crush Ko.

----------------

May pagkakataon talaga sa buhay na binibigay na sa'yo ang pangarap mo, pero ang tanong, tatanggapin mo ba ito agad? Para sa'kin, huwag. Isipin mo munang mabuti kung ano ang mga consequences nito. Mas mabuti ng sigurado kaysa magsisi sa huli.

Sa buhay ni Yvonne, natuto siyang umintindi sa mga bagay-bagay. Sa buhay ni Ivan, natuto siya na sa pagmamahal, dapat magtira rin para sa sarili. Sa buhay ni Ayra, natuto siyang maging positive kahit na marami siyang dinaanang problema. Sa buhay ni Dustin, natuto siyang magpatawad kahit na mahirap. At sa buhay ni Nica, natuto siya na the best things come to those who wait.

Sana may napulot kayong aral sa kuwentong ito. Sa tingin niyo, sasagutin kaya ni Nica si Dustin? Kayo na ang bahalang gumawa ng ending.

Maraming salamat sa pagbabasa ng KPACK!

Hanggang sa susunod na kuwento...

O hanggang sa susunod na kabanata?

Hanggang sa muli, paalam!
- Detective9


Kriminal Pala Ang Crush Ko
by Detective9
All Rights Reserved
Copyright 2016

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 53.1K 34
The Wattys 2016 Collector's Edition Winner Dear Commenter, Nami-miss ko na ang comment mo. Sana mag-comment ka na ulit. Kapag nagko-comment ka kasi n...
56.3M 994K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
32.4M 823K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
7.1M 352K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...