CHAPTER 28: SLIPPED AWAY
CHASE’S POV
Yun ang dahilan kung bakit ako nagbago. Pareho lang kami nawalan ng minamahal pero bakit ganun siya kagalit sa mundo? Sakin? Nagagalit ba siya dahil kasing cold niya ako? Bahala na siya! Psh!
Simula ng mawala si Shey, naging miserable na buhay ko. Coz like what i’ve said. I lost my life. The reason of having a good life. At the age of 16 nagsimula na akong uminom. Lahat na ata ng katarantaduhan nagawa ko na. Natuto akong mambabae. Pero hanggang isang araw o dalawa lang ang itinatagal ng relasyon, di naman ako seryoso eh. Lahat ng magpapadisappoint at magpapasakit sa ulo ng parents ko nagawa ko na. Isa lang ang hindi ko na nagawa simula ng pigilan nila ako magpakamatay hindi ko na ulit inulit pa magtangka. Pinahirapan ko nalang at pinarusahan ang sarili ko. Kung bakit? Hindi ko alam.
But i think it’s Because that’s the only thing that comes in my mind para hindi ako maging Masaya.
But because of my 2 crazy bestfriends im still happy and alive kahit na eto ngat cold ako sa ibang tao. Ibang iba ang attitude sa iba.
..............................
The next morning.
I received a text from Dad na uuwi sila.
I don’t know why. But i didn’t bother myself asking. Bahay din naman nila to kaya makakauwi sila kahit kelan nila gusto.
*toot**toot*
1 message received!
I open the text message to read it.
FROM COLE: tol, labas tayo maya ah. Hang out with new girls! :D
Tsss! This Casanova! Napailing nalang ako.
TO COLE: ge lang. Text mo nalang sakin kung san.
Reply ko sa kanya. Nasasawa narin naman ako dito sa bahay.
Dumating ang hapon at talaga namang bored na bored na ako. Grabe ah. Maghapon akong nakahiga, nood ng tv, harap sa laptop, ipad, psp, at phone na mga walang kwenta. Di manlang natanggal pagkabored ko. Aish!
*toot*
1 message received!
FROM COLE: chase be ready ng 7pm. Daanan ka nalang namin dyan ni Jan.
Pagkabasa ko ng text niya naligo at nagprepare na ako. Pag nalate pa naman sa mga kumag na yun eh magpapalibre ng kung ano anong mga mahal.
As expected dumating sila ng 15mins before 7pm. Ang early bird nitong mga to eh.
Sumakay na kami sa kotse ni Jan. Kung kay Jan nga ba to. Parang bago eh.
“bago?” tanong ko sa kanila.
“oo pre, regalo sa kanya ng chicks! Haha!” mapang asar na sagot ni Cole.
“tss.” – Jan
“eh? Di nga?! Akalain mo yun.” Pag gatong ko pa kay Cole.
“magsitigil nga kayo!.” Iritableng sabi ni Jan. See? Tatlong salita lang.
“bakit papababain mo kami?” –cole
Itinabi ni Jan ang kotse at tsaka tumigil.
“oo. Baba!” straight face na sabi ni Jan.
“oy biro lang! Grabe ah! I love you!” pang aasar ni Cole.
“tigilan mo na nga siya Cole kung ayaw mong di tayo matuloy.” Awat ko sa kanila. Di na naman kase matatapos yang asaran pag di inawat eh.
Nag simula na ulit magdrive si Jan at wala ng nagsalita hanggang sa makarating kami sa isang bar. Is called Haven’s bistro.
At sa isang table na tinuro ni Cole ay may tatlong babaeng naghihintay sa amin.
Hmm! Not bad! *SMIRK*
...............
KIEN’S POV
*riiiiiiiiiing*
Ugh! Ang istorbo naman nito.
Masyado akong puyat dahil kagabi. Ano ba naman yan!
I answered the call without looking who’s calling.
“whaaaat?” sabi ko sa basag na boses. Yung pambagong gising.
(kien, its me Rob.) sabi ng nasa kabilang linya.
“oh! What is it?”
(we wanna know what’s your decision.)
“okay. Babalik na ako ulit. Yun lang ba?” antok na antok pa ako. Ano ba!
(t-talaga? Thanks kien! Sige babalitaan ko na sila.) – tila excited niyang sabi.
(uhm... free ka ba tonight?) – dagdag niya pa.
“ha? Siguro. Bakit?”
( may gig kase tayo mamaya eh.) – nahihiyang tono ng salita ni Rob.
“text me saan at oras. I’ll hang up na. Bye”
At pinatayan ko na nga siya. Ako’y antok na antok pa.
Makakatulog na sana ako ulit ng biglang maalala ko kung ano na nga bang oras na.
ASDFGHJKL. WHAT THE!! Alas dos na? Tapos mamaya na ang gig? Walang rehearsal to? Tagal ko ng di pa ulit kumakanta. Baka kinalawang na ako.
Bumangaon na ako. Nakaramdam na rin ako ng gutom.
Pagbaba ko tahimik ang buong bahay.
Walang tao? Mabuti naman.
“kien!”
Napapitlag ako sa gulat. Si ate kase bigla nalang ako tinawag galing sa likod.
“po?” sagot ko. Ang bait ko ngayon ah.
Kagabi lang sumasagot ako kay Papa.
“wala naman! ^__^”
Puuuuuuuusang yan! Wala naman? Kinabahan ako wala naman? Napapatawa tuloy ako. Muntanga talaga tong si ate.
“tsk! Baliw ka talaga ate!” natatawa kong sabi.
“oh! Omo!” sabi ni ate habang tinuturo ako. Problema nito?
“ha? Bakit?” nangunot noo ko sa pagtatanong.
“tumatawa ka na?” gulat na sabi parin niya.
“bakit? Marunong naman talaga ako tumawa ah.” Balik sa seryosong mukha.
“isa pa nga baby!” hirit niya.
“ayoko nga. Kakain pa ako. May gig ako mamaya.”
“ha?! Bumalik ka na din sa banda mo?”
Tumango nalang ako. Di ako titigilan nito eh.
Gusto kong ngumiti ng ngumiti sa harap ng ibang tao. Pero madamot ako kaya... ayoko! Haha :P
Kumain na nga ako at nahiga ulit ng isang oras pa then after that nagprepare na ako. Bagal ko kumilos eh. Haha!
Bandang 6:30pm ng mareceive ko kung saan yung location kaya umalis na ako agad. Sigurado ako late ako nito. -.-
Time check……..
8 o’clock.
Dapak! Mag start na kami. Di pa rin ako makapagpark wala ng espeys! Ba yan!!
*riiiiiiiiiiiiiing*
- Gelay-ingay calling.......
“bakit?”
(ay ang cold ni atey! Asan ka na?) sabi niya sa kabilang linya.
“sa parking lot ng Haven’s bistro. Bakit?” deretso kong sabi habang paikot ikot parin para makahanap ng space.
(dalian mo nag aayos na sila sa stage. Wala ka parin!) pang aatat niya.
“tss! Eh wala ngang space eh. Gagawin ko? Tsaka bat andyan ka? Bat alam mo to?”
(siyempre! I have my connections! Haha!)
“ewan ko sayo. Lumabas ka kaya dyan at ikaw magpark ng kotse para makapasok na ako.”
(bat ang inet ng ulo mo Kien? Pms?) pang aasar pa niya.
“bye!” then pinatay ko na yung call.
May nakita narin akong space. At last!
Pagkapark ko, binulsa ko lang yung phone ko at susi tsaka tumakbo papunta sa loob ng bistro.
“hey! Late na ba ako?” humihingal kong tanong kay Rob.
“sakto lang. We’re just about to start. Kala ko di ka pupunta eh.” Sabi naman ni Rob na ang ganda ng ngiti.
“sinabi ko ng babalik na ako diba?”
“we’re glad you’re back.” Sabi ni patrik na may maliit na ngiti sa labi.
Sa isang desisyon ko marami na akong napapasaya. Masaya pala to. I miss making people happy. Ang gaan sa dibdib.
“let’s go guy! Lets rock the stage with Kien.” Masayang sabi ni Kev our pianist.
Umakyat kami ng stage at habang madilim pa i asked Rob kung ano ba ang first song namin.
Natawa ako nung sabihing love song yet hindi sobrang senti ang mga requested song tonight. Gandang welcome back nito. Love song eh no? Haha. Nagdownload siya ng lyrics sa Ipad niya at ginawang guide ko para di daw ako malito. Thats what i like with Rob. Laging prepared.
Tumugtog na kami. 8 songs lang naman ang tutugtugin namin.
“so for our last song tonight.......... SLIPPED AWAY.” Nalungkot ako.
Tss anong nanyayari sakin? Kanina natawa pa ako sa mga kinakanta ko ngayon nalulungkot ako?
Argh! Nakakainis din! Bat kase upon request ang kinakanta ko? >.<
Umaatake na naman mood swings ko! Tss.
Nag simula nang mag piano si Kev. All i need is timing. Sana tumama sa timing yung kanta ko. Wala na ako sa mood. naeemo ako sa kanta eh.
Na na,
na na na, na na
I miss you, miss you so bad
(ito pa lang kinakanta ko nakakaramdam na ako ng sakit. T.T what happened in this song is not exactly what happened to me. pero i still feel the pain.)
I don't forget you,
oh it's so sad I hope you can hear me,
I remember it clearly
(its killing me! di ko alam kong matatapos ko ang gig namin dahil sa pagkanta nito. Ang sakit! BRYAN!!)
The day you slipped away
Was the day I found it won't be the same
(its never been the same since the day he passed away.)
Na na, na na na, na na
I didn't get around to kiss you
goodbye on the hand
I wish that I could see you again,
I know that I can't
(kung pwede nga lang Makita kita ulit. Kung pwedeng lang bumisita dyan sa kinaroroonan mo gagawin ko. Kung pwede lang pumunta na rin ako dyan.)
I hope you can hear me,
'cause I remember it clearly
The day you slipped away
Was the day I found it won't be the same
I've had my wake up,
won't you wake up I keep asking why?
(bakit nga ba ikaw pa? Diba? Of all the worse people bat sayo pa napunta ang sakit na yun eh ang buti mo namang tao.)
And I can't take it,
it wasn't fake it
It happened you passed by
Now you're gone,
now you're gone
There you go,
there you go
Somewhere I can't bring you back
(eto na. Durog na durog na naman ako. Ansakit! Bumalik na lahat ng sakit. Miss na miss kita. Bat ba kase ang layo mo sakin? Bat anlayo niyan? Come back to me, but i know its impossible. T.T)
Now you're gone,
now you're gone
There you go,
there you go
Somewhere you're not coming back
The day you slipped away
Was the day I found it won't be the same
The day you slipped away
Was the day I found it won't be the same
Na na, na na na, na na
I miss you
>A/N: uwaaaah! First of all, pasensiya na talaga sa mga mali ko. Sorry talaga. Unawain niyo nlang po ako. hehe. Second, salamat sa lahat ng bumabasa ng story na to. Im happy to see that more than 3K reads na ang IPMHIP. ^__^ sobrang saya lang po talaga. Yung mga nagleleave ng comment and votes. Salamat talaga. Sobrang nakakatuwa. 3k palang yung bumabasa pero tuwang tuwa na ako. Hindi ko kase akalaing may magbabasa nito. Kase po di naman ako kasing galing ng ibang writers dito sa watty. Actually kung ano po sinusulat ko eh yung tumaktakbo lang sa imagination ko. Kaya humihingi di ako ng paumanhin kung minsan or madalas na sabaw or wala lang yung UD ko. Pasensiya na po talaga.
So yun! Hehe.
At tsaka nga pala po, sino magaling mag gawa ng mga book cover? If ever po meron help me please? Para maiba natin yung cover. Masyado simple eh. Di kase ako magaling sa edit edit eh. Hihi! Yung makakapaggawa ng magandang cover para sa IPMHIP eh idededicate ko sa kanya yung isang chapter.
Yun! Haha.s alamat po ulit! ^__^ lalo ako tumataba sa support niyo.
Feel free to comment po ah. Sobrang nakakatuwa pong mabasa yung mga comments niyo eh. Mas nakakainspire siya.
Sorry sa mahabang AN hehe.
Melovesyou! :*