To Be Only Yours

By youngkyongji

128K 2.5K 191

Isang taon na simula noong nag hiwalay si Samson at Rosalyn. Ngunit hindi maintindihan ni Samson ang nararamd... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 46

2.1K 36 1
By youngkyongji

Dalawang araw na ang nakakaraan matapos matulog sa bahay si Samson na hindi man lang nalaman nila Mama. Hindi ko alam kung paano niya napapayag si Kuya. Hindi ko alam kung paano niya na brainwash si Kuya dahil hindi man lang niya sinabi saakin ang pinag-usapan nila.
Dahil inis na inis ako sa kanya noong gabing iyon ay syempre nagpasuyo din ako. Nagkunwari akong nagtatampo kahit hindi naman. Isang oras din niya akong linambing hanggang sa tuluyan na akong bumigay sa alindog niya. We made out and sleep. Nang sumapit ang alas kwatro ay saka siya umuwi.

Nagpigil ako ng ngiti at sinend ang mensahe ko sa kanya. Alas nwebe pa lang ng umaga pero buo na ang araw ko sa mga malalambing niyang text. Higit sa lahat ay excited na akong makasama siya mamaya dahil dalawang araw din siyang wala. He went to Ilocos Norte with Isaiah and Abraham. Ani niya'y may aasikasuhin daw siyang business doon at sumabit lang mga pinsan niya.

Kaya pala nagmamadali siyang umalis noong araw na 'yon dahil may pupuntahan pala ang loko.

"Rosalyn, make me a cup of coffee, please." anas ni Dean mula sa opisina niya.

"Yes, Sir." linapag ko ang phone at nag timpla ng kape niya.

Napapikit ako ng maamoy ang aroma ng kape. Natakam tuloy ako dahil mahilig din akong mag kape. No. I'm a coffee addict. Kapag gusto kong magpuyat ay nakakaubos ako ng tatlong baso ng kape.

"Sir, ito na po."

"Thank you." nginitian ako ni Dean, tinikman ang kape niya.

Bumalik ako sa mesa. Kinuha ko ang phone, tinignan kung may reply na si Samson ngunit wala pa akong natatanggap. So eager, Rosalyn? Napailing ako at inayos ang mga papeles sa lamesa. Can't help it. Miss na miss ko na siya kahit gabi-gabi naman kaming nag-uusap sa telepono. He talked dirty on the phone and made me wet down there kahit na ang layo layo namin sa isa't-isa.

Muntikan narin kaming mag made out sa telepono. Sex on the phone isn't my style pero kapag si Samson na ang nagsalita ng mga maruruming bagay ay nag-iinit na ang katawan ko. He teased me and saying sweet words every time he calls.

Kaya naman kahit ang layo layo namin sa isa't-isa pakiramdam ko ay magkasama parin kami. He always sweet and horny. Unti-unti ko ng nasisilayan ang isa pa niyang katauhan at buong puso kong tinatanggap ang pagkatao niya. I love him.

Lumipas pa ang isang oras. Wala akong ibang ginawa sa opisina kung hindi ang mag-ayos ng mga papeles na kakailanganin ni Dean para sa meeting. Nag paalam lang ako saglit sa kanya upang bumili sa labas.

Nang nasa lobby sumilay ang malapad na ngiti sa labi ko ng makita ang paparating na Navara ni Samson. Wow! Napaaga yata siya? Ang alam ko ay mamayang hapon pa siya makakarating. Pumwesto ako sa tabi ng gate. Hinintay siyang lumabas. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko ng bumukas ang pintuan.

Ang ngiti sa labi ko ay biglang naglaho ng hindi si Samson ang lumabas kung hindi ay si Talia. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng sumunod si Samson. Hinawakan niya ang kamay ni Talia at inalalayang tumuwid ng tayo.

"Easy." anas niya at kinuha ang bag kay Talia.

Nang dumako saakin ang tingin ni Talia ay tinaasan niya ako ng kilay. Sinundan ni Samson ang tingin niya. Halos mabitawan na niya ang bag ni Talia ng magtama ang mata namin.

What the hell is this? Bakit sila magkasama ng ganitong oras? At bakit mag kasiklop ang mga daliri nila. Bumuka ang labi ko ngunit kaagad ring sumara. I don't know what to say. Dalawang araw siyang nawala at sa pagbalik niya ay si Talia na ang kasama niya?

"Sam-" I blurted. Nangilid ang luha sa mata ko ng ilipat ni Talia ang kamay sa braso ni Samson. Mahigpit ang pagkakapit niya na halos magusot na ang sleeve ng damit niya. She mocked a smile and kissed his cheek.

"Let's go, babe." anas niya at hinila paalis si Samson.

Wala sa sarili akong naglakad hanggang sa dalhin ako ng sariling paa sa 7/11. Nanginginig ang katawan ko sa kaba at galit. Napatakip ako sa labi at humikbi. Hindi ko na namalayan pa at tumakas ang masasaganang luha sa pisngi ko.

Hindi ko lubos maisip na makikita silang magkasama. I thought everything about them was over. Pero ano ang ibig sabihin ng nakita ko? Ang ngiti sa labi ni Talia. Na para bang may paligsahang naganap at siya ang nanalo. Ang poot at galit na naranasan ko noon ay muling nanumbalik.

Wala man lang ginawa si Samson kung hindi ang titigan ako at nag pahila kay Talia. Ni hindi man lang niya ako linapitan, hinawakan, kinausap at nag paliwanag. Basta na lang niya akong linagpasan at tinitigan na parang wala lang ako sa kanya.

I can't see anything but anger and worried on his eyes. Those pair of eyes that I once adored. Ang mukha niyang namumutla at halos pagpawisan na. God. Anong ibig sabihin nito? May hindi ba siya sinasabi saakin?

Napunas ako ng luha at hininalamos ang palad sa mukha. What happened in Ilocos Norte? Sa pagkakaalala ko sa sinabi niya noon ay may makakasama siya upang tignan ang isang planta doon. Could it be Talia's family? Oh my God.

Nag panic ako at hysterical na tumayo. Kumuha ako ng tubig at ininom. Bumalik ako sa kinauupuan at kinalma ang sarili ngunit hindi ko magawa. Gusto ko siyang sugudin at bombahin ng tanong ngunit nangingibabaw ang galit sa katawan ko. Humugot ako ng malalim na hininga at tumayo. Binayaran ko ang tubig bago tuluyang umalis.

Kailangan ko siyang maabutan. My God. Kailangan kong malaman lahat lahat ng nangyari sa nakalipas na dalawang araw. He's so sweet when he's talking over the phone. He treasured me and said how much he loves me. Wala akong nakikitang problema. Ang huli niyang text ay excited na daw siyang makita ako at may pasalubong siya saakin.

Naibagsak ko ang balikat ng hindi ko na nasilayan ang sasakyan niya sa labas ng building. Napatigil ako ng marinig ang boses ni Talia habang kausap mga kaibigan niya.

"Ibig mong sabihin nagkabalikan kayo ni Samson?"

"Mmm-hmm," napapikit ako ng mariin ng humagikhik pa siya.

"And, sumama ako sa Ilocos Norte kaya nag absent ako ng dalawang araw. Doon siya humingi ng tawad sa pagloloko niya at doon ako sinuyo. God! Kung nakita niyo lang sana kung gaano siya ka sweet saakin noong araw na 'yon. Kinantahan pa niya ako sa harap ng madaming tao mapa-oo lang ako."

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at pumasok sa opisina. Napapupo ako sa sahig sa gilid ng lamesa. Binaon ko ang mukha sa tuhod at humagulhol ng iyak. Parang piniraso ang puso ko sa narinig. How could him hurt me again! He fooled me! He lied to me!

Matapos kong pakawalan si Felix para sa kanya. Matapos ko siyang bigyan ng isa pang pagkakataon. Matapos kong ibigay ang sarili sa kanya ay ganito ang isusukli niya? Sa likod ng mga matatamis niyang salita ay kasinungalingan at panloloko ang ginagawa niya.

God, Rosalyn, nag pauto at nagpaloko ka nanaman kay Samson.

Wala na ako sa sarili hanggang sa sumapit ang hapon. Ni hindi ako kumain at tulala lang sa upuan. Mabuti na lang at umalis si Dean dahil ayokong nadadamay ang trabaho ko sa personal kong buhay. Nagpalakad lakad ako ng walang patutunguhan sa city.

Pinatay ko ang aking phone dahil sigurado akong tatawagan niya lang ako. Ang tumatakbo sa isipan ko ay ang panloloko saakin ni Samson. Lahat ng kasinungalingan niya ay parang gulong na patuloy sa pag-ikot sa isipan ko.

Tumigil ako sa paglalakad sa over pass. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatayo dito. Patuloy lang ako sa panonood sa mga taong dumaraan sa plaza hanggang sa dumilim na ang paligid. Tuyo na ang luha sa pisngi ko ngunit patuloy parin  sa pag-agos ng dugo sa puso ko. Para akong sinasaksak ng buhay sa isiping nagkabalikan si Samson at Talia.

Saktong pagbaba ko ng overpass ay tumigil ang mga sasakyan. Ang itim na sasakyan sa harapan ko ay bigla na lang bumukas ang bintana. Napatingin ako sa kanya. Muling nangilid ang luha sa mata ko ng masilayan si Felix. Punong puno ng pag-alala ang mukha niya.

"Rosalyn," napayuko ako. Ayokong makita niya ang namumula kong mata.

Umangat ang ulo ko ng lumabas siya at linapitan ako.

"Felix,"

"Come here, ihahatid na kita."

Nagpigil ako ng luha ng alalayan niya akong umupo sa passenger seat. Nanuot sa ilong ko ang amoy niyang minsan ko ng minahal. Wala siyang imik ng umupo sa tabi ko ngunit pansin ko ang madilim niyang mukha. Salubong ang kilay at mahigpit ang hawak niya sa manibela. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Hindi ko alam kung paano siya haharapin matapos kong makipaghiwalay sa kanya.

"Ayoko pang umuwi, Felix." tumingin siya saakin ngunit hindi siya sumagot. Tinikom ko na lang din ang bibig ko hanggang sa dalhin niya ako sa diversion.

Inlalayan niya akong bumaba at pinaupo sa hood ng sasakyan niya. Nangingislap ang paligid mula sa mga ilaw na nanggagaling sa kabahayan.

"What happened? Why are you crying?" agaran niyang tanong ng makaupo sa tabi ko.

"He fooled me, again." ang unang lumabas sa bibig ko.

Napahikbi ako. Wala akong lakas ng loob upang salubungin ang madilim niyang mata. Ayokong isumbat niya saakin na tanga ako at mas pinili ang lalaking minsan ng sinira ang buhay ko kaysa sa kanya dahil totoo ang paratang niya.

Ayokong maramdaman ang sakit dahil hinihila niya ako pababa hanggang sa wala ng matira sa sarili ko. Gusto ko ring may isang taong magsabi at ipamukha saakin na naloko nanaman ako upang matauhan. Hindi ko alam kung anong mas masakit, ang muling bigyan ng pagkakataon si Samson at muli siyang mahalin o ang paulit ulit na lang akong nag papakatanga sa kanya.

Napahagulhol ako ng iyak sa dibdib ni Felix ng ikulong niya ako sa bisig niya. Napayakap ako sa kanya at binuhos ang sama ng loob ko.

"Gago. Shit… gago siya!" anas niya. Punong puno ng galit at suklam ang boses niya.

Hindi ako sumagot at impit na umiyak sa bisig niya. Hindi ko alam ang sasabihin sapagkat totoo ang sinabi niya. Gago siya at ako naman ay nagpakagaga. Kumalma ang katawan ko ng hagurin niya ang likod ko at pinaliguan ng halik ang buhok ko.

"Shh… tama na, Rosalyn. Nandito lang ako, hindi kita iiwan."

Mas domoble ang sakit na naramdaman ko sa sinabi niya. Kung sana hindi ko iniwan si Felix, sana ay hindi ako nasasaktan ng ganito. Humiwalay ako sa kanya at pinunasan ang luha ko. Tumawa ako ng walang sa sarili.

"I'm okay, Felix. I'm… … okay." naibagsak ko ang aking  balikat. God. I am not okay.

Tinulungan niya akong punusan ang luha ko at dinampian ng halik ang noo ko. Ayoko ng sumbatan pa ang  ginawa niya. Matapos ko siyang iwan, heto at siya pa itong aalalay saakin. God, Rosalyn. You're a mess.

"Gusto mo bang pag-usapan ito?" mabilis akong umiling at ngumiti ng pilit. Ayoko ng madamay pa si Felix dito. Hindi na siya akin upang ayusin ang problema ko.

"No. Please…" tumango siya at hinaplos ang pisngi. Mukhang nakukuha naman niyang ayoko ng ungkatin pa ang natamong ito. Punong puno ng pag-aalala at lungkot ang mata niya.

"I miss you." isang ngiti lamang ang binigay ko. Iniwasan ko ang titig niya. Ayoko ng sumagot pa at baka mas lumala lang ang sitwasyon. Napabuntong hininga siya at bumaba ng sasakyan.

"Kumain kana? Can I treat you?" atleast ay may isang tao paring aalalay saakin. Hindi ko nga lang inaasahan na si Felix ito. Gusto kong mawala sa isipan ko si Samson kaya naman tumango ako at kumapit sa bisig niya ng alalayan niya akong bumaba.

Mukhang nahalata naman nyang ayokong magsalita at tahimik lang kaya naman hindi ako kinakausap ni Felix pabalik sa city. Kumain kami sa isang fast food. Panaka naka siyang tumintingin saakin, aalalayan na parang isang babasaging bagay.

"Kamusta kayo ni Jairus?" napatigil siya sa biglaan kong tanong. Ngumiti siya na hindi abot ng kanyang mata

"We're good."

Nakahinga ako ng naluwag. Mabuti naman kung ganoon. Kita ko naman sa mata niya although hindi lang ganoon ka intense. Maybe he's having a hard time too. Dumagdag pa ako.

Nang matapos kumain ay nagpahatid na ako pauwi. Lumalalim na ang gabi at baka hanapin nanaman ako sa bahay. Kalmado na ako ngunit muling inatake ng kaba at galit ang dibdib ko ng masilayan ang sasakyan ni Samson sa labas ng bahay.

Nang huminto ang sasakyan ni Felix ay kaagad na umangat ang ulo niya at umayos ng tuyo. What is he doing here? Bumaba si Felix at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya akong bumaba at pinisil ang braso ko. May pinapahiwatag siya at alam ko kung ano 'yon.

"Take a bath first before you sleep, okay?" malambing ang boses niyang sabi. He's doing it with purpose and thank God!

"Pakikamusta narin ako kay Hardin and call me when you need someone. 'Yong hindi ka sasaktan at aalagaan." tumango lang ako at hindi tumingin kay Samson kahit na nararamdaman kong nakatitig siya saamin.

"Okay. Thank you, Felix." tumango siya at ganoon na lamang ang gulat ko ng halikan niya ang labi ko.

"You'll thank me for this." anas niya. Yinakap ako at hinalikan ang noo ko bago bumalik sa sasakyan niya.

"Bye. Ingat ka. Good night, Felix." isang tango lamang ang sagot niya bago tuluyang umalis.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago hinarap si Samson na ngayon ay nakaawang ang labi, hinang hina ang katawan niyang nakasandal sa sasakyan.

Continue Reading

You'll Also Like

128K 2.5K 52
Isang taon na simula noong nag hiwalay si Samson at Rosalyn. Ngunit hindi maintindihan ni Samson ang nararamdaman niya kung bakit hindi parin maalis...
22.1M 713K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
59.5M 1.1M 38
All his life, Andrius Salazar only wanted three things. A peaceful life that he plans to live to the fullest, he wanted to be left alone by his famil...