Red In Blue (KathNiel) ON-HOL...

By kbdpkid

79.9K 2.7K 275

Red In Blue is currently on-hold. Still, thank you for supporting. More

Red In Blue (KathNiel)
1st Chapter
2nd Chapter
3rd Chapter
4th Chapter
5th Chapter
6th Chapter
7th Chapter
8th Chapter
9th Chapter
10th Chapter
11th Chapter
12th Chapter
13th Chapter
14th Chapter
15th Chapter
16th Chapter
17th Chapter
18th Chapter
19th Chapter
20th Chapter
22nd Chapter
23rd Chapter
24th Chapter
25th Chapter
26th Chapter
27th Chapter
28th Chapter
29th Chapter
30th Chapter
31st Chapter
32nd Chapter
33rd Chapter
34th Chapter
35th Chapter
36th Chapter
37th Chapter
38th Chapter
39th Chapter
40th Chapter

21st Chapter

1.8K 50 2
By kbdpkid

Chapter 21

BLUE'S POV

"Kain ka pa Chandria." anang ni Tita Cassy pagkatapos uminom ng tubig.

"Sige lang po hehehe" sabi ko at sinubo ang laman ng kutsara pagkatapos ay ngumuya.

"Eat more sissy. Enjoy the food" ani naman ni Jill na patuloy din sa pagkain.

Pilit kong inuubos ang laman ng Plato ko na ngayon ay kalahati pa lang ng sinandok ni Red ang nababawas.

Kanina kasi ay dapat lalagyan ko na nang sabihin niyang siya nalang at pagkatapos ay sinabihan din ako na ubusin ko daw ang ilalagay niya.

Habang ginagawa niya iyon ay sumulyap ako kay Tita Cassy at nakita ko ang ngiti sa kanyang mga labi. Tila pigil sa pagtili dahil sa kilig.

Muntik na akong mapairap dahil hindi mapagkakaila na tunay na magkaibigan sila ni mama. Parehong kilig na kilig samin ni Red kahit simpleng bagay lang ang ginagawa niya para sakin.

Kahit ako din naman ay kinikilig pero pilit na itinatago dahil hindi ko dapat maramdaman iyon.

Paniguradong wala lang naman iyon sa kanya dahil isa siyang playboy at ang mga ganoon galaw ay normal sa kanya.

At kahit siguro harap-harapan kong ipakita sa kanya na kilig na kilig ako sa mga ginagawa niya ay wala pa din 'yun sa kanya. Karamihan kasi sa mga babae na ganoon sa kanya ay hindi niya pinapansin at wala siyang pakialam.

Kaya kahit kinikilig ako, isinasarili ko nalang ang pagkahumaling at pagkagusto ko sa kanya.

At isa pa, kahit grabe ang ka-sweetan niya sa harap ng pamilya namin, peke pa din naman ang lahat. Pwera na ngalang sa pagkakaroon ko ng tiny crush sa kanya hihihi

Siguro mas mukha lang talagang totohanan ang lahat kasi sinabi niya na gusto niya ng mas maayos na turingan namin sa isa't isa.

Pero kahit sinabi niya yun maayos naman talaga ang turing ko sa kanya eh. Galing ko kayang umarte pero minsan yung iba, minsan hindi na Arte eh.

Siya lang naman ang masungit diyan una pa lang.

THIRD PERSON'S POV

Habang kumakain ng desserts ang lahat ay nagsimula nang magtanong ang Ina ni Red na katabi sa hapag ay si Jill. Nasa harap naman niya si Blue na ang katabi ay si Red. Ang ama ay nasa ibang bansa dahil may inaasikaso para sa kumpanya kaya wala Ito sa hapag.

"Chandria, kayo na ba talaga nitong baby boy ko?" bira ng Ina habang hinihiwa ang chocolate cake na kanyang ginawa para sa lahat.

"Duh! It's obvious Mame! Aren't yah happeh?" sabi ni Jill at bumungisngis pa.


"Of course I'm happy, baby girl" ganun pala talaga ang tawag ng ina sa kanila.

Napairap si Red dahil sa tinawag sa kanya ng ina pati na din sa kakambal at napangisi naman si Blue pero napawi din nang mapagtanto ang tanong.

Opo. Kaso lang peke. anang sa kanyang isip. ...pero okay na din yun hehe crush ko po siya. Dagdag pa niya sa kanyang isip.

Sasagot na sana ng maayos na sagot pero naunahan siya ni Red.

"Yes ma, she's my girlfriend" sabi ni Red habang nakangiti at kinuha pa ang kamay ni Blue na siyang ikinagulat ng dalaga.

shet! Nakakakilig siguro lalo na kapag totohanan 'to! Sabi ni Blue sa kanyang isip.

Nang humarap si Red sa kanya ay awtomatikong napangiti na din si Blue at tumango tango pagkaharap Kay Cassy.

Hay nako, Blue. Arte lang naman 'yan sa kanya remember? Sabi sa isip.

"Kailan pa, Baby Boy? Diba sabi ko dapat ako ang unang makakaalam?! Paano na 'yung mga nasayang na time para makapagbonding kami ni Chandria?! Alam na ba ito ni Min?! Bakit ako nalang ang walang alam, baby boy?! Bak-" litanya ng Ina sa anak

"Ma! Calm down. Makasama sa baby ang pagiging stress mo. Posibleng pumangit si baby. Sige ikaw din" sagot naman ng anak at nagpatuloy sa pagkain ng dessert.

Mukhang natauhan naman si Cassy kaya tumahimik at ngumuso nalang habang hinihimas ang medyo maumbok na tiyan.

"Wow, Tita buntis po pala kayo. Congrats!" Sabi ni Blue.

"Hihihi thank you, dear" sabi ng Ina "punta ka sa binyag ah"

"Ma! Ang tagal pa nun!" naiiritang sabi ni Red.

"Kahit na. Mas okay na yung planned hihihih pake mo ba?" Umirap ito Kay Red ngunit ngumiti naman ng matamis Kay Blue.

"Sige po pupunta ako, Tita, sa panahong yun. Kaso si Anna nalang yung imbitahin niyo sa oras na yun" binulong niya ang huling linya.

Baka sila na ni Red nun eh. Tapos na yung fake relationship. Sabi sa isip.

Ang hindi alam ni Blue ay narinig ni Red ang kanyang bulong. Pero tinukom nalang ang bibig.

Kung alam mo lang, Chandria. Sabi
ni Red sa isip.

*****

BLUE'S POV

"Ang low pressure area na namataan sa hilagang bahagi ng Luzon ay inaasahan na lalakas mamayang ala's diéz ng gabi. Sa mga uuwi galing trabaho, siguraduhing magdala ng panangga sa ulan at paalala po sa mga bumabyahe, madulas po ang kalsada. Mag-ingat po tayo." Sabi sa TV.

Nandito kaming lahat sa sala nila. Nanood ng tv. Si Jill daw ay magc-CR lang kaya umalis saglit. Ang daddy lang nila ang wala dito.

"Chandria, Is it okay if you sleep here tonight?" nagulat naman ako sa tanong ni Tita Cassy. "Nagtext kasi si Min, dito ka nalang daw muna hihihi"

"P-po? Ah...uhmm.." Nakakahiya. Ano ba 'yang si mama. Masyado akong mahal. Sobrang caring eh.

"Sige na Chandy, dun ka na lang sa kwarto ni baby boy. Ginagawa kasi yung guest rooms namin"

Nakabalik na pala si Jill galing cr.

"Really, sissy? You'll sleep here tonight?!" May excitement sa boses ni Jill pero ako hindi nae-excite.

"Shut up, Jill. Mom said that Chandria sleep in my room. Not yours" pagtataray ni Red. Gwapo niya lalo! Hihihi

Tinignan ko si Red at nakangisi siya sakin. Gusto niya talaga 'tong nangyayari eh! Sabunutan ko siya eh. Wooooh! Gwapo kainis.

"Sure po kayo, Tita Cassy? O-okay lang?" Nakakahiya naman kasi talaga. First time ko makikitulog sa ibang bahay kung sakali.

"Don't worry babe, ako nang bahala kay Tita mommy. I'll call her" inakbayan ako ni Red palapit sa kanya at ngumiti pa siya. May mali sa ngiti niya. Pero ang gwapo niya!

"S-sige po" baling ko kay Tita Cassy na ngayon ay kilig na kilig dahil sa pag-akbay ng mokong.

Muntik na akong mapairap pero pinigilan ko lang.

Putek! Bakit ba ako kinakabahan? Eh matutulog lang naman.

Nagulat ako ng hatakin na ako ni Red patayo.

"Ma, we'll go upstairs. Goodnight" at hinalikan niya si Tita Cassy sa noo. "You sleep early okay?" Sweet and caring. Shit.

"Baby boy ah! Sleep lang. Bawal pa ang baby. Bawal pa yun!" Halos bumuga yata ako ng usok sa tenga dahil sa sobrang pula ko. Nakakahiya!

"...Pero okay lang din naman kung gusto niyo na hihihi" mas lalo yata akong namula. Wtf.


Halos madapa ako paakyat ng magarang hagdan nila dahil sa laki ng hakbang niya.

Jusko! Kamusta naman ang mga biyas ko?

"T-teka lang naman kasi Jared. Antok na antok k-ka na ba?! Kainis na 'to" Utas ko.

Nang makita ko ang mukha niya, namumula ang leeg niya pati ang tenga niya!

"Bakit ka namumula?! May sakit ka ba?!" Sinubukan ko siyang hawakan pero lumayo siya ng konti.

"W-wala"sabi niya "H-halika na! M-matulog na tayo!"

Anyare dito?

Hinawakan niya ang kamay ko at dumiretso na dinala niya ako sa itim na pinto.

Pagpasok ko nagulantang ako sa ganda ng kwarto niya. Ang laki! Tsaka ang linis grabe! Nakakahiya tuloy sa kwarto ko.

"Huy! Diyan ka lang ba sa pinto matutulog?" Tanong niya na nakapagpabalik sakin sa realidad. Ang gwapo niya kasi.



"A-ay sorry" sabi ko at dahan-dahang naglakad papasok.

Nakita kong pumasok siya sa isang puting pinto. Ang dami kasing pinto eh. Apat.

Nagtingin tingin ako sa paligid at may napansin ako sa side table niya. Hahawakan ko sana kaso bago ko pa magawa ay lumabas na siya ng pinto.

"I already called Tita mommy, Chandria. She told me to look after you"

Tumango-tango ako. Habang naglilibot pa din ng tingin sa kwarto niya.

Sinabihan naman niya ako na magshower muna saglit para kumportable sa pagtulog. Pinahiram niya din ako ng damit na pang-babae.

Nagtaka ako kung bakit may pambabae siyang mga damit sa walk in closet niya. Sabi niya meron daw talaga siyang naka-reserve na ganun para if ever na may ganitong pagkakataon daw. Binili niya daw yun nung isang beses na nagmall din kami.

Di ko napansin yun ah!

Kinilig ako syempre pero di ko pinahalata. Hihihi hiya ako ih.

Habang nagb-blower ako, nakatingin lang siya sakin habang nakaupo sa sofa niya kaya medyo nailang ako. Gwapo niyaaa!

"Uhmm.. Sa sofa bed nalang ako ah" May sofa bed kasi siya tapos medyo mahaba din yung sofa niya.

"Okay" simpleng sabi niya.

Okay-zoned mula kay Jared. Haaaaaay okay lang ako...okay lang talaga. Sanay na ako!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

322K 5K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
4.6K 123 14
DISCLAIMER: 📌 In this captivating GL story I've woven, the names, characters, places and events are all born from my boundless imagination or brough...
36.2K 1.2K 98
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
130K 4.6K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...