AILWAG Book2: His Promise [Pu...

By marielicious

49.4M 1M 297K

It seems like everything is falling into place para kina Kurt at Gail. They have a baby on the way, suportado... More

AIWG Book2: His Promise
[1] Gwapo Sa Party
[2] Kahit Pangit Siya
[3] Last Date
[4] Non-sense Jealousy
[5] De' Javu
[6] New Deal
[7] Salawahan
[8] Bebe Wayne
[9] Jumping Into Conclusions
[10] Cousin
[11] Sudden Feeling
[12] 7Eleven
[13] Sleep Over
[14] Eavesdrop
[15] Like OMG
[16] Check-Up
[17] Trip To Sito Maligaya
[18] Awkward Trip
[19] Flirt
[20] Girl Hunting
[21] Super Proxy
[22] Gala Mode
[23.1] Confess Or Dare?
[23.2] Confess Or Dare?
[24] Say It Again
[25] New Friend
[26] Mutual Understanding
[27] Bothered
[28] The Real Him
[29] Cool Dad
[30] Lee Family
[31] Kuya Louis' Wedding
[32] Terror Lola
[33] Parenthood Training
[34] Escape
[35] Hot Egg Pie
[36] Open-Relationship
[37] Suitor
[38] Realizations
[39] Package
[40] At The Hospital
[41] Something Different
[42.1] Tagaytay Escapade
[42.2] Tagaytay Escapade
[42.3] Tagaytay Escapade
[42.4] Tagaytay Escapade
[43] I'm Getting There
[44] Her Threat
[45] Sigh
[46] Conversations
[47] All About Dramas
[48] Danger
[49] All About Her Past
[50] Black Ace
[51] What If?
[52] Oo Na, Mahal Na Kung Mahal Kita
[53] Hindi Ako Bitter
[54.1] X10's Sweet Revenge
[54.2] X10's Sweet Revenge
[55] Set-up Failed
[56.1] Ewan
[56.2] Ewan
[57] Active Baby
[58] Bratinella
[59] I Love You, Too.
[60.2] Saturdate
[61] Online Serenade
[62] The Decision
[63] Impossible
[64] He Needs Me
[65] Anything Or Everything?
[66] The Confrontation
[67] Home Sweet Home
[68] Current Gangmates
[69] Close
[70] Argument
[71] Emotional And Physical
[72] I Am Tired
[73] Quitting
[74] The Result
[75] Stay With Me
[76] Leave Us Alone
[77] Emergency
[78] Emotional Stress
[79] My Fault
[80] Pain, Grief and Hatred
[EPILOGUE]
AIWG Book 2: His Promise Book Version

[60.1] Saturdate

433K 9.2K 2.3K
By marielicious

A/N: Clarification lang. Mas nauna ang timeline ng Married To A Retard kesa dito. Bale, si Lyza yung tinutuloy na new fiancee' ni Liam sa last chapter. Sa hindi makarelate, read niyo nalang ang MTAR. Hohoho~ promote lang eh noh? And so, yung mga nagtatanong kung bakit hindi raw kilala ni Danica si Austin eh parehas naman silang magkakabayan? Kasi po... diba, mas kilala sa pangalan na Kyle si AUstin noon? ^_^ Kung may tanong pa kau, MB/PM/tweet me nalang :)

[60.1] SATURDATE

KAYE ANNE'S POV

I only have 2 classes every Saturday, at ngayon ay dismissal na. Kaya naman, dire-diretso na ako palabas ng building namin. Nagtext nga pala sa akin si Austin kanina. He said that he's going to be late daw sa pagsundo sa akin. Susunduin daw niya kasi ang kanyang Ate Kylie sa airport. Nakuuuuu~ Mamimeet ko na naman si Ate Kylie. Nakakaintimidate pa naman yun! Well, lagi naman akong naiintimidate kahit sa ibang babae. >.<

Tutal, wala pa naman si Austin, naghanap muna ako ng wifi hotspot. At yun ay sa tapat ng Admin. Building. Umupo ako dun sa mga bricks katapat ng garden fences. Buti nalang, dala ko ang Ipad ko.

I immediately log into my facebook account and browse the newsfeed. Yun nga lang, nawalan ako ng gana sa pagfefacebook nang makakita ako ng photo ng isang may eyebags na lalaki at isang napakagandang babae. =__________=

NATHAN WITH DANICA...

"Naks, may chemistry ah..." Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at talagang tinignan ko pa ang mga nakathumbnail pictures nila. Puro, wacky shots lang naman or couple shots perhaps? Okay, is love sweeter than the second time around? >.>

Tuluyan na akong nawalan ng gana sa pag-bobrowse online kaya naman pinatay ko nalang ang Ipad ko at binalik na ito sa loob ng bag ko.

Tinatry kong huwag mabadtrip ngayong araw. Pilit kong kinakalimutan pansamantala ang kalokohang ginawa ni Chloe sa akin kahapon. ARRRRRGGGGH! Tuwing naaalala ko yun, naiinis talaga ako! Huhuhu~ Magkaroon ka nga naman ng kaibigan na nagngangalang Chloe, ewan ko nalang kung anong mangyayari sa inyo =________=

Nasa gitna ako nang pag-iisip nang may maoverheard ako na conversation. Sorry naman~ It's my ears' fault. Kung ano-anong naririnig eh. >_____>

"May banat ako sayo, Mr. Madrigal..." Boses yun ng babae, and I swear, she's using her flirty tone.

"Ano yun?" Familiar voice... hmmm...

"Candy ka ba? Hihihi..."

"Bakit?"

"Ang sarap mo kasing sipsipin eh... Hihihi..."

Yay... Ano ba 'tong naririnig ko? Sa lahat ng maririnig ko eh landian pa. =_____= Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na hindi lumingon sa likuran ko. May fences at mga halaman ang pumapagitna sa amin kaya hindi kami ganoon na magkatalikuran. And yeah, hindi na ako nagtataka na makita ang pigura ni Wayne at ng isang babae na nakaupo patalikod sa direksyon ko. Mr. Madrigal nga naman +_______+

"Pfft! Nice one, miss..."

The girl giggled playfully, "I'm AC Kanina ko pa sinasabi sayo eh!" Sabay hampas pa nung babae sa braso ni Wayne.

"Ay, sorry AC Ako din, may banat sayo."

"Talaga? Ano yun? Ano yun?"

Wayne cleared his throat, "Palaka ka ba?"

"Bakit?" :"">

"'Coz you look like one..."

"Ayyy..." :<

"De joke lang, miss... Excuse me, maiwan na kita. Hahanap ako ng ibang wifi hotspot. Nice to meet you, AC." :)))

Ngingiti-ngiting bumalik nalang ako sa ayos ng upo ko. Kaloka 'tong si Wayne. Barahin daw ba yung girl. Siya na! Siya na ang lapitin ng babae. :>

Ilalabas ko na sana ang phone ko mula sa bulsa ng skirt ko nang biglang may tumawag sa akin, "Kaye Anne!"

Tinignan ko naman kung sino yun. Si Wayne pala. Nakita pala niya ako. "Oh, Wayne..."

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. "Nandito ka pala..."

"Yeah, kanina pa. Naoverheard ko nga ang banatan section niyo sa likod ko eh." I said to him with a teasing smile on my face.

Tumawa naman siya at hininaan ng bahagya ang boses niya, "Istorbo eh. Akala ko, tahimik siya kaya pumwesto ako sa tabi niya. Makiki-wifi nga kasi ako. Tapos ayun, nagulat ako nang kulit-kulitin na ako."

"Gwapo mo kasi..." Siniko ko pa siya.

"Yan nga ang problema ko eh. Nagsasawa na nga ako sa kagwapuhan ko na 'to," hinawakan niya pa ang mukha niya tapos yung expression ng mukha niya, talagang problemado.

"Hahaha! Sipain kita, Wayne eh. Sa lahat ng poproblemahin mo, eh yung kagwapuhan mo pa?" Nag-pout naman siya sa akin kaya inihilamos ko ang palad ko sa mukha niya. "Wayne, huwag kang ngumuso dyan. 'Di bagay."

"Weh? Cute ko nga eh. May luscious lips daw ako. Free-taste lang, Kaye Anne. Gusto mo?" Sabay nguso na naman niya.

"Hahaha! Sira!" Patawa-tawa akong tumingin sa harapan namin. Daanan kasi ng mga tao kaya nakakalibang na panuorin ang mga parit-parito na tao. "Bakit ba ako ang hinaharot mo, ha? Single ka ba ngayon?"

Tumahimik siya kaya tinignan ko ulit siya. "NGSB ako. No girlfriend since break-up."

"Aww! Wawa ka naman, Wayne..." Tinap ko siya sa likod. Kunwari comfort XD

He just chuckled as he looked infront of us. Bigla naman siyang may inginuso kaya tinignan ko ang direksyon na yun. And there, I saw Chelsea passing by. "Yun yung girlfriend ni Nathan diba? Ano bang pangalan nun?"

"Si Chelsea... Break na kaya sila." =__= At ako daw ang dahilan sabi ni Nathan?

"Ows?"

Tumango-tango ako. "Oo nga, bakit ba? Interesado ka ba sa kanya?"

"Hindi naman sa ganun. Napakahinhin kasi niya eh. Parang aloof siya sa mga tao. Gusto ko lang siyang maging kaibigan. Mukha siyang mabait eh." Sabay tulak niya ng mahina sa braso ko, "Kaye Anne, tawagin mo. Dali."

"Ha? Bakit?"

"Pakilala mo ako ng pormal..."

Hindi raw interesado ah. Mukhang nakakakras si Wayne kay Chelsea ah. Kumakras! =___________=

"CHELSEA!" Tawag ko sa kanya. Lumingon naman agad siya sa direksyon namin. Ngumiti ako sa kanya at kinawayan siya na lumapit.

"Hi, Kaye Anne..." She greeted as she approached us.

"Hello... Nga pala, Chelsea. Remember, Wayne?" Tinuro ko si Wayne sa tabi ko. And as if on cue, Wayne stood up and extended his hand to Chelsea.

"Hi, Chelsea... I'm Mark Wayne Madrigal, ang Mister Pogi ng E.H.U... Hindi kaya ikaw naman ang Miss beautiful ng E.H.U?"

Nakita ko naman na napangiti si Chelsea... and yes, Wayne made her cheeks beet red.

***

Matagal-tagal din kaming nagkwentuhan nina Wayne kasama si Chelsea dun. Kung hindi nga lang nagtext sa akin si Austin na nandyan na siya sa labas eh baka sumama pa ako sa dalawang yun. Niyaya kasi kami ni Wayne na manlilibre siya ng lunch. Pero dahil nga may date kami ni Austin eh dinecline ko nalang siya. Besides, I can sense something between them. Sa pagiging out-going ni Wayne, at pagiging mahiyain ni Chelsea, mukhang interesting 'pag pinagsama silang dalawa.

Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng gate ng E.H.U ay bigla nalang may humintong kotse sa harapan ko. Kung hindi ko sana kilala itong kotse na ito, malamang lalagpasan ko nalang sana ito.

Gaya nga ng hinala ko, lumabas ang nagmamay-ari ng red sports car na ito. He was wearing a pair of jeans, plain white shirt, varsity jacket of E.H.U and white rubber shoes. Mas nakadagdag sa coolness ng porma niya yung headset na nakasabit sa leeg niya pati na rin yung nerdy-type glass niya. Gwapooooooo~ :"">

"Hi, Kaye Anne..." Bati niya sa akin tapos binigyan niya ako ng mabilis na yakap at kiss sa kaliwang pisngi ko. >/////<

I smiled to him as I slightly punched his arm, "Gwapo mo ngayon, Austin ah."

"Puyat nga ako eh. Hindi nga ako masyadong nakapagready eh," natatawa niyang sagot sa akin tapos pinagbuksan niya ako ng pinto sa shotgun's seat. "Hop in..."

Sumakay naman agad ako at mabilis namang nakasakay si Austin sa driver's seat. Pinisil niya pa nga ang kaliwang pisngi ko bago siya magsuot ng seatbelt eh. He then turned on the engine and started to drive away.

"Kamusta, honey?" :)

Hindi talaga ako sanay na tawagin niyang honey. Uwaaaah! Hindi ako comfortable, pero kailangan kong sanayin ang sarili ko. (_ _")

"Ayos lang ako. Buti nakabalik ka na agad, Austin."

Nakangiti lang siya habang nagdadrive. Mabuti nalang talaga ay maluwag ang traffic kaya naman tuloy-tuloy kami.

"Namiss kita eh. Dapat sa Monday pa ang balik namin pero sumabay na ako sa manager namin. Kaya na rin naman nila doon kahit wala ako."

Napansin kong huminto kami kaya naman tumingin ako sa harapan. Nasa intersection pala kami at naka-stop ang traffic lights.

Hinawakan ni Austin ang kaliwang kamay ko na nakapatong sa lap ko kaya syempre ay nagulat ako. Tinignan ko ang mukha niya and there is a constant smile on his face. Mas bagay talaga sa kanya kapag nakangiti. Mukha siyang maamo.

"First date natin ito as a couple, so..." Nilahad niya ang kamay niya sa harapan ko kaya nagtaka ako. "Surrender your cellphone and wallet to me. Ako ang bahala sayo ngayong araw. Magfocus muna tayo sa isa't-isa."

Uh oh... W-wait, nabura ko ba ang mga messages sa phone ko?

***

Sa mall ako dinala ni Austin. Syempre, bago mamasyal eh kailangan muna naming kumain ng lunch diba? Gutom na gutom na rin ako eh. >.<

"Saan mo gustong kumain, Kaye Anne?" Hawak-hawak lang ni Austin ang kamay ko habang hila-hila niya ako sa loob ng mall. Nadaanan namin ang magkakatabing restaurants and fastfood chains. Ano bang masarap na kainin ngayon?

"Mag-KFC nalang tayo, Austin. Gusto ko ng maraming gravy eh~" ^u^

"Okay..." :)

Crowded ang KFC kaya naman mahirap maghanap ng table. Mabuti nalang ay may nag-offer sa amin ng table na grupo ng mga estudyante. Kakatapos lang kasi nilang kumain at tingin ko ay nagwagwapuhan sila kay Austin kaya nila inoffer ang table. ~_____~

"Kaye Anne, ako nalang ang mag-oorder. Ano bang sayo?"

Nginitian ko lang siya bago ako tumingin dun sa counter. Tanaw kasi dito yung menu' dun sa taas eh. "Hmmm, ikaw nalang ang bahala, Austin. Basta don't forget the chicken ha?"

He smiled to me bago niya ako iwan para mag-order. Ang hirap talaga kapag sa fastfood chain ka kumakain. Pahirapan sa pagpila tapos self-service pa. Hindi katulad sa restaurant. Order dito, order doon tapos iseserve nalang sayo.

Habang naghihintay kay Austin ay nilabas ko muna ang phone--- ay, wala nga pala sa akin ang phone ko. Sinurrender ko nga pala kay Austin. Grabe naman. Para namang madidistract ang date namin dahil sa cellphone. (_ _")

Tumingin nalang ako sa katabi kong glasswall. Pinagmasdan ko ang mga dumadaan na mga tao sa labas para malibang ang sarili ko. Kakabored kapag walang kausap eh -________-

"Kaye Anne?"

I flinched when I heared someone called my name. Nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko na may nakatayo sa harapan ng table ko. Syempre, tinignan ko naman yun at talagang napataas ang kilay ko nang malaman kung sino yun.

NATHAN'S POV

"KFC tayo, Nathan babe~" Hinila ako ni Danica palapit dun sa KFC pero pinigilan ko siya.

"Maraming tao. Wala tayong mapupwestuhan dyan. Sa bahay nalang tayo kumain," sabi ko sa kanya.

Bakit nga ba kami nandito sa Mall? Nagpasama lang naman itong ex-girlfriend ko para bumili ng bagong cellphone. Nawala daw niya ang cellphone niya nung isang araw habang nagkakape siya sa isang coffee shop. Wrong timing lang itong si Danica kasi dapat ay pupuntahan ko si Kaye Anne ngayon sa bahay nila. Kukumpirmahin ko kasi yung tungkol sa text message niya kagabi sa akin at hindi pwedeng ma-postpone ang pagpunta ko dun. Hindi na ako makapaghintay eh. :D

"Ayoko! I'm famished, Nathan babe~"

Natawa naman ako sa kanya. "Famished famished ka pang nalalaman dyan. Tara na nga! Bilisan lang natin ha? Pupuntahan ko pa si Kaye Anne."

Ngumiti naman siya, "Sure thing."

Sa loob ng KFC, nag-argue pa kami ni Danica. Takte, ang kulit ng babaeng ito. Gusto niya sabay kaming mag-order. Eh paano nalang kami makakahanap ng pwesto namin? Dami pa namang tao. (_ _")

"Thank you..." ^___^ Sabi ni Danica dun sa counter girl pagkalapag nito ng mga inorder namin tapos sinenyasan na niya ako na kunin yung isang tray. Bale, tig-isa kaming dala na tray. Medyo marami din kasi ang inorder namin eh.

"At saan naman tayo pupuwesto nito, Danica aber?" Naiirita kong tanong sa kanya.

"Meron yan! Hanap lang tayo."

Naikot na ng paningin namin ang buong KFC pero wala talagang bakante. Mahirap talaga pag weekends, maraming tao sa mall.

"Oh there!"

Kunot-noo kong tinignan si Danica. "Ha? Saan?"

"Follow me, Nathan babe." Hindi ko alam kung bakit pero parang hindi yata katiwa-tiwala ang ngiti ni Danica ngayon. I just shrugged my shoulders as I followed her. Tumigil kami sa tapat ng table malapit sa glass wall. May nakaupong babae dito habang nakatingin dun sa glasswall. She's alone.

My brows automatically formed a straight line... Parang kakaiba eh...

Teka nga...

Parang siya si...

"Kaye Anne?" Danica called her with a smile.

Parang nabingi yata ako? Sh*t... Di nga? Si Kaye Anne ba 'to?

Humarap ang babae para tignan kami. Parehas ng reaksyon ko, nagulat din siya. Small world. Anak ng meant to be nga naman oh! LOL XD

"Danica?"

"Hello, are you alone? Mind if we share table with you?" With full confidence na tanong ni Danica sa kanya.

Tumingin muna saglit sa akin si Kaye Anne, pero umiwas din naman agad siya ng tingin. "Err... May kasama ako eh. Pero sige, you can sit here..."

"Aww, thanks!" Danica replied enthusiastically.

Pumwesto naman kami sa harapan niya. Sigurado ako na hindi mapakali si Kaye Anne sa harapan namin. Pabaling-baling kasi siya ng tingin kung saan. Basta lang iniiwasan niya ako ng tingin. Kung minsan pa nga ay tumitingin siya sa counter.

"Girl, are you with someone? Your boyfriend perhaps?" Danica asked and I felt her nudge me kaya naman pasimple ko siyang siniko pabalik.

"Ahh oo, kasama ko ang boyfriend ko..."

Takte naman... Nakabalik na pala si Willard? Bakit hindi nalang siya na-stranded dun kung saan mang lupalop siya nanggaling o 'di kaya nagcrash ang sinakyan niyang eroplano. Naku naman, sumasalbahe na naman ako. -.-

"Where's he? Naks naman! Nagdedate kayo noh? Kami din ni Nathan babe eh. Niyaya niya ako bigla. Ayaw ko nga sana eh kaso mapilit siya." :"">

Napatingin ako nun kay Danica. Bakit binaligtad niya yata ang mundo namin? Ay, oo nga pala. Ito na siguro yung 'SELOSAN' deal namin. Makikipagcooperate ba ako? Hindi ko yata masiksikmura (_ _")

"Nag-order lang siya," tapos tumingin siya sa bandang likuran namin. "Oh, nandyan na pala siya."

Tinignan naman namin ang bagong dating na si Austin. Angas oh! Hindi man lang ngumiti. Halatang pinaparamdam niya sa amin na istorbo kami ni Danica sa kanilang date. =____________=

"Wala silang maupuan kaya naman naki-share sila uhmm... Nathan." Paliwanag nitong si Kaye Anne sa boyfriend niyang g*go. Kainis naman! Kung bakit ba kasi ako hinila ni Danica dito. Nabubwisit tuloy ako sa mukha nitong g*go na 'to.

"Ah okay," umupo na si Austin sa tabi ni Kaye Anne. "Kamusta, pare?"

"Ayos lang..." Matabang na sagot ko. Bumaling ako kay Danica na---- teka, anong nangyari dito? Mukhang natulala kay Willard at namumula pa ang mukha. "Danica..."

"..." (@////////@)

Siniko ko siya, "Danica..."

"..." (@////////@)

"DANICA!" Buti naman ay natauhan na siya kasi iniling-iling niya ang ulo niya at natatarantang tumingin na sa akin. "Akala ko kung napa'no ka na dyan." Tumingin naman ako kay Austin. "Austin, si Danica nga pala. Naalala mo ba siya?

"Y-yeah..." Hindi ko alam kung bakit pero umiwas siya ng tingin. Perhaps, he shifted his sight to Kaye Anne. Naging uneasy siya.

"Hello, I'm Danica Oliveros and you are?" :"">

"Kyle Austin Willard." Seryosong sagot naman ni Willard.

"Ha?" Napatingin sa akin si Danica, mouthing me 'Si Kyle ba 'to na taga-Sitio Maligaya?'. Tumango nalang ako sa kanya bilang pagsagot kasi yun naman ang totoo.

"Y-yeah I'm Kyle. Excuse me." Tumayo si Willard tapos tumingin siya kay Kaye Anne. "Honey, C.R lang..."

"Okay..."

Walang nagsalita sa amin nang umalis si Willard. We all eat in silence. Si Danica naman hindi mapakali. Palagay ko, hindi siya makapaniwala na si Austin ay taga-Sitio Maligaya.

"He looks so different. Si Kyle ba talaga yun?" She suddenly asked.

Tumango naman ako. "Siya na nga..."

She glared to me. "Why did you tell me that he looks like a g*go?"

Napatikhim ako. Pasimple kong tinignan si Kaye Anne. Nakita ko siyang nagroll eyes kaya naman bumalik na ang tingin ko kay Danica. Potek! Ang daldal kasi ni Danica!

"Ssshhh... Danica naman..."

Ngumuso siya. "Ang gwapo niya kaya~ Mukha siyang campus heartthrob," pabulong na sabi niya sa akin pero alam ko naman na naririnig yun ni Kaye Anne. "Siya ba talaga si Kyle? Yung dating basagulero sa school natin? Diba mukha siyang siranTado noon? What happened to him?"

"Anong sirantado?"

"Sira ulong-tarant*ado! Ano ka ba, Nathan babe~" Sabay hampas na naman niya sa braso ko. "The nerve of you ha! You're so NAPA talaga!"

I just looked at her in confusion. Pinagsasabi nito? "Anong NAPA?"

She giggled as she touched my cheek. Kailangan talaga clingy? "NAPA! NAPAkasarap pero NAPAKAlaki ng eyebag. No offense meant!"

Ayos ah. Isa rin naman siyang NAPA eh. NAPAkaganda pero NAPAkasama ng ugali -_________-

"Don't worry Nathan babe, kahit NAPAkalaki ng eyebags mo. Ikaw pa rin ang unang NAPAtibok ng puso ko. Yieeeeee!" Sabay yakap naman niya sa braso ko. I couldn't help myself to laugh at her. May pagkabaliw pala si Danica. XD "Punta ka mamayang sa room ko ha? Ako ang bahala dyan sa eyebags mo... Matulog tayo ng maaga~" :"">

"Tigilan mo nga ako, Danica. Nasa harap tayo ng pagkain." Sabi ko sa kanya habang inaalis ang braso niya sa braso ko. Tinignan ko naman si Kaye Anne sa harapan namin. Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanya kasi nakangiwi lang siya tapos halos magsalubong na ang dalawang kilay niya. Spell SELOS? =))))

"Back to the topic, whatever happened to Austin?" Balik-tanong ni Danica.

Nagkibit-balikat lang ako sa kanya. Paki ko ba dun. Hindi ako interesado na malaman kung anong nangyari sa kanya. +_______+

"Hey, what happened? Diba siya yung kabarkada ni Jonas? Yung lalaking-----"

I cut her off, "Si Jonas yung head over heels sayo nung highschool pa tayo?"

Tumango-tango naman siya tapos tumingin kay Kaye Anne. "Sorry Kaye Anne ha? Nagulat lang talaga ako dun kay Kyle. We're not friends before but mind you, he was known as a notorious bad@ss. Kaya nagulat ako kung bakit siya gumwapo. Mas gwapo pa nga siya sayo Nathan babe eh," She said dreamily. Okaaaay? Saan naging gwapo yun? -.-

"Ahh, ayos lang..." Kaye Anne smiled awkwardly to her.

"Excuse me lang ha? I have to retouch my make up. Naloka ako sa happenings. Kukuha na rin ako ng gravy," sabay tayo ni Danica tapos iniwan niya kami.

Tinignan ko si Kaye Anne. Nagresume na siya sa pagkain ng chicken niya. Hindi ako mapakali. Gusto ko siyang kausapin pero tingin ko ayaw niya akong tignan.

"Kaye Anne..."

"Hmm?" Patuloy pa rin siya sa pagkain. Ni hindi man lang siya tumingin sa akin.

"Tara?"

Tinignan naman niya ako at pinagtaasan ako ng isang kilay, "Where to?"

"Sama ka sa akin..."

"Ha?"

"Aish, tara na nga..." Kahit kumakain pa siya eh hinila ko pa rin siya palabas ng KFC. Pero ayos ah! Nagawa niya pang kunin yung softdrinks niya habang hila-hila ko siya.

"Nathaaan, hahanapin tayo ni Austin!!" >o<;

I grinned to her, "Tayo nalang ang mag-date, slave. May pag-uusapan pati tayo."

"Ha??? Uy, di pwede! Paano sina Austin at Danica?!"

Inakbayan ko naman siya saka ko siya inakay dun sa escalator pataas. "Anong hindi pwede? Baka nakakalimutan mo, one month slave kita. Anumang gustuhin ko ay dapat gawin mo. Sa ngayon, manuod tayo ng movie para hindi tayo makita nina Willard at Danica."

"Date mong mukha mo! Hindi nga kasi pwede. Pwede bang day-off ko nalang ngayon?" Nakasimangot na sabi niya habang patuloy na nagpupumiglas sa akbay ko sa kanya.

"Text mo nalang 'yang boyfriend mo. Sabihin mo na nakauwi ka na. Basta magdahilan ka nalang."

"HINDI NGA KASI PWEDE!!" >O<;;!!

Napalakas masyado ang boses niya kaya naman pinagtinginan na kami ng mga tao sa escalator. Agad ko naman siyang hinila paakyat tapos pumwesto kami sa may gilid ng railings.

"Huwag ka ngang magalit sa akin. May dapat tayong pag-usapan kung natatandaan mo. Dapat nga eh hiwalayan mo na yang Willard na yan ngayundin eh, dahil sinabi mong mahal mo ako diba?" Nilabas ko pa ang phone ko mula sa bulsa ko saka ko pinakita sa kanya ang inbox ko.

"See? Text mo sa akin ito kagabi. Am I right? Klarong-klaro na galing sayo ang message na ito... I love you, too yan oh. Ibig sabihin lang nito, wala ng dahilan para samahan mo pa yang Willard na yan kasi simula pa kagabi, kinoconsider ko na tayo na."

Hindi siya nakasagot sa akin. Napanganga pa nga siya at namula sa sinabi ko. Kaya naman, yun na ang signal ko para dalhin siya sa movie house. At least dun, safe. Walang Willard na makakakita sa amin.

Pfft! Kapal yata ng mukha ko ngayon ah... Pero para sa akin kasi, silence means agreement. Para sa akin, girlfriend ko na si Kaye Anne ngayon. XD Yun yun eh!

***

A/N: May part 2 ito to be posted next week. :) Salamat sa mga nagbabasa at mga bagong followers. Love love love <3

Continue Reading

You'll Also Like

524K 14.2K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
2.5K 185 11
In this world full of "Sana All" kind of relationship, mayroong dalawang taong pilit pinapipili ng tadhana-pag-ibig o pangarap. College pa lang sila...
14.4M 502K 56
AIWG Sidestory featuring Misty Kirsten Lee (Kurt's younger sister) and France Zion Madrigal (Wayne's younger brother) "Ma-fa-fall na nga lang ako, sa...
222K 14.4K 72
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...