Red In Blue (KathNiel) ON-HOL...

By kbdpkid

79.9K 2.7K 275

Red In Blue is currently on-hold. Still, thank you for supporting. More

Red In Blue (KathNiel)
1st Chapter
2nd Chapter
3rd Chapter
4th Chapter
5th Chapter
6th Chapter
7th Chapter
8th Chapter
9th Chapter
10th Chapter
11th Chapter
12th Chapter
13th Chapter
14th Chapter
15th Chapter
16th Chapter
18th Chapter
19th Chapter
20th Chapter
21st Chapter
22nd Chapter
23rd Chapter
24th Chapter
25th Chapter
26th Chapter
27th Chapter
28th Chapter
29th Chapter
30th Chapter
31st Chapter
32nd Chapter
33rd Chapter
34th Chapter
35th Chapter
36th Chapter
37th Chapter
38th Chapter
39th Chapter
40th Chapter

17th Chapter

1.5K 56 3
By kbdpkid

Chapter 17

BLUE'S POV

One week pa bago ang mismong pageant. Kaya pinatawag kaming mga representatives sa auditorium para kausapin tungkol sa gagawing event. Ngayon na din yata ang simula ng practice kaya dito kami pinapunta.

"Okay everyone! Are we all set?" Tanong nung instructor. Si Sir Bing.

Naghire kasi ang school ng mga professional staffs para sa pageant at sabi-sabi din na pati judges ay bigatin din.

Hindi lang kasi basta-bastang pageant 'to dahil may category pala ang bawat yearlevel kung saan mapupunta ang 60% ng premyo. Ampunan ang nasa category namin kaya kahit papaano gusto kong i-push to para makatulong.

"Sir, wala pa po yung representatives ng IV-B" pagtataas ng kamay ng isang contestant.

"Okay. While we're waiting for them I'll brief you first regarding the-oh they're here!" Lahat kami nagtinginan sa likod at nakita namin si Miguel kasama pa ang isang babae na matangkad at maganda.

Kasali si Miguelito? Kasali pala si bespren. Sabagay gwapo naman talaga yan. Hindi nga lang halata hahahahaha char!

"Since we are now complete, let's start?"

Pinapila kami by yearlevel at by section with our partners bago pinapwesto sa stage ni Sir Bing. Since 4th year students kami, nasa bandang likuran kami.

At yung partner ko? Eto nagta-tantrums. Pabulong-bulong. Ang pangit daw ng pwesto namin. Hindi daw makikita kagwapuhan niya... Hay nako Red!

Nung okay na lahat tsaka sinabi samin kung paano ang gagawin.

Ininstruct samin na bago kami makarating sa pwesto namin with our partners, by pair munang lalabas ng backstage tapos maglalakad sa runway. After nun, mag-iintroduce tapos saka pupunta sa pwesto hanggang sa matapos lahat ng representatives.

Medyo madami dami din pala ang mga contestants at maraming pinapaulit-ulit dahil mali-mali kaya ang tagal bago matapos lahat. Opening pa lang yung ininstruct samin pero nung magbell na para maglunch ay pinaglunch na din kami.

Naramdaman ko na din naman ang pagkulo ng tiyan ko kaya naglunch na din ako. Jusko nakakangalay din maghintay at tumayo sa matagal na oras ah!

Habang naglalakad, naramdaman kong may sumabay sakin kaya nilingon ko.

Si Miguel pala.

"Uy men! Kasali ka pala sa campus pageant. Di mo manlang sinabi bes!" Sabi niya na parang nagpout pa. Bibe hahaha

"Pinilit lang kasi ako ng impakto eh!" Sarkastiko kong sabi.

Kumunot naman ang noo niya. Hahahaha wow kamukha ni shrek!

"Sinong impakto?" tanong niya.

Sasagot na sana ako habang paupo kami sa table dito sa canteen kaso may sumingit.

"Babe"

"Speaking of" bulong ko.

Lumingon muna ako sa paligid at natiyempuhan ko na nakatingin pala si Anna kaya oras pala ng arte ngayon.

Ang hirap naman maging artista men! Okay lang. Sanay na ako hihihi Hays hayaan na nga.

Dahan dahan kong hinarap si Jared at ngumiti ng matamis bago magsalita.

"Yes sweetie?" Putek ang landi ng dating ko. Baka magalit na naman to sakin. Hindi bagay sakin eh.

Hinawakan niya ang braso ko at marahan akong inilapit sa kanya bago humarap Kay Miguel.

"Uhm, excuse me. I'll borrow my girlfriend okay?"

Hindi na niya hinintay sumagot si Miguel at hinila na niya ako papunta sa table nila kaso wala na yata sila Jill. Maaga yatang pinaglunch kaya maagang pinaakyat.

"Sit." At pinaghila pa ako ng upuan.

Putek! Ano ako aso?

"Hindi na ako uupo bibili na din ako ng pagkain ko" sabi ko at tatalikod na sana para bumili.

Hmmm. Ano kayang pwedeng makain...

"I'll buy you food. What do you want?" Nagulat naman ako sa suhestiyon ni Red. Nilingon ko siya ng nakakunot ang noo.

Aba! Himala ito. Kalimitan kasi tuwing kasabay ko sila, ako lagi yung bumibili ng sarili kong pagkain

Pero.. shet! Iba ngayon!

"Ano ulit po?" Tanong ko. Syempre sisiguraduhin ko. Baka mamaya iba pala yung sinabi niya. Ayoko kasing mag-assume.

"I said I'll buy you food. What do you want to eat?"

Hala totoo nga! Totoong may himala.

"Ah hehe libre mo?" Hihihi all smiles pa ako nung tinanong ko 'yan!

Tinitigan ko muna siya at nagpa-cute hanggang sa "Uuugh! fine." Hihihi wagi!

"uhm yung steak nalang sakin Hihihi thankieeeee sweetie!"

Naglakad siya kaagad kaya sinundan ko siya ng tingin at napansin kong namumula yung tenga niya!

Hala. Siguro kinilig siya sakin kasi tinawag ko siyang 'sweetie'. Hihihi cute

Omg beef steak tapos libre. Busog ako nun panigurado. Libre yun eh! Masarap kapag libre. Tsaka mahal yung beef steak dito ah

*****

"Okay that's all for today. Tomorrow same time and same place. Don't be late okay?" Sir Bing.

"Thank you sir" sabay sabay naming sabi bago lumabas si Sir Bing.

Nagsi-alisan na din ang ibang contestant at siguro nag-uwian na. 6pm na kasi at panigurado wala nang mga estudyante sa mga hall way.

Hindi na din ako nagtagal at pumunta na sa locker ko. Bumaba na din si Jared eh. Ni hindi manlang ako hinintay! Kainis.

Pagbukas ko ng locker ko may napansin akong rose. Kinuha ko yung bag ko pati yung rose tsaka ko sinara yung locker ko.

Hmmmmm.. Kanino kaya galing to? Tsaka anong meron at binigyan ako nito? Para sakin ba talaga ito? Paano nailagay sa locker ko?

Wala namang note eh. Kahit initials lang ng pangalan wala. Rose lang talaga.

Pero ang ganda niya. Color blue.

Pinasok ko nalang sa bag ko at umalis na.

-

Papalabas na Sana ako ng main gate ng may tumawag sakin.

"Bes!"

Lumingon ako at nakita ko si Miguel.

"Uy Migs! Pauwi ka na?" Tanong ko. Sinabayan niya naman ako sa paglalakad pabas ng gate.

"Ah oo eh.." Napakamot pa siya sa batok "gusto mo ba sumabay?" Alok niya

Napahinto ako bago magsalita "naku! Hindi na kaya ko na mag-isa" at nginitian ko siya.

"Bes, sumabay ka na sakin. Miss na kaya kita. Para sasabay lang eh. Sige kung aya-"

"Oo na. Sige na sasabay na." Putol ko sa kanya tsaka umirap. Kulit talaga nitong bespren ko.

Pero makulit din ako hahahahahahahaha.

"Sabi ko na nga ba ang lakas ko sayo eh! Hahahahaha gwapo ko talaga"

"Che! May kotse ka ba?"

"Ayan oh.." Tinuro niya yung Ford na kulay black "Regalo sakin yan ni Lolo eh" pagmamayabang pa niya.

"Wow umaasenso ah!"pang-aasar ko

"Heh pumasok ka na nga!"

Pumasok na ako ng tumatawa at nag-drive na din siya.

*****

RED'S POV

Nasan na kaya siya? Kanina pa ako naghihintay dito sa parking eh.

Nakita niya kaya yung rose? Natuwa kaya siya?

______________________________________________________________________________________

Lapit na vacay! Yay!

May nagbabasa pa ba nito? Comment po hihihihi

Continue Reading

You'll Also Like

3.2K 169 10
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
325K 5.1K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
175K 7.7K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
35.6K 1.2K 49
JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine