To Be Only Yours

By youngkyongji

126K 2.5K 191

Isang taon na simula noong nag hiwalay si Samson at Rosalyn. Ngunit hindi maintindihan ni Samson ang nararamd... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 35

2.1K 38 0
By youngkyongji

Matapos maligo ay nagdiretso kami ni Samson sa baba. Magkahawak kamay kaming naglalakad at hindi alintana ang mga kasambahay na nakatingin saamin. Sa totoo lang ay medyo natatakot ako. Syempre at ang alam nila ay wala na kami, na girlfriend ni Samson si Talia tapos heto at makikita nila kaming muling magkasama at galing pa sa kwarto niya.

"Still sore?" tanong niya at pinanghila ako ng upuan. Kinurot ko ang braso niya at pinanlakihan siya ng mata. Wala nanamang preno ang dila niya! Baka marinig pa siya nila Selene!

"Your mouth! Marinig ka nila."

"English 'yon... 'di nila naintindihan." nginisian niya ako at umupo sa tabi ko. Napatawa na lang ako at muli siyang kinurot.

"Ah Sir, tumawag kanina si Ma'am... pinapatanong kong kamusta daw po tayo. Nabalitaan kasi niyang bumabagyo ngayon dito." anas ni Selene. Sinenyasan naman ni Samson na umalis muna ang ilang kasambahay na narito. Naiwan si Selene.

"Bumabagyo?" nakakunot noong tanong ko.

"Oo, Rosalyn, kanina pa ang lakas ng hangin at ulan sa labas. Mabuti at maagang nakauwi si Sir."

"Ano pang sinabi niya?" tanong ni Samson.

"Wala na po, iyon lang."

"Okay. Iwan mo muna kami."

Linagyan ni Samson ng kanin at ulam ang plato ko. Pinagsiklop ko ang mga daliri at kinagat ang ibabang labi ko. Bumabagyo pala! Hindi pa ako nagpaalam kila Mama, sigurado at hinahanap na nila ako.

"Anong oras na? Hindi mo sinabing bumabagyo pala." linagyan niya ng kanin ang sariling plato. Kumunot ang noo niyang tumingin saakin.

"How would I know? Busy tayo kanina sa kwarto." inismiran niya ako ngunit wala ako sa mood para makipaglokohan sa kanya. I remain serious.

"Hinahanap na ako sa bahay... lalo na si Kuya."

"Are you saying that you should go now?" tumango ako. "I texted Roshan... sabi ko nandito ka sa bahay."

"What? Sinabi mong nandito ako without my knowledge?"

"Yeah? What's the problem ba? I'm your boyfriend... wala naman silang dapat ipag-alala dahil nasa puder kita." nalaglag ang panga ko at hindi makapaniwala sa narinig. What the hell?

"Sinabi mong tayo na ulit?" umiling siya. Nakahinga ako ng maluwag.

"Sinabi kong pinapunta ka ni Mommy dito. Don't worry... bukas na bukas sasabihin kong tayo na ulit. Para naman ano mang oras ay mapupuntahan na kita sa bahay ninyo. And you can stay here as long as you want because I am your boyfriend."

May kung anong sumupil sa dibdib ko sa sinabi niya. Parang sinasabi niyang akin lang siya at pagmamay-ari ko siya. Inabot ko ang kubyertos at tinikman ang ulam. I'm still worrying... paano namin haharapin ang bukas? At si Felix... my God, si Felix. Hindi ko siyang pwedeng iwanan ng walang sapat na dahilan.

"Samson, pwedeng huwag muna nating sabihin sa kanila na tayo ulit? I mean... inaalala ko si Felix, ang parents natin. Magugulat sila." napatigil siya at tumitig sa plato. Kinuha ko ang kamay niya at pinisil ang palad niya. Nakuha ko ang atensyon niya.

"Please? Ayusin muna natin ang problema kay Felix at Talia bago natin sabihin sa kanila. I'm scared."

Napabuntong hininga siya at bigla na lang akong yinakap. Napapikit ako at pinakinggan ang tibok ng puso niya. Kalmado ang galaw niya ngunit hindi ang puso niya. It's beating like a million times every second. And God... I feel the same way too.

"I'm not scared, Rosalyn. Bakit natin itatago kung nag mamahalan tayo? Sila ang dapat matakot. Matakot sila sa kaya kong gawin." dinaop ng palad niya ang pisngi ko at dinampian ng halik ang noo ko.

"You have nothing to be scared of, okay? Hindi ko hahayaang saktan ka nila... maiintindihan nila tayo, nila Ronnie at parents mo. Sa pagkakataong ito... hindi na kita pakakawalan pa."

Hindi ako nakasagot at napatitig sa kanya. Kung sana ganoon kadaling bitawan ang lahat. Kung saan ganoon kadaling takasan si Felix at sabihin sa kanilang mahal parin namin ang isa't-isa ay ginawa ko na. I'm scared, but as long as I'm with Samson... pakiramdam ko ay kay daling gawin lahat ng bagay. Sana ay huwag niyang sirain ang tiwala at second chance na binigay ko sa kanya. Dahil ngayon... desperada narin ako. I'm in love with him, at hindi ko hahayaang muli kaming magkahiwalay.

Nang matapos kumain ay bumalik kami sa kwarto. Mabuti at bumalik sa dati ang ambience ng hapag. Matapos ang pagdradrama namin ay binibiro na ako ni Samson.

"You'll sleep here... unang gabi natin ito bilang magkasintahan." tumawa ako sa lalim ng sinabi niya. Tinapik niya ang tabi, sumunod ako at humiga sa tabi niya. Mabilis niya akong yinakap ng patagilid at binaon ang mukha niya sa buhok ko. He's smelling me like I'm a perfume.

"Bango mo," husky ang boses niya at humigpit ang yakap saakin.

Napangiti ako at hinayaan siya sa ginagawa. Kinuha ko ang remote at binuksan ang TV. Nang bumaba ang kamay niya sa hem ng pajama ko ay kinurot ko ang braso niya. Ngumiwi siya at ngumuso.

"Tigil tigilan mo ako sa kamyakan mo,"

"I'm just going to touch you."

"No touching, baka kung saan nanaman mapunta 'yan!" humalakhak siya at pinaliguan ng halik ang balikat ko.

"Fine. Pakipot ka pa." tinaasan ko siya ng kilay. Inismiran niya ako at sumiksik pa saakin.

Walang nagsasalita saamin. Nakapokus ang mata ko sa pinapanood habang siya ay mahigpit paring nakayakap saakin. Kung hindi niya ako nanakawan ng halik ay paglalaruan niya ang buhok ko. Nang silipin ko siya ay nakapikit na ang mata niya. Ang labi niya ay nakadikit sa balikat ko.

Tulog na kaya siya? Pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukha. Napangiti ako at dinampian ng halik ang noo niya. After all these years, siya parin ang nasa puso ko hanggang ngayon. Gusto ko mang ilaan ang buong oras ko sa kanya ay may dapat pa kaming ayusing problema.

Kamusta na kaya si Felix? Matapos kasi ang nangyari kahapon sa bahay nila ay nanatili akong tahimik. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin. Hindi ako tanga at hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga titigan nila ni Jairus. Nang ihatid niya ako sa bahay ay hindi ako nagpaalam sa kanya at basta na lang siyang iniwan. Pero paano nga kung may something sa kanila ni Jairus? Paano kung siya ang unang mang-iwan saaming dalawa? What if magkaibigan talaga sila? God. Hindi ko alam ang sasabihin kapag nagkita kami. Is Jairus still staying at their house? Ganoon na ba ka hospitable si Felix?

Mabait siya... at isa iyon sa dahilan kaya ayaw ko siyang iwan. Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang pasiyahin ako. Pero heto at naghanap ako ng iba at bumalik kay Samson. Pero anong magagawa ko kung siya ang tunay kong mahal? Maybe I fell in love with Felix's idea. Siguro ay nahulog ako dahil ganoon na ganoon noon si Samson saakin. Siguro ay nahulog ako kay Felix dahil komportable ako sa kanya. Siya ang karamay ko noon. Naghahanap ako ng taong makakapagsaya saakin at nagkataong siya ang binigay ng panginoon.

But the truth is I'm still into Samson. Sa una't sapul ng relasyon namin ni Felix ay lagi kong naiisip si Samson. Maybe he's just a rebound to me... linoloko ko lang ang sariling totoong mahal ko siya.

"Anong iniisip mo?" nabalik ako sa ulirat ng magsalita si Samson. Ang alam ko ay tulog na siya. Umiling ako. Pinatay ang TV at yinakap siya.

"Seryoso ako sa sinabi ko kanina."

"Ang alin?" hinaplos niya ang pisngi ko at tinitigan ang labi ko.

"Na hihiwalayan ko si Talia bukas na bukas."

"Anong idadahilan mo?"

"Na may mahal akong iba." hindi ako sumagot at tinago ang mukha ko sa dibdib niya. Mangyayari na ba ang iniisip ko? Kakamuhian ako ni Talia at sigurado akong hindi niya ako mapapatawad. Pero anong magagawa ko kung iisang lalaki lang ang mahal namin? Ako ang nauna kay Samson... nararapat lang na saakin siya babagsak.

"Ikaw... kailan ka makikipaghiwalay kay Felix? Do you still love him?" tinaas niya ang mukha ko. Sinubukan kong umiwas ng tingin ngunit hindi siya pumayag. Seryoso ang mukha niya at mariing nakatitig saakin.

"I love the idea of him... minahal ko si Felix, Samson, pero iba parin ang hinahanap ng puso ko at ikaw iyon. Ayoko ng mag kunwari. I'm going to tell him, gusto ko ng makalaya. I love you and I'll stay by your side."

Ang seryoso niyang mukha ay unti unting napalitan ng kasiyahan. Ngayon ko nanaman ulit nasilayan ang ganitong ngiti sa labi niya. At masaya ako at ako ang dahilan ng mga ngiti niya. Napapikit ako ng dampian niya ng halik ang labi ko. Punong puno ng pagmamahal ang halik niya. Buong puso ko itong tinanggap tulad ng muli kong pagtanggap sa kanya sa buhay ko.

"Mahal na mahal kita, Rosalyn." anas niya ng tumigil sa paghalik saakin.

"Mahal na mahal din kita, Samson." anas ko at muli nanaman niya akong hinalikan ng sabik at agresibo.

Alas singko pa lang ay gumising na ako. Tulog na tulog parin si Samson ngunit ginising ko na siya para magpahatid pauwi. Kinakabahan ako habang nasa sasakyan. Sigurado at tatadtadarin nila ako ng tanong sa bahay! At hindi nakakatulong ang pagiging easy ni Samson!

"Hey, calm down... akong bahala sa'yo-"

"Samson seryoso ako! Ayoko sa ngiti mo ngayon. Ibaba mo ako sa kanto at doon mo na lang ako hintayin."

"You've got to be fucking kidding me!" seryoso ang mukha niya at hinampas ang manibela. "Sinabi ko namang kaya kong harapin si Ronnie at ang Mama at Papa mo. Rosalyn, I am fucking serious. Kung hindi natin sasabihin ngayong tayo na ulit, kailan pa?"

"Samson makinig ka naman saakin. Hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa sige ng sige. Kailan nating mag-isip ng mabuti at hindi ba't napag-usapan nanating uunahin pa natin si Felix at Talia?" kumalmado ang mukha niya ngunit hindi sumagot. Nang ihinto niya ang Ranger sa kanto ay tahimik parin siya.

"Hintayin mo na ako dito at huwag kang susunod. Babalik din ako kaagad." hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at lumabas ng sasakyan niya.

Kakapusin na yata ako ng hangin sa katawan sa sobrang kaba at bilis ng tibok ng puso ko. Nang makapasok ako ay bumungad saakin si Mama at Kuya na nasa kusina.

"Rosalyn! Shit... ba't hindi ka umuwi!" kaagad akong linapitan ni Kuya at yinakap. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko sa inakto niya

"Iha, pinag-alala mo kami! Saan ka ba nanggaling! Pati si Felix ay nagaalala sa'yo!" para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang pangalan ni Felix. Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko at ngumiti ng pilit.

"Sorry Ma, Kuya, pinapunta kasi ako ni Tita Marites sa bahay nila. Nag bake po kami. Hindi niya ako pinayagang makauwi kaya natulog na lang ako sa bahay nila. Malakas kasi ang ulan at baka kung maano daw po ako pauwi."

Hindi sila sumagot at mariing nakatitig saakin. Kailan ko ng magsimba sa dami ng kasalanan at kagagahan ko. Syempre at una nilang tinawagan si Felix. God. Panigurado at mag-iisip ng kung ano si Felix.

"Sa susunod ay magsasabi ka ng hindi kami nag aalala! Muntik ng umuwi si Papa sa sobrang pag-alala."

"Oo, Kuya, pasensya na at hindi na mauulit."

Iniwan ko na sila at dumiretso sa kwarto. Hinalungkat ko ang phone sa bag ko. Tadtad ng mensahe at tawag kay Felix at ni isa ay wala man lang akong nasagot. Sumikip ang dibdib ko. Masasaktan ko si Felix sa gagawin ko. I'm sorry, pero kailangan ko na siyang pakawalan.

Nang bumalik ako kay Samson ay busy siya sa kanyang phone. Nang makita ako ay tinago niya ito at binuhay ang sasakyan. Sinong ka text niya? Si Talia ba?

"Pinagalitan ka nila?" tanong niya. Umiling ako.

"Hindi naman... pinagsabihan lang." iniwasan ko ang titig niya at tumingin sa labas. Hindi ko man kita ay ramdam kong nakatitig parin siya saakin.

Nang umandar ang sasakyan at hawakan niya ang kamay ko ay doon na ako napatingin sa kanya. Pinaliguan niya ng halik ang likod ng palad ko at mahigpit iyong hinawakan.

"Hindi ko katext si Talia. Sinabi ko kay Isaiah at Abraham na tayo na ulit." ani niya at nginitian ako ng pagtamis tamis.

Continue Reading

You'll Also Like

150K 3.1K 32
❤️ Owl City Boys Series - 4 ❤️ Duchess Serene Agonzillio, the socialite queen, stern, and the only grand-daughter of the founder of the leading bank...
49.2K 967 53
"Hindi siya nakakatulog ng walang ilaw..." Namilog ang mga mata ng aking mga kasamahan at sabay-sabay silang napasigaw... "Ba't mo alam?" I bit my lo...
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
16.8K 838 67
Liana Kyrie Buenaventura will work as a secretary in Montereal Company where she first met the cranky and cold-hearted man, Raze Adler Montereal.