To Be Only Yours

By youngkyongji

128K 2.5K 191

Isang taon na simula noong nag hiwalay si Samson at Rosalyn. Ngunit hindi maintindihan ni Samson ang nararamd... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 29

1.9K 32 1
By youngkyongji

Kanina pa ako hindi mapakali at tingin ng tingin sa relo ko. Mag tatanghalian na pero hindi parin tumatawag si Samson. Hindi naman niya sinabi saakin kagabi kung anong oras siya pupunta dito. Ayoko naman siyang itext dahil baka isipin niyang excited akong makita siya. Ni hindi ko nga siya nakita kaninang umaga dahil hindi niya hinatid si Talia.

Bumuntong hininga ako at sinandal ang ulo sa swivel chair. Naaatat na akong makita si Samson. Ang tagal naman yata niya! O baka mas inuna niya si Talia? Sa isiping iyon ay parang nilalakumos nanaman ang puso ko. Para akong number two at siya ang number one.

"Rosalyn, nasaan na ang dokumento? Kailangan ko na ngayon." napabalikwas ako ng tawagin ako ni Dean.

"Opo! Nandiyan na!" mabilis kong kinuha ang pinaayos niyang dokumento at pumasok sa opisina niya.

"Pasensya na po, Sir." napayuko at ngumiti ng hilaw.

"Mukhang gutom ka na at wala ka sa sarili. Bakit hindi ka na lang kumain?" anas niya at kinuha saakin ang dokumento.

"Mamaya na po, Sir, may hinihintay pa kasi ako."

"Ganoon ba… siya sige."

Lumabas na ako sa opisina ni Dean at bumalik sa lamesa ko. Sumimangot ako at inayos ang nagkalat na papel nang biglang tumunog ang phone ko. Sa sobrang gulat ay binitawan ko ang hawak, nag kalat iyon sa sahig ngunit hindi ko na pinansin pa at kinuha ang phone ko. Baka si Samson na 'yon!

Calling ST

Ang nabasa ko sa phone. Linunok ko ang nakabara sa lalamunan ko bago sinagot ang tawag niya.

"Hello?" anas ko at pinulot ang mga papel sa sahig.

"Labas ka na, nandito na ako." binalik ko ang papel sa lamesa at nagpigil ng ngiti.

God! Nandito na siya! Excited man ay binahiran ko ng pagtataka ang tono ng boses ko. Syempre at iisipin noon na kanina ko pa siya hinintay. Tutuksuhin niya ako panigurado!

"Talaga?"

"Yeah… dalian mo. Iyong Ranger ang gamit ko. Bye."

Hindi na niya hinintay ang sasabihin ko at binabaan ako ng tawag. Mabilis kong linabas ang salamin sa bag ko at tinignan ang mukha ko. Syempre at ayokong haggard ako sa paningin niya! Nag-apply ako ng konti pang lipstick at nag spray ng pabango. Baka naman isipin niyang pinaghandaan ko ang pagdating niya at nag paganda pa ako!

Bahala na nga, ang importante ay makita ko na siya. Lumabas ako ng opisina at halos takbuhin ko na ang daan palabas. Nang makita ko ang Ranger na itim ay linapitan ko na at kinatok ang bintana. Tumunog ang pinto kaya naman binuksan ko na at pumasok.

"Hi," parang nahulog ang bahay bata ko kasama ang panty ko ng masilayan ang napakagwapo niyang mukha.

Naka long sleeve siya ng kulay grey na may itim na neck tie. Naka tuck iyon, nakaekis ang kamay niya sa dibdib kaya naman umuubok  na naman ang muscle niya sa braso. Ang macho niya!

"Hi," ganting bati ko. Nginisian niya ako at bigla na lang hinila, pinaupo niya ako sa hita niya at lumandas ang kamay niya sa bewang ko.

"Bango mo ah," sinighot pa niya ang leeg ko at pinanggigilang pisilin ang bewang ko.

"Hindi naman,"

"Oo kaya. Nag paganda ka pa ano? Kaya ka natagalan."

"Hindi nga! Kaninang umaga pa ito." pagsisinungaling ko at hinampas siya ngunit tinawanan niya lamang ako. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil nahuli niya ako.

"Okay, sabi mo, e." natatawa niyang sabi.

"Saan ka galing? Pormal na pormal ka yata ngayon?"

"Sa pier, may meeting kanina at inasikaso ko ang mga transactions ng mga barko."

"Ganoon ba?" tumango siya at hinawi ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko.

"How about you? How was your morning?" napangiti ako at linagay ang kamay ko sa batok niya.

Linaro ko buhok niya doon at hinaplos ang gilid ng buhok niya. Manipis lamang ang gupit noon, hindi katulad sa tuktuk na medyo makapal at nakataas. Parang kay Nick Bateman lang ang buhok niya at gustog gusto ko ang gupit niyang ito.

"Uhm, maayos naman. Tulad parin ng dati, inoorganize ang schedule at mga kailangan ni Dean. Tapos-" napatigil ako sa pagsasalita ng mapansing hindi siya nakikinig sa sinasabi ko at nakatitig sa labi ko. Napalunok siya ng maraming beses.

"Are you listening, Samson?"

"Yes- damn, no. Ano ulit ang sinabi mo?" sumimangot ako at tinigil ang paglalaro sa buhok niya.

"Hindi ka naman pala nakikinig."

"Pasensya na. Tangina kasi ng labi mo, ang pula, sarap dilaan." nanlaki ang mata ko sa narinig.

"Tapos itong dibdib mo," napasinghap ako ng hawakan niya ang magkabila kong dibdib. "Ang yaman at malulusog, sarap paglaruan."

Napapikot ako at tiningala ang ulo ko ng halikan niya ang leeg ko habang ang kamay niya ay masuyod na hinihimas ang dibdib ko. Humigpit ang hawak ko sa batok niya ng paliguan niya ng maiinit na halik ang collar bone ko. Pakiramdam ko ay isa nanaman akong kable ng kuryente sa poste.

"Samson, huwag, na sa sasakyan tayo." gusto ko man ng katawan ko ang ginagawa niya ay pinigilan ko siya ngunit ayaw niyang paawat at binuksan pa ang isang butones ng blouse ko.

"Samson," daing ko ng lumipat ang labi niya sa panga ko. Kailangan na niyang tumigil pa man ako bumigay! Ayokong isuko ang virginity ko dito sa loob ng sasakyan! For god's sake! I really need to stop him!

"Tigil na, Samson!" tinulak ko siya ngunit huli na dahil natanggal na ang ikatlo kong butones.

Yumuko siya at ganoon na lamang ang gulat ko ng dilaan niya ang cleavage ko at hinalikan ang dibdib ko kahit may suot pa akong bra. What the freaking hell? Napapikit ako at pigil ang pag-ungol ng ibinaba niya ang bra ko at sinubo ang dibdib ko. Oh my God!

Dinilat ko ang aking mata. Kitang kita ko ang mga studyanteng dumaraan. Pakiramdam ko ay pinapanood nila kami kahit tinted naman ang sasakyan. Unti unti ay naramdaman ko ang pagdaloy ng kuryente sa pagitan ng hita ko at pag-iinit ng katawan ko.

"Samson," ungol ko. Tumigil siya at binalik sa dati ang bra at damit ko na parang walang nangyari.

"Does it made you feel better?" kinagat ko ang ibabang labi at tumango. Oo na at nagustuhan ko ang ginawa niya. How he play his tongue to my breast. Shit. Parang gusto ko ulit ipaulit.

May inabot siya sa backseat kaya naman bahagya akong tumayo para makuha niya iyon. Nangunot ang noo ko ng makita ang isang paper bag. Muli niya akong pinaupo sa hita niya, binigay saakin ang hawak.

"What's this?"

"I brought you lunch, pinaluto ko sa bahay. Kinuha ko kanina bago ako pumunta dito."

"Kaya ka pumunta dito para ibigay 'to?" ngumisi siya at tumango.

Yinakap niya ako at binaon ang ulo sa leeg ko. Linapag ko ang hawak sa kabilang upuan at sinuklian ang yakap niya. Hindi ako makapaniwala na ito ang sadya niya kaya niya ako pinuntahan dito. Oh my God! Ang akala ko ay may sasabihin lamang siya o kaya ay gusto akong makita. Wow! I can't believe him.

"Thank you," bulong ko sa tenga niya. Hindi ko maitago ang ngiti sa labi ko. I'm just so happy. Sa ginawa niya kasing ito pakiramdam ko ay sinusuyo niya ako. It is girl's weakness! Kung alam niya lang.

"I have to go, Rosalyn, dinaan ko lang talaga 'yan. May naiwan pa akong trabaho sa pier." sinipat niya ang relo at binuhay ang makina ng sasakyan. He's leaving that fast? Gusto ko pa siyang makasama.

"Aalis ka na?" sumimangot ako. Bumuntong hininga siya at dinampian ng halik ang labi ko.

"Yes. Medyo busy ako ngayon kaya baka hindi muna kita maaasikaso. Babawi ako this weekend, okay?"

"Okay." walang gana kong sabi. Nalulungkot at baka hindi ko siya makita sa susunod pang araw. Mag iinarte pa ba ako? Buti nga at naglalaan pa siya ng oras saakin, hindi ba? Eh sa namimiss ko lang talagang makasama si Samson. Isang taon din kaming hindi nag-usap ng ganito. 

"Sa sabado, mag dadate tayo. Please, huwag ka ng malungkot. Madami lang talagang naiwang trabaho si Daddy."

"Oo na." tinawanan niya ako at tinuro ang pisngi niya.

"Kiss mo na ako at ng makaalis na ako. Kung magtatagal ka pa dito ay baka tuluyan ka ng mabuntis." kinurot ko ang dibdib niya at linapit ang mukha sa pisngi niya para mahalikan ngunit mabilis niyang hinarap saakin ang mukha niya dahilan upang labi niya ang mahalikan ko.

"Samson!" inismiran niya ako at muling kinintilan ng halik ang labi ko.

"Sarap mo ah," inikutan ko na lang siya ng mata at tumayo. Tinalikuran ko siya upang lumabas na ngunit pinalo niya ang pwet ko ng dalawang beses kaya naman napaupo ako sa front seat.

"Hindi ka pa ba titigil!" pagsusungit ko ngunit tinawanan nanaman niya ako!

"Fine. Titigil na. Labas kana, tangina tinitigasan na ako." hindi na ako sumagot pa at lumabas bitbit ang paper bag.

"Bye, Rosalyn, love you." rinig ko pang sabi niya bago sumara ang pinto.

Napangito ako at nagmadaling bumalik sa opisina. Linabas ko ang mga Tupperware sa paper bag at binuksan. Napaupo ako at natakam ang makita ang laman. May kanin at ang paborito kong ulam, chopseuy at ginataang kalabasa at sitaw! May kasama ring cake at may nakalagay pang note sa tumblr.

Eat well, beautiful.
-ST

Kinuha ko ang phone ko at nagtipa ng mensahe sa kanya.

Ako:
Thank you sa pagkain, Samson. Ingat ka sa pagmamaneho. Miss you already :)

Ilang sandali pa ay may reply na siya.

ST:
Miss you more.

Tatlong salita lang 'yon ngunit lubos na ang paghaharumentado ng puso ko. Kinuha ko ang kubyertos at nagsimulang kumain. Sa halik pa lang ni Samson kanina ay busog na ako.

Lumipas ang dalawag araw at hindi ko na nakita pa si Samson. Hindi na rin niya ulit ako binigyan ng pagkain pa. Ni text at tawag ay wala akong natanggap. Tinanong ko si Isaiah kung  nasaan si Samson. Kinakabahan pa ako dahil baka makahalata siya ngunit hindi na ako nag-isip pa.

Isaiah:
Nasa pier kasama ko kanina.

Nakahinga ako ng maluwag sa sagot niya. Mabuti naman, ang buong akala ko kasi ay umiiwas siya at tyumetyempo kung kailan kami magkikita. Mahirap na at baka malaman ni Talia. Hindi naman pwede iyong lagi ako sa bahay nila atsaka isa pa ay meron si Kuya. Magtataka iyon kung saan nanaman ako pumupunta.

"How was the food, iha?" tanong ni Tita Flor. Uminom muna ako bago sumagot.

"Masarap po, Tita, wala paring kupas ang pagluluto niyo." tumawa siya na sinabayan naman ni Tito Froilan at Felix.

"Sabi ko sa'yo Ma, hindi maarte si Rosalyn sa pagkain." kinurot ko ang hita ni Felix. Tumawa siya at hinawakam ang kamay ko. Dinala niya iyon sa labi niya at hinalikan.

Nang matapos kumain ay lumabas kami ng bahay nila Felix at humiga sa may duyan. Malamig ang ihip ng hangin ngunit hindi ko iyon masyadong ramdam dahil yakap yakap ako ni Felix.

"Mabuti at maaga kang umuwi ngayon mula sa trabaho." anas ko habang nasa kalangitan ang tingin. Nagulat na lang kasi ako kanina dahil nadatnan ko siya sa labas ng opisina. Dinala niya ako dito sa bahay nila at dito nag hapunan.

"May nadagdag kasing trabahador kaya napabilis ang gawain sa Holcim. Pasensya na Rosalyn at hindi na kita masyadong nasusundo. Busy lang talaga sa trabaho." parang hinaplos niya ang puso ko sa lambing at lungkot ng boses niya. Tinignan ko siya at hinaplos ang pisngi niya.

"Felix, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ayos lang?"

"Alam ko… pero kasi namimiss lang talaga kita, Rosalyn. Tatlong araw din tayong hindi nag kita." humigpit ang yakap niya saakin at hinalikan ang balikat ko. Napaigtad ako sa ginawa niya ngunit hindi ko pinahalata.

"Hayaan mo at babawi ako sa'yo sa linggo. Labas tayo? Saan mo gustong pumunta?"

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Actually gusto kong mamasyal ngayon sa Baguio kaso iniisip ko si Samson. Paano kung hanapin niya ako? Edi hindi ko kaagad siya mapupuntahan? Atsaka ayoko yatang mawalay sa kanya kahit isang araw lang.

"Uhm… kain na lang tayo sa labas? Baka mapagod ka pa sa byahe." napangiti si Felix at tumango.

"Okay. If that's want you want." anas niya at muling dinampian ng halik ang balikat ko.

Continue Reading

You'll Also Like

31.7M 537K 55
Have you ever had sex with a complete stranger? What if you did? What are you going to do if you had sex with a stranger? Yung tipong kahit itsura ni...
14.1M 272K 38
Synopsis Matthew Del Prado is one of the most eligible bachelor in town. A man that every woman's dream and every man's nightmare. He can...
39.4K 2.5K 42
Malamig na mga rehas. Apat na sulok. Malupit na mga kadena. Katahimikan at dilim. Pulang Kandelang nakabalot sa telang itim. Ang mga ito ang tanging...
59.5M 1.1M 38
All his life, Andrius Salazar only wanted three things. A peaceful life that he plans to live to the fullest, he wanted to be left alone by his famil...