To Be Only Yours

By youngkyongji

128K 2.5K 191

Isang taon na simula noong nag hiwalay si Samson at Rosalyn. Ngunit hindi maintindihan ni Samson ang nararamd... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 18

2.2K 48 5
By youngkyongji

"Are you insane!" hysterical kong sabi at bahagyang lumayo sa kanya nang marealize ang sinabi niya. Seriously, nagpapatawa ba siya?

"Rosalyn, seryoso ako." umiling ako at mas lalo pang lumayo sa kanya. My God! Hinihingi ba niya ang oras ko para makasama pa siya ng mas matagal? Is that what he want? Pero bakit! Alam niyang hindi ang isasagot ko.

"Alam mo, Samson, ang mabuti pa ay umuwi kana. Hindi ka pwedeng manatili dito."

"Rosalyn," hinawi ko ang kamay ko ng tangkain niya itong hawakan. Napaawang ang labi niya at tinagilid ang mukha.

"Please, Samson, pasado ala una na. Kailangan mo ng umuwi."

"Rosalyn, ayoko pa." Shit.

Naibagsak ko ang balikat ko at wala sa sariling itinuon ang mata sa pinapanood kahit hindi ko na naiintindihan ang takbo ng kwento. Hindi ba niya naisip na mali ito! Na bawal ang ginagawa namin? Cheating ito! Panloloko ito kay Felix and Talia.

Parang linalamon ng apoy ang katawan ko sa ginagawa namin. God. Maling mali ito. Nakalimutan mo na ba Rosalyn ang panggagago niya sa'yo? Ang panloloko niya? Bakit ako nagpapaubaya sa kagustuhan niya! He can't control me anymore. Gamitin mo ang utak mo, Rosalyn!

"Samson, alam mong bawal ito." ani ko.

"Alam ko."

"Pero ginagawa mo parin."

"Dahil gusto ko." nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at napailing. Disappointed sa sagot niya.

"Ayokong lokohin si Felix, kaya pwede… umuwi kana."

"Rosalyn… we're not cheating. Nagkataon lang na malakas ang ulan at hindi ako makauwi. And it's too late… inaantok na ako."

Tinignan ko siya sakto namang nakatingin din siya saakin. Nagsukatan kami ng tingin ngunit ako ang naunang bumitiw. Wala na… dinala nanaman niya ako sa mundo niya… sa patibong niya.

"Hindi ka pwedeng matulog dito."

"Oo alam ko." nang muli ko siyang sulyapan ay nakangiti na siya. Sinimangutan ko siya ngunit mas lalo lang lumawak ang ngisi niya.

At saan naman siya matutulog sa tingin niya? Hindi siya pwede sa sala dahil maabutan siya ni Mama doon mamayang umaga. Hindi naman pwede sa kwarto ni Kuya. Walang ibang choice kung hindi sa kwarto ko.

Nanatili kaming tahimik hanggang sa matapos ang pinapanood kong So Close. Nang shinut down ko ang laptop ay nakayuko siya at nakaekis ang kamay niya sa dibdib. Teka, tulog na ba siya?

"Samson," yinugyug ko siya.

"Hmm?" umangat ang ulo niya. Pumupungay pa ang mata niya. Bumuntong hininga ako. Nakahinga ng maluwag.

"Tapos ka ng manood?" tumango ako at linagay ang laptop sa cabinet na katabi lang din ng kama ko.

Papanoodin ko pa man din sana ang Dead or Alive ngunit ayoko nang maglaan pa ng ilang oras na makasama si Samson katabi dito sa kama ko. Nang tumuwid ako ng upo ay pansin ko ang paninitig niya saakin. Tinaasan ko siya ng kilay ngunit nginisian niya lamang ako.

"Mabuti naman at wala na 'yong lipstick mo," naalarma ako at tinakip ang kamay sa bibig. "Sayang. Buburahin ko pa naman din sana."

Namula ang mukha ko ng tumawa siya at tumayo. What the freaking hell? Huwag niyang sabihing gusto nanaman niya akong halikan! Aba'y hindi naman pupwede saakin 'yon kahit na napakasarap niyang humalik. What the fuck, Rosalyn! Napailing ako sa naisip. Ba't naman ako umaasang hahalikan niya ako! Sana ay hindi ko muna binura ang lipstick ko. Oh my God, Rosalyn! Ano nanaman ba itong iniisip ko!

Mas lalong namula ang mukha ko ng hindi siya matigil sa pagtawa. Napahawak ako sa kumot at nanlilisik ang matang nakatingin sa kanya.

"Sarap pa naman ng labi mo."

"Samsonnnn!" halos manggigil na ako sa inis. Bwisit kasi! Kung ano ano na naman ang sinasabi niya! Naghaharumentado tuloy ako.

"Shh… magising si Tita Anabelle… tumahimik ka, Rosalyn." He smirk and tease me.

Hindi ako sumagot at pinanood ang bawat galaw niya. Hinila niya ang isa pang kama sa ilalim ng kama ko since double bed ito. Tumayo naman ako at kumuha ng unan at kumot sa cabinet. Binigay ko iyon sa kanya ng hindi nakatingin.

"You're blushing."

"Don't tease me, Samson." sagot ko at bumalik sa kama.

"Rosalyn, ang ganda mo."

Walang hiya talaga! Parang bumara ang puso ko sa lalamunan. Para akong nabingi at tanging tibok ng puso ko na lang ang naririnig. Oh my God! Kulang na lang ay paypayan ko ang sarili gamit ang kamay. Iba parin talaga kapag si Samson ang nagsasabing maganda ako. Parang kinikiliti ang bawat parte ng katawan ko.

"Matutulog na ako! Bwisit ka! Manahimik ka diyan!" binagsak ko ang sarili pahiga, tinalikuran siya at tinalukbong ang kumot sa katawan ko.

"I'm fucking serious, Rosalyn. Nagiging horny pa naman ako kapag maganda ang kasama ko." umiling ako at tinakip ang kamay sa tenga. Huwag kang papaapekto, Rosalyn!

Hindi ako sumagot. Bahala siya! Matutulog na ako! Ilang sandali pa ay tumigil siya sa pagtawa. Kinabahan nanaman ako ng lumubog ang kama at naramdaman ko na lang ang init ng katawan niya sa likuran ko kahit na may telang pumapagitan saamin.

"Ang dali mo talagang mainis. Putangina. Hindi ka lang maganda… cute ka paring kiligin." tumatawa niyang bulong sa tenga ko.

"Good night, Rosalyn." patuloy niya at hinalikan ng tatlong beses ang noo ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng dumampi ang labi niya sa balat ko. Hindi pa siya nakontento at inamoy ang buhok ko at pinaliguan ng halik ang anit ko.

"You really smell good. Sleep well, Rosalyn." ani niya bago tuluyang umalis sa tabi ko. Sinama ko ang ulo sa kumot at nagpigil ng ngiti. I already had a good night, Samson.

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling mula sa labas ng kwarto ko. May bisita nanaman ba kami ng ganito kaaga at may tumatawag sa pangalan ko? Sinama ko ang ulo sa kumot upang muling makatulog ng muli niyang tawagin ang pangalan ko. 

"Rosalyn, hindi mo pa ba bubuksan itong pinto? Alas otso na." Shit, si Mama!

"Po? Gising na ako!" sigaw ko mula sa kwarto at tumayo.

Napapikit ako at napahawak sa headboard ng bahagya akong nahilo sa biglaang pagtayo. Nang makabawi ay tinahak ko ang pintuan… sinuri ko ang seradura at nang masiguradong nakalock iyon ay nakahinga ako ng maluwag. Thank God!

"Mabuti na lang," anas ko at sumandal sa pintuan.

"Sasama ka ba sa salon, Rosalyn? Lumabas ka na ng kwarto para makakain."

"Opo! Sandali lang."

Linapitan ko si Samson na ngayon ay himbing ba himbing parin sa pagtulog. My God! Paano ako lalabas kung nandito ang lalaking 'to! And Oh my God! 'Yong sasakyan niya sa labas! Panigurado at makikita iyon ni Mama.

"Samson! Hoy, Samson!" yinugyug ko siya at yumuko. Hinila ko ang kumot upang makita ang mukha niya.

"Samson, gising!" bulong ko ngunit tanging pag-ungol lang ang sagot niya.

"Rosalyn, anak," muling sigaw ni Mama sa labas kaya naman naalarma ako at baka pasukin na niya ako dito sa kwarto.

"Opo, Ma! Sandali nga lang!"

"Samsonnn! Gumising kana!" muli ko siyang yinugyug. Naiinis na ako! Ba't ayaw niyang gumising! ? Mapapahamak kami nito kung hindi pa siya babangon!

"Hmm…" tugon niya at humarap saakin nang nakapikit ang mata.

"Gumising kanaaaa! Kailangan mo ng umuwi!"

Naibagsak ko ang aking balikat at napatitig na lang sa mukha niya ng hindi na siya sumagot. Napakagwapo niya talaga kahit saang anggulo. Lalong lalo na ang kurba sa panga niya. Buong buo at perfect ang pagkakahulma. Isama pa ang umbok sa lalamunan niyang kay sarap titigan sa tuwing gagalaw. Napakamanly talaga ni Samson. Gustong gusto ko rin ang semi shaved niyang buhok dahil mas lalong nadepina ang bawat anggulo ng mukha niya. Napakagwapo… nakakamangha talaga ang likha ng Diyos.

"Samson," muli ko siyang yinugyug.

"Hmm?" naningkit ang mata ko sa sagot niya. Teka, gising naman yata 'to eh!

"Huwag kang lalabas ng kwarto naiintindihan mo ba? Please, seryoso ako! Ayokong makita ka ni Mama dito sa kwarto ko! Kahit anong mangyari hindi ka lalabas. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Uh uh." sumimangot ako ng hindi man lang niya minulat ang mata upang makita ako. Kainis! Kinakabahan na nga ako at baka makita kami ni Mama pero heto siya at wala man lang pakialam!

Sa inis ay tinalikuran ko siya at binuksan ang pinto. Lumabas ako at linock mula sa loob ang pintuan. Nagmadali ako sa pagbaba at dumungaw sa bintana. Kumunot ang noo ko ng hindi ko nakita doon ang sasakyan niya. Where's his car? Bakit wala doon! Hindi kaya't ninakaw nila? Oh my God! Imposible!

"Rosalyn," halos tumalon ako sa gulat sa biglaang pagsulpot ni Mama.

"Mama naman! Ba't ka nanggugulat." sumimangot ako.

"Aba, ikaw itong parang may pinagtataguang taong nakasilip diyan sa bintana. Ano bang meron?"

"Wala. Wala po!" hinarang ko pa ang katawan ng sumilip si Mama kahit wala naman siyang makikita doon. Kinunutan niya ako ng noo at bahagyang lumayo.

"Oh siya sige! Sumunod ka na lang sa salon… hindi na kita mahihintay dahil anong oras na. Si Roshan naman ihahatid ko sa bahay ng kaklase niya at gagawa daw sila ng project. Kanina pa naghihintay 'yon sa labas."

"Opo, Ma… susunod ako." sagot ko na lang. Sakto namang bumukas ang pintuan. Seryoso ang mukha ni Roshan na pumasok.

"Sandali lang Roshan at kukunin ko ang bag ko sa kwarto. Rosalyn, ikaw ng bahala dito sa bahay." patuloy ni Mama at umalis.

"Ate," umupo naman ako sa sofa ng sundutin ako ni Roshan.

"Bakit Roshan?"

"Nakita ko 'yong sasakyan ni Kuya Samson diyan sa may kanto. Rinig ko rin ang boses niya kagabi. Nandito siya ano?" halos tumuwid ako ng upo sa gulat at nanlaki ang mata sa narinig. Oh my good Lord!

"Roshan-"

"Nasa kwarto mo siya, Ate? Ba't siya nandito?" sasagot pa lang sana ako ng sumulpot nanaman si Mama.

"Halika na, anak. Ilock mo ng mabuti ang pinto kapag aalis kana. Mauuna na kami ng kapatid mo." tango na lang ang naisagot ko kay Mama at gulat paring nakatitig kay Roshan.

"Roshan," kakausapin ko pa sana siya. Magpapaliwanag, ngunit dinilaan niya lang ako at tumatawang lumabas.

Napaupo ako sa sofa at kinalma ang sarili ko. Paanong napunta sa may kanto ang sasakyan ni Samson? Posible kayang kanina pa siya gising at doon pinarada ang sasakyan niya? Bumuntong hininga ako at tumayo. Babalik na sana sa kwarto ngunit pababa na ng hagdan si Samson. Naningkit ang mata ko at pinagekis ang kamay sa dibdib. Hindi alintana ang hita niyang kay puti dahil boxer lang ang pang ibaba niya.

"Umalis na Mama mo?" inirapan ko siya at dumiretso sa kusina. Umiinit ang ulo ko sa nangyayari.

"Ba't nasa kanto ang sasakyan mo? Kanina ka pa ba gising?" anas ko at hinarap ang lagayan ng kape. Ramdam ko namang nakasunod siya saakin kaya nanatili akong nakatalikod sa kanya. Ayaw ko siyang harapin dahil umiinit ang ulo ko.

"Pinarada ko 'yon doon kaninang madaling araw. What's the problem, Rosalyn?" natigilan ako sa paglalagay ng asukal sa baso ng hawakan niya ang siko ko. Hinarap ko siya at sumandal sa sink.

"Kanina ka pa pala gising… alam mo bang kanina pa ako nag-alala… natatakot na baka makita ka ni Mama sa kwarto ko." pagsusungit ko at tinulak siya mula sa dibdib. Napaawang ang labi niya sa ginawa ko.

Naiiyak ako. My God, Rosalyn. Minsan ay kailangan ko ding labanan ang sarili ko. Hindi iyong lagi na lang akong nagpapadala sa bugso ng damdamin ko. Anong kagagahan nanaman ba itong ginagawa ko? I just let him slept in my room! Sabi ko sa sariling lalayuan ko na si Samson… pero ako mismo ang gumagawa ng paraan para makasama siya. Kontrolado na niya ako kapag ang lapit lapit niya. Nahihibang ako sa tuwing tinititigan niya ako. He can control just by merely looking at me. Panganib iyon at kailangan kong umiwas.

"Hindi naman ako magpapakita kay Tita Anabelle, Rosalyn. I just want more quality time with you." umiling ako at muli siyang tinalikuran. Natatakot akong tumitig sa kanya… dahil sigurado akong kokontrolin nanaman niya ako.

"Samson, umuwi kana. Utang na loob… huwag ka ng babalik dito."

"Rosalyn," hindi ako sumagot ng hawakan niya ang bewang ko upang pumirmi sa kinatayayuan ko. Napayuko at tinakip ang palad sa mukha ko ng yakapin niya ako mula sa likuran at pinatong ang ulo sa balikat ko.

"Rosalyn, we're okay last night. Paggising ko ang lamig mo na saakin. Please tell me what's wrong." bulong niya sa tenga ko ngunit muli akong umiling.

Lahat ng ito mali. Kataksilan kay Felix… kay Talia at sa pamilya namin. Alam nilang lahat na wala na kami. Pero heto at nagawa pa naming matulog sa iisang kwarto.

"Wala. Wala, Samson… ang mabuti pa ay umalis kana." kumawala ako sa bisig niya at lumayo.

"Mas lalo akong hindi uuwi sa akto mo, Rosalyn. Just fucking tell me what is wrong."

"Ito! Mali ito! Ang pagsasama natin! Samson, mali lahat ng ito! Dahil kapag ang lapit lapit mo saakin ay nakakalimutan ko ang panloloko mo noon! Nakakalimutan ko na may boyfriend ako! Kaya pwede ba… umuwi kana!"

Sa isang iglap ay para akong bulkang sumabog sa galit. Galit ako sa sarili ko at sa kanya. Sumeryoso ang mukha niya at dumilim ang mata niya. Nagiigting ang panga niya at sinubukan akong lapitan ngunit humakbang ako paatras.

"We can't be together again, Samson. Please. Umalis kana. Iwan mo na ako at huwag ka ng babalik."

Imbes na sumunod siya sa sinabi ko ay nanatili ang mata niya saakin. Tinitigan niya ako. His eyeing me if I meant what I said. Nakipagsukatan ako ng titig… hoping that this would be the last glimpse. I swear, hinding hindi na ako muling lalapit sa kanya pagkatapos nito.

"Is this what you really want, Rosalyn? Ang lumayo ako sa'yo? Ito ba ang gusto mo?" umiwas ako ng tingin. Parang tinamaan ng punyal ang puso ko sa lamig ng boses niya. Is this what I really want? Of course, Rosalyn! You have no other choice!

"Oo, Samson. Huwag ka ng lalapit saakin. Stay.away.from.me." binigyan kong diin ang bawat salitang lumabas sa bibig ko.

Sinulyapan ko siya. He's still eyeing me. Para bang sinasabi ng mata niyang bawiin ko ang sinabi ko ngunit hindi ko ginawa.

"Sana, Rosalyn, masaya ka sa desisyon mong 'yan… dahil ako… putangina, hindi ko tanggap ang sinabi mo." ginulo niya ang sariling buhok at tumalikod. Napayuko ako at pinigilan ang luha ko. Bakit ganito? Kabaliktaran ang nararamdaman ko. Dapat magalit ako dahil hindi siya sang-ayon sa sinabi ko. Pero shit lang… tuwang tuwa pa ako.

"Fuck. If I could only turn back time. This is fucking driving me insane!" anas niya bago tuluyang umalis.

Continue Reading

You'll Also Like

14.5M 776K 82
He's her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrera, her sensible and almost perfect boyfr...
15.9M 780K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
4.7M 107K 18
It all started with her jealousy and stupidity. Xandra Elisse being a spoiled brat didn't realize that what she had done with Dr. Lucas--her ideal m...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...