To Be Only Yours

Par youngkyongji

126K 2.5K 191

Isang taon na simula noong nag hiwalay si Samson at Rosalyn. Ngunit hindi maintindihan ni Samson ang nararamd... Plus

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 14

2.2K 52 4
Par youngkyongji

Kasalukuyan akong nakaupo sa may tapat ng Dean's office habang kinakalikot ang phone ko ng marinig ko ang ilang usapan ng studyante sa kabilang bench. Nagpantig ang tenga ko ng marinig ang pangalan ni Talia.
"Ano bang problema ni Talia? Ang lungkot lungkot niya. She's unreadable." ani noong isa.

"Hindi ko alam, Mary, pero rinig ko sa kanyang nakipag cool off daw si Samson sa kanya. Iyon ang narinig ko noong may kausap siya sa phone niya." tumingin ako sa gawi nila. Kaibigan pala iyon ni Talia.

"Hindi ko siya makausap ng maayos. Lagi siyang umiiwas... parang wala siya sa sarili."

Natigilan ako sa pagkalikot sa aking phone at tulalang napatitig sa screen. Nakipag cool off si Samason kay Talia? What the hell? Para saan? Bakit siya nakipag cool off? Talia did nothing! Kinagat ko ang ibabang labi. It reminds me of what happened two days ago.

'Yong galaw pa lang nila sa mall at ang hindi pamamansin ni Samson sa kanya ay alam kong may mali na talaga sa relasyon nila. Pero bakit? Anong dahilan niya? Ito na nga ba ang sinasabi ko at naulit nanaman ang nangyari noon. Samson broke Talia's heart... tulad ng ginawa niya saakin. He is totally a fucked up!

"Talia..." napaangat ako ng ulo.

Ngumiti lamang siya ng hilaw sa mga kaibigan niya nang tawagin siya. Yumuko at tuluyan ng umalis. Nababahala ako. Gusto ko siyang lapitan at kausapin pero hindi ko alam ang tamang sasabihin. I'm worrying. Naranasan ko rin kasi ang nararanasan niya ngayon. If she really love Samson, then... she felt what I felt too... at hindi 'yon healthy.

Tumayo ako at bumalik sa Dean's office. Umupo ako sa swivel chair at hinilot ang sintido ko. Dapat ko bang tawagan si Isaiah para makibalita? Sigurado at magtataka siya. Sa huli ay hindi ko tinuloy ang balak. It's their relationship... off limits ako doon.

Sa kalagitnaan ng pahinga ko ay tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag ni Cielo.

"Hello?" ani ko.

"Hello Rosalyn? Dumaan ka naman mamaya dito sa salon... wala si Mamita, sa'yo ko na lang ireremit itong pera." oo nga pala at pumuntang Baguilin sila Mama at Papa kasama si Roshan. Si Kuya naman ay bumalik na ng Manila kagabi.

"Sige Cielo... pero baka alas sais na ako makakarating diyan dahil madami akong gagawin ngayon. Makakapaghintay ka ba?" pinatay ko ang laptop at sinenyasan si Daniela sa may glass window na may kausap ako.

"Oo ayos lang ano ka ba! Text mo ako kung papunta ka na, okay? Bye bes!"

"Sige. Bye."

Napabuntong hininga ako at sinilid ang phone sa bag ko. Lumabas ako ng office at nginitian si Daniela ng makita siya sa labas.

"Tara na!" ani niya at hinila ako paalis ng building.

Napatingin ako sa may tabi ng gate nang makita doon si Talia. May kausap at umiiyak. Napailing na lang ako at napapikit ng mariin. Anong kagaguhan nanaman ang ginawa ni Samson?

"Bahala ka na dito sa opisina, Rosalyn. Kung may magtanong saakin sabihin mong umalis na ako dahil may importante akong lalakarin." ani Dean habang inaayos ang eyeglass niya.

"Sige, Sir, ako na po ang bahala." nginitian niya ako at tumango bago umalis.

Nag retouch naman ako ng make up at sinalampak ang gamit sa bag ko. Pinatay ko ang aicon at tinapon sa basurahan ang mga kalat bago umalis. Pasado alas singko na, mukhang alas sais nga talaga ako makakarating sa salon ngayon.

Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid hanggang sa salon. Traffic pa sa daanan dahil inaayos ang ilang parte ng kalsada at drainage. Inayos ko ang bag saaking balikat at plinantsa ang palda kong hanggang tuhod gamit ang kamay bago pumasok. Nadatnan ko si Cielo sa may sofa at handa ng umuwi.

"Mabuti at meron ka na! May naghahanap pala sa'yo." bungad niya. Nilapag ko naman ang bag sa counter at kinunutan siya ng noo.

"Sinong naghahanap saakin?" nginuso niya ang pintuan ng CR.

"Sino nga?"

"Hintayin mong lumabas." sagot niya ng nakangisi.

Sakto namang bumukas ang pintuan kaya napatingin ako doon. Nanlaki ang mata ko ng makita si Samson. Ilang dipa ang layo niya saakin ngunit amoy ko na ang pabango niya na may halong sigarilyo.

"What are you doing here!" naningkit ang mata ko. Nainis ako bigla kay Cielo. Hindi ko alam kung ginawa niya lang excuse ang pera o talagang pinakiusapan siya ni Samson na papuntahin ako dito.

"Pinapunta mo ako dito kahit alam mong nandito siya?" anas ko kay Cielo.

"Hindi! Ano kaba! Kararating lang niya at hindi ko alam na pupunta siya dito." inikutan niya ako ng mata at sinukbit ang bag sa balikat niya.

"Una na ako, Rosalyn! Bye!"

"Cielo!" Shit. Sinubukan ko siyang pigilan ngunit mabilis siyang nakaalis.

Kinalma ko ang naghaharumentado kong sistema at hinarap ang counter. Hindi ko pinansin si Samson kahit alam kong pinapanood niya ang bawat galaw ko. Ano nanaman ba ang kailangan niya! Imbes na makipag-ayos siya kay Talia ay heto at guguluhin na naman niya ako!

"Rosalyn,"

"Anong kailangan mo, Samson." hindi ko siya tinignan at nagpatuloy sa pagbibilang ng pera kahit okupado niya ang isipan ko. Nanginginig ang kamay ko sa kaba.

"Pwede ba tayong mag usap?" napahinto ako sa pagbibilang. Hindi ko alam kung magkano na ba ang hawak ko dahil iba naman ang laman ng utak ko.

"Wala tayong paguusapan. Umalis ka na." sambit ko at muling binilang ang pera.

"Stop counting money and look at me, will you?" tinignan ko siya ngunit hindi ako sumagot. His face is unreadable. Hindi ko mabasa ang mata niya. Tanging madilim lamang na anyo ang nakikita ko.

"Gusto ni Mommy na pumunta ka ngayong Sabado sa bahay."

"What for?"

"Birthday niya." sumandal siya sa counter at pinagekis ang kamay niya sa dibdib.

Napatigil ako sa ginagawa. Babalik nanaman ako sa bahay nila kung ganoon? Pero ayoko ng pumunta doon. Bakit naiipit nanaman ako sa sitwasyong ito. Hindi ko kayang tanggihan si Tita Marites. She's like a mother to me. Ngunit ayaw ko namang pumunta sa bahay nila.

"Pag-iisipan ko." ang tangi kong nasabi.

Hindi siya sumagot at nanatiling nakayuko. Panakanaka ko siyang sinusulyapan habang nagbibilang ng pera. Iyon lang ba ang ipinunta niya? Wala ba siyang balak sabihin saakin kung bakit siya nakipag cool off kay Talia? Bumuntong hininga ako at linagay sa bag ang pera.

"Aalis ka na?" kinagat ko ang ibabang labi at tumango. Tumatambol ang dibdib ko sa kaba. Nanginginig ang tuhod ko sa tagos niyang titig saakin.

Sinukbit ko ang bag sa balikat at chineck ang bintana kung nakalock ng maayos.

"Pwede ba kitang ihatid, Rosalyn?" halos tumalon ako sa gulat ng nakasunod pala siya saakin. Nasa likuran ko siya at hinihintay ang isasagot.

"Hindi. Huwag na." syempre at tatanggihan ko siya.

Hindi siya sumagot ngunit para naman siyang asong nakabuntot saakin. Nang huminto ako ay huminto rin siya. Nahihiwagaan ako sa galaw niya. Parang may gusto siyang sabihin saakin ngunit ang tahimik naman niya. Nang ilolock ko na ang pinto ay pumwesto siya sa tabi ko. Fuck. Dahil sa sobrang lapit niya saakin ay nanginginig ang kamay ko. Hindi ko tuloy maipasok ng maayos ang susi.

Nang umihip ang hangin ay nanuot sa ilong ko ang amoy niya. Napalunok ako ng maraming beses at tahimik na nag pasalamat ng sa wakas ay nailock ko na ang pinto.

"Rosalyn," pinigilan niya ako at hinawakan ang siko ko.

"Samson, hindi. Hindi mo ako ihahatid at uuwi ako mag-isa." inunahan ko na siya dahil alam kong kukulitin lang din naman niya ako na ihatid.

Napabuntong hininga siya at binitawan ang siko ko. Parang ang bigat bigat ng dibdib niya at ganoon na lamang ang paghinga niya. Parang may nakadagan sa dibdib niya. Shit. Napapikit ako ng mariin at nakaramdam ng awa. God, Rosalyn, huwag ka nanamang mag padala sa emosyon mo!

"You're so hard to please, Rosalyn... gusto lang talaga kitang ihatid. That's all."

"Hindi pwede... ang mabuti pa ay umalis kana."

"Please?" halos bulong na niyang sabi. Tinignan niya ako ng malungkot at hinawakan ang batok. He groan in frustration.

"I just want you safe... let me drive you home, Rosalyn." parang hinaplos ang puso ko sa sobrang lambing ng boses niya. Ganitong ganito siya saakin noon.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Gusto kong umayaw pero gusto ko ding umoo para tantanan na niya ako.

"Fine. Ihahatid lang," parang nabuhayan siya ng loob sa sinabi ko.
"Mark it... ihahatid lang." tumalon ang puso ko sa sobrang galak ng ngitian niya ako ng pagkatamis tamis at hinila papuntang sasakyan niya. Kinagat ko ang ibabang labi at tumingin sa magkahawak naming kamay. He's hand is so soft. So warm. Para bang safe na safe ako sa kamay niya.

Itinuon ko ang pansin sa labas ng umandar ang sasakyan. Papalubog pa lang ang araw at nagiging kahel na ang kalangitan. God's creations are really wonderful. Inilabas ko ang aking phone, binuksan ang bintana at kinuhanan ng litrato ang kalangitan. Pinost ko sa Instagram ang kinuhanan ko.

"Any idea about your gift to Mom?" biglaang tanong ni Samson habang nasa daanan ang tingin.

"Hindi ko alam. Wala pa akong naiisip."

"She'll consider it as a gift if you will come on her special day." sinulyapan niya ako. Tinignan ang reaksyon bago binaling ang tingin sa kalsada.

"I'm not really sure if I'll go. Magpapaalam pa ako kay Felix." ang kaninang maamo niyang mukha ay naging mabangis na tigre ng banggitin ko ang pangalan ni Felix.

Naging ganoon na ang anyo ng mukha niya sa kalagitnaan ng biyahe. Pinagkibit balikat ko na lang ang tinuran niya. Hindi porke't pumayag na ako na ihatid niya ako ibig sabihin okay na kami. Hindi 'yon ganoon kadali. Nang malapit na kami sa bahay ay sinukbit ko ang bag sa balikat.

"Ibaba mo na lang ako diyan sa kanto." kinunutan niya ako ng noo.

"Why? Hindi pa naman diyan ang bahay niyo."

"Basta." seryoso niya akong tinignan. Hindi nagustuhan ang sinabi ko ngunit hininto naman niya ang sasakyan.

Ayoko lang kasi na may makakita saaming magkasama. Lalo pa at alam nila dito saamin na boyfriend ko si Felix. Bumaba ako ng sasakyan niya. Sumunod siya saakin at linapitan ng makababa.

"Are we okay now, Rosalyn?" may diin niyang sabi. Bumuntong hininga ako.

"What are you trying to say?"

"About the kiss... I'm sorry, kung 'yon man ang iniisip mo."

"What?" napaawang ang labi ko. Kung ganoon iniisip niyang kaya ko siya iniiwasan ay dahil sa hinalikan niya ako?

"I'm sorry... hindi ko lang kasi mapigilan. Your lipstick is so seductive. Gusto kong burahin."

"That's why you kissed me?" umiwas siya ng tingin at tumango.

Nabalot ng galit ang puso ko sa dahilan niya. God! Nahihibang na siya! My lipstick is always nude, huwag niyang sabihing pag nakikita niya ako ay gusto niyang burahin ang liptick ko... sa pamamagitan ng panghahalik saakin? Tinalikuran ko siya at akmang aalis na ng hawakan niya ang braso ko. Pinigilan niya ako.

"Rosalyn, I'm sorry... fuck... I'm sorry." nanatili akong nakatalikod sa kaya.

"If you were really sorry... susundin mo ang kondisyon ko." hinarap ko siya. "Kung talagang sincere ka sa sorry mo... makipagbalikan ka kay Talia."

"W-what? What the fuck, Rosalyn! Saan mo nakuha ang balitang 'yan?" akmang lalapitan niya ako ngunit tinaasan ko ang kamay sa ere. I need to do this. Hindi lang para saaming dalawa kung hindi ay para saaming apat. Para sa relasyon namin.

"I'm not yet finish! Makipagbalikan ka kay Talia at huwag ka nang ulit lalapit saakin. Lalayuan mo na ako at huwag kakausapin."

"No! No fucking way! Hindi ako lalayo sa'yo!" ginulo niya ang sariling buhok. Tinadyakan ang gulong ng sasakyan at dumungaw sa hood. Tinalikuran niya ako.

Pinunasan ko ang nangilid na luha sa mata ko. Tama nga ang hinala ko. Kaya siya nakipag cool off kay Talia ay dahil saakin. God. Ayoko ng ganito. Madami ang masasaktan kung ipagpapatuloy niya ang gusto.

"Samson, makinig ka saakin," hinawakan ko ang kamay niya at pinaharap siya saakin. Nagiigting ang panga niya, salubong ang kilay at hindi niya ako magawang tignan.

"Why are you saying these! Ba't mo ako tinuturuan sa dapat na gawin! Natatakot ka ba? Are you fucking damn scared, Rosalyn!" umiling ako.

"This is for the better-"

"Natatakot ka kasi mahal mo pa ako, tama? Natatakot ka dahil kapag lapit ako ng lapit sa'yo ay siguradong bibigay ka na naman. You always come back to me, Rosalyn." hindi ko na namalayan pa at nasampal ko siya. Nanginginig ang katawan ko sa galit... sa mga paratang niya. I maybe too in love with him that time... pero hindi ako tanga na kahit na nasasaktan na ako ay mananatili pa ako sa tabi niya.

"Not this time, Samson! Hindi na ngayon! Nadala na ako sa pangloloko mo saakin! Ngayon kung inaakala mong kaya ko ito sinasabi ay dahil sa'yo ay pwes nagkakamali ka! I'm doing this for Felix! He reincarnate me! Binuhay niya ako noong panahong wasak na wasak ako sa'yo. Kung sino man ang mas deserving sa buhay ko at pagmamahal na binibigay ko ay 'yon si Felix."

Pinunasan ko ang luha sa pisngi. Tinignan niya ako madilim ang mukha. He is furious but I don't care!

"Saakin ang bagsak mo, Rosalyn, kakainin mo lahat ng sinabi mo." ani niya bago pumasok sa sasakyan at pinaharurut paalis.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

393K 11.8K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
317K 17.1K 41
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
36.7K 989 45
Once i fell inlove with a guy, a guy who been dreaming of. But one day i realize he taken by the someone's heart. Pero heto pa rin ako habol ng habol...
439K 9.6K 44
The bestfriends love.. Enzo is a guy who has everything, a well known player who has a girl bestfriend. Si Tricia, a boyish girl na nainlove sa bestf...