To Be Only Yours

By youngkyongji

126K 2.5K 191

Isang taon na simula noong nag hiwalay si Samson at Rosalyn. Ngunit hindi maintindihan ni Samson ang nararamd... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 13

2.2K 56 4
By youngkyongji

"Rosalyn! Dalian mo at nandito na si Felix!" sigaw ni Kuya mula sa labas ng kwarto. Nagmadali naman ako sa pag aaply ng pulang lipstick sa labi ko pagkatapos ay pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan sa salamin.

I'm wearing a high waist short, puting damit na sleeveless at ang sapatos kong kulay puti. Well, magdadate kami ni Felix ngayon at excited na akong makawala dito sa bahay. Kahapon lang dumating si Papa ngunit hanggang ngayon ay hindi parin siya nauubusan ng kwento. Hindi sa hindi kami ineteresado ni Kuya, paano kasi at parang armalite si Papa lalo noong uminom sila ni Kuya kagabi.

Pati nga ako ay isinama nila. Napunta saamin ni Felix ang kwentuhan hanggang sa malasing na silang dalawa. Si Papa kasi... parang binata parin kung umasta although I find it so cute. Hindi kasi siya mahigpit. Huhukayin at huhukayin niya nga lang ang mga nangyari habang wala siya. Hindi pwedeng wala kang masabi sa kanya. Syempre at ayaw niyang inistress namin si Mama. So sweet!

Nang makababa ako ay naabutan ko si Felix at Papa sa sofa na nagtatawanan. Si Mama naman ay may hawak na juice, linapag niya sa lamesa sa harapan nila.

"Bat nakaikili kang short? Palit ka! Mag dress ka." tinaasan ako ng kilay ni Kuya ngunit tinawanan ko lang siya.

Salamat at kinausap na ulit ako ni Kuya. Syempre at pinagbati kami ni Papa, hindi kasi pwede iyon sa pamilya namin... iyong hindi nagpapansinan.

"I'm ready!" napatingin sila saakin. Linapitan ko si Papa at hinalikan ang pisngi niya... ganoon din kay Mama. Nang makalapit ako kay Felix ay siya naman ang humalik sa pisngi ko kaya naman namula ang mukha ko sa simpleng tinuran niya.

"May curfew si Rosalyn, alas otso ng gabi." anas ni Papa at tumayo.

"Pa! Hindi na ako bata," ngumuso ako.

"Kahit pa, Felix iho, alas otso." natatawang tumango si Felix at inakbayan ako. Kainis! Ba't may curfew pa, e, adult na ako.

"Opo, Tito, eight o'clock sharp."

Nagpaalam na kami sa kanila at lumabas ng bahay. Nang nasa tapat na kami ng Jeep Commander niya ay kinintilan niya ng halik ang labi ko. Mabilis akong luminga sa likod at baka nandoon sila Papa. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi sila nakita.

"You're so beautiful, Rosalyn." napangiti ako at parang tumatalon ang puso ko sa sinabi niya. Kinawit ko ang kamay sa leeg niya at hinalikan ang gilid ng labi niya. God. I really missed him!

"You're so handsome, too, Felix." nginisian niya ako at pinagbuksan ng pinto.

Nang umupo siya sa driver's seat ay pinanood ko ang bawat galaw niya. Simpleng red V neck shirt lang naman ang damit niya at ang puti niyang pantalon at sapatos pero napakagwapo na niya. Isama pa ang hikaw niya sa tenga at ang nakataas niyang buhok. His muscles tense every time he moves. Shit. Kilig na kilig nanaman ako sa kanya.

"What?" nakangiti niyang tanong nang mapansin ang paninitig ko sa kanya. Binuhay niya ang makina ng sasakyan at nang igalaw niya ang manibela ay umubok ang muscle niya.

"You're so freaking hot, Felix." tumawa siya at kinuha ang kamay ko. Linagay niya sa bibig niya at hinalikhalikan.

"So do you, Rosalyn." kinindatan pa niya ako at kinagat ang ibabang labi bago pinakawalan ang kamay ko.

Nang maiparada niya ang sasakyan ay hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pintuan at lumabas. Alas dos na ng hapon at tirik na tirik ang araw. Kinawit ko ang kamay sa braso niya at pumasok sa CSI.

"Nood tayo sine," ani ko. Tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya at hinawakan ang bewang ko. Hindi ko alam kung may maganda bang palabas ngayon. Bahala na. Gusto kong masulit ang araw ngayon. Gusto kong magliwaliw upang marefresh ang utak ko sa nangyari kahapon.

"Okay. Manonood tayo ng sine." hinalikan ko ang pisngi niya at napahagikhik.

"Stop kissing me, Rosalyn," he tease me. "Baka iba pa ang magawa ko."

Sa sinabi niyang 'yon ay uminit ang pisngi ko. Tinawanan niya ako at hinila papuntang sinehan. Ewan ko ba pero ang sarap niyang panggigilan ngayon. Gusto kong pupugin ng halik si Felix. Maybe because I just missed him so bad.

Nang makapili ng panonoorin ay bumili kami ng ticket. Bumili rin kami ng makakin. Ilang sandali pa ay pumasok na kami at pumwesto sa may bandang gilid. Hindi ako masyadong mahilig sa mga love stories pag dating sa movie. I prefer action ang genre at Science fiction.

Sa mga libro lang talaga ako naaliw na magbasa ng mga love stories na may erotica. Paborito ko si Colleen Hoover at Anna Todd.

"You okay?" tanong ni Felix ng hindi ako umiimik. Paano kasi ay nakatutuk ang mata ko sa palabas. Tumango lang ako at hindi siya tinignan.

I'm on the depth of screaming when Felix touches my thigh. Paano kasi at kamuntikan nang mahulog sa building ang bida! Matagal narin kasi simula noong huli akong nanonood ng ganito dahil narin busy sa trabaho. All time favorite ko ang The Expendables! Pati narin ang Resident Evil although zombies iyon. Pero syempre ay the best parin para saakin ang The Walking Dead pagdating sa ganoon genre.

"Rosalyn,"

"Hmm?" pinasadahan ko ng tingin si Felix. Sandali lang at muling itinuon ang mata screen.

God! Ang hot lang talaga ng mga lalakig bida kapag action! Pati kapag iyong bidang lalaki ay sugarol, pariwara. Hilig ko talaga ang mga bad boy. Paborito ko rin ang Triangle though Korean Movie 'yon. Tapos 'yong mga secret agents na lalaki tapos 'yong babae ang magiging daan upang makakuha siya ng detalye tungkol sa misyon niya tapos mahuhulog ang loob niya sa babaeng 'yon ngunit hindi sila pwede sa isa't isa. Katulad noong Healer! Cliché sabihin... iyong twist talaga ng plot sila humuhugot para mas gumanda ang takbo ng kwento.

Naalarma ako ng haplusin ni Felix ang hita ko. Madilim man ay kitang kita ko ang pagningning ng mata niyang nakatitig saakin. Bigla akong kinabahan at napalunok ng maraming beses. Pakiramdam ko ay sumikip ang sinehan kaya naman sumikip rin ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga.

"Felix, bakit?" ani ko at tinanggal ang kamay niya sa hita ko ngunit muli niya iyong binalik. Shit.

Kalma, Rosalyn! Boyfriend mo siya hindi ka dapat kabahan. Hindi siya sumagot, bagkus ay inilapit niya ang mukha saakin at hinawakan ang pisngi ko. Kitang kita ko ang desire sa mukha niya mula sa ilaw na nanggagaling sa screen. Humigpit ang hawak ko sa upuan.

"Felix, madaming tao." sinubukan ko siyang pigilan ngunit ayaw niyang paawat. At ngayon ko lang siyag nakitang ganito kasabik saakin.

"One kiss,"

"Pero-"

Hindi na niya ako pinatapos at siniil ako ng nag aalab na halik. Napahawak ako sa kamay niyang nasa pisngi ko. Napapikit ako at tinugon ang mainit niyang halik. He groan in my mouth and deepen the kiss. God. I can't believe we're making out here! Kung saan pwede kaming makita ng maraming tao. Napasabunot ako sa buhok niya... ang isa kong kamay ay nasa dibdib niya.

"Fel-" pinutol niya ang sasabihin ko at muling sinakop ang labi ko.

Napakislot ako sa aking upuan ng hilain niya ako papalapit sa kanya. Hinabol niya ang labi ko at bumaba ang halik niya sa panga ko. Nang makarating ang labi niya sa leeg ko ay tumingala ako upang bigyang daan ang labi niya. Gusto kong huminto ngunit hindi ko magawang umapela. Shit. Nagiinit na ang katawan ko.

"Ehem!" nang may tumikhim sa likuran namin ay mabilis kong itinulak si Felix at inayos ang upo ko.

Oh my God! May nakahuli pa yata saamin. Napapikit ako ng mariin at kinalma ang naghaharumentado kong sistema. Hiyang hiya ako sa kung sino man siya.

"Sorry..." hinila ako ni Felix at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Napangiti ako ng marinig ang malakas na tibok ng puso niya.

"Can't help it, Rosalyn, ang ganda ganda mo kasi. Tss. Kainis kung sino man siya!" Napahagikhik ako at kinurot ang dibdib niya.

God. Ngayon ko lang ito ginawa buong buhay ko. Noong kami pa ni Samson ay hindi namin nasubukan ang ganito. Nawala ang ngiti sa labi ko ng maalala ang nangyari kahapon. Kung paano ako nagpaubaya kay Samson na halikan ako. What have I done? Nabahiran na ng kataksilan ang relasyon namin ni Felix. God, Rosalyn, ano nanaman ba itong ginagawa ko?

Nang matapos ang palabas ay hinila ako ni Felix paalis. Nang makalabas kami at napatingin sa may glass door ng isang boutique ay nanlaki ang mata ko ng makita ang nasira kung lipstick.

"Felix! 'Yong lipstick ko!" pinanlakihan ko siya ng mata.

"Ayusin natin? You want me to kiss you again, Rosalyn?" hinampas ko ang dibdib niya at hinila papuntang CR. Natatawa siyang sumunod saakin.

"Saan mo gustong kumain? Or World of fun tayo?" tanong niya matapos maglibot sa mall. Wala naman akong gustong bilhin. Gusto ko lang maglakad lakad at magkwentuhan kami.

"Kain tayo... sa food court ah? Basta 'yong walang-"

"Chicken," putol niya sa sasabihin ko at inakbayan ako.

"Ma'am Rosalyn!" napahinto kami sa paglalakad at napatingin sa tumawag ng pangalan ko.

Parang nawalan ako ng dugo sa mukha ng makita si Talia hila hila si Samson papalapit saamin. What the hell? Humigpit ang akbay saakin ni Felix at mas diniin ang katawan ko sa kanya. Anong ginagawa nila dito? I mean... oh my God!

"Wow! Hindi ko aakalaing makikita ko kayo dito! Hi Felix," kumaway siya kay Felix at ngumiti.

"Hi,"

"Ah! Si Samson nga pala, boyfriend ko."

Oh my goodlord! Halos mapamura ako saaking isipan ng ipakilala pa niya si Samson. Tinambol ng kaba ang dibdib ko sa serysong at iritadog mukha ni Samson. Ni wala siyang pakialam sa presensya namin at tanging tagos na titig ang binigay niya kay Talia. Parang nabato ako sa kinatatayuan ko ng ilahad ni Felix ang kamay niya.

"Felix, pare," mas lalo akong kinabahan ng makipagkamay si Samson. Na para bang ngayon niya lang nakilala si Felix.

"Samson," ani niya ngunit nasaakin ang titig niya. Umiwas ako ng tingin. Fuck.

"Saan punta niyo?" napalunok ako sa tanong ni Talia.

We are fooling her! My goodness! Kung sana bitch si Talia ay kanina ko pa siya tinalikuran pero hindi, e... she's... she's so good and humble. So good to be true. Gusto kong humingi ng sorry sa sakanya. Sa pagkukunyaring ito... na hindi magkakilala si Felix at Samson.

"F-food court, kakain." pumeke ako ng ngiti at kinawit ang kamay ko sa braso ni Felix. Dumako ang tingin ni Samson doon... his jaw clenched... his knuckles tensed.

"Ma'am, may lipstick ka po sa leeg." para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Hinawakan ko ang leeg ko... hindi ako magkandaugaga sa paghahanap ng salamin sa bag ko gamit ang isang kamay.

Natigilan ako ng punasan ni Felix ang leeg ko gamit ang kanyang panyo. Seryoso ang mukha niya habang pinupunasan ang leeg ko. Pinakita niya saakin ang puting panyo. The lipstick stained on his handkerchief.

"Bakas ng halikan natin kanina," halos manginig ang tuhod ko sa kaba ng ismiran niya si Samson. Hinalikan pa niya ang nakaawang kong labi at hinawakan ang bewang ko.

"Aw! Ang sweet, pwedeng sumabay? Kakain din kasi kami ni Samson."

"I ain't eating on a damn food court, Talia."

"Why not? Malinis naman doon, Samson."

"Ba't hindi mo na lang pagbigyan ang girlfriend mo, Samson? It's just a small please," hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Felix. Sana ay hindi na siya nakialam. Gusto ba niyang kaharap si Samson habang kumakain kami? I don't think it's a good idea.

Kinilabutan ako ng magsuktan sila ng titig. Napapikit na lang ako ng mariin at hinila paalis si Felix. Nang tumingin ako sa likuran ay nakasunod na ang dalawa. Manhid na ba si Talia? Bakit hindi man lang siya nangangamba sa seryosong mukha ni Samson na parang makakapatay na siya ng wala sa oras?

Nang makahanap kami ng mapaguupuan ay pinaghila ako ni Felix. Pinanood ko ang dalawa na lumapit saamin. Sumimangot si Talia ng hindi man lang siya pinahila ng upuan ni Samson.

"Anong gusto mo?" naagaw ni Felix ang atensyon ko.

"Uhm... kahit ano na, basta walang-"

"Chicken," tumawa siya at hinalik halikan ang noo ko... hindi niya alintana ang dalawa sa harapan namin. "Be right back." kinindatan pa niya ako bago umalis.

Nginitian ko ng hilaw si Talia ng makitang pinapanood pala niya ang paglalambingan namin. Nginitian niya ako pabalik at napayuko. Nakaramdam naman ako ng awa sa tinuran niya. She look sad. Tumingin ako sa gawi ni Samson na hindi ko namalayan at sumunod pala kay Felix.

"Your boyfriend is so sweet, Ma'am," nanlaki ang mata ko ng pinunasan niya ang kanyang pisngi. Is she crying?

"Talia-"

"Sorry... na carried away lang."

Hindi ako nakaimik at tinitigan lang siya habang hinihintay ang dalawa. May problema ba sa kanila ni Samson? Hindi man niya sabihin ay nararamdaman kong malungkot siya. Hindi ako sanay sa ganito niyang mukha. She used to be happy.

Walang nagsasalita saamin ng dumating ang dalawa. Padabog na linapag ni Samson ang tray sa lamesa. Nagkatinginan kami ni Felix. Hinaplos ko ang kamay niya upang kumalma.

"I'm okay, Rosalyn," tumango ako ng makuha ang nais niyang iparating.

It should be me and him. Supposed to be ay masaya kami ni Felix ngayon, pero dahil sa kanilang dalawa ay may namuong tensyon saaming apat. Habang nginunguya ang pagkain ay pansin ko ang hindi paggalaw ni Samson sa pagkain niya at hindi man lang pinapansin ni Talia. Gusto kong magtanong ngunit pinigilan ko ang sarili.

"Rosalyn," napatingin ako kay Felix. Bahagya akong tumawa ng itapat niya sa bibig ko ang tinidor na may spaghetti.

Sinubo ko iyon. Pinunasan pa niya ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki niya. Pinalakihan ko siya ng mata ng dilaan niya ang daliri. Nang nginuso niya ang akin ay alam ko na ang ibig niyang sabihin. Sinubuan ko din siya. Nakangisi siya saakin ng habang nginunguya ang pagkain.

"Sarap," ani pa niya na tinawanan ko lang. Kinuha ko ang tissue ng may kumalat na sauce sa labi niya.

Muli ko pa sana siyang susubuan ng padabog na tumayo si Samson. Nagulat ako sa ginawa niya. Pati si Talia ay halos tumalon na sa kinauupuan niya. Binitawan ko ang tinidor ng makita ang takot sa mukha ni Talia.

"Talia-"

"I'm sorry, I ruined your date." humihikbi niyang sabi bago sumunod kay Samson.

Continue Reading

You'll Also Like

296K 5.1K 71
People in the underground world say that the utmost thing a man could do is to fall in love. And he did. Now, where will this lead him when love isn'...
19.3K 777 49
Si Avery Taylor ay isang Television Reporter na labis na hinahangad ang taon-taong parangal. Ngayong taon, nahanap na nila ang sagot sa parangal at r...
76.6K 2.7K 67
Sa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulung...
579K 1.5K 1
Montgomery Series 2(COMPLETED) "You wanna know something? You can never be angry with someone you love the most. Mas mangingibabaw pa rin ang...