To Be Only Yours

By youngkyongji

128K 2.5K 191

Isang taon na simula noong nag hiwalay si Samson at Rosalyn. Ngunit hindi maintindihan ni Samson ang nararamd... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 6

2.6K 68 2
By youngkyongji

Tinalukbong ko ang kumot sa aking katawan at sinubukan ulit na makatulog ngunit hindi ko nagawa. Dinilat ko ang aking mata at winaksi ang kumot. Tumitig ako sa kisame at napapikit ng mariin. Hinilot ko ang aking sintido. May bisita ba kami at napakaingay ng bahay. Umagang umaga ay puro halakhakan ang naririnig ko mula sa labas ng kwarto.

Hindi pa man din sapat ang tulog ko sapagkat alas dos na ng ihatid ako ni Felix kagabi. Puro sayawan ang ginawa namin ng mag siuwian na ang mga bisita. Napainom din ako ng wala sa oras. Nagkaroon pa ako ng oras para makahalubilo ang ilang pinsan ni Jackson. Napabuntong hininga ako at inayos ang higaan.

Umirap ako sa ere ng muling marinig ang tawa ni Kuya Ronnie. Huwag niyang sabihing may bisita na siya sa ganitong oras? O baka inimbitahan nanaman niya si Mike at Rupert na kapatid ni Carmina? Dumiretso ako sa banyo at naghilamos ng mukha. Kumuha ako ng tissue at pinunas sa ilalim ng mata ko. Ilang beses kong pinahid ang tissue ngunit hindi matanggal ang eye liner sa mata ko.

Muli akong naghilamos at inayos ang mukha ko. Nagsuklay rin ako ng buhok bago lumabas ng kwarto. Sinilip ko ang kwarto ni Roshan ngunit wala na siya doon. Napabunting hininga ako at dumiretso sa baba ngunit laking gulat ko ng makita si Samson at Isaiah sa mahaba naming sofa. Sa kabilang upuan naman ay si Kuya habang umiinom ng kape.

Napapikit ako ng mariin. What the hell? Anong ginagawa nila dito sa bahay? At bakit pinapasok ni Kuya si Samson! Nananadya ba ang lalaking 'to!

"Good morning!" dinilat ko ang aking mata at tinignan ng masama si Kuya ngunit nginisian niya lamang ako. Sumipol si Isaiah at dinilaan ang labi niya. Tinititigan naman ako ni Samson mula ulo hanggang paa dahilan para kilabutan ako.

"Anong ginagawa ninyo dito?" nanatili ako sa pwesto ko.

"Good morning din, Rosalyn." inikutan ko ng mata si Isaiah ngunit tinawanan niya lamang ako at tinikman ang kape niya.

"Hey ba't bugnutin ang kapatid ko ngayon?" linapitan ako ni Kuya at inakbayan ngunit tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko.

"Ba't narito ang dalawang 'yan! Ba't mo sila pinapasok!" Nagngingitngit kong sabi.

"What?" tumawa siya. "Anong gusto mo palayasin ko sila?"

"Oo! Kuya naman! Ang kitid ng utak mo!"

Iniwan ko silang tatlo at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng pitsel sa ref at nagsalin ng tubig sa baso. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ni Kuya at ineentertain niya ang dalawang 'yon. Ayos lang kung si Isaiah, pero si Samson? My God! Alam naman niyang ayokong nakikita ang lalaking 'yon! Ayoko ng koneksyon sa kanya! Ayokong pumupunta siya dito ng walang pahintulot saakin! Pero heto at pinapasok siya ng magaling kong kapatid!

Nang maubos ko ang isang baso ng tubig ay hinarap ko ang sink at kinalma ang sarili ko. What does he want? Matapos niyang insultuhin ang damit ko kagabi? Matapos niyang patayin sa tingin si Felix kagabi ay malakas parin ang loob niyang magpakita saakin? Hindi ko alam kung namanhid na siya at hindi niya makuhang ayoko siyang kinakausap. Mali ito, bwisit siya! Mali ang pagpunta niya dito dahil wala naman siyang gagawin dito! Ano ang akala niya sa bahay namin? Park na pwede siyang mamasyal kung kailan niya gusto?

Nagagalit ako sa kanya. Dahil pakiramdam ko ay wala lang sa kanya ang nangyari noon. Na para sa kanya ay isa lamang laro ang nakaraan namin. I treasured our memories before. Ngunit ng makilala ko si Felix ay binura ko na ang mga ala-alang 'yon.

"Rosalyn," umirap ako sa ere ng sundan ako ni Kuya. "Uy, kapatid, galit ka?"

"Hindi ba obvious, Kuya? Ba't narito si Samson?" hinarap ko siya at pinagekis ang kamay sa dibdib. Napabuntong hininga si Kuya at binulsa ang dalawang kamay.

"I don't know. Maagang umalis si Mama dahil madami silang gagawin sa salon. Ginising ako ni Rosh, nadatnan ko na lang ang dalawang 'yon sa sofa."

"Ba't hindi mo pinauwi? Kuya naman, napag-usapan nanatin ito, hindi ba? Galit ka kay Samson!"

Tinagilid ko ang aking mukha ng lapitan ako ni Kuya. Hindi ko alam kung bakit pero nangilid na lang ang luha sa mata ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. God. Hindi ko mailabas ang hinanakit ko. Ang dami kong gustong ibatong salita kay Samson ngunit dumidilim ang paningin ko sa tuwing nakikita siya at ang gusto ko na lang ay lumayas siya sa harapan ko. Yinakap ako ni Kuya at pinahinga ang ulo ko sa dibdib niya.

"Pagpasensyahan mo na si Kuya, Rosalyn, alam mo namang may pinagsamahan kami ni Samson. I thought you're okay now. Ang alam ko ayos na sa'yo kung kakausapin ko siya. I just missed hanging out with them." lumayo ako at napapikit.

"Magiging ayos lang ako kung aalis na sila."

"Rosalyn, it's been a year. Pwedeng kalimutan mo-"

"Nakalimutan ko na siya, Kuya. Ang akin lang ay bakit kailangan pa niya akong lapitan at pakialaman? Matapos niya akong saktan ganito niya ako tratuhin? Basta basta na lang siyang pupunta dito na parang welcome siya palagi?"

Natigilan si Kuya at napaawang ang labi sa narinig. Huli na ng marealize ko ang sinabi. Napayuko ako at muling hinarap ang sink.

"May nangyari ba sa party, Rosalyn? Anong ibig mong sabihin?" umiling ako.

"Wala. Wala, Kuya, please, paalisin mo na lang sila."

Bago pa man siya makasagot ay iniwan ko na siya at tumakbo papuntang kwarto. Rinig ko pa ang pagtawag niya saakin ngunit nagbingibingihan ako. Linock ko ang pintuan at umupo sa kama. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko.

Dapat hindi na ako naaapektuhan. Dapat wala na lang saakin ito. Dapat hindi na lang ako nagsalita at hindi sila kinibo. Dapat iniwasan ko na lang sila. Ako na ang mismong lumalayo ngunit pakiramdam ko ay siya naman itong humahabol saakin. Napailing ako. Imposible ang iniisip ko. Kitang kita ko kung gaano niya kamahal si Talia, kung paano niya ito alagaan. Kung hindi siya seryoso kay Talia ay hindi niya ito ipapakilala sa pamilya niya.

Tama. Nahihinabang na siguro ako upang isipin ang bagay na 'yon. Dahil kung may nais siyang sabihin saakin ay dapat sana noon pa niya sinabi. Noong panahong handa pa akong patawarin siya. Kasi ngayon, natabunan na si Samson sa puso't isipan ko. Nadaganan na siya ni Felix at hindi ako nagsisising muling mag mahal. Pinaramdam saakin ni Felix kung gaano ako ka espesyal sa kanya kahit hindi ko siya pinapansin noon. Nag pursigi siya saakin sa loob ng walong buwan at hindi ko sasayangin ang pagmamahal na binibigay, pinapakita at pinaparamdam niya saakin.

Naging mapusok ako noon kay Samson. Ngayon alam ko na ang gagawin. Iyon ay ang lumayo sa kanya dahil nakakasama siya saakin. Saamin ni Felix. May kanya kanyan na kaming buhay kaya sana naman ay tigilan na niya ang pangingialam at paglapit saakin.

Kinuha ko ang aking phone. Napangiti ako ng makita ang dalawang text ni Felix.

Felix:
Good morning, beautiful :)

Felix:
Gising ka na? Text mo ako kung nabasa mo na ito ah? Love you.

Sinandal ko ang katawan sa headboard at nagtipa ng reply.

Ako:
Morning Felix, kagigising ko lang eh. Nasa trabaho ka na? Ingat ka diyan, okay? I love you too :)

Ilang sandali pa ay nagreply na siya.

Felix:
Yup. Kaninang alas sais pa ako dito. Kumain ka na?

Ako:
Uhm... hindi pa po. Maya konti hindi pa ako gutom :)

Linapag ko ang phone sa lamesa at binuksan ang closet ko. Nag halungkat ko ng maisusuot. Since nandito sila Samson ay sa labas na lang siguro ako kakain. Bahala sila kung gusto nilang manatili dito. Ako na lang ang aalis kung ayaw nilang umalis. Nang hablutin ko ang kulay white kong blouse ay nahulog naman ang librong kulay green.

Pinulot ko iyon at napangiti. It's my favorite book from the After Series; After We Fell. Regalo pa saakin ito ni Papa last year. Linagay ko iyon sa book shelf ko kasama ang apat pang libro ng After Series. Bigla ko tuloy namiss si Papa since isang buwan na siyang nasa Naga. Engineer kasi siya at doon ang bago nilang proyekto.

Nang maihanda ang susuotin ko ay biglang may kumatok sa pinto. Si Roshan siguro 'yon. Imposibleng si Kuya dahil sumisigaw 'yon o kaya ay bigla na lang papasok ng kwarto ko. Nang buksan ko ang pinto ay nanlaki ang mata ko ng bumungad saakin si Samson.

"Hi," ani niya at nginitian ako ngunit inikutan ko siya ng mata at isasara na sana ang pinto ng iharang niya ang katawan.

"Rosalyn-"

"What do you want?" tinalikuran ko siya at hinayaang nakabukas ang pinto. Wala namang silbi kung pagsasarhan ko siya ng pinto dahil ipipilit parin niya ang sariling makapasok. Umupo ako sa kama at tumitig sa sahig. Tumunog ang boots ng pumasok siya sa kwarto. Sinundan ko ng tingin ang boots niya hanggang sa tumigil siya sa may lamesa.

Hindi siya nagsalita at nanatiling tahimik. Sinulyapan ko siya, sinusuri niya ang buong kwarto ko na para bang ngayon lang siya nakapasok dito. He's wearing a gray tight shirt. Naka maong pants siya na kupas ang kulay at ang boots niyang kulay itim. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang braso niyang bumabakat sa damit niya. Nang huminto ang mata niya saakin at nahuli niya akong tinititigan siya ay mabilis akong umiwas. Parang may tigre na naman sa sikmura ko at nagwawala sila sa tuwing magtatama ang mata namin.

"Ilang buwan na kayo?" nagulat naman ako sa biglaan niyang tanong. Tinignan ko siya, hawak hawak niya ang picture namin ni Felix noon sa Baluarte habang may nakapalibot na dilaw na ahas sa leeg namin.

"Ano ba ang pakialam mo?"

"Ilang linggo ka niyang linigawan, Rosalyn?" dumilim ang anyo ng mukha ko sa diretsahan niyang tanong.

"Why do you always care, Samson? Bakit para kang chismoso sa kalye at kung makapagtanong ka saakin ay sasagutin ko ng maayos ang tanong mo!" binigyan niya ako ng seryosong tingin at linapag ang picture frame.

"Just fucking answer my question," kalmado ngunit mariin niyang sabi. Muli ko siyang inikutan ng mata. Fuck. Hindi siya titigil hanggang sa hindi niya nalalaman ang sagot ko.

"Three months." hindi siya sumagot ngunit nanatili saakin ang titig niya. Umiwas ako at napalunok. His gaze is so intense. Kinakabahan ako sa titig niya.

"Six months na kami ni Talia."

Natigilan ako at napatitig sa kanya. Do I even care? Hindi ko alam kung matutuwa ako at nalaman ko kung ilang buwan na sila ni Talia. Sa isang iglap ay para bang gusto kong sabunutan ang sarili ko. Stop it, Rosalyn! My God! Hindi ko alam pero parang may tumusok sa puso ko sa nalaman. Six months? Ganoon na ba siya ka bilis mag move on saakin at six months na sila ni Talia? Isang taon pa lang kaming wala, ah. Kinagat ko ang ibabang labi at pinigilang tumulo ang nangilid na luha sa pisngi ko.

Ang bilis naman niyang kinalimutan ang pinagsamahan namin. Samantalang ako noon, pakiramdam ko nasa purgatoryo ang buhay ko. Does Samson really loved me when we are together? Kasi sa nakikita ko sa kanila ni Talia ay mahal nga niya talaga ito. Dahil kung laruan lang para sa kanya si Talia ay hindi sila magtatagal ng anim na buwan.

"Rosalyn," napailing ako ng lapitan niya ako at umupo sa harapan ko. What is he doing? God. Sana ay umalis na siya bago pa man tuluyang tumulo ang luha ko. Linapag niya ang singsing sa kama bago tumayo. Nanlaki naman ang mata ko ng makitang singsing ko iyon.

"Ba't na sa'yo 'to?" tinignan ko siya ngunit nagkibit balikat lamang siya.

"You left it in our family house. Nakita ni Trixie sa CR." nasapo ko ang aking noo at sinuot ang singsing.

"Kaya ka pumunta dito para ibigay ito?"

"Sort of." sagot niya at binulsa ang kamay. Naibagsak ko ang aking balikat at nabalot na kahihiyan ang sarili ko.

Nag isip ako ng kung ano. Na kaya siya pumunta dito ay dahil may sasabihin siyang importante na may kinalaman sa relasyon namin noon. Tapos heto at ibibigay lang pala niya ang singsing ko? God, Rosalyn! Nahihibang kana!

"Rosalyn,"

"Umalis ka na, Samson!" pinagtulakan ko siya palabas ng kwarto ngunit masyado siyang malakas.

"I'm sorry," natigilan ako at napaawang ang labi sa narinig. "About what happened to us, one year ago. I'm a bastard, alam kong madami akong kasalanan sa'yo. I'm sorry, Rosalyn. I wasn't the perfect guy you once dream."

Hindi ako sumagot at tulalang napatitig sa seryoso niyang mukha. I feel the sincerity of his voice.

"Maybe Felix is." nginitian niya ako ng malungkot bago tinalikuran.

Hindi nagawang iabsorb ng utak ko ang sinabi niya. After one year, ngayon ko lang narinig sa kanya ang salitang sorry. Nag simulang mabuhay ang emosyon sa puso ko na dapat ay hindi ko na nararamdaman pa. Hindi ko aakalaing hihingi siya ng tawad matapos ang nangyari. I thought, he's just like other men. Na basta na lang iiwan ang isang babaeng nasaktan nila ng wala man lang isang salita. Pero huli na e. It's too late, Samson, too late.

"By the way," napaangat ako ng ulo ng nanatili siya sa may bukana ng pinto. He gave me his handsome smile. "Mas maganda ka parin kahit walang make up. Mas maganda ka parin sa lahat ng babaeng nakilala ko, Rosalyn." patuloy niya bago tuluyang umalis.

Continue Reading

You'll Also Like

49.1M 1.4M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
27.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
23.5M 596K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...