To Be Only Yours

By youngkyongji

126K 2.5K 191

Isang taon na simula noong nag hiwalay si Samson at Rosalyn. Ngunit hindi maintindihan ni Samson ang nararamd... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 5

2.5K 67 4
By youngkyongji

Ako:
Felix nasaan ka na? Makakadalo ka pa ba? I'm alone here :(

Sinend ko ang mensahe ko kay Felix at nagkunwaring kinakalikot ko ang aking phone habang nakikinig sa usapan ni Samson at Talia. Diring diri ako sa topic nila at gusto ko ng umalis dito ngunit hindi ko magawang ikilos ang paa ko. Come on, Rosalyn! Umayos ka! Napabuntong hininga ako. Hindi pa ba makakabalik si Isaiah! Siya na nga lang ang kausap ko dito ay iiwan pa ako.

Napapikit ako ng mariin ng marinig ang halakhakan nila Talia kasama ang pinsan ni Samson. Pati sila Tita Marites ay nakikisama sa usapan nila. Kung ganoon ay kaclose na nga niya ang buong Ortega.

"Ma'am Rosalyn," tinabi ko ang aking phone ng banggitin ni Talia ang pangalan ko. All eyes on me. Nginitian ako ng malungkot ni Salve na kapatid Abraham. I smile back and dart my eyes to Talia. Hindi ko mahinuha ang nais iparating ng mga ngiti nila. Hindi ko rin alam kung bakit hindi nila ako kinakausap. O baka naiilang sila saakin matapos ang isang taon naming hindi pagkikita.

"Bakit, Talia?" hinawakan niya ang kamay ni Samson. Hindi ito pumalag ngunit ang kanyang tingin ay nasa pagkain.

"Uhm... kakilala mo pala ang mga Ortega?" nagsinghapan sila at umiwas ng tingin. Sandali ring napatingin saakin si Samson ngunit kaagad ding umiwas.

Kinagat ko ang ibabang labi. Namamawis na ang palad ko at hindi ko alam ang isasagot sa tanong niya. Kung ganoon ay hindi nila ako nababanggit sa kanya? Na may nakaraan kami ni Samson? Sasagot pa lang sana ako ng unahan ako ni Isaiah.

"She's a friend of mine, Talia." ani niya at umupo sa tabi ko. Thank God at dumating na siya!

"Oh! I see, kaya pala close kayo."

"Tss. Stop asking question, Talia, eat your food." napatingin naman kami kay Samson ngunit inirapan niya lang kami. Bakit niya ako tinatago sa girlfriend niya? I mean, bakit hindi niya ako nabanggit kay Talia? Takot ba siyang malaman ng girlfriend niya na may nakaraan kami?

"Hi," napabalikwas naman ako ng may humalik sa nakalantad kong balikat at yinakap ako mula sa likuran kahit nakaupo. Napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mata ko ng makita si Felix.

"Felix!" napatayo ako at lumambitin sa leeg niya. Tumawa siya ng mahina at linagay ang kamay niya sa bewang ko. Pinaliguan pa niya ng halik ang gilid ng labi ko.

"I miss you," nang humiwalay ako sa kanya ay dinampian naman niya ng halik ang noo ko. Namula ang mukha ko at nagpigil ng ngiti. God! Thank God at nandito na siya.

"Hindi ka nagrereply. Akala ko hindi ka na darating." tumawa nanaman siya ng mahina at hinalikan ang tungki ng ilong ko.

"Sorry. Inayos pa kasi namin 'yong nasira sa planta."

"Ehem!" napahiwalay naman ako sa kanya ng tumikhim si Isaiah. Nakaramdam ako ng hiya ng mapanood nila ang paglalambingan namin. Laglag ang panga nila ng makita si Felix. Lalong lalo na ang mga pinsan nila.

"Good evening," magiliw niyang bati at hinapit ako papalapit sa kanya. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanila. Kitang kita kasi sa mukha nilang gulat sila. Syempre at hindi nila alam na may bago na akong boyfriend. Takang taka nga ako kung bakit alam ni Tita Marites na boyfriend ko si Felix. Siguro ay nabaggit ni Isaiah.

"Iho, kanina ka pa hinihintay ni Rosalyn. Mabuti at dumating kana." ani Tita Marites.

"Oo nga po, e, miss na miss na niya ako." kinurot ko ang braso niya ngunit nginisian niya lamang ako.

"Uhm... excuse lang po saglit ah, aasikasuhin ko lang po boyfriend ko." Gusto ko na talagang umalis dito. Ayoko sa tingin ni Samson kay Felix. Parang nag-aalab ang mata niya sa galit. Pero imposible, bakit naman siya magagalit? He got a new girlfriend. May bago na rin ako. Bakit ang talim niyang tumingin kay Felix?

"Mabuti at dumating kana. Kanina ko pa gustong umalis doon." pagsusumbong ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Sorry, Rosalyn. Bwisit kasi! Tarantado kasi 'yong isang empleyado. Lasing." iritado ang mukha niyang sabi. Hinaplos ko naman ang braso niya upang kumalma. Sabi ko na nga ba at hindi magandang ideya ang pagpunta dito. Pagod siya sa trabaho pero heto at nakuha pa niyang pumunta dito.

"Kumain ka na? Anong gusto mong kainin?" nginitian niya ako.

"Mamaya na, ipapakilala muna kita sa kanila." hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa isang pabilog na lamesa. Tinaasan ko ng kilay si Carmina ngunit tinawanan niya lamang ako.

Grabe at nandito pala sila! Habang ako ay nakikihalubilo sa mga Ortega ay nagpapakasaya sila dito! Susugurin ko na sana si Carmina ngunit natigilan ako ng may makita akong bagong mukha.

"Gago! Ang akala namin ay hindi ka na makakarating!" bungad ni Phoenix at bahagyang sinuntok si Felix.

"Good to see you." ani naman ni Jackson at nakipag man to man hug.

"Congrats nga pala, pare, akalain mo at ikaw pala ang susunod kay Carlos." nagtawanan sila at tumingin sa magkasintahang nakaupo. Ilang beses akong napapikit at tinitigan ang babae. Wow! She's so beautiful! Lipstick lang ang kolorete sa mukha niya ngunit nangingibabaw na ang kagandahan niya.

"Rosalyn, meet Jackson at Trixie." nginitian ako ni Jackson. Nagulat naman ako ng yakapin ako ni Trixie. Ang bango niya, ang ganda ganda pa.
"Wow! Ikaw pala si Rosalyn. Nice to meet you."

"Nice to meet you, too. Congrats nga pala sa inyo." humagikhik siya at linapitan si Jackson. Mabilis na dumako ang kamay niya sa bewang nito.

"Thank you!"

"Odessa, this is Rosalyn, my girlfriend." natigilan ako ng tumayo si Odessa at yinakap din ako. Grabe! Amoy baby siya. Nang humiwalay siya ay nginitian niya ako ng matamis.

"You're so beautiful." wala sa sarili kong sabi. Nagtawanan sila ganoon din ang kasintahan niya.

"Thank you! You're so beautiful, too." uminit ang pisngi ko ng halikan ni Felix ang sintido ko.

"Siya naman si Carlos, asawa niya." tinanguan niya ako at inakbayan si Odessa. "Nasaan ang inaanak ko? Hindi ninyo kasama?"

"Nasa Manila, inaalagaan ni Mommy." sagot ni Carlos.

"Hep! Tama na 'yan, guys! Sayaw tayo!" sigaw ni Carmina at hinila si Berny habang tumatawa. Sumunod naman sila hanggang sa kami na lang ni Felix ang naiwan. Nakangiti ako habang pinapanood silang sumasayaw. Aliw na aliw sila sa kantang New Perspective.

"Rosalyn," napabalikwas naman ako ng bumulong si Felix sa tenga ko. Tumatawa akong humarap sa kanya.

"Sayaw tayo?" tanong ko ngunit sinimangutan niya lamang ako.

"Gutom ako."

"Okay. Kukuhanan kita ng pagkain. Hintayin mo na ako dito." tumango naman siya na parang bata at dinampian ng halik ang labi ko bago ako pinakawalan.

Kumuha ako ng plato at nagdiretso sa mga nakahilerang pagkain. Hindi naman maarte si Felix sa pagkain. Magugustuhan naman niya siguro ang kukunin ko. Nang hawakan ko ang serving spoon at kukuha na sana sa isang putahe ng may pumigil saakin.

"May manok 'yan, hindi ba't allergic ka doon?" tumaas ang kilay ko ng makita si Samson habang nakahawak ng basong may red wine. Anong ginagawa niya dito? Sinusundan ba niya ako? Tumingin ako sa lamesa nila ngunit wala doon si Talia.

Hindi ako sumagot at muling hinawakan ang serving spoon ngunit muli niya akong pinigilan.

"Ano bang problema mo!" pigil pigil ko ang aking boses.

"Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko, Rosalyn? Bawal sa'yo ang manok!" bahagya akong nagulat sa sigaw niya. Thank God at malakas ang music. Ako lang at ang mga waiter ang nakarinig sa sigaw niya.

"Kay Felix ito at hindi saakin. Go away, Samson." ngunit hindi naman niya sinunod ang sinabi ko at nanatili sa pwesto niya habang titig na titig saakin. Nagsimulang mangatog ang binti ko sa malagkit niyang titig. What does he want? At bakit hindi niya kasama si Talia? Tss. Ano nga bang pakialam ko sa kanila. Kailangan ko ng makaalis dito bago pa man ako sundan ni Felix.

"What happened to you? I thought you hate parties." natigilan ako at napatingin sa seryoso niyang mukha. "And you're wearing too tight dress. You look like a slut."

Kumulo ang dugo ko sa narinig at muntik ko ng mabitawan ang hawak na plato sa narinig. Did he just call me slut?

"Ano? Ano bang pakialam mo, Samson!" hindi ko na napigilan pa at sinigawan siya. Shit. Anong karapatan niyang pakialaman ang suot ko. Oo at hapit sa katawan ko ang suot ko ngunit hindi naman lantad ang cleavage ko at hanggang taas ng tuhod ko ang haba ng dress.

"Why, Rosalyn? Nag papaimpress ka ba? You think makukuha mong muli loob ng mga Ortega dahil sa pagbabago mo? Look at yourself, trying hard ka masyado." hindi ko na napigilan pa ang galit ko at nasampal siya ng malakas gamit ang isang kamay ko. Nagdilim ang anyo ng mukha niya ngunit hindi ako nakaramdam ng takot.

"Hindi ko kinukuha ang loob ng mga Ortega! Si Tita Marites mismo ang nanghila saakin sa lamesa ninyo at si Isaiah mismo ang nagimbita saakin! Ang kapal din naman ng mukha mo! I changed for the better! Nagbago ako para sa sarili ko! Hate me! Wala akong pakialam! Wala kang karapatang husgahan ang damit ko dahil wala kang alam!"

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at iniwan siya. Napahinto ako sa isang bakanteng lamesa at pinunasan ang nangilid na luha sa pisngi ko. Fuck. After one year. Matapos niyang pirasuin ang puso ko noon ay ganoon ang sasabihin niya saakin? Na isa akong slut at trying hard na magbago? Gusto kong itapon ang unang bagay na mahawakan ko dala ng galit ngunit pinigilan ko ang aking sarili.

Iyon na ang huli. Dahil hindi na ako muling babalik dito. Hindi parin nagbabago ang gago. Pakiramdam niya siguro ay may karapatan pa siyang pagsabihan ako ng mga dapat gagawin. Kinalma ko ang aking sarili at bumalik kay Felix. Nagtatawanan sila ni Carlos habang si Odessa ay kumakain. Hindi pa bumabalik ang iba.

"Ba't ang tagal mo? Susundan na sana kita." ani niya ng makaupo ako. Ngumiti ako na parang walang nangyari kanina.

"Sorry. Dami kasing kumukuha ng pagkain." pagsisinungaling ko.

Nakipagkwentuhan ako kay Odessa habang kumakain si Felix. Si Carlos naman ay tahimik na nakikinig saamin. Nang matapos kumain si Felix ay nagulat na lang ako ng hilain niya ako papunta sa dance floor.

"Sayaw tayo?" tumango ako at linagay ang kamay ko sa batok niya. Mabilis naman niyang linagay ang kamay niya sa bewang ko at pinagdikit ang katawan namin.

"Ang bango mo." napahagikhik ako ng amoyin niya ang leeg ko. Pansin ko naman sa tabi namin si Carlos at Odessa. Sumunod pala sila.

"Felix?" tanong ko habang naghuhum siya. Sinasabayan niya ang kantang No Promises.

"Ba't kilala ka ni Tita Marites? Ka close mo sila?" linayo niya ang ulo sa leeg ko at tinignan ang mukha ko.

"Hindi. Birthday kasi noon ni Jackson at inimbitahan niya kami. Doon ko sila nakilala."

"Including Samson?" nag atubili akong tanungin 'yan ngunit huli na noong lumabas sa bibig ko.

"Hindi rin. Ang nakilala ko lang ay si Abraham at Isaiah pati narin ang iba nilang pinsan na hindi ko matandaan ang pangalan. Nakikalala ko si Samson ng ikwento ka saakin ni Carmina." napatango ako at ngumiti ng pilit sa sagot niya.

"Why? Inano ka ng ex mo? Ba't nasa lamesa ka nila kanina?" natigilan ako sa pagsasayaw ngunit sinama niya ang katawan ko sa pag sway at mas lalo niya akong linapit sa katawan niya. Umiling ako.

"Wala naman, hindi ko nga siya kinausap." sige, Rosalyn, magsinungaling ka pa. "Hinila ako ni Tita Marites sa lamesa nila, wala akong nagawa." napatango siya at hinalikan ang labi ko ngunit sandali lang.

"Mabuti naman at hindi gumagawa ng hakbang ang gagong 'yon. Hindi porke't wala na ako sa tabi mo kanina ay ayos na saakin. Gusto ko siyang suntukin, Rosalyn, hindi ko kasi alam kung bakit ka niya iniwan noon. Pero nagpapasalamat parin ako sa kagaguhan niya, dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi sana kita makikilala. I love you, Rosalyn." nangilid ang luha sa mata ko. Nagpapasalamat din ako sa kagaguhan ni Samson, dahil nakilala ko si Felix. Kung sana mas maaga ko siyang nakilala kaysa kay Samson.

"Mahal din kita, Felix." hinalikan ko ang pisngi niya at sumubsob sa dibdib niya. Punaliguan niya ng halika ang ulo ko at halos magyakapan na kami habang sumasayaw.

Nang idilat ko ang aking mata ay ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng makita ang madilim na anyo ni Samson. Nakatayo siya malapit sa lamesa namin at mariing nakatitig saamin ni Felix. Muli akong napapikit. Tapos na kami. Pero kung makatitig siya saakin ay parang pagmamay-ari parin niya ako. Ano ba ang problema niya!

Continue Reading

You'll Also Like

11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
3.2M 67.6K 42
READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ The story is RAW and UNEDITED ** Nyda loved Luke for years.Bata palang ito ay Si Luke na ang gusto nito. Si Luke ay kaibiga...
399K 11.9K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
6.2K 225 27
Civil Engineer Series 1 Si Kalila o Lila ay isang 5th year Civil Engineering student. Isang graduating student na nangarap maging isang license Engin...