Hello Friends,
Naku po medyo natagalan. Busy po masyado ang inyong lingkod. Hopefully maayos po kayong lahat at sana po magustuhan ninyo ang chappy na ito.
Maraming Salamat po.
Dont forget to vote, comment and share.
God bless you all,
Alex_Camiller
=======================
This may be a work of fiction I pray that whoever read this story will be protected under the mantle of love of our Blessed Virgin Mary.
=======================
Adelina's POV
Palihim kong ginawa ang likido na makakatulong para makaiwas at makalaban sa mga aswang. Sa di malamang kadahilanan naramdaman kong kinakailangan kong gawin ang lahat ng ito. Naging malalim ang kagustuhan kong manalo laban sa kanila magmula ng managinip ako ng isang kahindik-hindik na digmaan. Halos araw-araw na rin akong nagdarasal at nangungumpisal. Nais kong maging handa pati ang aking kaluluwa at balak ko itong ipamana sa aking anak. Pakikiusapan ko rin syang ipagpatuloy ang aking nasimulan. Hindi naman siguro ito ibibigay sa akin para lamang sa pansariling kaligtasan kundi ang iligtas ang mas nangangailangan. Isang pangarap na mabuhay ng malaya ang mga ordinaryong tao. Malaya sa panganib ng mga aswang o kahit ano pang masasamang nilalang. Nang makumpleto ko na ang lahat inilagay ko ito sa sobrang maliliit na garapa at nilagyan ng matibay na tali. Ito ang huling baraha kung saka-sakaling mawalan ang isa sa amin ng sandata. Napakahirap ipaliwanag sa lahat kung bakit kailangan nilang isuot ito. Kahit ang aking asawa ay walang nagawa kundi sundin ang nais ko. Pero ang pinakamahirap paliwanagan ay ang aking anak.
"Mama para saan ba talaga ang mga ito?"
"Anak ko pagkatiwalaan mo ako para ito sa iyo at sa mga susunod na lahi ng pamilya natin. Kung saka-sakaling mawala ako huwag na huwag mong hahayaang mawala ang kwintas mo at ang likidong nasa garapa. Tatlo ang ginawa ko syo para sa proteksyon mo.."
"Hindi ko gusto ang sinasabi mo Mama mistulang nagpapaalam ka sa akin. Kahit na anong mangyari huwag mo akong iiwan Mama."
"Kung sakaling mawala ako mananatili pa rin ako syo."
"Ayoko MAMA!" sigaw nya sabay yakap sa akin.
"Huminahon ka buhay pa ako anak."
"Basta huwag ka na ulet magsasalita ng ganyan ha."
"Lahat gagawin ko para sa pamilya natin."
"Alam ko po Mama. Mahal na mahal kita."
Niyakap ko sya ng mahigpit.
Lumipas ang araw at naging tahimik ang pamumuhay. At mas lalong gumanda at lumalim ang aming pagsasama ng malaman kong nagdadalang tao ako. Kung gaano ako inaalagaan ni Simon mas doble ang pag-aalaga ko sa aking sarili. Dito ko naisip na gumawa ulet ng likido para sa bunso kong anak. Pero sa pagkakataong ito nilagyan ko ito ng agua bendita na hiningi ko kay Padre Martin at isang dangkal na asin. Kung bakit ginawa ko ito hindi ko alam. Kasabay nito pinagawan ko rin sya ng kwintas na kagaya sa kanyang kapatid at nilakipan ito ng maikling sulat. Dalangin ko lang ay mapagtanto nila kung gaano kahalaga ang kwintas na ibinigay ko sa kanila at nawa'y gabayan sila para manatiling buhay hanggang sa maipasa nila ang munting kaalaman para magligtas ng iba. Lalaki ang pangalawa kong anak at walang pagsidlan ang aming kaligayahan. Lahat ng bagay na nalalaman ko ay unti-unti kong itinuro sa kanya. Kung ang lahat ay naging kampante sa katahimikang tinatamasa namin ako nama'y nanatiling mapagmatyag. Walang sawa kong pinapaalala sa kanila na huwag nilang tatanggalin ang mga binigay ko sa kanilang proteksyon.
"Manuel di ba sinabi ko syo na huwag mong tatanggalin ang mga ito sa katawan mo."
"Patawad Mama nangangati po kasi ang tiyan ko dahil sa nakatali sa akin."
Iniisip kong mabuti kung ano ang dapat kong ipalit na tali para hindi sya mangati.
"Para saan po ang ito Mama?"
Tinignan kong mabuti ang bunso kong anak. Limang taong gulang na sya at mas lalong lumalabas ang katalinuhan nya. Manang mana sa kanyang Papa. Napangiti ako dahil nakikita kong magiging mabuting tao sya lalo na kung magagabayan ko ng husto. Isang bagay na ipinangako ko sa sarili ko hanggat nabubuhay pa ako.
"Mama?"
"Anak proteksyon mo ang mga iyan. Ang kwintas pinagawa ko pa iyan tanda ng aking pagmamahal."
"Ito pong nakatali sa baywang ko para saan naman po ito."
"Pati iyan buong pagmamahal kong ginawa para sa'yo. Anak ipangako mo sa akin na kapag malaki ka na ipagtanggol mo ang pamilya natin lalo na ang Ate mo; ang lahat ng mahihina, ang ating mga kasama sa bahay at buong angkan natin at mga kaibigan natin. Maging matapang ka ha."
"Oo naman. Ipagtatanggol ko po lahat lalo na po kayo ni Papa."
"Ano nga pong tawag dito? Si Ate tinanong ko kahit sya hindi nya alam kung ano ba talaga ang tawag dito."
"Ganun ba? Tawagin na lamang natin sya bilang HABAK."
"HABAK?"
"Oo anak. "
Tinignan nyang mabuti ang maliit na garapa.
Niyakap ko sya ng mahigpit, "Mahal na mahal kita Manuel."
"Mahal na mahal ko rin po kayo."
Hindi ko napigilan ang aking luha.
"Mama huwag po kayong umiyak. Pangako lagi na itong isusuot para hindi na po kayo malungkot at umiyak."
"Masaya lamang ako dahil may gwapo at mabait akong anak."
Ngumiti sya ng husto sa sinabi ko.
"Mama alam nyo po ba saulo ko na po yung itinuro ninyo sa akin."
"Talaga?"
"Opo. Mamaya hahamunin ko si Ate sa isang dwelo."
"Masyadong malaki si Ate mo para syo. Maghahanap tayo ng kasing laki mo."
"Hindi po ba dapat masanay na ako sa malalaking kalaban."
"Anak magsimula ka muna sa kasing edad mo at kasing laki mo."
"Paano ako matututo kung puro kasing laki ko lang ang lalabanan ko?"
"Hindi minamadali ang lahat anak. Dahan-dahan pero sigurado sa lahat ng galaw. Iyan ang lagi mong tatandaan."
"Opo Mama."
Habang tumatagal ay mas lalong dumarami ang gawain ng aking asawa kaya naman hindi nya namamalayan na tinuturuan ko na si Manuel ng mga bagay na dapat sya ang nagtuturo. Kagaya ng esgrima, paano makitungo sa kapwa at sa mga kababaihan, mga gawaing bahay at marami pang iba. Habang kumakain kami sinabi ni Simon na magkakaroon ng isang malaking piging sa mismong araw ng kapistahan ng aming bayan na dadaluhan ng maraming kilalang tao. At ang isa sa mga pinakamataas na pinuno na mula pa sa Espanya ay sa mismong bahay namin tutuloy. Ipinahanda ang isang tatlong silid para sa kanila. Naging abala ang lahat sa paghahanda pati na kami. Ipinaalala ni Simon na kumilos ng naaayon lalo na kung kasama na namin sila sa aming tahanan.
"Mama sana magustuhan nila tayo," sabi ng maganda at nagdadalaga ko ng anak.
"Hindi naman kailangan magustuhan ka nila. Basta ipakita mong inirerespeto mo sila at pakisamahan ng naaayon lamang. At alam kong naturaleza naman syo ang pagiging mabuti kaya alam kong wala silang masasabi syo."
"Salamat Mama."
"Mahal kita anak."
"Mahal ko rin po kayo."
"Naku nakakatuwa namang pagmasdan ang aking mag-ina."
"Mahal ko kanina ka pa dyan?"
"Tama lamang ang dating ko," sabi ni Simon sabay yakap sa akin at sa aming anak.
"Ang aga mo yatang dumating."
"Nais kong malaman kung nakahanda na ba ang lahat para bukas."
"Handa na ang lahat mahal ko. Huwag ka na masyadong mangamba."
"Sya nga pala nasaan si Manuel."
"Naku nasa likod bahay nakikipagduelo," sabi ni Alejandra.
"Huwag mong sabihing tinuruan mo?" tanong nya sa akin.
"Wala naman sigurong masama di ba?" balik kong tanong sa kanya.
"Wala naman. Kaya mahal na mahal kita esposa ko."
"Naku makaalis na nga muna dito."
Sabay kaming natawa sa naging reaksyon ni Alejandra.