58 : Gubat Geryon

1.7K 81 11
                                    

"Alejandra!!!" malakas na sigaw ni Andres.

"Andres andito lang ako."

"Nasaan tayo?"

"Nasa balikat nila. Yun nga lang nasa kanan ka ako nasa kaliwa."

"Ano?"


Panigurado ako na halos nalulula na si Andres sa kanyang nakikita. Hindi naman hawla ang pinaglagyan sa amin, para lang kaming nasa veranda. Nakahawak akong maigi dahil pakiramdam ko malalaglag ako.


"Gising ka na pala!" sabi ng isang malaking babae.


Natawa pa sila sa inasal ni andres pero hindi ko masisisi ang aking kaibigan ikaw ba naman kausapin ng isang higante.  Noong una ko silang nakita ay natakot talaga ako pero dahil sa pagliligtas nila sa amin nabawasan ang takot ko. Hindi ako makapaniwalang nakakakita ako ngayon ng mga ganito. Sa mga dinanas naming unti-unti na akong nasasanay sa mga kababalaghan. Iniisip ko maikukwento ko ito sa mga susunod na lahi naming at ipinapangako ko sa sarili ko na ipapasa ko ito sa aking mga anak at mga apo, Ipagbibilin ko rin na ipagpatuloy ang pagiging aktibo at alerto para masugpo agad ang mga aswang.


Tulala lamang na nakatingin sa kanya si Andres.

"Huwag mong takutin," sabi nung isa.

"Hindi naman mukhang takot mukhang nagulat lang."

"Baka akala ng mga ito guni-guni lang tayo," sabi nung nasa likuran.

"Kung sabagay tayo nga mismo nagulat din dahil nakikita nila tayo," sabi ng may dala sa akin na kinailangan ko pang takpan ang aking tainga dahil sa sobrang lakas nyang magsalita.

"Kung yung tribo nakikita tayo," sabi nung babae.

"Iba naman kasi sila. Talagang naniniwala sila na may mga katulad natin kaya kusang bumukas ang mga mata para sa ibang mundo," pinutol sya ng lalaking.

"Ganito din natin sila nakilala. Sinugod din sila ng mga dating tao na ngayon may higit na kapangyarihan kapalit ang pagkain ng tao," sabi ng isa pa na nasa likuran.

"Pero ang tribong ito kumakain din ng tao."

"Nagkataon lang na tuyo't ang mga pananim noon at may mga dayo kaya walang nagawa kundi kainin na lamang ang mga dayo."


Nagkwentuhan sila habang naglalakad. Hindi daw nila kami iiwan sa mga tribong iyon dahil lubha daw mapanganib sa aming kaligtasan kahit pa sila mismo ang huminga ng tulong sa kanila upang tulungan kami. Sa isang banda gusto ko sana silang pasalamatan. At naniniwala akong hindi naman siguro nila kami kakainin. Kahit papaano ay natulungan din naming sila noon. Ang ibig kong sabihin kung tao ka karaniwan lamang na tumanaw ng utang na loob Lalo na kung nailigtas ka sa tiyak na panganib.


"Mawalang galang na saan nyo ba kami dadalhin?" malakas na tanong ni Andres.

Lahat sila nagsipagtigil sa paglalakad.

"Dadalhin naming kayo malapit sa mga karaniwang tao. Yung hindi kumakain ng kapwa nila. Yung ganun," sabi nung babae na nasa harapan.

"Ano pong tawag sa inyo? Engkanto ba kayo?"

Lahat sila nagtawanan.

"Oo mula kami sa isang uri ng mga engkanto," sagot nung isa.

"Gusto sana naming kayong dalhin sa kaharian naming pero hindi na lang dahil sigurado kaming hindi kayo papaalisin," sabi ng tinig lalaki sa likuran.

HABAKDove le storie prendono vita. Scoprilo ora