38 : Pag-ibig_Pamanang Likido

1.7K 85 1
                                    

Hello Friends,

Naku po medyo natagalan. Busy po masyado ang inyong lingkod. Hopefully maayos po kayong lahat at sana po magustuhan ninyo ang chappy na ito. 

Maraming Salamat po.

Dont forget to vote, comment and share.

God bless you all,

Alex_Camiller

=======================

This may be a work of fiction I pray that whoever read this story will be protected under the mantle of love of our Blessed Virgin Mary.

=======================

Adelina's POV

Palihim kong ginawa ang likido na makakatulong para makaiwas at makalaban sa mga aswang. Sa di malamang kadahilanan naramdaman kong kinakailangan kong gawin ang lahat ng ito. Naging malalim ang kagustuhan kong manalo laban sa kanila magmula ng managinip ako ng isang kahindik-hindik na digmaan. Halos araw-araw na rin akong nagdarasal at nangungumpisal. Nais kong maging handa pati ang aking kaluluwa at balak ko itong ipamana sa aking anak. Pakikiusapan ko rin syang ipagpatuloy ang aking nasimulan. Hindi naman siguro ito ibibigay sa akin para lamang sa pansariling kaligtasan kundi ang iligtas ang mas nangangailangan. Isang pangarap na mabuhay ng malaya ang mga ordinaryong tao. Malaya sa panganib ng mga aswang o kahit ano pang masasamang nilalang. Nang makumpleto ko na ang lahat inilagay ko ito sa sobrang maliliit na garapa at nilagyan ng matibay na tali. Ito ang huling baraha kung saka-sakaling mawalan ang isa sa amin ng sandata. Napakahirap ipaliwanag sa lahat kung bakit kailangan nilang isuot ito. Kahit ang aking asawa ay walang nagawa kundi sundin ang nais ko. Pero ang pinakamahirap paliwanagan ay ang aking anak.

"Mama para saan ba talaga ang mga ito?"

"Anak ko pagkatiwalaan mo ako para ito sa iyo at sa mga susunod na lahi ng pamilya natin. Kung saka-sakaling mawala ako huwag na huwag mong hahayaang mawala ang kwintas mo at ang likidong nasa garapa. Tatlo ang ginawa ko syo para sa proteksyon mo.."

"Hindi ko gusto ang sinasabi mo Mama mistulang nagpapaalam ka sa akin. Kahit na anong mangyari huwag mo akong iiwan Mama."

"Kung sakaling mawala ako mananatili pa rin ako syo."

"Ayoko MAMA!" sigaw nya sabay yakap sa akin.

"Huminahon ka buhay pa ako anak."

"Basta huwag ka na ulet magsasalita ng ganyan ha."

"Lahat gagawin ko para sa pamilya natin."

"Alam ko po Mama. Mahal na mahal kita."

Niyakap ko sya ng mahigpit.


Lumipas ang araw at naging tahimik ang pamumuhay. At mas lalong gumanda at lumalim ang aming pagsasama ng malaman kong nagdadalang tao ako. Kung gaano ako inaalagaan ni Simon mas doble ang pag-aalaga ko sa aking sarili. Dito ko naisip na gumawa ulet ng likido para sa bunso kong anak. Pero sa pagkakataong ito nilagyan ko ito ng agua bendita na hiningi ko kay Padre Martin at isang dangkal na asin. Kung bakit ginawa ko ito hindi ko alam. Kasabay nito pinagawan ko rin sya ng kwintas na kagaya sa kanyang kapatid at nilakipan ito ng maikling sulat. Dalangin ko lang ay mapagtanto nila kung gaano kahalaga ang kwintas na ibinigay ko sa kanila at nawa'y gabayan sila para manatiling buhay hanggang sa maipasa nila ang munting kaalaman para magligtas ng iba. Lalaki ang pangalawa kong anak at walang pagsidlan ang aming kaligayahan. Lahat ng bagay na nalalaman ko ay unti-unti kong itinuro sa kanya. Kung ang lahat ay naging kampante sa katahimikang tinatamasa namin ako nama'y nanatiling mapagmatyag. Walang sawa kong pinapaalala sa kanila na huwag nilang tatanggalin ang mga binigay ko sa kanilang proteksyon.

HABAKWhere stories live. Discover now