62 : Aling Saida

1.5K 85 15
                                    

Alejandra's POV


Halos isang lingo akong walang imik at nagging tahimik din sila sa mga nangyari.  Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Noong una ay nagugustuhan ko na si Cipriano dahil sa lahat ng manliligaw sya ang pinaka-may-dating. Nakadagdag siguro ang pagiging mayaman nya na para bang kaya nyang ibigay lahat ng gugustuhin ko. Pero pagkatapos ng makilala ko ang pamilya nya naghalu-halo na ang damdamin ko. Maaari kayang dahil sa estado ng buhay namin? Ang pangamba kong magustuhan ni Andres si Bella? Kung magkaganun man kahit papaano ay makakapagtulungan pa rin kami kung sakaling sumugod ulit ang mga aswang.  May kinalaman din ang biglaang paghalik sa akin ni Cipriano? O baka naman ang punyal na hawak hawak ko ngayon. Gabi-gabi kong hinahawakan ang punyal na ito at magmula ng napunta sya sa akin ay hindi ko na sya inalis sa katawan ko. Siguro nga ito ang totoong bumabagabag sa aking isipan.  Para kasing nakita ko na ang punyal na ito. Kung saan man ay hindi ko na maalala.


Sa araw-araw na nasa pamilihang bayan ako para ibenta ang aming mga naani naming gulay at prutas hindi ko pinahalata ang nasa aking isipan. Kaya minsan nang dumaan doon si Cipriano ay nakaya ko pa syang ngitian.


"Salamat naman at hindi ka na galit sa akin."

"Kalimutan mo na iyon."

"Marami bang naaning mais?"

"Oo. Ilang sako ba ang bibilhin mo?"

"Pakyawin ko na lahat."

"ang swete mo talaga kay Cipriano Alejandra. Naku sagutin mo na iyan ikaw rin baka maunahan ka ng iba," sabi ng Idel isa sa mga tinder.

"Makakapaghintay pa naman ako."

"Ito pala ang pwesto mo Alejandra?" biglang may nagsalita.

Napalingon ako at nakita ko si Bella.

"Nagpumilit na sumama gusto daw kasing Makita si Andres."

"Hindi ba talaga sya napapadaan dito?"

"Naku walang hilig iyon sa pagtitinda. Mainipin kasi sya."

"Ganun ba? Sayang naman," sabi ni Bella.

"Kapatid mo ba iyan Cipriano?"

"Opo Aling Saling."

"Ang ganda naman nya," sabi ni Idel.

"Kuya bilhin mo na lahat ng paninda ni Alejandra para makapunta na tayo sa bahay nila."

"Ha? Mais lang ang kailangan natin Bella," sabi ni Cipriano.

"Edi ipabenta mo sa mga tauhan mo."

"Naku huwag na. Kung masasayang lang ang mga gulay at prutas huwag nyo na lang bilhin. Maraming mas nangangailan sa pagkain," sabi ko.

"Kaya mahal na mahal ka ni Kuya masyado kang mabait."

Ngumiti ako, "Kung gusto nyo mauna na kayo sa bukid."

"May punto ka dyan Alejandra. Bueno tara na Cipriano."

Halos di makapaniwalang tumingin sa akin ang kanyang Kuya.

"Sige na. May mga tauhan ka naman na kukuha ng mga ito di ba?"

"Oo Alejandra. Tara na Kuya," masaya nyang sabi.

"Alejandra alis muna kami."

"Sige."


Pinagmasdan ko sila habang papalayo sa akin. May mga komento pa ang mga kasama kong tinder sa magkapatid pero hindi ko sila naririnig dahil bigla kong naalala ang aking kapatid. Tumingin ako sa langit at huminga ng malalim. "Panginoon pagtagpuin nyo po kami." Tahimik kong dalangin. Naging abala ako sa pagtitinda at wala pang alas Diyes ay ubos na rin ang paninda ko. Hindi ako nasamahan nila Nanang at Tatang dahil mas kailangan sila ngayon ni Andres. Hitik kasi sa bunga ang mga tanim namin kaya hindi magkaugaga sa pag-aani. Saka kasama ko naman si Idel na malapit lang naman sa bukid namin.

HABAKOn viuen les histories. Descobreix ara