14 : Kalakasan

2K 87 0
                                    

A/N

Hello Friends,

Maraming salamat po sa lahat ng nagbabasa sa story ko. Sana po magustuhan ninyo ito.

Dont forget to vote and comment.

God bless you all,

Alex_Camiller

=======================

This may be a work of fiction I pray that whoever read this story will be protected under the mantle of love of our Blessed Virgin Mary.

=======================

Antonio's POV

Flashback Continuation

Napakabigat sa puso ang iwan ang aking Ina at Ate Yolanda sa lugar na iyon. Hindi sila maaaring manatili sa lugar na walang ibang kulay kundi ang itim. Napakarami ng naroroon at mukhang walang patutunguhan. Puno ng kalungkutan at poot ang kinalalagyan nila. Kakausapin ko si Kamatayan para gumawa ng paraan kung papaano sila makakaalis. Kung papayag syang isama sila Ina at Ate sa bahay namin. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa mga lagusan na puno malalaking bato at mga higanteng puno na nagsipaglabasan ang marami at naglalakihang ugat. Hindi ko na malaman kung ilang araw na nga ba ako naglakbay pabalik sa lugar kung nasaan ang buong angkan namin. Madaling araw ng dumating ako sa lugar namin at nagulat ako sa dinatnan ko. Ang buong angkan namin ay nasa gitna na isang digmaan at hindi ko alam kung sino ang sumugod sa amin. Kahit saan ako tumingin ay nagkalat ang sunog na bahay, mga patay na tao at mga ilang kamag-anak ko. Napatakbo ako papunta sa bahay namin at nakita kong hawak hawak ng isang napakalaking aswang ang aking AMA sa leeg. 


"AMA!!!" napasigaw ako at tumakbo ng napakabilis papunta sa kanya.


Mabilis kong hinawakan sya sa braso at pareho kaming nagulat sa nangyari. Naramdaman naming pareho ang isang mainit na tila pinaghalong kuryente at apoy. Napaatras kami sa isa't isa at nakita ko kung paano namilit sya sa sakit. 


"Sino ka?" sigaw nya sa akin.

"Ako si Antonio at hindi ako papayag na sasaktan mo si Ama!" pasigaw ko ring sinabi.

"Ahhh anong ginawa mo sa akin? Bakit parang natutunaw ang kaliwang braso ko?"

"Wala pa akong ginagawa syo! magsisimula pa lang ako."


Mabilis ko syang sinugod ako inundayan ng suntok. Nang matapos ako dahil napahiga na sya sa sahig ay natulala ako sa nangyari sa kanya. Ang katawan nya ay unti-unting natunaw na parang tubig at saglit na umusok. 


"Antono?" narinig ko ang tawag sa akin ni Ama.

"Ama, ayos lang po ba kayo?"

"Oo."

"Tara na po iligtas natin sila."


Kasama ko si Ama na lumaban para iligtas ang iba naming mga kamag-anakan. Sa bawat atake ko ay walang kahirap-hirap kong napatay ang mga aswang na sumugod sa angkan namin. Masarap pala sa pakiramdaman na isa-isa silang namamatay sa harapan ko. Sa apatnaput limang magkakamag-anak dalawampung dalawa na lamang ang natira. At laking pasalamat ko at hindi kasama sa bilang na namatay ang aking Kuya. Nang makita ko sya agad ko syang niyakap.


"Salamat at buhay ka kapatid ko," bulong nya sa akin.

Napatingin ako sa kanya, "Kailangan kong mabuhay para sa angkan natin. Pasensya ka na at nahuli ako sa pagdating."

"Muntik ng mahuli pero ayos lang nandito ko na rin," sabi nya sabay hawak sa aking ulo.

"Saan ka ba nanggaling anak?" tanong ni Ama.

"Oo nga. Dalawang linggo ka naming pinaghahanap. Nag-alala kaming lahat," sabi ni Tiyo Crispin.

"Magsabi ka nga ng totoo saan ka ng nanggaling?" tanong ulit ni Ama.

"Tinapos ko lang po ang mission ni Ate Yolanda."

"Ano!" halos sabay sabay nilang sabi.

"Di ba sinabi ko syong kalimutan mo na iyon. Paano ko napahamak ka? Kung si Ate Yolanda mo nga't kasama pa tyo wala tyong nagawa," malakas na sabi ni Ama.

"Wala naman pong nangyari sa akin. Nakuha ko po ang sumbrero ni Kamatayan."

"Seryoso ka ba dyan Hijo?" sabi ni Tiya Katring.

Tumango ako.

"Kaya pala napansin ko kanina na lahat ng nakakalaban mo nagiging tubig tapos umuusok," sabi ni Cecilio.

"Hindi ko nga alam na ganun pala ang magiging epekto nito," nakangiting sagot ko kay Cecilio.

Biglang yumakap sa akin si Ama, "Salamat Anak! Hindi ako nagkamali sa pag-eensayo syo. Alam ko noon pa man ay may kakayahan ka. Salamat!"

"Ang galing mo kapatid ko!," sabi ni Kuya Victorino sabay yakap sa akin at isa isa rin silang nagsipagpuntahan sa akin para yakapin at bigyan ng papuri.


Ito ang simula ng pagbabago ng buhay namin. Napag-alaman namin na ang sumugod sa amin ay angkan mula sa kanlurang bahagi. Kaya naman nagplano kaming maigi para maipaghiganti namin ang aming angkan. Isang buwan naming pinag-matyagan ang kilos ng angkan nila at nagpasyang sumugod sa araw kung kailan walang buwan sa langit. Kung kailan mahina ang karamihang mga aswang. Noong una ay hindi pabor si Ama sa plano pero sabi kong ako ang mauunang susugod at papatayin ang lahat ng malalakas na aswang at sila naman ang bahala sa mga mahihina. Dumating ang araw ng pagsugod at mabilis naming nagapi ang mga ito. Ang iba'y nagmakaawa pang iligtas sila at gawing alipin. Pumayag naman kami kaya naman medyo nadagdagan ang bilang namin. Dahil sa naging epektibo ang ginawa namin naisipan naming sugurin ang iba pang angkan at ang nais ni Ama ay ang mga aswang na malalakas at maraming alam sa pag-gagamot, barang atbp. Kaya unti-unting kumalat ang pangalan ng angkan namin bilang isa sa pinaka-kinatatakutan at malulupit. Hindi lamang mga aswang ang sinusugod namin pati na rin ang ilang bayan ng mga tao para manatiling may pagkain kami. Minsan pa nga ikinukulong namin sila sa bahay na batong ginawa namin dahil napagtanto kong mas masarap ang kamamatay lang na tao. Sa mga pangyayaring ito maraming gustong sumapi sa angkan namin at marami ding nagtatangkang patayin ako. Pero hindi naman ako ganoon kadaling patayin at sa halip natutuwa pa nga ako kapag may mga ganitong sumusugod sa akin dahil alam ko namang wala silang panalo sa akin. Madalas pinagbibigyan ko sila may iilan pa ngang gumagawa ng mahika para lang malinlang ako. Akala nila madadaan nila ako sa mga ganung istilo.  Isang araw naisip kong mas maganda sigurong pumunta ako sa mas malaking bayan at humanap ng paraan para makapasok sa isang malaking paaralan. 


"Sigurado ka ba dyan anak?" tanong sa akin ni Ama.

"Gusto kong malaman kung mas maganda bang kumuha ng pagkain sa malaking bayan."

"Sabagay tama ka. Isama mo ang Kuya Victorino mo."

"Ama ayokong sumama."

"Si Cecilio na lang ang isasama ko."

"Sige pero gusto ko na bibigyan nyo ko lagi ng mensahe para malaman ang nangyayari sa inyo doon."

"Opo. Ama kayo din po magbigay agad ng mensahe kung sakaling may magtangka sa angkan natin."

"Oo naman anak."




HABAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon