11 : Pagpapaliwanag

2.2K 90 6
                                    

A/N

Hello Friends,

Maraming salamat po sa lahat ng nagbabasa ng story ko. Hopefully magustuhan ninyo.

Dont forget to vote and comment.


God bless you all,

Alex_Camiller

=======================

This may be a work of fiction I pray that whoever read this story will be protected under the mantle of love of our Blessed Virgin Mary.

=======================

Antonio's POV

Flashback

Nakatingin lamang ako kay Ama habang ipinapaliwanag nya sa akin lahat.

"Alam mo naman ang istorya ng mga kauna-unahang aswang Antonio. Nagsimula ang lahat ng ninais ni Desmond Lockwood na matamo ang isang kapangyarihan - bilis, talino, mga kakayahan kagaya ng matalas na paningin na kahit milya milya ang layo ay nakikita pa rin, pandinig na napakalinaw atbp kapalit nito ay pagkawala ng panlasa at ang tanging hahanapin ng sikmura ay ang laman ng tao."

"Ama hindi taga rito ang Desmond na yan di ba? Kasi ngayon ko lang narinig ang apelyido nya" tanong ni Victorino.

"Hindi anak. Taga ibang bansa sya parte ng Europa. Wala nga lang akong ideya kung saan ang eksaktong lugar sya nakatira. Si Desmond ibinahagi nya ang kapangyarihan nya sa buong pamilya hanggang sa dumami at kumalat na buong mundo. Ang pinakamahirap lamang sa atin ay kung humihina na ang katawan natin dahil sa katandaan o kaya kung mapuruhan tayo bunga ng pakikipaglaban. Tao pa rin tayo (tiningnan ni Ama kanyang mga anak) pero hindi tayo mamamatay hanggat hindi naipapasa pinaka-ingat-ingatan nating kapangyarihan. Yun tipong mas gugustuhin mong mamatay ka na dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Ganun ang nangyari kay Inang Pablita nyo. Hindi ko alam kung bakit syo ibinigay lahat dahil may kanya-kanyang desisyon kung kanino ipapasa ito. Nakita ko ang tindi ng pagsalin ng kapangyarihan sa nakatatanda kong kapatid noon at hindi ko inaasahan na masasaksihan ko nanaman. Alagaan at pagyamanin mo ang kapangyarihang iyan Antonio."

Tumango lamang ako.

"Kung may mga pagbabago kang maramdaman sa sarili mo ay sabihin mo agad sa akin. Huwag kang mag-alala dahil tutulungan kita. Magpapatuloy pa rin ang pag-eensayo ninyong tatlo kasabay ng pag-aaral ninyo sa mundo ng mga tao. Tutulong na rin kayo lalo na ikaw Antonio sa paghahanap ng pag-kain natin. "

Nakatingin lamang ako sa kanya.

"Sa buong Pilipinas ang mga aswang ay laging nagkukubli dahil ayaw ng maulit ang mga nangyari noong panahon ng mga Kastila. Nang mabunyag ang lahi ng mga aswang nagkaroon ng maraming grupo sa iba't ibang panig ng bansa na ang layunin ay ubusin ang lahi natin. At maraming nagulat ng may isang pamilyang nakagawa ng isang sandata at pananggalang laban sa mga tulad natin. Habak ang tawag nila dito at tanging ang pamilya lang na ito ang nakakaalam kung papaano ito gawin at gamitin."

"Habak?" tanong ni Kuya Victorino.

"Oo Victorino. Isang malakas na klase ng agimat."

"Nasaan na sila?"

"Base sa mga balitang dumating sa amin ang pamilya nila ay pinatay din na kapwa nila tao."

"Ano po?" tanong ko.

"Dahil sa sobrang takot ng karamihan sa atin nagtulong tulong ang maraming aswang para matalo sila. Pinalabas nila na ang pamilyang ito ay mula sa mga aswang. Ang mga ordinaryong tao ay madaling linlangin. Buong akala nila napatay na nila ang lahi natin pero nagkakamali sila dahil ang pinatay nila ay ang mga taong tumutulong para maipagtanggol ang karamihan. (Napangiti si Ama) Mga tanga at bobo ang mga taong iyon. Kung magkakaisa lamang ang lahat ng aswang magagapi natin ang mga tao. Gawing alipin, paramihin para magkaroon tyo ng pagkain. Iyon ang pangarap ko mga anak ko. Ang pamunuan ang lahat ng aswang para magkaroon ng isang matinding hukbo na mahahati sa grupo - mga aswang na lalaban sa mga kaaway at mga aswang na walang gagawin kundi ang siguruhing may pagkain ang lahat. Naiintindihan nyo ba ako mga anak?"

HABAKWhere stories live. Discover now