35 : Pag-ibig nila Adelina at Simon

1.6K 83 1
                                    

Hi Friends,

Sana po at magustuhan ninyo ang munting istorya ng mga bida dito sa HABAK. Flashback after flashback ang nangyayari dahil nais kong ipakita ang magkabilang side kung paano nagsimula ang lahat. May nagsabi sa akin na sana daw isinulat sa ibang aklat pero ewan ko ba hindi ko mapigilan ang aking sarili. Siguro aayusin ko ito sa isang sariling story nila Adelina. Anyways enjoy reading :)

Maraming Salamat po.

Dont forget to vote, comment and share.

God bless you all,

Alex_Camiller

=======================

This may be a work of fiction I pray that whoever read this story will be protected under the mantle of love of our Blessed Virgin Mary.

=======================

Adelina's POV


Matapos ang pangyayari dumiretso kaming tatlo sa simbahan para kausapin sila sa nangyari.


"Sa harap ng Diyos nais kong ipaliwanag sa inyo ang nakita ninyo."

Matiim silang nakatingin sa akin at inaantay ang iba pang sasabihin ko.

"Noong dalaga pa ako may naging kaibigan ako na nagturo sa akin kung papaano labanan ang mga aswang."

"Mama ibig mong sabihin aswang po yung sumugod kay Mang Ramon?" tanong ng aking anak.

"Oo anak. Umalis ako sa dating bayan ko para lumayo sa mga katulad nila subalit nang sumama ako sa isang misyon upang tulungan ang bayan ng Sta Maria napagtanto kong kumalat na ang mga tulad nila. Umanib ako sa isang grupo na ang layunin ay ipagtanggol ang nakakarami laban sa mga aswang. Maswerte ang bayan na ito dahil may mga grupong kagaya sa amin na hindi papayag na magapi ng mga tulad nila."

"Sanayin nyo rin po ako Senyora Adelina. Ayokong mabuhay sa takot na baka manganib ang sarili kong pamilya," sabi ni Ramon.

"Mama ako din po para matulungan ko kayo."

"Oo magsasanay tayo. Pero ang unang unang dapat ninyong gawin ay palakasin ang inyong relasyon sa Kanya (sabay turo kay Jesus). Nauunawaan nyo ba ako?"

Tumango silang dalawa.

"Sa ngayon isa lamang ang hiling ko ilihim ninyo ang mga nangyari sa atin ngayon. Nais kong sabihin ito kay Simon subalit hindi ko alam kung papaano ko sisimulan."

"Magpatulong po kaya kayo sa Kanya," sabi ni Alejandra.


Napatingin ako sa altar at taimtim na nagdasal para sa kaligtasan ng mga mahal ko sa buhay. Matapos nito ay umuwi na kami at hindi na ulit napag-usapan ang mga nangyari. Pagkaraan ng dalawang araw nagsimula na ang ginawa kong pagsasanay sa aking anak at Ramon habang abala ang aking asawa sa kanyang gawain. Ganito pala ang pakiramdam ng isang guro nasasabik akong makita ang bawat araw na pagbabago nila hindi lang sa pakikipaglaban kundi sa pagpapalawak ng kanilang isipan. Nararapat lamang na mabilis silang mag-isip para malabanan ng walang kahirap-hirap ang mga ito. Minsan umuwi ng maaga ang asawa ko at nakita nyang nagsasanay kami sa aming malawak na hardin na may mataas na bakod. Nalaman ko ito ng biglang tumigil si Alejandra sa pakikipag-espada sa akin. Ganoon na lamang ang kaba ko ng lumapit sya sa amin.


"Anong ginagawa ninyo?" tanong ni Simon.

"Baaaakit ang aga mo naman yatang umuwi?"

HABAKWhere stories live. Discover now