31 : Pag_Ibig_Piano

1.6K 80 1
                                    

Hello Friends,

Here's the new ud. Establishing kung gaano katalino si Adelina. Malapit na po ang pang gugulo ng mga dating kalaban ni Adelina. Hindi ko alam kung sino ba talaga ang laman ng puso ni adelina. The story will take care of that kahit ako naeexcite.

Maraming Salamat po.

Dont forget to vote, comment and share.

God bless you all,

Alex_Camiller

=======================

This may be a work of fiction I pray that whoever read this story will be protected under the mantle of love of our Blessed Virgin Mary.

=======================

Adelina's POV

"Senor Simon maraming salamat sa pamamasyal pag-aanyaya sa akin sa inyong kaarawan at saglit na pamamasyal natin sa ilog," sabi ko.

"Walang anuman Senyorita Adelina."

Nginitian ko sya at hinalikan nya ang aking kanang kamay.

"Bueno ako ay tutuloy na. Ikaw naman magandang Binibini ay magpahinga na."


Inantay ko muna syang sumakay sa kanyang karuwahe bago ako tuluyang pumasok sa loob ng tindahan. Dahil sa kabisado ko naman ang loob ng tindahan hindi na ako nag-atubiling buksan ang lampara at umakyat ng marahan sa hagdan. Laking gulat ko ng biglang magsalita si Sonya malapit sa pasemano.


"Adelina," mahina nyang sabi.

"Por Dios por Santo. Sonya ano ka ba? Huwag mo naman akong gulatin."

Humagikgik sya ng tawa.

"Tumatawa ka pa dyan."

"Ikaw talaga Adelina. Umamin ka nakalutang ang isip ng dahil kay Senor Simon."

"Hindi naman ah."

"Sus nakita kong hinalikan nya ang mga labi mo."

"Aba Sonya huwag kang maghabi ng salita. Ang totoo sa kamay lamang nya ako hinalikan."

"Alam ko naman iyon," sabi nya na may tonong pang-aasar.

"Teka nga muna bakit gising ka pa?"

"Inaantay kita. Marami kang dapat ikwento sa akin."

"Maari bang bukas na lamang ako magkwento masyado akong napagod sa araw na ito. Ang gusto ko lamang gawin ay mahiga at matulog."

"Nakakainis ka naman! Inantay nga kita para marinig ang mga kwento mo. Alam mo naman kahit minsan hindi pa ako nakadalo sa ganyang klaseng piging. Sige na Adelina ngayon mo na ikwento."

"Kung ikaw talaga'y mapilit sige magkukwento ako."


Inisa-isa ko ang mga naganap sa piging mula ng dumating ako hanggang sa mamasyal kami sa ilog. Ang aking kaibigan walang pagsidlan ang kanyang kilig. Naitanong ko tuloy sa kanya kung ganoon din ba si Francisco sa kanya. Napag-alaman ko na sadyang ganoon pala ang mga kalalakihan kung may nais sila sa isang dalaga. Lahat gagawin makuha lamang nila ang matamis mong oo. Tinanong din ako ni Sonya kung ano na raw ba ang estado ni Senor Simon sa akin. Umamin naman akong naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko. Kakaiba kasi ito kumpara kay Marquis. Naisip ko nanaman si Marquis kamusta na kaya ang aking kaibigan? Huminga na lamang ako ng malalim at sinabi sa aking isipan na magiging maayos din si Marquis.


Isang linggo na lamang ang klase namin at natutuwa ako dahil marami akong natutunan. Sa huling araw ng eskwela ay ang aming pagsusulit at kinagabihan ay ang aming eksiminasyon sa pagtugtog ng piano. Wala naman akong pinagsabihan tungkol dito subalit nagulat na lamang ako ng makita ko sina Senor Juli kasama ang kanyang pamilya, Francisco, Sonya, Andres at si Senor Simon. Agad ko silang nilapitan at kinausap.


"Anong ginagawa ninyo dito?"

"Ipinaalam sa amin ng pamunaan na magkakaroon daw ng Concierto para piano y orquesta," sagot ni Senor Juli.

"Ang pagkakaalam ko ay para lamang sa mga estudyante dito at mga guro. Ito ang aming huling pagsusulit."

"Alam namin na isa ito sa inyong pagsusulit at ang nakarating sa aming balita ay lima na lamang daw ang tutugtog. At ang limang ito ang pinakamagagaling sa klase," dagdag ni Senor Juli.

"Bakit Adelina isa ka ba sa pinakamagagaling?" nakangiting sabi ni Senor Simon.

"Sa tingin ko oo dahil hindi naman tayo iimbitahan kung hindi kasali si Adelina sa lima," sabi ni Sonya.

"At dapat lamang na naririto tayo espesyal na araw pala ito," sabi ni Francisco.

"Maaari ba akong umupo sa unahan para nakikita kong mabuti si Senyorita Adelina na tumutugtog ng piano?" tanong ni Andres.

"Huwag kayong mag-alala sa unahan lahat tayo uupo," sagot ni Senor Simon.

"Ano? Sa may gitna na lang kayo. Nakakainis pinapakaba nyo naman ako."

Lumapit sa akin si Senor Simon hinawakan ako sa magkabilang balikat at kinausap ako habang nakatingin sa aking mga mata, "Huwag kang kakabahan kaya kami nandito para suportahan ka. Iparinig mo sa amin ang pinakamagandang musika."

"Susubukan ko."

"Huwag mong subukan gawin mo," biglang sabi ni Senor Juli.


Bumalik ako sa silid kung saan naroroon ang aming guro at mga estudyanteng kasama kong tutugtog. Abot hanggang langit ang kaba ko. Kung wala lamang sila hindi ako kakabahan ng ganito. Ito ang unang pagkakataon na tutugtog ako sa entablado na buong akala ko ay simpleng pagsusulit lamang. At nang tinawag na aking pangalan nanginginig akong lumakad patungo sa entablado. Sinadyang hindi sila tingnan para maituon ko ang isip ko sa aking piyesang tutugtugin. Huminga ako ng malalim bago ko sinimulan ang aking pagtugtog. Buong puso kong inilagay ang lahat ng aking nararamdaman sa piano. Isa-isang naalala ko ang mga nakaraan mula ng bata pa ako, ang aking ina, ang kanyang pagkamatay, ang unang araw na nakilala ko si Marquis, ang mga araw na kasama ko sya, ang kanyang mga itinuro sa akin, ang bawat laban na magkasama naming hinarap, kung papaano ko nakilala si Sonya at kanyang asawang si Francisco, ang araw ng panganganak ni Sonya na sya ring araw ng pagsugod sa amin ng mga aswang na pinamumunuan ng kapatid ni Marquis, si Gryffen na nagligtas sa amin, ang bagong Marquis, ang aming paglalaban, ang pag-alis namin sa lugar na iyon, ang pagkupkop sa amin ni Senor Juli, ang paglaki ng Andres, ang unang araw na nakilala ko si Senor Simon. Ang dami ng nangyari sa buhay ko at sa isang banda masasabi kong naging tahimik ang buhay ko magmula ng umalis ako sa lugar kung saan iniwan ko si Marquis. Dapat nga ba akong magalak dahil sa tinatamasa kong buhay ngayon. Magmula ng dumating kami sa lugar na ito natutunan ko kung papaano maging kahera, magbilang ng pera at materyales. Ipinasok din ako sa eskwelahan dahil mabilis daw akong matuto sabi ni Senor Juli sayang naman daw ang aking kokote at para daw makasabay ako sa mundo ni Senor Simon. Matapos ang aking pagtugtog halos hindi ko mabingi ako sa kanilang papuri't palakpakan. Nang bumalik ako sa silid kung nasaan ang aking mga guro at iilang kaeskwela ay ibinigay na sa akin ang aking grado. Napangiti ako ng husto ng makita ko ang aking marka. Lumabas na ako at hinanap ko sila, mabilis akong tumakbo at yumakap kay Senor Juli.


"Maraming salamat po sa pagpapaaral sa akin. Heto po ang aking boleta de calificaciones."

Tinignan ito ni Senor Juli, "Excelente."

"Ako din mataas ang aking marka Senyorita Adelina."

"Alam ko namang matalino ka rin Andres."

"Felicitacion," halos sabay sabay nilang sabi sa akin.

"Estoy orgulloso de ti," sabi ni Senor Simon.

"Gracias."


=====================

Concierto para piano y orquesta - piano concert

boleta de calificaciones - report card

Excelente - excellent

Felicitacion - conratulation

Estoy orgulloso de ti - Im proud of you

Gracias - thank you




HABAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon