43 : Pag-ibig_Mga Dambuhalang Puno

1.5K 75 1
                                    

This may be a work of fiction I pray that whoever read this story will be protected under the mantle of love of our Blessed Virgin Mary.  

Hello Friends,

Here's my new UD sinulat ko bago ako matulog mahirap na baka mawala pa ang nasa aking isipan. dalawang oras pa lang tulog ko mula sa gy pero ayos lang kasi makabuluhan naman ang ginawa ko. I hope na maayos kayong lahat na nagbabasa ng aking story. Lubos akong nagpapasalamat at binigyang pansin ninyo ito. Nga pala salamat sa isang kaibigan na nagbigay sa akin ng idea para protektahan ang aking nasulat. Sana ang pamunuan ng Wattpad ay protektahan din ang lahat ng writers sa buong mundo na nagsheshare ng kanilang talent. Umayon man ang karamihang writers sa akin o hindi, ito lang ang aking alam ang malamang may nagbabasa sa simpleng naisulat ay abot na hanggang langit ang ligaya at nadadagdagan ang kumpyansa sa sarili. Anyways sana po magustuhan ninyo ito.

Maraming salamat po and dont forget to VOTE, COMMENT AND SHARE!

GOD BLESS EVERYONE,

Alex_Camiller

===============================================

Adelina's POV 

Pahilaga ang aming pagtakbo at agad akong napatigil dahil may naramdaman akong kakaiba sa lugar na tinatahak namin. 


"Sandali lang!" sigaw ko.


Lahat ng kasama ko ay napahinto at nagtatakang lumingon sa akin. Tanging liwanag ng buwan ang nagbibigay ng kakaramput na liwanag sa kapaligiran. Kinailangan kong talasan hindi lang ang aking pakiramdam kundi ang aking paningin. Ang tanging nasa aking isipan ang makaligtas ang lahat sa tila walang pag-asang kinahantungan namin. Alam ko mahaba-haba pa ang oras, marami pang pwedeng mangyari at pinipilit kong iwaksi ang negatibong pumapasok sa aking isipan. Nagkubli kami sa mga punong kahoy na milyong milyong taon na yatang naririto kasama nila ang mga ligaw na damo. Sa di kalayuan mistulang isang kawalan at dahil sa malamig na hangin naririnig ko ang pagsayaw ng mga damo. 


"Dito lang muna kayo. Sandali lang."


Mahinahon kong sabi sa gitna ng mga pagtatangis ng mga taong naabutan ng mga aswang mula sa lugar na aming pinagmulan. Nakailang hakbang ako bago tumigil sa isang malawak na damo na sa tingin ko lagpas pa ang dalawang taong matangkad. Nagsipagtayuan ang aking balahibo ng marinig ko ang napakalakas na ingay na nagmumula sa luntiang kawalan at nadagdagan pa ang takot ko ng marinig ang paparating na mga aswang na humahabol sa amin. Mas mauuna lang na darating sa kinaroroonan namin ang mga humahabol sa aming aswang samantalang may paparating naman mula sa hilaga.


"Takbo doon bilisan nyo!" nagmamadali kong sigaw at tinuro ko ang parteng Silangan kasabay din nila ang pagtakbo ko.


Alam kong ito na ang pinakamabilis naming takbo pero ano naman ang laban namin sa mga aswang. Sa talas ng pang-amoy nila at tingin ko naglalaway na sila para makuha kami kaya medyo tumigil ako para panaan ang ibang malapit na sa amin. Sa isang banda natuwa ako dahil may ibang mga taong sumunod sa amin at iyon ang mga prinotektahan ko para kahit papaano madagdagan ang layo nila sa mga humahabol sa amin. 


"Bilisan nyo!" malakas ko pang sigaw. 


Medyo pataas ang lugar na tinatakbo namin idagdag pa ang napakasukal na daan na laong nagpadagdag sa hirap ng sitwasyon namin. Nakita kong kinarga ni Ramon sa kanyang likod ang panganay kong anak habang na kay Simon naman ang bunso. Napaisip tuloy ako na bakit ba ako lang ang marunong magpana sa amin at wala man lang napasama sa amin mula sa grupong kinabibilangan ko. Sana kasama namin sila Padre at Norwina o yung iba pa na bihasa sa pana. Kung makakaligtas kami una kong hahasain ang kanilang kakayahan sa pana. Nasa bandang itaas na ang karamihan habang ako'y patuloy sa pagtakbo tapos titigil para mamana at tatakbo ulit. Napailing ako ng marinig ang mga aswang mula sa itaas at napamura ng malakas habang isa-isang pinana lahat ng makita kong umaalid at humahanap ng tiyempo na sugurin kami. Nang makarating kami sa itaas mas lalong kinabahan ako dahil sa sobrang dikit-dikit ng mga dambuhalang puno. Pakiramdam ko mga langgam kaming tumatakbo sa gitna ng bawat puno at halos lagpas taong talahib o damo. 


"Ma!" tawag ng aking panganay.

"Sssshhhhhh," sabi ko na ang ibig kong sabihin tumahimik sila at manatiling tumakbo.


Kahit ganito kadilim at wala na talagang liwanag ng buwan na sumilip man lang mula sa itaas alam ko pa rin kung nasaan sila dahil sa naririnig ko ang mga yabag nila. Mula sa kalayuang likuran ko nakarinig ako ng malakas ng sigaw ng isang babae kasabay nito ang napakalakas na pag-alulong ng isang aswang na tila bang nagsasaya dahil may nabiktima sya. Lahat tumigil sa pagtakbo at nagkanya-kanyang kubli uli sa mga naglalakihang puno. Maayos na sana ang pagkakakubli nang biglang may sumigaw nanaman mula sa hanay namin sa bandang kaliwa. Kahit ako nagimbal sa nakita ko dahil ang malaking punong pinagkublihan nila ay biglang gumalaw at lahat sila ay tinapon sa ere. Rinig na rinig ang malakas na lagapak nila mula pa sa isang puno bago tuluyang bumagsak sa lupa. Lahat kami mabilis na lumayo sa puno at nagsipag takbuhan. May iba na sa sobrang pagkagulat ay tumakbo pabalik kung saan nandoon ang mga humahabol sa aming aswang. Naisip ko agad ang mga bata nasaan na ba sila? Kung ako ngang matanda na nahihirapan sa aming sitwasyon mas doble ang sa kanila. Naramdaman ko ang pagyanig ng lupa at ako man ay natakot sa mga kakaibang nangyayari. Nakita ko sa aking harapan na biglang lumabas ang malaking ugat ng puno na tila bang hahampasin ako kaya agad akong dumapa. Naramdaman ko pa ang pagbagsak ng mga lupa mula sa ugat at nang maramdaman kong medyo nakalayo na sya ay kumaripas nanaman ako ng takbo habang sinisigaw ang pangalan ng lahat ng parte ng aking pamilya. Malakas din at halos na sabay na pagtawag ang narinig ko mula sa aking mga anak at maging kay Simon. Kaya lang sobrang layo ng agwat ng kinaroroonan ng kanilang mga boses. Mabilis akong dumalangin na sana pagtagpu-tagpuin kami.


"Kung nari---rinig nyo a----ko la----hat magtu---ngo sa band---ang ti----mog!" sigaw ko habang iniilagan ang tilang nagwawalang kapaligiran.


Umaasa pa rin akong maririnig nila ang sinabi ko sa kabila ng malalakas na ingay mula sa mga dambuhalang puno at halos makalimutan ko na ang mga aswang. Bumalik lang sila sa alaala ko ng marinig ko ang pagtangis ng isang aswang mula sa aking likuran. Nilingon ko sya at nakita ang pagbagsak nya sa lupa kasabay nito paghampas ng napakalaking sanga ng puno. Dito ko napagtanto na kahit ang mga aswang delikado sa lugar na ito kaya mabilis pa rin ang kilos ko. Ang buong katawan ko ay gising na gising at gamit ang talas ng pandinig, pakiramdam at mata ang tanging sandata ko. May ilang beses akong natumba, bumangon at tumabo ulit. Wala sanang problema kung ang sakit ay mula lang sa lupang pinagtumbahan ko pero doble ang sakit na iniinda ko dahil halos bumaon ang mga sandatang nakatali sa katawan ko isama na ang panang nakapulupot sa akin na sobrang iniingatan kong huwag masira ng husto. Nagpadausdos ako sa lupa ng maramdaman na may paparating sa akin sanga, tumayo at mabilis na tinalon ang isa pang sanga at nagsirko pababa at ng akmang tatakbo na ulit ako may humila sa buhok ko. Natumba ako sa lupa at nagimbal ako dahil isang aswang ang umibabaw sa akin. Akala ko katapusan ko na dahil konti na lang tatamaan na ako ng kanyang nagtatalasang kuko nang biglang hinampas sya ng di ko alam kung anong parte ng puno at tumilapon sa ere. Kahit nanginginig ako pinilit kong tumayo at tumakbo ulit. Habang iniilagan ko ang lahat tumutulo ang luha ko kasabay ang dalanging iligtas kami ng Poong Maykapal.




HABAKWhere stories live. Discover now