22 : Pag-ibig VI Castaneda

2.1K 79 3
                                    

Hello Friends,

Nakakaloka habang nagsusulat ako ng chapter na ito noong isang araw ay aksidenteng kong naclick ang publish. Patawarin nyo ako ha kasi naman shungangers lang hahaha. I really hope na magustuhan ninyo ang story ko ngayon. 

Dont forget to vote, comment and share.

God bless you all,

Alex_Camiller

=======================

This may be a work of fiction I pray that whoever read this story will be protected under the mantle of love of our Blessed Virgin Mary.

=======================

"Kailangan na nating umalis dito," sabi ko.

"Sino ba yung mga yun?"

"Si Lucretia kapatid ko. Kunin mo na mga gamit mo at aalis tayo."

"Saan naman tayo pupunta?"

"Sa malayong malayo."

"Bakit? Kung kelan naman may mga nakaibigan na ako malapit dito sa lugar natin aalis tayo."

"Hindi na ligtas dito Adelina."

"At sa tingin mo naman habang buhay nating mapagtataguan ang kapatid mo."

Di ako makapaniwala sa sinabi nya pero sa isang banda tama sya.

"Marquis ayoko ng umalis pa tayo. Naturuan mo nanaman ako ng maayos at nakita mo naman kung gaano tayo kagaling makipaglaban. Sa tingin ko mas maganda kung tuturuan mo ako nung mga ginawa ni Lucretia para maitago natin ang lugar na ito sa kanya."

Napangiti ako sa kanya, "Tumatalino ka na ngayon ah."

"Napakalapastangan mo Marquis! Kung hindi lang kita guro at kaibigan ko hahamunin kita ng duelo."

"Duelo? Sige nga. Matagal tagal na rin tayong hindi naglalaban."

"Seryoso ka?"

"Oo. Gamitin mo lahat ng itinuro ko syo sa pakikipaglaban."


Sa kahit anong laban ang sekreto ay maging tuso ka. Sugurin ang kalaban sa oras na wala silang kamaly-malay. Isang mabilis na pagsugod ang ginawa ko pero ng makalapit ako kay Adelina nakita ko ang mabilis din nyang kilos at tumama na nga sa tiyan ko ang kanyang kamao. Napaatras at napa-iwas ako sa sunud-sunod na pagsugod nya sa akin. Gusto kong makasiguro na kahit mawala ako ay taglay ni Adelina ang isang mandarigma laban sa lahi ko. Ganito katindi ang pagmamahal ko sa kanya na kahit ang sarili kong pamilya ay handa kong patayin para sa kanya. Hindi na ako umaasa na mahalin nya ako dahil tanggap kong hindi kami pwede. iniisip ko rin ang buhay na pwede naming mabuo. Ayokong magalit sa akin ang magiging anak namin kapag nalaman nilang nanalaytay sa kanilang dugo ang dugo ng aswang. Mas nanaisin kong mahalin si Adelina sa malayo kung saka-sakaling magmahal sya ng kapwa nya tao. Ganito ang tumatakbo sa isipan ko habang naglalaban kami at nang makakita ako ng butas sa kanyang istilo ng paglaban mabilis ko syang napatumba.


"Mabilis at malakas ka na Adelina pero gamitan mo ng utak ang pakikipaglaban."

"Kailan kaya kita matatalo?" hinihingal nyang tanong.

"Darating ka rin doon," nakangiting sagot ko.

"Aalis pa ba tayo?"

"Hindi na. Tama ka ituturo ko na lang kung papaano natin matatalo si Lucretia."


Kaming lahat ay marunong gumamit ng mahika. Isa sa maraming kapangyarihan ng mga tulad namin. Habang papatayo si Adelina ay sinimulan ko ng sabihin ang latinong orasyon. Halos humigit kumulang singkwenta milya ang nilagyan ko ng mahika para protektahan ang buong lugar na malapit sa amin. Nang matapos ang aking orasyon nakita ko sa mismong tapat ko si Adelina na seryosong nakatingin sa akin.

HABAKΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα