67 : Pagsugod ng Lobo

2.1K 84 13
                                    

This may be a work of fiction I pray that whoever read this story will be protected under the mantle of love of our Blessed Virgin Mary.

=======================

Alejandra's POV

Isang matarik at mabatong bundok ang inakyat naming. Kinailangan pa naming iwan ang mga alaga naming kabayo dahil hindi nila kakayanin ang napaka-imposibleng daan. patagilid kaming lumalakad at kung mali ang iyong tatapakan ay mabilis kang mahuhulog sa milya milyang bangin. Pinatay ko na ang kabang nararamdaman ko at napalitan ito ng pag-asang makikita ko ulit si Andres. May ilang minuto akong humihinto para abutin ang inuming tubig bago magpatuloy ulit sa aming tinatahak na daan. Parang walang katapusan ang ang ginagawa naming pag-akyat at iniisip ko saan naman kaya dumaan ang mga higanteng kasama naming. Bakit ba hindi ko naisip na sumabay na lamang kami sa kanila. Dati na nilang ginawa iyon noong nawalan ng malay si Andres. Edi sana'y hindi kami nanghihirap ng ganito. Gusto kong batukan ang sarili ko sa mga naiisip ko. Narinig kong sabi ni Henri na malapit na kami sa tuktok kaya medyo sumigla na ang kilos ko. Nang makarating na ko kung saan umakyat si Henri ay doon naman nya nilaglag ang tali na dali-dali kong kinapitan at sa tulong nito mabilis akong nakaakyat. Nang malapit na ko sa taas ay agad kong hinawakan ang nakalahad na palad ni Henri at doon nya ko hinila pataas. Napahiga ako at saglit na nanatili sa paghiga. Napakaganda ng buong kalangitan punung puno ng nagkikinangan tala.

"Malapit na ba tayo?" tanong sa akin ng isa sa mga kasama namin.

"Sa totoo lang hindi ko alam," sagot ko.

"Ang sarap ng simoy ng hangin dito," dagdag nya.

"Godoy ikaw pala yan."

"Hahaha ikaw talaga Alejandra."

"Salamat sa pagsama kahit alam mong walang kasiguraduhan na makakabalik tayo."

"Huwag kang mag-isip ng ganyan."

"Ngayon pa lang humihingi na ko ng tawad sa iyo."

"Alejandra kaibigan ko si Andres kahit gaano kahirap tutulong ako para maibalik sya sa atin."

"Natatakot ako baka mabigo tayo."

"Ano ka ba naman? Ngayon ka pa matatakot kung kelan ang lapit lapit na natin sa kanya."

Pumikit na lamang ako at pilit pinipigilan ang pagtulo ng aking luha.

"Tara na Alejandra," narinig kong sabi nya.

Isinasayaw ng malamig na hangin ang aking buhok habang tinatahak ang daan pababa at patungo sa isa pang bundok. Kung gaano sya kahirap akyatin halos dalawang beses ang hirap ng pagbaba. Nang makarating kami sa ibaba tumambad sa amin ang isang napakadilim na kagubatan. Iba't ibang uri ng pinaghalong hininga ng gabi at ingay ng hayop ang iyong maririnig. Nakadama ako ng matinding takot dahil ganito rin kadilim noong tahakin ng pamilya ko ang isang kagubatan na kung saan maraming nasawi. Muntik muntikan pa kaming mapatay kung hindi lang nakilala ng isang engkanto ang aking Mama. Umaasa akong mas ligtas ang lugar na ito kaysa sa unang dinanas ko. Sinindihan ng isa sa mga kasama naming ay maliit na sulo na dala dala ng iilang kalalakihan.

"Dapat nag-intay tayong mag-umaga bago tayo bumaba ng bundok," sabi ng isa sa mga kasama naming.

"Bakit natatakot ka ba Samuel?" natatawang wika ni Henri.

"Bakit hindi ka ba natatakot sa itsura ng gubat na yan?" pagalit nyang wika.

"Huwag mong husgahan ang nakikita mo malay mo mas ligtas ang lugar na ito kaysa sa lugar natin," sabat ni Henri.

"Manahimik kayo. Maghanap na tayo ng lugar kung saan maaari tayong magpahinga," sabi ni Godoy.

"Basta dahan dahan lamang ang kilos nating lahat," sabi ko.

Marahan kaming naglakad sa masukal na kagubatan. Tanging ang naggagabay lamang sa amin ay ang sulong dala-dala namin. Tumingin ako sa itaas at pilit inaaninag ang liwanag ng buwan subalit kapiranggot lamang ang liwanag na tumatagos galling sa malawak na kalangitan. Natatakpan ito ng naglalakihan at madahong puno.

"Tingin ko maaari na tayong magpahinga sa lugar na ito. Mas kakaunti ang langgan o insektong nakikita ko sa punong ito kumpara sa iba," wika ni Leroy.

"Hindi naman langgam ang mga iyan kundi hantik," sabi ni Godoy.

"Di ba masakit yan mangagat?" pabulong na wika ni Samuel.

"Sige na nga maglakad pa tayo," sabi ni Leroy.

"Pwede naman siguro magsiga lang tayo para umalis ang mga insekto," mungkahi ni Henri.

"Kung sabagay pagod na rin tayong lahat," dagdag ni Godoy.

Inilapag ko na ang aking dala-dalahan at hiniram ang isa sa mga sulo upang tignan ang lupa kung saan ako magpapahinga. Gamit ang isa sa mga palaso ko ay nilinis ko ang aking lugar. Ibinaon ko sa lupa ang dulong bahagi ng sulo bago ko inilatag ang dala-dala kong malaking balabal. Narinig ko ang pagtatalo ng mga kalalakihang kasama ko kung sino ang magbabantay habang ang karamihan ay tulog.

"Ako na lamang ang magbabantay," malakas kong sabi.

Napatingin silang lahat sa akin na para bang may mali akong nasabi.

"AKO NA," biglang sabat ni Leroy.

"Pero dapat may kasama ka Leroy para hindi ka antukin kaya sasamahan na lamang kita," sabi ko.

"Mas mabuting magpahinga ka Alejandra. Sa ating lahat alam naman natin na sya ang mas nakakaalam kung papaano makipaglaban kaya kakailanganin ni Alejandra ng lakas para dito. Ako ang kasama ni Leroy para magbantay," paliwanag ni Henri.

"Kaya ko naming magbantay saka isa pa hindi pa ako inaantok," pagpipilit ko.

"Huwag matigas ang ulo Alejandra. Bueno magpahinga na ang lahat at mukhang malayo-layo pa ang tatahakin natin," sabi ni Leroy.

Hindi ko sila kinontra at nahiga na lamang ako at hindi nga naglaon nakatulog ako. Masyadong mababaw lamang ang tulog ko na konting tunog lamang ng mga hayop o dahon ay nagigising na agad ako. Naririnig ko rin ang pabulong na kwentuhan nila Leroy at Henri na mukhang binabalikan ang kanilang karanasan noong sila'y mga bata pa. Halos makakatulog na ulit ako ng may marinig akong kaluskos na hindi ko mawari kung saan. Babaliwain ko sana subalit malakas ang aking kutob na may darating na panganib kaya bigla akong napaupo.

"Tahimik," malakas kong saway kina Leroy at Henri at napalingon sila sa akin.

Pinakinggan kong mabuti ang naririnig ko at ng matanto ko kung ano ito dali-dali akong tumayo kinuha ang mga gamit ko at ang sulo na malapit sa akin.

"GUMISING KAYONG LAHAT!!! IPUNIN ANG LAHAT NG DAHON AT KAHOY AT IPALIBOT SA ATING LUGAR PAGKATAPOS SINDIHAN," pasigaw kong utos.

Marahil sa uri ng tono ng boses ko kahit alam kong naalimpungatan ang karamihan mabilis naming nakakilos ang karamihan. Nakapalibot sa amin ang isang malaking apoy at maya maya malinaw na ang tunog ng naglalakihang lobo.

"IHANDA ANG MGA PALASO AT MATAPOS ANG IKATLONG BILANG TIRAHIN ANG BAWAT ISA SA KANILA. SIGURADUHIN MAAASINTA NANG HINDI MASAYANG ANG DALA_DALA NATING PALASO. NAIINTINDIHAN BA?"

"OO," malakas at sabay-sabay nilang sagot.

Isa-isa naming tinira lahat ng nakapaligid sa aming lobo ngunit mistulang hindi sila nauubos. Sa bawat tira namin malakas na ungol ang naririnig namin na para bang nagtatawag pa ng ibang kasama. Nakita kong hinubat ni Henri ang kanyang damit at pinunit ito at ang kapirasong tela ay itinali nya sa kanyang palaso. Dinampian ang konting gaas at nang medyo Malaki na ang apoy agad nya itong itinira sa mga Lobo. Nang Makita ng karamihan ay ginaya ang ginawa nya at mas lalong napadaling puksain ang mababangis na lobo.

"Gagawa ako ng apoy para hindi maubos agad ang gaas natin," sabi ni Godoy.

Kinuha ang katamtamang kahoy na gagamitin sana pandagdag sa apoy na ginawa kanina bago matulog at ikiniskis ang isa pang kahoy na agad namang nagliyab. Hindi ako pumunit ng kahit anong tela pero saglit kong ibinabadbad sa apoy ang dulo ng aking palaso bago ito itira sa mga lobo. Walang pagod sa pagpana sa kalaban ang ginawa namin at umaasa kaming matapos na agad ang dinadanas naming labanan.

HABAKWhere stories live. Discover now