65 : Pagdukot kay Andres

1.7K 83 14
                                    

This may be a work of fiction I pray that whoever read this story will be protected under the mantle of love of our Blessed Virgin Mary.

=======================

Alejandra's POV

Kinausap ni Tatang lahat ng trabahador na nagtratrabaho Lalo na ang mga naninirahan malapit sa lugar namin. Pinaalam nya na magkakaroon ng pagsasanay na pangungunahan ni Andres. Isang pagsasanay upang maging handa sa lahat ng posibleng mangyari subalit hindi pinaalam na ang kalaban ay mga aswang at ang buong akala nila ay mga taong mula sa tribu. Sa unang araw pa lamang ay makikita na ang pagpupursige ng karamihan na matutunan ang tamang paggamit ng mga ito. Nagulat ako kay Tatang dahil kahit matanda na magaling syang humawak ng espada at lagging natatalo si Andres at maging sa paghawak ng pana at palaso ay walang kahirap-hirap sa kanya.

"Tatang alam ba ng punong barangay na nagsasanay tayo?" tanong ng isa sa mga trabahador.

"Wala silang alam at huwag nyo na munang ipaalam," sagot ni Tatang.

"Bakit tayo nagsasanay ngayon?" tanong ng isa pa.

"Nais ko lamang na maging handa tayo. Para kung saka-sakaling may sumugod sa lugar pa lang natin malabanan na natin. Tandaan ninyo ang lugar na ito ang pinakamalapit sa kanila. Kaya nararapat lamang na lagi tayong handa."

"Kung sabagay tama kayo Tatang. Masyado ng ngang nagging kampante ang mga tao. baka sa himbing ng tulog natin ay sinusugod na pala tao."

Naging maayos ang aming pagsasanay at wala pang isang lingo ay mabilis na natuto ang karamihan kung papaano ipagtanggol ang sarili. Bigla ko tuloy naalala si Mama ganitong klaseng grupo din ang kinabibilangan nya noon. Ang pagkakaiba lamang ay mahigpit si Mama sa pagtuturo na parang nagging estilo ko rin ngayon. Nasabihan pa nga ako ni Tatang na maghinay-hinay dahil magkakaiba naman daw ng uri ng tao ang tinuturuan ko; hindi raw lahat mabilis matuto may mga iba na kailangan ng matinding pasensya para matuto sila ng tama. Ang sa akin naman kailangan maging mabilis Lalo pa't hindi namin alam kung kalian sila susugod sa amin. At hindi nga ko nagkamali dahil wala pang dalawang linggo dumating na nga ang kinatatakutan ko.

Maliwag ang sinag ng buwan at tanging hininga ng gabi ang maririnig. Mahigpit ang pagkakayakap sa akin ni Andres at mukhang mahimbing na ang tulog nya samantalang ako gising na gising. Nakapikit lamang ang aking mga mata habang gising na gising ang aking diwa ng bigla na lamang akong napabalikwas dahil sa malakas na tinig na narinig ko. Sa sobrang lakas ay tinakpan ko ang aking tainga at napasigaw ako.

"Alejandra?" malakas na tanong ni andres at sya man ay nagtakip ng tainga.

Mabilis ang kilos namin sa pagkuha ng aming mga sandata at paglabas namin nakita na rin namin si Tatang na naghahanda na rin.

"Esposa ko kahit na anong mangyari huwag kang lalabas sa taguan natin ha."

Tumango lamang si Nanang.

"Samahan mo si Nanang," utos ni Andres.

"Nagpapatawa ka ba?" galit kong tanong.

"Hindi. Ikaw ang magtatanggol kay Nanang kung sakaling may sumugod dito sa loob ng bahay."

"Teka lang para saan pa ang pagsasanay ko kung hindi naman pala ako makikipaglaban."

"Hija makinig ka na lang kay Andres. Tanging nais lang nya ang kaligtasan ninyong dalawa."

Niyakap ako ni Andres, "Mahal na mahal kita."

"Hindi naman kayo lalabas agad di ba?" tanong ko.

"Subukan nilang pumasok ditto nang Makita nila ang hinahanap nila," sabi ni Tatang.

Ang bahay nila Tatang ay katulad sa pangkaraniwang bahay ng may kayang tao. Gawa sa bato ang unang bahagi at sa ikalawang palapag ay gawa sa matitibay na kahoy. Hindi naman ito Malaki katamtaman lamang sa apat-limang miyembro ng pamilya. May silid taguan na ginawa pala ni Tatang mailigtas ang pamilya laban sa nagkalat na tulisan at ito ay malapit sa hagdan. Isang katamtamang laking silid na nasa ilalim ng kanyang bahay. May mga siwang mula sa kawayang sahig kung saan ito ang nagbibigay ng hangin para makahinga ang mga nagtatago dito. Narinig namin ang malakas na pagkatok at ni isa sa amin ang hindi nagsalita. Nakasilip ako sa siwang mula sa aming pinagtataguan para Makita ko kung anong nangyayari sa labas.

"Tatang nais ko lang pong makausap si Alejandra," tinig ni Cipriano.

"Cipriano dis oras na ng gabi bumalik ka na lamang bukas," sabi ni Tatang.

"Hindi maaari nais kong ngayon na," malakas at mariin nyang sabi.

"Para saan ba iyang pag-uusap na iyan at hindi pwedeng ipagpaliban?"

"Buksan ninyo ang pintuan kung hindi sisirain namin ito!" nakakapangilabot ang kanyang boses.

"Umalis ka na Cipriano!" malakas na sabi ni Andres.

"Manahimik ka! Si Alejandra ang nais kong makausap."

"Wala si Alejandra dito," sabi ni Andres.

"Hahahaha napakasinungaling mo Andres. Nariyan sya sa loob at naaamoy ko sya mula dito."

Nangatog ang buong katawan ko sa kanyang sinabi.

"Dinig na dinig ko ang malakas na tibog ng kanyang puso," dagdag nya.

"UMALIS KA NA SABI!" sigaw ni Andres.

"Nagtatapang tapangan ka Andres. Sa totoo lamang dinig na dinig ko ang malakas na kaba na mula sa mga taong nasa loob ng bahay na ito. Bakit nga ba hindi ninyo binubuksan ang pintuan?" tanong nya.

"Hijo gabi na kasi pakiusap umuwi ka na lamang."

"Hahahaha alam ko kung bakit hindi ninyo binubuksan dahil natatakot kayo sa amin. Tama ba? Dahil alam ninyong mga ASWANG kami!!!! Kung hindi ako aswang ako ang pipiliin ni Alejandra. Dapat kasi matagal ko ng pinatay ang babaeng iyon pinigilan lang ako. Sya ang nagsabi kay Alejandra na aswang kami. Kala nyo ba hindi ko napansin ang pag-iwas ninyo sa akin. Pwes dahil dyan ikinagagalak kong sabihin sa inyo na lahat kayong nandirito ay magiging katulad namin sa ayaw at gusto ninyo!!!!"

Napahigpit ang hawak ko sa panang nasa palad ko.

"Kung kaya ninyo!" sigaw ni Andres.

"Hahahaha. Gusto ko yang tapang na iyan. Mga alagad ko gawing aswang ang nasa loob ng bahay. Huwag ninyong patayin gusto kong habang buhay nilang pagsisihan ang kanilang ginawa sa aming magkapatid. Hahahahaha hindi pala habang buhay dahil kapag naging isa na kayo sa amin habang buhay kayong buhay na kumakain na rin ng tao!!!!"

Isang malakas na lagapak ang nagmula sa itaas at sigurado akong napasok na kami. Pinatunog ni Tatang ang tambuli para humingi ng tulong mula sa kalapit na mga tao. Aalisin ko na sana ang kahoy para lumaban kasama nila pero pinigilan ako ni Nanang. Nakita kong ginamit na ni Tatang ang pana at palaso at isa-isang pinana ang mga kalaban sa itaas. Samantalang si Andres ay mukhang napalaban na rin. Nakita kong may parang mahabang bagay na lumabas mula sa itaas kung saan nasa likuran ito ni Tatang hindi ko na napigilan ang sarili ko mabilis akong tinanggal ang tatatlong kawayan at umakyat sabay hugot ng aking espada at buong lakas na inihampas ang aking espada. Nakarinig ako ng malakas na sigaw mula sa itaas. Nagulat naman si Tatang at napatingin sa akin at tumango na lamang. Bumalik ako sa kinaroroonan ni Nanang at tinakpan ulit ito.

"Babalikan kita Nanang pangako," tanging mga mata ko lamang ang nagsasalita ng magtagpo ang aming mga mata.

Narinig ko rin na parang nagkakagulo na rin sa labas habang kami ay sinisikap na tulunin lahat ng sumugod sa aming tahanan. Nang Makita ako ni Andres nagtatanong ang kanyang mga mata kung bakit ako umalis sa pinagtataguan namin. Ako naman patay malisya na lamang at sinugod ang paparating na mga lapastangang aswang. Narinig ko ang malakas na pagkalampag ng pintuan na para bang binuksan ng hangin. Nasa bandang hagdan ako at kapapatay ko pa lang sa isang aswang ng Makita kong parang hinigop ng pulang ilaw si Andres. Ilang Segundo lang bigla silang nawala at nang takbuhin ko ang aming pintuan patungo sa labas ay wala na sila. Hinihingal pa ako ng mapansin ko ang malalaking taong nakilala namin sa Bundok ng Geryon.

"Kamusta Alejandra? Narinig namin ang tambuli." sabi ng isang higanteng babae.

Tumulo na lamang ang luha ko.

"Nahuli yata tayo at nadala ang kaibigan nyang si Andres kasama ng iba pa," dagdag ng isang higanteng lalaki.

Hinawakan ako ni Tatang sa kaliwang balikat at hindi ko kinaya yumakap ako sa kanya at humagulgol ng iyak.

HABAKWhere stories live. Discover now