50 : Buhay sa tabing dagat

1.7K 79 0
                                    

     This may be a work of fiction I pray that whoever read this story will be protected under the mantle of love of our Blessed Virgin Mary. 


Hi Friends,

Wow nasundan agad ang pagsusulat ko dito. Aktibo ang aking imagination ngayon. Bago ako matulog ulit nakapagsulat pa ako. Sa susunod na chapter na lamang ang adventure at action. Survivor ang peg ng dalawang bida. Sana po magusthan nyo po ang UD na ito. Salamat po sa inyong nagbibigay sa akin ng inspiration para ipagpatuloy ang story na ito. 

Dont forget to VOTE COMMENT and SHARE.

God bless you guys and gals,

Alex_Camiller

============================  

Andres' POV


Wala akong balak na iwan mag-isa si Alejandra sa lugar na iyon pero hindi ko naman sya pwedeng isama sa paghahanap ko ng panggatong. Kahit na anong mangyari kailangan laging ligtas syang ligtas. Nadurog ang puso ko nang makita sya umiiyak kanina subalit wala akong magawa. Kung anong dahilan ng Diyos kung bakit nya kami iniligtas Sya lamang ang nakakaalam. Nakakita ako agad ng mga kahoy na maaari naming gawin panggatong. Kapag hanggang bukas at wala na kaming nakitang kasama namin yayayain ko na syang lisanin ang lugar na ito para hanapin ang bagong kapalaran. Nang maipon ko na ang sapat na kahoy ay nagbalik na ako sa dalampasigan subalit pagdating ko doon ay bigla akong nataranta dahil wala doon si Alejandra.


"Alejandra!!!!" sigaw ko.

"Pssst." 

Napatingala ako, "Alejandra bumaba ka nga dyan!!!"

Nakita ko syang dali-daling bumaba ng puno at hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin sya.

"Ah Andres ayos ka lang ba?"

"Huwag mo ng gagawin iyon ha."

"Sabi mo sa akin na umakyat ako sa puno di ba?"

"Oo sinabi ko yun pero aakyat ka lang ng puno kung sa tingin mo may panganib. May naramdaman ka bang kakaiba dito?"

"Wala naman."

"Bakit ka umakyat?"

"Nakakainip kasing maghintay sa baba."

"Bakit hindi ka kaagad bumaba nung makita mo na akong paparating?"

"Tinatamad pa akong bumaba. "

"Dapat bumaba ka agad para hindi ako nag-aalala."

Hinawakan nya ang kamay ko, "Andres matatakutin ka pala no?"

"Ngayon lang ako natakot akala ko may nangyari na syo."

"Hahahaha"

"Anong nakakatawa?"

"Wala. Hindi lang ako sanay na natatakot ka. Andres kilala kitang matapang at ni minsan wala akong naaalala na umasta kang ganyan."

"Tama na nga. Tara tulungan mo akong sindahan ang mga kahoy na ito at nang sa ganon ay makapagluto na tayo."


Tahimik kaming kumilos at nang matapos ang aming hapunan ay inilatag ko na ang kahoy na nakuha ko kanina. Itinabi ko ito sa malapit sa puno pero sinugurado ko munang walang insekto sa paligid ng puno. Nag-aalala lang ako kay alejandra baka mahirapan syang matulog ngayong gabi. Mula sa mayamang pamilya sya kaya alam kong sanay sya sa maginhawang tulugan.

HABAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon