47 Pag-Ibig_Pagtulong

1.6K 88 8
                                    

   This may be a work of fiction I pray that whoever read this story will be protected under the mantle of love of our Blessed Virgin Mary.  

Hi Friends,

Nakapagsulat din bago matulog. I hope magustuhan ninyo ito sa susunod na chapter na lang ang action. Malapit na rin ang side ni Toyang hmmm naeexcite na ako. Maraming salamat sa walang kupas na suporta ninyo sa munting story ko. 

Dont forget to VOTE COMMENT and SHARE.

Keep safe and God bless you.

Alex_Camiller

======================================

Marquis' POV


Gamit ang aking kapangyarihan prinotektahan ko ang lugar na ito laban sa kapwa ko aswang. Isa-isang silang nagising at pare-pareho ang naging reaksyon nila ng makita si Adelina na walang buhay. Ang buong pamilya ay naghihinagpis sa nangyari sa kanila at medyo natagalan pa bago ko sila nakumbinsi na lisanin na lamang ang lugar. Nakiusap si Simon na ilibing si Adelina sa lugar kung saan naroroon ang mga dambuhalang puno. Muntikan pa akong mapalaban ng makita ako ni Kali.


"Anong ginagawa mo dito?" galit at malakas nyang sabi.

"Kaibigan din naman ako ni Adelina."

"Nakita naming ikaw ang pumatay sa kanya."

"At alam kong alam ninyo ang dahilan kung bakit ko iyon ginawa. Kali pareho tayong malapit kay Adelina."

"Ikaw din ang dahilan kung bakit sinugod ang bayan nila."

Nagkaroon ng bulung-bulungan sa paligid.

"Huli na ang lahat ng mapagtanto ko na parte sya ng aking nakaraang nabura sa aking isipan. Kung alam nyo lang kung gaano ako naghihinagpis ngayon doble sa paghihinagpis ninyo."

Natahimik silang lahat.

"Saan ba maaaring ilibing ang aking asawa?" tanong ni Simon.

"Sa gitnang bahagi na lamang para kahit papaano masilayan ng araw," mungkahi ng isa sa mga kasamahan ni Kali.

Hindi na kinailangan ng pala sa paghuhukay dahil ang mga puno na ang mismong naghukay sa lupa para mailibing na sya.

Nagsalita si Simon habang tumutulo ang kanyang luha, "Kailanman hinding hindi kita malilimutan. Sa kabilang buhay nawa'y hintayin mo ako Mahal ko. Pangako magiging malakas at matatag ang pamilya natin at ipagpapatuloy ang nasimulan. Ipapasa sa mga sunud na lahi ang obligasyong protektahan ang pamilya at ang mga ordinaryong tao."

"Mama hahasain ko po ang sarili ko sa pagpana at paggawa ng Habak," sabi ni Alejandra. 

"Mahal na mahal ko po kayo Mama," ito lamang ang nasabi ng bunsong anak ni Adelina.


Matapos naming ilibing si Adelina ay nagtungo na kami patungo sa dalampasigan kung saan nakadaong ang iilang barkong naiwan ng mga tao dahil sa pagkakagulo. Malayo pa lamang nakita ko na may ilang mga taong naghahanda sa pag-alis at alam na alam kong grupo ito ni Adelina noong sya pa ay nabubuhay. 


"Papa!!!" sigaw ng isang dalaga mabilis na tumalon patungo sa isang matanda.

"Norwina anak ko," sabi ng matandang lalaki.

"Salamat sa Diyos at ligtas kayo."

"Nasaan ang Mama mo at mga kapatid?"

"Wala na po si Mama," sabi nya sabay iyak.

Natulala lamang ang matanda sa sinabi ng kanyang anak.

"Nailigtas po namin ang buong pamilya maliban kay Mama."

"Nasaan ang Mama mo?" 

"Inilibing na po namin sya," sabi nya nang bumaling sya sa akin kumunot ang kanyang noo sabay hugot sa kanyang espada at sinugod ako.

"Norwina!!!!" sigaw ng matanda.

Napasigaw din ang iba at pinigilan syang sumugod.

"Kakampi natin sya."

"Kailan man walang aswang na maaaring kumampi sa mga tao," sigaw ng isang lalaking nasa barko at agad na sumugod din sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang salagin ang pagsugod nila. 

"TAMA NA!!!" malakas kong sigaw na nagpatigil sa lahat ng sumusugod sa akin.

"Huwag nyo akong galitin dahil alam na alam ninyong kayang kaya ko kayong patayin lahat!!!" patuloy kong sabi.

Marami sa kanila ang namutla at halos di na makagalaw.

"Kaibigan ko si Adelina at ako ang nagturo sa kanya kung papaano lumaban."

"Masyadong mapaglinlang ang mga tulad mo paano naman kami nakakasiguro sa mga sinasabi mo?" nagsalita ang isang Pari.

"Nasa inyo na kung maniniwala kayo o hindi. Pero kung tatangkain ninyong patayin ako lalabanan ko kayo at hindi ninyo magugustuhan ang mangyayari sa inyo. nandito lamang ako dahil sa pamilya ni Adelina kung hindi dahil sa kanila nunca ko kayo tutulungan."

"At paano mo naman kami ngayon matutulungan," nagtanong ulit ang Pari.

"Ituturo ko sa inyo ang mabisang paraan paano nyo mabilis na mapapatay ang mga tulad ko."


Nagsimula na kaming maglayag at sa limang araw na nasa dagat kami marami na akong naituro sa kanilang lahat. May mga natutunan din ako sa kanila sa kauna-unahang pagkakataon pinakinggan ko ang mga pinaniniwalaan nila. Nais ni Padre Martin na tanggapin ko ang Diyos na kilala nila pero mahirap para sa akin na maniwala kaagad. Lalo pa't may mga nagagawa akong hindi nagagawa ng ordinaryong tao. Iyon nga lang kaakibat nito ang isang matinding sumpa sa mga tulad ko. Kinatatakutan dahil sa di namin mapigilang sikmura na ang tanging nais ay kumain ng laman ng tao. Natatakot nga sila sa akin dahil baka daw isa-isa ko silang paslangin lalo pa't wala silang laban sapagkat nasa gitna kami ng dagat. Sa tuwing nararamdaman ko ang gutom umaalis ako sa barko at naghahanap ng malapit na isla at doon nambibiktima. Tama hindi ako nagkalat ng lahi sa mga islang binisita ko. Ang tanging layunin ko lang ay kumain sapat na pang buong araw nang sa ganoon may lakas ako sa pagtuturo sa kanila. Mabilis naman nilang natutunan ang lahat ng mga itinuturo ko. Kung paano ang istilo ng pagtuturo ko kay Adelina ay iyon ang aking ginawa. Ang tanging hindi ko lang magagawa ay ang totoong labanan kagaya kay Adelina. Kaya naman humusay ng husto si Adelina dahil naranasan nya kaagad ang totoong laban. Nang malapit na ako sa isang isla nagpaalam ako sa kanila na mauuna ako para makita ang buong lugar. Nais kong masiguro na ligtas silang lahat. Sagana sa puno ang isla at tingin ko mapapakinabangan nila ang lupa dito. Sinuyod ko ang kagubatan nito para malaman kung anong klaseng nilalang ang nagbabantay dito. Lumipad ako ng napakataas para pagmasdan ang isang bayan ng mga engkanto. Kung ordinaryo kang tao ang makikita mo lamang ang naglalakihang puno na mistulang itinatago ang napakataas at napakagandang talon. Pero iba ang nakikita ko naroroon pa rin naman ang talon pero ang buong paligid nito ay mga naggagandahang bahay ng mga engkanto. Sa bandang kaliwa makikita ang napakalaking kastilyong kumikinang na kasing tingkad ng mga bituin sa kalangitan. Hinanap ng aking mata ang engkantong sa tingin kong namumuno sa lugar. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makikipagkaibigan ako sa kanila. Kahit aswang ako iniiwasan ko ang mga tulad nila dahil lubha silang mapanganib. Minsan ko ng nakita kung papaano nila pinaslang ang ilang mga aswang sa europa. Oo may kakaibang lakas ang aswang pero wala pa rin kaming laban sa mga kagaya nila. Nang mamataan ko ang isang lalaki sa kastilyo ay huminga ako ng malalim at nagpasyang puntahan ang kinaroroonan nya. 



HABAKWhere stories live. Discover now