Blade X (Completed) 2016 Vers...

By Ange_Mayao

11K 598 94

Paano kung isang araw, ang buhay mo ay magbago nang dahil sa isang sekreto? Nang dahil sa isang insidente, na... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chpater 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Epilogue

Chapter 28

155 11 3
By Ange_Mayao

Chapter 28

***Azer Zarften***

Mahapdi ang mga mata ko... Maging ang kamay ko... Ramdam na ramdam ko ang kirot ng pagkakatali sa akin... Naaamoy ko rin ang masangsang na amoy ng patay na katawan... Nasaan ba ako....?

Pinilit kong iminulat ang mga mata ko. Hanggang makaya ko. Nakita ko ang puting kisame na maraming nakalawit na mga wires sa itaas nito. Iginalaw ko ang ulo ko, pakanan at pakaliwa... At nakakita ako ng malaking testube! Human size na testube! Parang sa t.v lang na napapanood ko.

May tao sa loob... Babae... Blonde ang buhok nya at umaangat iyon dahil sa berdeng likido na nasa loob. At halos magyelo ang buong katawan ko nang makita ang mukha ng babae. Nakapikit ito at walang malay. Maraming nakadikit na mga wires sa katawan nitong walang anumang saplot. At kitang kita ko ang malaking sugat nito sa tyan.

Kamukha sya ni Sephiel!

"Akin na ang Formula X." Anang isang boses ng lalaki. Hindi ko sila makita dahil nakagapos ako. Hindi ko masyadong maigalaw ang ulo ko at ang katawan ko. Pero randam kong nakahiga ako sa isang kama.

"Formula Y." Sabi nito. Sya pa rin ang nagsasalita.

Ano bang mayroon dito? Math class ba 'to? Formula X at Y?! Nasaan ba kasi ako? Bakit ako nandito?

"Gising na sya, AD004." May nadinig akong boses ng lalaki na parang robot ang tunog. Hindi kaya....

"Experimental code, Leo123009, vital signs, Normal, ready to be examined."

Ano daw?! Examined?! Hindi pwede! Bubuksan ba nila ang katawan ko?! Ilalagay din ako sa malaking human size na test tube na 'yun?! O pagpipiraso-pirasuhin nila ako?!

"Minions!" May sumigaw, boses ng lalaki. "Stop the operation now!"

"Operation cancelled." Mayroon namang voice na pang system ang nagsalita. Hala sya! Nasa laboratory nga ako!

"Azer? Are you alright?" May biglang dumukwang at tumingin sa akin. He looks like Mr. Montelvana.

"Sino...ka?" Hirap akong magsalita. Namamanhid kasi ang katawan ko. Mayroon ata silang itinurok sa akin...

"I'm Mr. Joseph Montelvana. James Montelvana's half brother." He smiled. Inalalayan nya akong umupo. Timingin sya sa mga robot na nandun. Oo, robot!

"B-bakit po ako nandito?" May itinurok sa akin yung robot at unti-unting bumalik ang senses ko.

"We were just protecting you, Azer." Sabi nya. Alalang-alala ang mukha nya. "They are trying to capture you. Alam nila ang kapangyarihan mo. Ang nakaraan mo...kung sino ka talaga. Kung ano ka. Kaya gusto Ja nilang kuhanin at patayin."

What is he trying to say? Na masama si Mr. Montelvana? "Sir, h-hindi ko kayo maintindihan..."

He sigh. "Well, let me tell you everything you want to know---oh, no. Let me tell you the truth."

"The truth?" Kinabahan ako bigla. Pakiramdam ko, hindi maganda ang mga sasabihin nya...

"Yes. But first, I will let you rest. Alam kong hindi pa nakaka-recover ang katawan mo. Iniligtas ka lamang namin kanina sa kamay ni James. So, for now, I will let you rest."

***

Nasa loob ako ngayon ng isang kwarto. Malaki ang kwarto at kakaunti lang ang mga gamit. Pero pakiramdam ko, ang sikip-sikip dito ngayon. Nasaan na ba si Sephiel? Kailangan ko syang makita... Gusto ko syang makita... Kahit sa huling pagkakataon man lang ay makita ko sya...

May biglang kumatok sa pintuan. Agad akong napaupo sa kama. Dahan-dahan iyong bumukas at niluwa niyon ang isang babae na may eye patch sa kaliwang mata.

"Pasensya na sa istorbo." Sabi nya. She looks like miss Marjorie. Iyong isang assassin na kinalaban ni Sephiel. May kasama pa syang bata.

"Azer Zarften. Code Leo 123009." Sabi 'nung bata. Robot din ba sya?

"Sino kayo?"

"Hindi kami kalaban, Azer." Ngumiti si girl na may eye patch. "We are here to protect you from the REAL enemies. I'm Ana and this is Diana."

"Matagal na panahon na mula nang makasama ka naming muli..." Lumapit sa akin iyong bata. Niyakap ako. "Hindi mo na ba ako naaalala?"

Umiling naman ako. "H-hindi na. Sino ba kayo?"

Humarap sa akin yung bata. "Ako ang prinsesa ng Etophilia. Ako ang iyong kapatid, prinsipe Leo."

PRINSIPE LEO?! What the heck?! At kailan pa ako naging prinsipe ng Etophil-what na yan!?

"Nagkakamali ka. Hindi ako----"

"Hindi ka namin pinipilit na maalala ang lahat, Azer. May tamang panahon para sa pagbabalik ng alaala mo." Ana said. Kamukha talaga sya ni Marjorie. Maamong version lang.

I don't know pero... Naramdaman ko na may kakaiba nga sa kanila. Lalo na sa batang nakayakap sa akin. I feel something strange. Para bang may kulang sa akin na biglang napunan nang makita ko ang bata. Totoo kayang kapatid ko sya?

No, off course she's not MY sister. Si Leo ang kapatid nya at hindi ako. Hindi naman ako si Leo eh.

"Huwag mo ng i-stress-in ang sarili mo." I heard Leo's voice on my mind. "Hayaan mo lang sila. Magpahinga ka na."

Hindi ko na sya kinausap. Instead, I chose to close my eyes and imagine Sephiel's face....

***
Leo

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong nay nakatingin sa akin. Napaupo ako sa kama at kinusot-kusot ang mata ko. And to my surprise....

"Ace!" She called me. The girl in my room call me and hugged me. May maikling buhok at kulay brown iyon.

"What----"

She faced me. "Ace, I'm so worried about you... Buti naman at okay ka. Salamat naman..."

I really looked at her. I can't recognize her face. Mukhang nahalata nya di ko sya nakilala. Teka... Sino ba 'to?

"Ace, this is me, Sephiel." Sabi nya.

"Sephiel?" Sabi ko. Sino si Sephiel? "Kamag anak ba kita? And who is Ace, anyway?"

She was shocked when I said who is Ace. Yeah, who's Ace? My name's not Ace. I'm Leo.

"I'm sorry..." She shyly said. Kumalas sya sa pagkakayakap sa akin. "I thought you were Azer."

"It's okay." I snirked then pulled her closer to me. Ngayon, nakaupo na sya sa hita ko.

"W-wait... W-what are you doing?!" She was surprised. Haha! How cute.

"You're so innocent, darling. Let me tell you how..." I kissed her on her neck.

"Stop it, Leo!" May biglang dumating at sinampal ako. "Napaka-playboy mo!"

I looked at her. Oh crap! My sister, Ashiya!

"Hi my dear baby sister." Lumayo na sa akin si 'Sephiel' daw.

"Kuya, umayos ka. Amo natin sya." She said glaring at me. Hindi na nagbago.

"Oh, I'm sorry. I didn't know. Nice to meet you, darling. I'm Leo, the lion." I kissed her again, sa kamay na. Hindi na sa leeg. Ang bango pa naman nya.

"O-okay lang... N-nagkamali din naman ako...kanina." Napayuko sya. Her face was colored in red. Ang cute naman nya.

"Anyway, baby sister----"

"Stop calling me baby!" She shouted. Whew..

"Alright, no need to shout." I smirked. "Where are we? Kakaibang lugar 'to ah."

Hindi sya nakasagot. Mukhang mahaba-habang usapan ito.

May biglang pumasok sa loob ng silid na kinaroroonan namin. Lalaking naka-doctor outfit na mukhang mad scientist ang role. Mukha syang doctor ng mga pelikula na kontrabida. He is smiling at me. He looks familiar.

"Leo, the Lion. Nice to see you again. Do you remember me?" Makahulugan nyang sabi.

I knew it. He's the guy. Iyong lalaking nagpatulog sa akin sa loob ng mahabang panahon.

Doctor Draco Brend.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
**Narrator**

"HAYUP KA, GEMINI!!" Sigaw ni Sephiel habang sakal-sakal sya ng stems na mula sa ilusyon ni Gemini.

"Really?" Ngumisi pa ito. "Libra!" Tinawag nito sa isang lalaki. Ang zodiac monster na si Libra na ngayon ay may suot na baluti. "Dalhin mo ang babaeng ito. At ang dalawang iyon..." Itinuro nito sina Ann at Gerald. "...ipapatay mo sila kay Sagittarius."

"Masusunod." The guy smirked. Itinaas nito ang dalawang kamay at biglang bumigat ang katawan ni Sephiel. GRAVITY!

"Sephiel!" Sigaw ni Ann. Ngunit, huli na. Nawala na sa harap nila si Sephiel. Ang naiwan ay isang nilalang na may bow at arrow. May katawang sa kabayo. May mahabang buhok. Sagittarius, the archer.

"I won't allow you." Gerald said. Full of determinaion on his eyes. Iniharang nito ang sarili kay Ann. Pareho na silang nakawala mula sa ilusyon ni Gemini.

Ann, on the other hand, chant a spell at inilabas ang kanyang silver bow at arrows. She is Archer X. At mukhang mapapalaban sya sa isang ito.

"Ann, let me do this." Gerald seriously said.

"I won't let you do this alone, Gerald. Kasama mo ako. Magkasama tayong lalaban sa halimaw na 'yan. He's a monster, you see? Hindi sya ordinary."

Wala ng nagawa si Gerald kundi sundin ang babae. Tao lang sya, robot ang isang ito. Ang role nya lang ay ang tulungan ito. Inilabas nya ang kanyang silver blade.

"Wow! Ang ganda nyan ah!" Sabi ni Sagittarius na mukhang nang aasar pa. "Ang gandang...BALIIN!"

Sinugod sila nito. Tumalon si Ann sa right side at si Gerald sa left side. Ngayon napag gitnaan nila si Sagittarius. He's a flame archer kaya nang panain si Ann nito ay may apoy sa pana nito. Buti at naiwasan nya.

"Ann!" Sumugod naman si Gerald. He tried to slash Sagittarius' back pero may barrier ito. Ang nangyari ay naiwasiwas sya ng halimaw.

"Hindi ako interesado sa mga mortal!" Sigaw ni Sagittarius at tumingin kay Ann. "Mas interesado ako sa'yo."

"Ano bang kailangan mo sa amin?"

"Ano ba sa tingin mo?"

Gustung-gusto na nyang saksakin ang bunganga ng halimaw na ito. Nakakainis ang mukha nya!

She raised her bow with her arrow then released the arrow towards Sagittarius. Pero tinunaw lang ng apoy nito ang silver arrow nya. She tried a lot, pero bigo sya.

"Hahahaha!! Walang kwenta ang silver arrows sa fire arrows, Archer X. Can't you see?" Mayabang na wika ni Sagittarius. "I'm a fire elemental. Ikaw, robot ka lang. Ano namang laban nyo sa amin? Sumuko ka na. Wala na kayong magagawa."

Tumalim ang tingin ni Ann sa kaharap. Hindi nya gusto ang tabas ng dila nito.

Ibinaba nya ang kanyang bow. She closed her eyes. She concentrates on her spell.

Natawa naman si Sagittarius. "Hah! Wala kang magagawa! Itigil mo na lang iyan!"

Sinalag ng blade ni Gerald ang flaming arrows ni Sagittarius. Kailangan nyang maging shield ni Ann ngayon. Kailangan nyang tulungan ang babae kahit ano pa ang mangyari.

I will do anything to protect her! Sigaw ng isip ni Gerald.

Continue Reading

You'll Also Like

33.5K 1.2K 88
"Siguro nakaligtas ako sa islang iyon para harapin ang panibagong hamon na ito!! D-Dapat ba hiniling kong ako nalang? K-Kasi mukhang mas mabuting mam...
5.1K 864 59
A girl who'd rather spend her time playing a mobile game called 'Mobile Legends' instead of reading love stories And a Boy who'd rather spend his tim...
Poems By ML

Poetry

19.1K 168 38
Mga tulang nagjo-joke. Practice lang 😂
86.3K 3.6K 77
Title: Taming The Legendary Assasin Genre: (Fictional) Action🗡🗡 Dedicated To: Ha Ji-won1023Ph / Sunshine1023Ph ••SEASON 1•• Title: Taming The Legen...