I Swear This Time I Mean It

Oleh justbetch

34.6K 638 35

Eunice is an innocent teenage girl who has an ultimate crush on her cousin's bestfriend named Kim, who do not... Lebih Banyak

PROLOGUE
CHAPTER ONE:
CHAPTER TWO:
CHAPTER THREE:
CHAPTER FIVE:
CHAPTER SIX:
CHAPTER SEVEN:
CHAPTER EIGHT:
CHAPTER NINE:
CHAPTER TEN:
CHAPTER ELEVEN:
CHAPTER TWELVE:
CHAPTER THIRTEEN:
CHAPTER FOURTEEN:
CHAPTER FIFTEEN:
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN:
CHAPTER EIGHTEEN:
CHAPTER NINETEEN:
CHAPTER TWENTY:
EPILOGUE:
Author's Note:

CHAPTER FOUR:

1.7K 41 6
Oleh justbetch

"Nagkaboyfriend na ba yung si Eunice Boss?" tanong bigla ni Jude kay Francis habang nakatambay kaming lahat sa isang fastfood chain restaurant sa mall at hinihintay sila Harrold, Ace at Patrick na kasama ang mga jowaerts nila

"Hindi pa" sagot agad ni Francis

"Talaga? Eh paano pag may nanligaw sa kanya Boss?" tanong ulit ni Jude kaya tinitigan siya ng masama ni Francis

"Wag mong subukan Boss!!" pananakot ni Francis kaya tinaas ni Jude ang dalawang kamay niya in surrender saka natawa

"I hate to see her crying! baka makapanakit ako pagnasaktan siya!!!" napatingin nalang sila Jude, Keith, Jd, Mark, Gabriel, Jason at Christian kay Kim na nakatingin naman kay Francis na pinapalaman ang mga fries sa burger niya bago kainin, ang weird!!

"Paano kung gusto niya din yung lalaki? Pipigilan mo pa din?" -Jude

"He should proved to me that he deserves Eunice" sabi pa ni Francis "dahil pagnasaktan ang pinsan ko sisiguraduhin kong manghihiram ng mukha sa aso ang taong dahilan nun!!"

"Whoa! scary!" bigla ko nalang nasabi kaya nagtawanan silang lahat saka ibinato sakin ni Francis ang hawak niyg fries "tsk. you're wasting the food!"

"Oh sorry" then he smirk. Gago talaga to eh

Pero nakakatakot talaga ang sinabi niya, hahaha, halatang matindi ang pagaalala niya kay Eunice at ayaw niyang masaktan ang pinsan niya..

After almost an hour of waiting dumating na din sila Patrick, Harrold at Ace kasama ang mga Jowaerts nila

"Hindi na kami makakasabay pauwi!" biglang sabi ni Harrold

"What?! Bakit?!" kung makapagreact talaga to si Jude akala mo big deal yung hindi pagsabay nila Patrick samin pauwi eh

"Hanep ah, naghintay pa kami dito" -Christian

"At pinakamasaklap ako ang nagbayad ng lahat ng kinain namin dito!!" dagdag pa ni Jd na parang sobrang sama ng loob sa panglilibre niya

"Err...we have a date sorry" -Patrick

"Same here!" -Ace and Harrold

"Takte sana sinabi niyo agad over the phone para hindi na kami naghintay dito" -Mark

"Sowree!" sabay hagis ni Patrick ng susi ng van kay Jude "nasa van na din yung groceries"

"Alright, seems like I'll be the one to drive!!" -Jude

Lumabas agad kami ng mall at pumunta na sa parking lot kung saan nakapark yung van

"Mauna na pala kayo" sabi nalang ni Francis saka ibinulsa ang cellphone niya

"You have a date too?" -Gabriel

"Hindi, may dadaanan lang ako" -Francis

"Allright!!"

Nagsakayan na agad kami sa van habang si Francis sumabay nalang kayla Harrold papunta kung saan man sila patungo

*****

Pagdating sa bahay inayos agad nila Keith ang mga pinamili nila Patrick habang sila Jude kanya kanyang pwesto naman sa sala at kanya kanyang busy sa kung ano mang pinagkakaabalahan nila

Maya-maya habang nakatambay ako sa terrace biglang dumating si Eunice na may dalang box na tingin ko ang laman ay Cake, na sana chocolate ang flavor, hahaha

"Hi Elle" ^___^ nakakainlove talaga ang ngiti ng babaeng to, hahaha

Ngumiti din ako sa kanya "Nasa loob sila, sa sala"

"Bakit mag-isa ka dito?"

"Ang ingay ng mga mokong sa loob eh, may sinasagutan lang ako" sabay pakita ko ng puzzle sa kanya.

"Nandiyan si Francis?"

"Wala eh may pupuntahan daw, pero pasok ka lang sa loob nandun si Keith"

"Okay" ^___^

Pagpasok niya nagsagot sagot na ulit ako ng puzzle. Ilang minuto lang ng pumasok si Eunice naglabasan naman sila Jude, Mark, Gabriel at Christian na pareparehong nakasuot ng jersey, shorts at running shoes.

"Oi saan kayo pupunta?" usyoso ko sa kanila

"Magjojogging" sabay ngisi ni Christian

"Saan?"

"Diyan diyan lang" -Gabriel

"Sos! Ibabalandra niyo nanaman yang mga pagmumukha niyo sa mga babae diyan no?" bigla silang nagtawanan, talaga tong mga to kunwari pang magjojogging maghahanap lang naman ng chicks

"Sama ka Berdugz?" -Mark

"Tinatamad ako tumakbo eh"

"tsk. ang tamad mo talaga, kung naririnig ka lang ngayon ni Neit panigurado away nanama--" -Christian

"Oops!! sige magjogging na kayo!!" I cut him off, hahaha kaya nagtawanan silang lahat saka umalis

Maya-maya pagkaalis ng mga mokong nagulat nalang ako ng biglang lumabas si Kim ng bahat hawak at hila hila ang braso ni Eunice

"Hindi mo ba naiintindihan Eunice? Hindi kita gusto!" sabay bitaw sa braso ni Eunice na parang naiiyak na at mukhang hindi nila ako napapansin dahil nakasalampak ako sa sahig ng terrace katabi ang mga aso namin.

"Hindi ko naman hinihingi sayong magustuhan mo din ako eh, ang gusto ko lang iibigay sayo to Kim" sabay abot ng box na may lamang cake kay Kim

"Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo ha? mahiya ka naman 'nice kababae mong tao sunod ka ng sunod!!"

"I just want to give this to you" sabay lapit pa kay Kim ng box

"Sinabi ng ayoko eh, mahirap bang intindihin yun ha?!" sabay tulak pabalik ng box kay Eunice na accidentally nabitawan ni Eunice at bumagsak sa lupa, sh*t sayang yung cake!!!

Napaiyak nalang si Eunice sa nangyari habang si Kim halatang gulat na gulat sa nagawa niya

"M-Maghanap ka na lang ng lalaking susuklian yang efforts mo!"

"Hindi naman *sob* ako humihingi ng *sob* kapalit Kim eh..." sabay takbo niya palabas ng gate habang si Kin napasandal nalang sa gate at nakatitig padin sa cake na nasa lupa

Napabuntong hininga nalang siya saka nagulat ng makita akong nakasalampak sa sulok ng terrace at nakatingin sa kanya

"E-Elle? K-Kanina ka pa diyan?" napatango nalang ako

"Sayang naman yung cake Kim" umiwas lang siya ng tingin "Linisin mo na yan baka biglang dumating si Francis" dagdag ko pa saka ako tumayo at pumasok sa loob ng bahay

Almost 7pm na ng dumating si Francis habang naghahapunan na kaming lahat na nasa bahay

"Oi Boss kain na" aya agad ni Jason sa kanya

"Sige lang Boss kakakain ko lang din eh" sabay upo ni Francis sa bar stool na nasa tabi ng counter "Si Eunice nasaan? Hindi pa ba dumadating?"

"Nandito siya kanina, pero pagbalik namin galing jogging wala na, umuwi na yata" -Christian

"Hindi ako hinintay?" napatingin nalang ako kay Kim na tuloy lang sa pagkain

Kinuha agad ni Francis ang phone niya saka tinawagan si Eunice

"'nice...bat umuwi ka agad?...akala ko ba hihintayin mo ako?...teka umiiyak ka ba?" napatingin ulit ako kay Kim na natigilan na sa pagkain at nakatingin kay Francis na nakatalikod lang sa amin habang nakaupo pa din sa stool "...dont lie to me 'nice please, I know you're crying...now tell me, bakit ka umiiyak?" biglang tumayo si Francis saka naglakad palabas ng bahay "...want me to run in your place?...hey 'nice"

"Umiiyak si Eunice?" tanong bigla ni Gabriel ng makalabas na si Francis ng bahay

"Chismoso lang Boss?" pang aasar nalang ni Ace saka sila nagtawanan

"Pustahan, aalis yang si Boss ngayon...pupunta yan kayla Eunice?" -Mark

"Agad-agad?" -Ace, Christian, Jd, Stephen, Gabriel, Jude at Jason

"Agad-agad!" sagot naman ni Mark

"Sus!" -Stephen

Biglang pumasok si Francis saka kinuha ang backpack niya na nasa couch.

"Mga Boss, I'll gotta bounce" sabay talikod ni Francis

"Saan ka pupunta?" -Ace

"Kayla Eunice, dun na din muna ako matutulog" saka tumakbo paalis ng bahay

Nagkatinginan nalang kaming lahat

"Sabi sa inyo eh! ganun kaimportante sa kanya ang pinsan niya" -Mark

Napailing nalang sila Christian

"Hoy Boss, ang tahimik mo ha?" puna pa ni Jude kay Kim na napatingin agad sa kanya "Ikaw ba ang reason kung bakit umiyak si Eunice?" nanlaki nalang ang mga mata ni Kim sa prangkahang tanong ni Jude

"Tsk. sabi na eh, pano pagnalaman yan ni Francis?" -Jude

Natigilan silang lahat sa pagkain saka tinitigan si Kim

"I'll explain everything to him" yun lang naging sagot ni Kim

"Paano kung hindi siya makinig? Alam mong mahal na mahal niya ang pinsan niya more than anything else Boss, kaya niyang makipagbasag ulo para sa pinsan niya!" -Christian

Hindi agad nakaimik si Kim

"Hindi mo na nga kayang suklian yung efforts niya, pinaiyak mo pa! ano ba naman yan Kim!" Keith said glaring at Kim

"Bunch" awat agad ni Jason sa girlfriend niyang si Keith

"I didn't mean to hurt her feelings" iwas tinging sabi nalang ni Kim kaya natahimik ulit ang lahat

THE NEXT DAY: Almost after lunch na si Francis bumalik sa bahay

"Ui Boss naglunch ka na?" -Stephen

"Tapos na Boss" -Francis

"Kamusta si Eunice, Fra?" napatingin agad kami kay Keith

"Ayaw niyang sabihin kung bakit siya umiyak kagabi eh" pagtingin ko kay Kim nakatulala lang siya sa labas ng bintana, halatang naguiguilty ang gago

"Baka broken hearted Boss?" nagulat nalang kaming lahat at napatingin kay Jude na natatawa pa nga, siraulo talaga tong mokong na to eh

"tsk. malaman ko lang kung bakit umiyak yun, humanda talaga sakin, hindi lang broken heart ang matitikman niya kundi pati broken nose, broken legs at buong katawan niya magiging broken!!" nakangiting sabi pa ni Francis pero sa tono ng boses niya halatang seryoso siya sa sinabi niya with matching patunog pa ng daliri sa kamay

Whoa! Scary!!!

----------------------------------------------

A/N: Comment? Vote? I will love it ^__^

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

120K 3K 28
GXG
5.6K 273 25
WARNING: Mature Scene! Read at your own risk! Dahil sa matinding problema ay napilitan si Althea Gail na tanggapin ang alok na kasal ni Eliab Gavin B...
27.2K 586 25
Dalawang rason kung bakit galit si Hunter kay Carmela: una, anak ito ng lalaking pumatay sa ama niya; pangalawa, niloko siya nito dalawang linggo bag...
1.3K 129 25
Paano mo ipagpapatuloy ang iyong pagmamahal kung nalaman mong mali na ito simula pa lang? Ano ang gagawin mo kung pati ang langit at batas ay tutol s...