CHAPTER ONE:

2.3K 46 1
                                    

Problema ng love life ni Kim naging problema ko na din tuloy walang hiya naman kasi oh, bakit ba ako sumakay sa trip nila Jude eh, tsk. ako tuloy namomroblema ngayon sa paggawa ng pesteng Love letter na yan!!!

Sulat...

Bura...

Sulat...

Bura...

Sulat...

Bura...

Sulat...

Bura...

tsk. napuno na ang isang buong yellow paper....

Crumple...

Tapon...

Kuha ng bago...

Sulat ulit...

Bura...

Sulat...

Bura...

Sula----

"Hi, Elle" napa-straight nalang ako ng upo ng marinig ang boses ni Eunice

"Ano yan?" nakangiti niya pang tanong

"H-Ha? Ah...assignment ko sa accounting" sabay tago ko ng pinagsusulatan kong papel

"Mahirap mag accountancy?" sabay upo niya sa tapat ko saka tinignan yung napakakapal kong libro sa accounting subject namin

"Oo, lalo na pagkatulad kong hindi nag-aaral" natatawang sabi ko nalang kaya napangiti siya

"Kaya mo yan, ikaw pa"

"Kanina ka pa dumating?"

"Ngayon ngayon lang, nasaan nga pala sila? Ikaw lang ang nandito?"

"Pumunta sila Keith sa talipapa para bumili ng pang gulay, sila Jude naman nagbasketball...teka alam ba ni Fra na darating ka ngayon?"

Tumango lang siya saka ngumiti

"Pero ang alam niya after lunch pa"

"Ah ganun?"

"Um, gusto mo ng cupcakes?" sabay lapag niya ng isang paper bag sa lamesa saka nilabas ang isang container na puro cupcakes ang laman

hahaha, sakto nagugutom pa naman ako

"Penge akong isa"

"Kain ka kahit ilan, ako ang nagbake niyan at saka si yaya"

"Oh? Hindi ba ako matatae pag kinain ko to?" pang aasar ko pa saka kumuhang isang cupcake, alam ko namang masarap siyang magbake eh, hahahaha

Bigla siyang nagpout

"Ang bad mo"

kaya natawa ako lalo

"Joke lang" sabay subo ko ng isang buong cupcake at ang reaction ni Eunice...

O__O

"Ba-et?" tanong ko nalang habang nginunguya ang isang buong cupcake

"Oh my gosh, ang laki nito ah, kasya sa bibig mo?" hindi makapaniwala niyang tanong

"Kaya nga berdugo ang tawag namin diyan kay Elle eh, para kasing hindi babae" napatingin nalang kami ni Eunice kayla Jude na dumating na pala...

"Sige ako nanaman!!"

"Hi Jude, Hi Christian, Hi Stephen, Hi Ace, Hi Mark, Hi Patrick, Hi Gabriel, Hi Jd and Hi Harrold" ^_^ nakangiting bati sa kanila ni Eunice

"Hi Eunice..." in chorus naman nilang bati

I Swear This Time I Mean ItOù les histoires vivent. Découvrez maintenant