CHAPTER SIXTEEN

976 17 0
                                    

Sa barkada namin hindi naman uso yung hindi nagpapansinan kahit na nagkasapakan na eh, dahil kahit anong inis at galit sa isa't isa dinadaan sa matinong usapan pagkatapos ng isang sapak. Ganun na kami kamatured ng "konti lang naman" ngayon. Hahahaha.

"Boss hindi ko naman sinasadyang saktan siya eh, ayaw niya lang kasing makipag-usap sakin, ayaw niyang pakinggan yung paliwanag ko" saad ni Kim habang nasa terrace silang dalawa ni Francis at nag-uusap.

Pano ko nalaman? Haha, wag niyo na itanong! eh sa dakila kaming chismosa ni Keith eh, hahaha.

"Talk to her boss, para maintindihan niya lahat, alam mo namang iyakin yun eh. Tsaka please wag mo na siyang paasahin kung wala naman talaga siyang lugar diyan sa puso mo, kung si Mildred padin, better end up your relationship with Eunice..." sagot naman ni Francis.

Napatingin nalang silang dalawa sa gate, pati kami ni Keith ng bumukas yung gate at iniluwa si Gabriel at si Mildred.

Oo si Mildred nga, yung perslab ni Kimpot.

"Hi Kim..." sabay yakap niya kay Kim pagkalapit na pagkalapit niya dito. "...and hi din fra.."

Nginitian lang siya ni Francis na tumayo agad saka pumasok sa loob ng bahay. Kaya kami ni Keith kunwaring busy manood ng tv. Sumunod din sila Kim, Mildred at Gabriel kay Francis papasok sa loob saka nagsipwestuhan sa sala.

"Tuloy ba tayo mamaya?" tanong bigla ni Jude na pababa galing sa kwarto kasama si Jd at Jason.

"Oo, stroll lang tayo, timezone tapos foodtrip." sagot naman ni Francis.

"Sama ka Mildred?" magiliw na aya ni Gab, kaya tuloy pasimple siyang tinitigan ng masama nila Jude, Jd, at Jason.

"Ay jo--" pero hindi na natapos ni Gab ang sasabihin niya dahil sumagot na agad si Mildred.

"Sure, kayo lang ba?" sabay tingin saamin nila Jude, Jd, Jason, Francis, Kim, Keith at Gabriel ni Mildred.

"Pati din sila Ace kasama, baka kitain nalang namin sila sa mall" sagot agad ni Francis.

"Ow, okay" sabay ngiti pa ni Mildred.

*****

At 3pm nakaready na kaming mga nasa bahay, at dahil iniwan nila Patrick yung van, yun nalang ang ginamit namin papuntang mall tutal may lisensya naman na si Jude at marunong magdrive.

Pagdating namin sa mall, nadatnan namin sila Patrick, Harrold, Ace, Mark, Stephen at Christian na naghihintay na sa tapat ng activity center.

"O nasaan na ang mga shota niyo?" tanong agad ni Jason kayla Patrick.

"Sabi niyo gala ng tropa to eh!" sagot naman bigla ni Mark na natigilan ng makita si Mildred na nginitian lang siya.

Naglakad lakad lang kami paikot sa loob ng mall, kanya kanyang pasok sa mga establishment kung may magugustuhang bilhin, kaya medyo nagkahiwa hiwalay din kami.

"Tingin tayong John Sports na bag, Bots" aya sakin ni Jd pero hindi pa man ako nakakasagot ay bigla niya nalang akong hinatak papunta sa establishment na puro backpack kaya iniwan na muna namin sila Jason, Keith, Kimpot at Mildred na nagtitingin ng hoddies sa kabilang establishment.

"Eto oh, maganda" nagkatinginan agad kami ni Jd ng marinig ang pamilyar na pambabaeng boses na yun habang nagtitingin tingin kami ng backpack.

"Tsk. pangbabae naman yan 'nice eh" sagot nung lalaking boses kaya napatingin kaming dalawa sa direksyon nung dalawang nag-uusap.

Napangiti nalang ako ng makita si Eunice na nakangiti habang kausap ang bestfriend niyang si Aldrin. Ang tagal ko na ding hindi nakikita ang babaitang to ah.

I Swear This Time I Mean ItWhere stories live. Discover now