CHAPTER NINE:

1K 22 1
                                    

Pagkatapos kong sabihin kay Eunice na manghingi siya ng sign, hala ang gaga ang lalim na ng iniisip at mukhang pinag-iisipan niyang mabuti kung ano ang hihingiin niyang sign. Ang totoo hindi ko talaga alam kung tama yung inadvice ko sa kanya. Hindi naman kasi ako naniniwala sa mga signs.

"Ate Elle bakit ang tahimik ni ate Eunice? Nag-away nanaman ba sila ni kuya Kimpot?" tanong bigla ni Rj habang dinidribble ang bola ng basketball.

"Hindi, baka may malalim lang na iniisip..."

"Gaano kalalim?" pamimilosopo ni Rj saka tumawa kaya natawa din ako.

"Pilosopo!"

"Haha, mana lang ako sayo, bleh!" sabay takbo niya palabas ng bahay.

Umupo agad ako sa tabi ni Eunice na nasa sala.

"Nakaisip ka na bg sign?" tanong ko agad. Tumango naman siya.

"Meron na" ^___^ bakit ang ganda ngumiti ng babaeng to? hahaha, natotomboy na yata ako ah.

"Ano?"

Lumapit siya kaunti sakin tapos lumingon lingon kung may ibang tao sa loob ng bahay.

"Nasa labas silang lahat 'nice" pagsisigurado ko sa kanya.

"Pag may nahulog na object mula sa taas si Kim ang pipiliin ko" bulong niya sa tainga ko. Kumunot naman bigla ang noo ko.

Takte napakaimposibleng mangyari nun ah.

"As in mula sa langit? Parang airplane na nagcrash? Grabe naman, nandamay ka pa ng inosenteng buhay" natatawa kong sabi kaya nagpout siya bigla.

"Elle naman eh, hindi ganun, basta may mahulog na kahit anong object, for example mangga na nahulog sa puno tapos nahulog sa harap ko, ganun"

"Alam ko naman yun, parang niloloko lang kita eh" nakangiti kong sabi.

"So yun na yung sign mo?" tanong ko pa saka siya tumango.

"Okay, hintayin natin yang sign mo, ngayong araw lang ba yan required?"

Tumango ulit siya.

Naconfuse tuloy ako kung anong magiging resulta ng paghingi niya ng sign na yun. Hahaha, sino kaya kay Aldrin at Kimpot ang pipiliin ng babaitang to?

*****

At 3pm gumawa si Eunice ng miryenda,wala kasi si Keith na umuwi muna.

Nasa labas ang lahat ng Boss naglalaro ng basketball sa garahe kasama si Rj kaya kaming dalawa lang ni Eunice ang nasa loob ng bahay.

"Gusto mo turuan kitang magbake ng cake Elle?" tanong niya bigla kaya halos mabilaukan ako sa iniinom kong juice.

"Hahaha, wag nalang"

"Bakit naman?"

"I'm not into cooking eh, di nga ako marunong magbukas ng gas at stove"

"Grabe, eh pano pagnag-asawa ka?"

"Asawa agad? Hala oy, 18 palang ako!"

"Ang ibig kong sabihin, one day, pagnag-asawa ka, pano yun kapag di ka marunong magluto?"

"Hehe, edi mag-aasawa ako ng magaling magluto para di kami magutom pareho" natatawang sagot ko agad.

"Baliw ka talaga!" inayos niya na ang mga baso sa isang tray kasama ang pitcher ng juice.

"Ako na diyan 'nice" sabay kuha ko sa tray.

"Thank you" inayos niya naman ang mga sandwiches na ginawa niya sa isa pang tray.

Nilabas ko agad ang tray ng juice para ihatid sa mga mokong na naglalaro pa din sa labas.

"Ayun oh miryenda time!" bungad agad sakin ni Jude pagkalabas na pagkalabas ko.

"Tulungan na kita bots?" sabay kuha ni Jd sa tray saka inilapag sa table na nasa terrace.

"Walang pambara? Nauna ang panulak? Ano ba naman yan oh" biglang angal ni Francis, sarap kotongan ng taeng to, di makapaghintay.

"Pambara ba kamo? ayan oh ang daming bato!" sarkastikong sagot ko, kaya nagtawanan silang lahat.

"Talaga tong si Berdugz masyadong brutal parang binibiro lang eh" sabay akbay niya sakin.

"Excited kasi eh" saad ni Mark.

"Oy kulet maghugas ka ng kamay sa loob bago magmiryenda" sabay tapik ni Jd sa pwet ni Rj.

"Bakit kayo hindi?" tanong ni Rj

"Eh kasi matatanda na kami" pagdadahilan ni Francis

"So pagmatanda na okay lang kahit hindi maghugas ng kamay bago kumain kahit madumi yung hands?" tanong pa ni Rj. Nagkatinginan nalang sila Francis.

Mahaba habang paliwanagan to pagpinatulan pa nila si Rj panigurado.

"Anak mo ba yan Elle? Bakit madahilan din?" pang-aasar sakin ni Ace.

"Wag kasi kayong nagdadahilan ng mali sa kanya, alam ng mataba ang utak ng batang to eh. Tara 'j maghugas ka ng kamay" saka kami ni Rj pumasok sa loob ng bahay.

Panay ang dribble ni Rj sa bolang hawak niya hanggang sa mapalakas ang dribble niya at nagbounce ang bola sa kisame tapos tumama sa wallclock na nasa taas ng pintuan ng kitchen na sakatong saktong bumagsak sa harapan ni Eunice na palabas ng kusina.

"Rj!" gulat na sabi ko, eh pano basag yung wallclock eh, tapos muntikan pang tamaan si Eunice.

"Sorry!" sabi nalang ni Rj na nakatakip ang mga kamay sa mata, yung tipong ayaw niyang makita yung aksidenteng mangyayari.

Si Eunice naman parang timang na abot tainga ang ngiti, habang hawak ang tray ng sandwiches.

"Tinamaan ka ba 'nice?" tanong ko agad.

Umiling agad si Eunice na nakangiti pa din.

"Hala si ate Eunice muntikan na ngang mabagsakan ng wallclock nakangiti pa din, parang baliw" sabi nalang ni Rj saka niligpit ang wallclock.

"Ako na diyan 'j baka masugat ka pa, maghugas ka nalang ng kamay dun" sabay kuha ko ng basag na wallclock kay Rj.

Naghugas agad si Rj ng kamay saka kinuha kay Eunice ang tray ng sandwiches at siya na ang nagdala nun sa terrace. Tinapon ko naman agad ang wallclock sa trashcan saka winalisan ang mga bubog.

"OhMyGosh Elle!" biglang yugyog sakin ni Eunice. Ano bang problema ng babaeng to.

"Anong nangyayari sayo 'nice?"

"Yun na yung sign!" malakas na boses niyan sabi habang nakangiti ng abot tainga.

"Huh?" nung una di ko nagets yung sinabi niya hanggang sa nagprocess na siya sa utak ko.

"Oh my gosh!" yun nalang ang nasabi ko saka natawa, siya naman tango lang ng tango.

"So si Kim na ang pipiliin mo?"

Tumango siya ulit at di maalis ang ngiti sa labi niya.

"Sasagutin mo na siya?" tanong ko pa.

"Umm, siguro pagnagtanong siya"

"Congrats!" sabi ko pa saka kami lumabas ng bahay at nakimiryenda kasama ng mga Boss.

Hindi ko maiwasang matawa sa hiningi niyang sign, takte buwis buhay lang...

Siyempre kinwento namin yun kay Keith pagbalik nito sa bahay, kaya ayun super kilig niya daig pa si Eunice.

"Oh my gosh, sagutin mo na siya 'nice" sabi pa ni Keith.

"Masmagaling pa kay Eunice kat?" natatawang sabi ko naman.

"Eh kasi naman kinikilig ako sa sign na yan eh, which means siya talaga ang para sayo..." kinikilig na sabi pa n Keith kaya natawa kami ni Eunice.

Kahit kailan talaga tong si Keith ang hilig samga lovestory ng iba.

-------------------------------------

A/N: Vote? Comment? Thank you.

I Swear This Time I Mean ItWhere stories live. Discover now