CHAPTER ELEVEN:

986 20 0
                                    

""Alright, so ano pataasan ng score sa basketball?" tanong agad ni Jude pagkarating na pagkarating namin sa Time Zone.

"Sige tapos kung sinong talo, siya taya sa Mcdo ah" sagot naman ni Francis. Ang hilig talaga ng mga kumag na to sa pustahan.

"Tsk. Mcdo nanaman? Nakakasawa..." angal bigla ni Jd.

"O saan pala?" -Francis.

"Shabu-shabu" singit ni Mark.

"Pss, mausok dun, mangangamoy inihaw tayo" sagot ulit ni Jd.

"How about pizza hut?" suggest ni Keith.

"Pizza Hut nanaman?" sabay sabay na sabi ni Mark, Gab, Ace, Patrick, Christian, Stephen at Harrold.

"Osige na, lahat na ng fastfood restaurant masasabi niyo na pero hindi padin kayo makakapagdecide." naiinis kong sabi, anak ng pating naman kasi oh, ang tagal nilang magdecide, larong laro na ko sa arcade eh.

"Ikaw ba bots, saan mo gustong kumain?" tanong agad sakin ni Jd.

"Sa plato" natatawa kong sagot kaya bigla siyang nagpout.

"Tsk. pilosopo! saan nga bots?"

"Pag ako nagsuggest tapos may umangal talaga mamamatay!!" sabi ko agad saka tinignan sila Francis, Jude, Jason, Christian, Harrold, Kim, Mark, Gabriel, Ace, Patrick at Stephen isa isa na natatawa pa.

"Saan Babe?" tanong ni Keith.

"KFC--"

"Ay!...' biglang sabi ni Francis kaya tiniigan ko siya ng masama "...Ay...Oo nga, minsan palang tayo chumibog dun." sabay tawa niya. Siraulong to lakas mang-asar.

"So pano? Let the games begin!!" sabay kiskis pa ni Jude sa palad niya.

"Alright!" sabay sabay naming lahat na sabi saka pumunta sa cashier ng Time Zone para loadan ang mga cards na dala nila panglaro.

Pagkaload pumunta na kami sa basketball area ng arcade.

"Paano kami? Anong gagawin namin ni Babe at ni Eunice? Manunuod lang sa inyo?" angal bigla ni Keith sa mga Boss.

"Eto bunch oh, card" sabay abot naman ni Jason kay Keith ng isang card.

"Thank you honeybunch" sabay lakad ni Keith paalis sa basketball area kaya sinundan namin siya ni Eunice.

Nakapagliwaliw din kami sa Time Zone habang yung mga lalaki nagbabasketball. Tsk. gusto ko din sanang maglaro nun eh, kaso sinakop nila lahat ng rings, dupang talaga yung mga yun.

Habang pinipilit ni Keith makakuha ng stuff toy kami naman ni Eunice pinapanood lang siya.

"Eunice?" napalingon bigla kami ni Eunice ng marinig naming may tumawag sa pangalan niya.

"Raymond" sabay lapit ni Eunice dun sa lalaki, with smiling face pa.

Napatingin din dun sa lalaki si Keith na dismayadong dismayadong hindi nakuha ang stuff toy na pinagiinitan niya.

"Sino yan Babe?"

"Ewan"

"Ang gwapo..." napangiti ako bigla, tignan mo tong bababeng to akala mo wala sa lugar na to yung honeybuch niya. Pero gwapo naman talaga yung lalaki. Hinayaan lang namin sila mag-usap sa labas ng Time Zone saka namin pinagpatuloy ni Keith ang pag-eenjoy.

"Berdugz, nasaan si Eunice?" napatingin ako agad kay Kim na nasa likuran pala namin ni Keith.

"May kausap sa labas"

"Sino?" kunot noo niyang tanong

"Ewan" kibit balikat ko naman kaya naglakad agad siya palabas ng Time Zone.

I Swear This Time I Mean ItWhere stories live. Discover now