CHAPTER THIRTEEN:

832 22 3
                                    

"Anong meron bakit ang daming foods?" tanong ko agad pagkapunta na pagkapunta ko sa kusina. Ang dami kasing pagkain sa lamesa, yung mga pagkaing panghandaan. May carbonara, pansit, cake, fried chicken, vegetable salad, at ang aking favorite lumpiang shanghai, at kung ano ano pa, Hahaha.

"Grabe berdugz ang sama mo" napatingin ako bigla kay Kim.

"Bakit?"

"Birthday ni Kim Babe" sagot naman ni Keith kaya napaisip ako bigla, ano bang date ngayon? April 7 nga pala ngayon, tsk. hahaha.

"Tawa ka pa eh, grabe parang hindi mo ako tropa ah"

"Ang drama mo Kimpot, hahaha, eh bakit ang aga ng handaan?" tanong ko pa sabay kuha ng isang lumpiang shanghai.

"Anong maaga, pass 1pm na oi!!" sabay sabay na sagot nila Jude, Christian, Kim, Francis, Ace, Stephen, Mark, Gabriel, Jason, Patrick at Harrold na natatawa pa.

"Ay so kailangan sabay sabay?"

"Grabe berdugz, ang aga mo na ngang natulog kagabi late ka pa ding nagising ngayon? Hanep!" -Christian.

"Eh ang lamig sa kwarto eh, nakatodo yata yung aircon, ang hirap bumangon"

"Ayun, sinisi pa yung aircon" -Stephen

"Ang sabihin mo sugapa ka lang talaga sa tulog" -Patrick.

Batukan ko kaya tong mga tukmol na to. Ako nanaman ang nakita eh.

"Nasan si Jd?" tanong ko bigla, wala kasi yung loko.

"Ayun naman eh, si Jd agad ang hinanap" pang-aasar ni Jude.

"Eh wala siya dito eh, hahanapin ko ba siya kung nandito siya? Sige nga sagutin mo ko"

"Sabi ko sayo pag-isipan mo muna yung sasabihin mo kay berdugz para di ka nababara eh" bulong bigla ni Francis kay Jude saka kami nagtawanan.

"Nasa labas si Jd, kasama si Josh, inaayos yung sound system" -Jason.

"Soundsystem? Party party talaga?" -Ako

"Hindi actually magluluksa tayo kaya may sound system" pambabara ni Jude. Gago to gumaganti ah.

"Ah talaga? Ganun na pala uso ngayon sound system pagnagluluksa?" syemre papatibag ba ako? Sagot lang ng sagot.

"Argh! Nakakainis! Ang taba ng utak mo Berdugz! Bakit ba di kita magawang barahin!" sabay sabunot ni Jude sa sarili.

"Kasi hindi ako lababo para mabara"

"Tang ina Boss dama ka namin wag kang mag-alala" sabay tapik ni Francis sa balikat ni Jude na nag-iinarte na parang umiiyak. Parang mga siraulo tong mga to. Nagtawanan nalang kaming lahat.

"Eh si Eunice nasaan?" tanong ko pa.

"On the way na daw" -Franicis.

"Kanina pa nga yun on the way eh" sabat ni Kim na halatang naiinis.

"Eto si birthday boy masyadong excited eh, halos araw araw na nga kayong magkasama namimiss mo pa din?" pang-aasar pa ni Mark.

"Nangangaelam?" sagot naman ni Kim.

"O sapakan na yan oh" natatawa ko naman sabi kaya nagtawanan sila. Yung totoo?? Mga siraulo lang at lahat ng sasabihin ko nakakatawa?

Maya-maya lang din dumating na si Eunice na may dalang cake. Kaya ayun abot tainga ang ngiti ni Kimpot ng makita ang girlfiend, akala mo ang tagal na di nagkita eh. Tsk. bat di nalang kaya sila magpakasal?

Mga bandang 2:30 nagdatingan na din ang mga shota nila Francis, Christian, Ace, Stephen, Mark, Jude Patrick, Harrold, at Gabriel. Nagvivideo oke sila sa garahe.

I Swear This Time I Mean ItOn viuen les histories. Descobreix ara