CHAPTER TWELVE:

802 16 0
                                    

"Pagnanalo ako ikikiss mo ko" sabi bigla ni Kim habang naglalaro sila ni Eunice ng thumb war.

"Okay, sa pisngi lang" sagot naman ni Eunice.

"Hindi ah, dapat sa lips" talaga naman tong si Kim oh hindi padin nagsasawang humingi ng kahit isang kiss kay Eunice. Lagi nalang siyang ganyan kapag may lalaruin silang dalawa, eh kaso wala eh laging panalo si Eunice kaya butata si Kim, hahahaha.

"Game!" sabay nilang sabi habang nasa sala sila at nasa hagdanan ako.

Maya-maya....

"Ay tsk. ang daya naman oh" biglang sabi ni Kim.

Sa tono ng pagkakasabiniya nun alam na kung sino ang nanalo.

Walang iba kung hindi si Eunice. Hahahaha, butata nanaman ang lolo mo.

"O pano ba yan wala kang kiss" natatawang sabi bigla ni Eunice.

"Eh kasi isang kiss lang naman eh" naiinis na sabi ni Kim.

"Mukha ka kamong kiss! Ginirlfriend mo lang yata ako para makakiss ka eh!"

"Oy hindi ah" sabay yakap ni Kimpot kay Eunice. "Love kaya kita kaya kita niligawan."

"Weh?"

"Oo nga, gusto mo kiss pa kita eh..."

"Kimpot naman eh!'

"Hahaha, joke lang, tinitignan ko lang naman kung makaka-isa eh" sabay tawa ni Kim habang nakayakap kay Eunice.

Ang sweet talaga ng couple na to kahit kelan. Kulang nalang ikasal para happy ending na eh.

*****

"Hoy Babe, sibuyas ah hindi bawang!" naku naman tong si Keith oh ilang beses niya ng sinasabi sakin yan.

"Oo alam ko"

"Eh kasi mamaya bawang naman ang bilhin mo at makalimutang sibuyas ang pinapabili ko." natawa ako bigla, saka ko naalala yung minsang pinabili niya ako ng sibuyas sa tindahan bawang ang nabili ko dahil nakalimutan ko. Hahaha.

"Ilan ba?"

"Isa lang"

"Okay" saka ako naglakad papunta sa pinto.

"Ate sama ako" sabay hawak ni Rj sa kamay ko.

"Tara"

Sakong pagbukas ko ng pintuan narinig ko agad di Kim na kausap si Eunice habang nasa terrace silang dalawa.

" 'nice tignan mo yun oh" sabay turo ni Kim sa gate.

"Ano yun?" tingin din naman ni Eunice sa tinuro ni Kim.

"Ang cute nung baby"

"Wala naman e--"

*TSUP*

O__O

Nanlaki bigla ang mata ni Eunice sa ginawa ni Kim.

Eh sino ba naman kasing hindi magugulat? Eh hinalikan lang naman kasi siya ni Kim pagkaharap niya dito.

Pati kaya kami ni Rj nagulat.

"Kimpot!" tili bigla ni Eunice na nagblush bigla ang pisngi habang si Kim plnakangiti lang ng abot tainga.

"I love you" sabi pa ni Kim.

"Nakakainis ka!" sabay hampas ni Eunice kay Kim.

"Nakakainis daw pero nakangiti siya, sabi sayo kissable lips ako eh." pang-aasar naman ni Kim.

"Ewan ko sayo, magnanakaw ng halik!" nakapout na sabi pa ni Eunice pero natatawa naman.

Talaga tong dalawang to sarap pagbuhulin eh.

"Diba dapat hindi yun pinapakita sa batang katulad ko?" buling bigla ni Rj kaya napatingin ako sa kanya.

"Isipin mo nalang hindi mo nakita." sagot ko naman.

"How? Matalas kaya ang memory ko at hindo nakakalimot"

"Ang yabang mo kulet!" sabay gulo ko sa buhok ni Rj saka siya hinila palabas para makabili na kaming sibuyas....

Teka bawang pinapabili ni Keith diba? Sibuyas ba o bawang? Ano bang itsura ng bawang?

Haaaay ewan.

-------------------------------------

A/N: Super Short U.D. hahahaha, malapit na kasi yung climax, hahaha, ANONG KONEK?!

Please check out my new story titled "The School President's Bet" and also my other stories titled "UNTITLED" and "Si Textmate".

THANK YOU...

lovelots,

Elle

I Swear This Time I Mean ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon