CHAPTER TEN:

1K 29 1
                                    

After a week ng mangyari ang sign na hiningi ni Eunice sinagot niya na din si Kim, kaya etong si lalaki halos hindi maialis ang ngiti sa pagmumukha. Daig pa ang nakatsongke.

"Kami na" sabi bigla ni Kim sakin habang nasa terrace kami. Takte tong lalaking to halos pang 20 times niya na yatang inuulit ulit sabihin saakin yan.

"Elle kami na ni Eunice" nakangisi niyang sabi, inaasar ba ako ng siraulong to? Sarap busalan ng bunganga para manahimik.

"Elle kam---"

"Punyeta naman Kimpot oh, Oo alam ko kayo na. Kailangan paulit ulit parang sirang plaka?!" naiinis kong sigaw kaya tumawa siya.

"Haha, eh kasi masaya lang naman ako na kami na eh. Thanks to you dahil kung hindi ko sinunod yung mga advice mo sakin siguro tuluyan na siyang nawala sakin."

"Ang drama mo Boss, ano to MMK? Ako si Charo?!"

"Seryoso salamat talaga sayo, sa mga advice mo. Kami na Elle! Kami na!" punyemas na tao to paulit ulit.

"Kami na Elle!"

Hindi ko na kaya! Tumayo na agad ako saka pumasok sa loob ng bahay kung nasaan sila Eunice at Keith kasama ng mga Boss, sinundan naman ako ni Kim.

"Eunice! Ilayo mo nga sakin tong boyfriend mo baka mapatay ko tong sirang plakang to!" sigaw ko bigla kaya nagtawanan silang lahat.

"Oy Boss wag mo ngang binubwisit yang si Berdugz, iyak ka pagsinapak ka niyan"

"Eh kung ikaw kaya ang sapakin ko Harrold?" sabay upo ko sa tabi ni Jd.

"Eh masaya lang naman akong ipaalam na kami n---"

BOGSH!!!

Hindi niya na naituloy yung sasabihin niya dahil naibato ko na sa pagmumukha niya yung unan na hawak ko. Nagtawanan lang sila Jude.

"Ang brutal mo Berdugz!" angal bigla ni Kim pero patawa tawa lang.

"Isa pang banggit mo ng dalawang salitang yun Kim hindi lang unan tatama sayo!"

"Ang alin? Yung 'Kami na'?" natatawang tanong niya pa. Walangya nang-aasar yata talaga to eh. Hinawakan ko agad yung design sa coffee table na parang bato saka tinignan siya ng masama.

"Wahaha, joke lang berdugz" sabay upo niya sa tabi ni Eunice.

Simula ng maging sila, hala sila halos hindi na mapaghiwalay. Tapos sa tuwing makikita ko sila, grabe lang ang sweetness? daig pa ang strawberry jam sa kasweetan, parang wala ng bukas?

Pero syempre masaya ako para sa kanila. Atleast ngayon hindi ko na maririnig si Kimpot na nag-eemote o nagdadrama dahil ayaw siyang kausapin ni Eunice.

"First boyfriend?" narinig kong tanong ni Kim kay Eunice habang nasa sala sila at kami ni Rj nasa kusina at pinapapak ang nutella na dapat palaman sa tinapay.

"Kunyari ka pang hindi mo alam na hindi pa ako nagkakaboyfriend eh samantalang lagi niyo ngang inaaway ni Fra yung mga classmate nating boys nung elementary pagnakikipaglaro sakin" sagot bigla ni Eunice.

Biglang tumawa si Kim.

"Eh utos kaya yun ni Fra, tsaka ang iyakin mo kaya nung elementary, konting asar lang sayo ng mga classmate natin na ang liit ng mukha mo umiiyak ka na agad"

"Hindi kaya maliit ang mukha ko" protesta ni Eunice.

"Maliit! Tignan mo sakop agad ng palad ko" sabay tapat ni Kim ng palad niya sa mukha ni Eunice. Gago talaga to si Kim, malakas din mang-asar eh.

"Ang sama mo!" sabay hampas ni Eunice sa kamay ni Kim saka nagpout.

"Pero kahit maliit maganda naman..." sabay kurot ni Kim sa magkabilang pisngi ni Eunice. Diba? Ganyan sila kalambing sa isa't isa.

"Aray!!" tinanggal agad ni Eunice ang kamay ni Kim.

"So cheesy..." bulong bigla ni Rj sakin kaya natawa ako.

"So ako pala ang first crush mo ganun?" tanong bigla ni Kim.

"Hindi no! Asa ka!" sagot naman ni Eunice.

"Eh sino pala?" naiinis na tanong ni Kim.

"Si Japet, yung classmate natin nung grade four"

"Ang pangit naman!" biglang sabi ni Kim.

"Ay wow! Gwapo ka?!" tanong bigla ni Eunice na may halong pangaasar.

"Hindi ba?!"

"Hindi kaya!"

"Eh bakit mo ko naging crush kung di ako gwapo?!"

"Hindi ba pwedeng ugali muna yung nagustuhan ko?"

"So mabait ako?"

"Pagnagustuhan yung ugali mabait agad? tsk. ang sama mo kaya, ilang beses mo akong ni-reject kahit na sinabi ko namang binibigyan kita ng mga cupcakes and cakes hindi dahil gusto kong maging tayo kundi dahil gusto ko lang ibigay yung mga yun sayo."

"Tsk. sorry na nga eh" sabay yakap ni Kim kay Eunice.

Walangya baka langgamin sila sa sobrang kasweetan niyan.

""So ibigsabihin wala ka pang first kiss?" tanong ulit ni Kim.

"Pano ako magkakafirst kiss kung hindi pa ako nagkakaboyfriend sige nga?"

"Ako din eh, wala pang first kiss..." biglang sabi ni Kim. Takte alam ko yang mga ganyang tirada eh, para paraan yan para makaisa! Gawain kaya yan ng bestfriend ko sa mga nagiging jowaerts niya dati.

"Maniwala sayo, nakailang girlfriends ka na kaya sabi ni Fra..."

"Promise, wala pa talaga, Tsaka hindi talaga girlfriend yung mga yun, fling lang parang ganun" sabi pa ni Kim.

Wow, grabe, ANG GWAPO NI KIM, makafling lang parang HEARTROB!

"Gusto mo ikiss kita para may first kiss ka na pati ako?" sabi na eh, para paraan talaga tong kolokoy na to eh.

"Eh ayoko nahihiya ako" sabi bigla ni Eunice.

"Hindi ka naman badbreathe ah"

"Eh basta ayoko pa!"

"Sige na oh, kahit peck lang?"

Natatawa ako lalo kay Kim sa pag-iinsist niya eh. Takte tong kumag na to!

"Ang manyak mo!"

"Paggusto ng kiss manyak agad? Hindi ba pwedeng gusto ko lang na ma-experience mo ang kissable lips ko?" putakte hindi na namin ni Rj napigilan ang pagtawa namin napahalakhak na kami sa kalokohan ni Kim kaya napatingin silang dalawa samin.

"Elle? Rj? Kanina pa kayo dyan?" sabay nilang tanong.

"Oo kanina pa po, at kanina pa din kami nagpipigil tumawa sa kabaduyan mo kuya Kimpot" sabay tawa ng malakas ni Rj.

"Kissable lips ha? Saan banda Kim?" pang-aasar ko pa.

"Tsk. Kissable lips kaya ako"

"Tae mo!...tara na nga 'j" sabay hila ko kay Rj palabas ng bahay.

Natawa nalang si Eunice habang si Kim nakasimangot lang.

Kissable lips daw? Yung totoo? Saan banda? Takte ang gwapo ni Kim! HEARTROB men!

-------------------------------------

A/N: Hala o hindi ko expect na magiging 138 ang reads niya as of this moment, August O3, 2013. Natuwa naman daw ako.

Vote? How abput comment? I want to hear your thoughts

MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG SILENT READERS <3

lovelots

-Elle

I Swear This Time I Mean ItOù les histoires vivent. Découvrez maintenant