CHAPTER EIGHTEEN:

1.1K 19 0
                                    

"TSK. So hindi pala ako kasama sa lakad mamaya dahil moment yun ng mga magshoshota?" tanong ko kay Francis at Keith habang nasa kusina kaming tatlo. Nagluluto silang dalawa ni Keith ng tanghalian habang ako taga tikim lang, HAHAHAHAHA at the same time pinag-uusapan na din ang idea ni Francis na maggugroup date ang lahat ng may shota mamayang gabi kasama si Kim, Mildred, Aldrin at Eunice para makapagharap harap yung apat. Kahit na si Kim at si Eunice lang naman ang may problema at dapat mag-usap. Ewan ko nga kung bakit kailangan pa ng date-kuno mamaya eh. Mukhang gusto lang makipagsweet sweetan ng mga loko sa mga shota nila.

"At bakit hindi? May gala ka nanaman ba na hindi kami ang kasama ha?" masungit na tanong ni Keith. Talaga tong babaeng to ang sungit. Nagtatanong lang naman ako.

"Eto naman ang sungit. Tinatanong ko lang naman kung kasama ako." sabay nguso ko. Tumawa naman si Keith.

"Syempre kasama ka Babes." natatawang sagot agad ni Keith.

"Edi O.P. ako nun dahil puro magjowa yung mgakasama ko tapos ako nganga!" biro ko. Okay lang naman kahiy wala akong partner mamaya eh basta hindi ako magugutom okay lang kahit na sarili ko lang ang kausap ko mamaya.

"Don't worry sasabihin ko kay Jd na wag siyang maginvite ng ibang babaeng idedate niya mamaya para kayo nalang ang partner." pang-aasar ni Keith.

"Sus kahit naman hindi mo sabihan yung si Jd na wag magdala ng chicks mamaya hindi naman talaga magsasama ng ibang babae yun. Dahil si Berdugs ang sasamahan niya mamaya." dagdag naman ni Francis natawa naman si Keith. Ano kayang nakakatawa dun?

"Ayan sige. Ako nanaman. Diba yung problema ni Eunice at Khim ang pinag-uusapan natin dito?" nakasimangot na tanong ko nalang. Tumawa lang silang dalawa.

"Sigurado bang sasama si Eunice tsaka si Aldrin mamaya?" maya-maya ay tanong ko.

"Oo naman. Sasama yung dalawang yun. Hindi naman nila alam na kasama si Khim eh. Ang alam nila nasa Manila si Khim kasama sila Mark at next week pa ang balik kasama nila Josh." paliwanag ni Francis. Napatango naman ako agad.

"Eh si Khim. Alam niya bang kasama sa group date sila Eunice?" tanong ko pa. Umiling naman si Keith at Francis. Mukhang nagegets ko na ang gusto nilang mangyari mamaya.

"O anong meron? Bakit parang seryoso kayong nag-uusap usap na tatlo ha?" nakakagulat naman tong si Jude parang kabuteng bigla nalang sumusulpot.

"Wala naman. Hindi pa din ba tapos magbasketball sila Christian? Luto na tong ulam. Kakain na ng tanghalian." dirediretsong sabi ni Keith habang hinahalo yung ulam na niluluto niya. Nagkatinginan namab kami nila Francis at Jude saka sabay sabay na natawa.

"O bakit kayo tumatawa?" nagtatakang tanong ni Keith.

"Sige nanay. Tatawagin ko na po sila Christian para sabay sabay na tayong makakainn ng tanghalian." magalang na sabi nalang ni Jude na napatakbo palabas ng bigla siyang habulin ni Keith at ambang hahampasin ng sandok na hawak. Lalo naman kaming natawa ni Francis.

"Tangina mo Jude!" natatawang sigaw ni Keith. Narinig naman naming natawa lang si Jude.

Maya-maya pumasok na din sila Christian, Ace, Harrold, Khim, Jude, Jd, Jason, Gabriel, Patrick at Stephen kaya nagsimula nanamang maging maingay sa loob ng bahay kahit na kumakain na kami.

"Oy mamaya ah. Group date." announce ni Francis habang nakakalat kumakain kaming lahat.

"Pano yan di hindi kasama si Berdugs? Walang makakadate yan." sinamaan ko nlang ng tingin si Christian na tumatawa pa nga.

"Taena. Ayan pa, hindi sasama? Hindi papayag yan na hindi makasama no. May chibog kaya dun." pang-aasar naman ni Stephen kaya nagtawanan yung iba. Mga gago talaga tong mga lokong to. Ako nanaman ang nakita.

I Swear This Time I Mean ItWhere stories live. Discover now