CHAPTER SIX:

1.9K 38 2
                                    

February 22:

"Oh my gosh Babe, ang dami kong ikukwento sayo!" excited na sabi ni Keith pagkababa na pagkababa niya ng van with matching yakap pa sakin ng mahigpit.

"Bukas nalang kat, alas dose na oh"

"Ee! ngayon na Babe"

Nagbabaan na din mula sa van sila Francis, Harrold, Christian, Ace, Mark, Gabriel, Jason, Stephen, Patrick, Jude, Jd at si Kim.

"Hi Berdugz" sabay sabay na bati nila Jude with matching abot tengang ngiti at pat sa balikat ko, saka nagsipasok sa loob ng bahay.

Pagtingin ko kay Kim parang binagsakan ng langit at lupa ang mukha habang papasok ng bahay

"Bakit parang pang biyernes santo ang mukha nun?"

"Ahahaha, ikwento ko sayo sa loob" sabay hila sakin ni Keith papasok ng bahay.

Ikinwento niya nga sakin lahat ng nangyari kay Kim at Eunice sa Manila habang nasa kwarto kaming dalawa at sinusuklayan niya ang buhok ko.

"My gosh Babe as in parang binakuran na nung Aldrin si Eunice ayaw niya talagang lumalapit si Kim!"

"Nagsapakan ba?"

"Sapakan agad Babe? Grabe pagnagsapakan yung dalawang yun kawawa si Kim, hindi pa naman lumalaban yun"

Natawa nalang ako

"Kwento mo nga, yung buo ah!"

"Ganito kasi yun Babe, diba gumawa kami ng report sa condo ni Fra nung wednesday? di nakatambay kaming lahat dun ngayon biglang dumating tong si Eunice kasama yung Aldrin tapos nawindang si Eunice and Kim nung makita ang each other, grabe Babe, kinikilig ako" sabay tili ni Keith, talaga naman, sakit sa tainga!!

"Sige lang kiligin muna bago ituloy yung kwento!"

"Ee kese nemen eh! basta! tapos pagkabigay ni Fra ng guitar tuner ba tawag dun? basta yung pang tono ek-ek ng gitara, di nagbabayu na sila Eunice then lumabas na ng unit ni Fra, eto yung nakakaloka Babe etong si Kim biglang nagstanding ovation, tapos sinundan yung dalawa oh my gosh talaga Babe!!"

Natawa ulit ako sakanya, langya parang beki magkwento!

"Tapos eto na nga edi nawindang kaming lahat sa pagtayo at pagsunod ni Kim dun sa dalawa, eh chismoso't chismosa ang mga lolo't lola mo, di labas din kami ng unit. Nung nasa door na kami narinig na agad namin yung conversation nila, Babe. Etong si Kim gusto nga daw kausapin si Eunice, eh yung Aldrin yung sumagot sabi niya I quote 'ano pa bang kailangan mo pare? tinigilan ka na nga niya diba? ikaw na ang naging dahilan kung bakit siya nasasaktan at umiiyak tapos ngayon ano? you want to talk to her? para ano? para saktan siya ulit at ipamukha sa kanyang hindi mo talaga siya gusto? pwede ba pare tigilan mo na siya!' tapos sumagot si Kim sabi niya 'hindi naman ikaw ang gusto kong makausap, si Eunice ang gusto kong kausapin' tapos biglang sumagot si bestfriend 'Just stay away from B-Jane! she's better off without you!!' then yun walk outlalu yung dalawa, tapos ang nakakatawa pagtapos nun para kaming mga dagang nakakita ng pusa nila bunch, nung bumalik na si Kim, hahahaha"

"B-jane?"

"Hmm? anong B-jane? ahhh, sabi ni Fra, initials daw yun ng buong pangalan ni Eunice"

"Oww!"

"Start nun pagnagkikita yung tatlo and pag itatry ni Kimpot iapproach si Eunice nilalayo na agad siya ni Aldrin kay Kim, kaya ayun depress ang lolo mo!"

And that explains everything.

"Eh anong sabi ni Francis?"

"No comment si Fra"

I Swear This Time I Mean ItWhere stories live. Discover now