CHAPTER SEVEN:

1.5K 27 2
                                    

"Oh Florida, please be still tonight

Don't disturb this love of mine

Look how she's so serene

You've gotta help me out

And count the stars to form in lines

And find the words we'll sing in time

I want to keep her dreaming

It's my one wish, I won't forget this

I'm outdated, overrated

Morning seems so far way"

Pagbaba ko galing sa kwarto narinig ko agad ang strum ng gitara mula sa terrace. Wednesday palang ah? may guitar lessons na ulit si Francis, alam ko tuwing sunday lang yun eh.

"Sige Boss diretso lang, tama lang yung strumming mo" narinig ko pang sabi Francis paglabas ko ng pintuan. At ayun nga nandun sila tinuturuan niya si Kim maggitara habang sila Christian, Jason, Jd, Jude at Harrold nagbabasketball sa garage, sa harap ng terrace na ginawa nilang improvise na basketball court.

"Goodmorning Bots!" bati agad sakin ni Jd, with matching smiling face pa, tsk. goodvibes talaga ang taong to kahit kailan.

tsk. goodmorning daw, 3pm na kaya, pss halata bang kagigising ko lang?

"Ew Berdugz, is that a drool on your cheek?" biglang sabi ni Christian

"Drool? Anong drool?" sabay punas ko naman sa pisngi ko, tae wala naman eh saka sila nagtawanan

"Mga gago talaga kayo! tsk.!" sabi ko nalang

"Astig ka matulog Berdugz, wala talagang makagising sayo, tibay mo!" sabay iling ni Francis

"Pagod kasi ako!" sagot ko naman

"Tae mo Berdugz, pagod? Wala ka namang ginagawa!!" -Harrold

"Whatever! hmf anyway nasan yung iba?"

"Si Bunch may pinuntahan" -Jason

[A/N: if you must know the 'Bunch' or 'Honeybunch' he's pertaining to was Keith, his girlfriend, well obviously she, Keith, is a girl, para lang lalaki yung name niya but her full name was Keith Hazel, thats all]

"Si Ace naman may pinuntahang event, photographer siya for the mean time, racket na din!!" -Harrold

"Tapos yung apat (Patrick, Gabriel, Mark at Stephen) may kanya kanyang dates" -Jude

"Ow" nagulat nalang ako ng biglang ihagis sakin ni Christian ang hawak niyang bola na muntikan ko ng hindi masalo at muntikan ng sumakto sa pagmumukha ko

"One on One Berdugz!!" bigla niyang sabi

"Ayoko! nagugutom ako!" sabay bato ulit sakanya ng bola saka ako pumasok sa loob ng bahay para maghunting ng malalamon.

Obviously, hindi pa sila lumuluwas ng manila simula pa nung araw na naggarage sale kami, tinamad na siguro ang mga mokong na pumunta ng campus nila tapos na din naman daw sila magexam kaya wala na silang gaanong ginagawa sa campus.

Pagbalik ko sa labas wala na sila Jude, Christian, Harrold at Francis, at ang tanging naiwan nalang sa terrace ay si Kim na inaaral pa din ang kantang tinutugtog niya kasama si Jd at Jason. tsk. Bakit ang bilis niyang matuto ng gitara tapos ako hindi?

"Praktis ng praktis ah, may haharanahin ka?" sabay kagat ko sa sandwich na ginawa ko.

Natawa nalang ako ng biglang magblush ang pisngi ni Kim.

I Swear This Time I Mean ItWhere stories live. Discover now