Achilles

By mayflores430

16K 704 28

Dahil hindi pumayag si Keeper sa gusto ng kanyang Mama, napilitan siyang umalis sa kanila at magpunta sa isan... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Epilogue

Chapter Seventeen

607 27 1
By mayflores430

Chapter Seventeen

Daphne


"KEEPER!"

Napabalikwas ako ng bangon nang mapaginipan si Keeper. I instantly noticed na wala ako sa servants quarters kundi nasa kwarto niya. Bumaba ako ng kama at lumabas ng kwarto. Kapag may nakakita sa akin na sa kwarto ng master ko, mapapalayas talaga ako. Buti na lang at madaling araw kaya wala pang gising. Nakabalik ako ng servants quarters nang payapa.

"Nasaan siya?" naitanong ko sa sarili upon realizing na wala akong katabi sa kama kanina. Wala sa kwarto niya si Keeper.

Hanggang sa mag-umaga ay hindi ko siya nakita. Nakaramdam na ako ng kaba. Mas lalo akong kinabahan nang nagmamadaling umalis ng bahay ang mga amo ko. Parang balisa ang mga ito at ni hindi nag-almusal. Gusto kong magtanong pero wala akong mapagtanungan. Hindi talaga ako mapakali. Kahit gumagawa ako ng mga gawaing-bahay ay na kay Keeper ang isip ko. Gabi na nang dumating sina Madam at Donnar kasama si Roiri. Ang alam ko dapat nasa New York si Lady Roiri. Bakit ito naroroon? Hindi nila kasama sina Lan at Keeper. Tahimik na nagtungo sa ikalawang palapag ang dame. Tahimik lang ang magkapatid and then Roiri cried. Niyakap ito ni Donnar.

"Roiri, we must be strong for him."

"Ilang beses na natin siyang pinagsabihan na itigil na ang pagda-drag racing pero ang tigas talaga ng bungo niya. Gusto niya talaga tayong pahirapan," umiiyak na sabi ni Roiri.

"You know he didn't want that race. He accepted it to finish things on his own."

"He could have tell us! We could've help him."

"You know he doesn't plan that way." Roiri cried even more. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Kinakabahan ako sa mga tumatakbo sa isip ko. Sigurado akong may hindi magandang nangyari kay Keeper dahil wala ng ibang nagda-drag race sa kanila kundi siya lang.

Nang si Donnar na lang ang nasa sala ay lumapit na ako.

"Master Donnar?" Nilingon niya ako. "Master, nasaan po si Master Keeper?" tanong ko. He didn't answer. Para siyang may iniindang sakit. "May nangyari po ba?"

"Last night, he went drag racing again and –" lumunok ito. He looked away from me. Namumula ang gilid ng mga mata niya na para bang iiyak anumang sandali. "He was found unconscious and severely injured. He's in the hospital and in coma," sabi niya. Ilang saglit din akong tahimik. Parang ayaw tanggapin ng utak ko ang mga sinabi niya. Parang hindi totoo. I silently left and went to my room. Naupo ako sa kama ko. I am still processing everything.

I can hear his voice in my mind, feel his lips on my lips and the warmth of his embrace. After that, I sleeped with him, literally. All he just did was to hug me until we were both asleep. Sa loob ng ilang buwan, kagabi lang ako nakatulog ng mahimbing. I felt safe with him.

Ilang beses akong huminga ng malalim upang payapain ang sarili pero hindi umubra. Nagsisikip ang dibdib ko na para akong sinasakal at hindi makahinga.

"Daphne." Napabaling ako sa nagsalita. Si Master Donnar. Nilapitan niya ako. "Pack your things. We're leaving," utos niya. Hindi ako agad nakakilos dahil wala pa rin ako sa sarili kaya nag-utos siya ng mga katulong na iimpake ang mga gamit ko. Tahimik akong sumunod sa kanya. Lutang na lutang ang pakiramdam ko. Habang papalabas ng mansiyon ay nasalubong namin si Lady Roiri. May ibinigay ito na malaking paper bag kay Master Donnar. She looked at me and I saw sympathy in her eyes. Ilang sandali pa ay nakaalis na kami ng mansiyon. After almost twenty minutes, nakarating kami sa isang establishment na sa hinala ko ay condominium building. Donnar guided me to a flat.

"You'll be staying here for a while," sabi niya.

"Why?" mahina kong tanong. Tiningnan niya ako. His face looked sad and weary.

"My brother left a letter asking our mother something that she won't allow. I'm just trying to honor his request." Hindi ako nakaimik. "Daphne, I don't know kung ano ang feelings ni Keeper para sa'yo pero isa lang ang nasisiguro ko, mahalaga ka sa kanya. Sad to say, my mother detests you. She doesn't want you around lalo pa ngayon."

"Pwede ko po bang makita si Master Keeper?"

"My mother won't allow you to see him but I'll find a way. As for now, rest." Tumango ako. Nagpunta ako sa magsisilibi kong kwarto. Ibinigay sa akin ni Donnar ang paperbag na iniabot ni Roiri sa kanya kanina. Hinayaan na ako ni Donnar na mag-isa.

Isang regalo ang laman ng paper bag and it was addressed to me. I unwrapped it. I saw a box. Nang buksan ko ang kahon, ang unang tumambad sa akin ay isang bankbook. Napakalaki ng bank account na iyon na nakapangalan sa akin. My tears started to fall. Despite my Dad's mistakes, he's still my dad and I love him. Alam kong gusto niyang maging maayos ang buhay ko sa kabila ng mga nagawa niyang kasalanan. Hindi ko siya kayang kamuhian.

I smiled when I saw a familiar book. A yearbook during my pre-elementary years. Alam ng Daddy ko na pinakatatago ko iyon. Nang buklatin ko iyon ay agad kong nakita ang picture roon ni Raphael. My first love. My prince charming. My dream man. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil nakumpirma ko na paghanga na lamang ang damdamin ko para sa dating kaklase. He will always be a part of my life but I already moved on. Finally!

And lastly, I saw a letter. It was from Dad.

My dear Daphne,

Habang binabasa mo ito, malamang wala na ako. I'm sorry I didn't tell you the truth. Naduwag ako, anak. Ang gusto ko ay mabigyan ka ng maayos na buhay to the extent na kinailangan kong gumawa ng masama. Forgive me. I wasn't the father you deserve. You don't deserve to suffer for my crimes. I'm the worst father.

Anak, I owe Mr. Bradford your life. He saved you lots of times. Isang bagay na dapat ako sana ang gumagawa. Please be good to him. Mainitin ang ulo niya pero nakita ko ang kabutihan niya. If I had the previlige of choosing a man for you, it would be him. I would be delighted and at peace if you're with him.

Happy birthday, my lovely Daphne Marie. I love you so much. You're the most beautiful daughter in the world. I wish you all the happiness in life.

Love,

Daddy

I lay on the bed holding the letter. I cried silently. Tumitig ako sa kisame pero hindi roon naka-focus ang isip ko. I am trying to reach someone beyond those ceilings and beyond everyone's comprehension.

"Lord, hindi po ako mabuting tao. Ang dami ko pong sinaktan. Ang dami kong palpak sa buhay. Ang dami kong bitterness. I'm so sorry for being such a bad girl. I'm so sorry for causing trouble. I know I am not worthy of any amount of your mercy at alam ko pong madalas kong sabihin noon na mauna na sana si Keeper sa kabilang buhay. I meant it during those times but please Lord, 'wag niyo po iyong i-allow. Huwag niyo po siyang kunin. Kailangan siya ng pamilya niya. Bagay lang sa akin ang magdusa but not him. I already lost my dad and if I lose him too..." humagulhol ako ng iyak. Makikinig ba ang Diyos sa akin gayong ang sama-sama kong tao?

"Save him, please. Lord, I pray, I beg..."


SA SUMUNOD na araw ay maagang umalis si Master Donnar. I busied myself with chores pero may pagkakataon na nabablangko ako dahil naiisip ko si Keeper at nag-aalala ako sa kanya. Buong araw ko siyang iniisip. Gusto ko na talaga siyang makita.

Gabi na ng umuwi si Master Donnar at tuwang-tuwa ako nang sabihin niyang isasama niya ako sa ospital. Si Lady Roiri raw kasi ang nagbabantay kay Keeper. I went to the hospital with Master Donnar. Sa intensive care unit kami nagtungo.

"Good evening Lady Roiri," bati ko sa among babae. She just nodded. Siya ang kasama kong pumasok sa ICU. Agad akong natigilan at nanginig nang makita si Keeper sa hospital bed. Maraming nakakabit na mga tubes sa kanya. Naririnig at nakikita ko rin ang electrocardiograph showing his heartbeat. Mahina iyon but continuous. I walked towards him. Ilang beses kong ipinilig ang ulo ko para hindi ako maiyak. Ayokong umiyak sa harap niya.

"Master Keeper, may dala po akong... bedtime story. Hindi ba nami-miss mo na 'yong boses ko?" I tried to sound enthusiastic but my voice cracked. Kinuha ko ang dala kong libro. I looked at him. Naka-benda ang ulo niya. May mga pasa at galos siya sa mukha. Naka-bandaged ang kanyang upperbody. It's awfully painful to see him in that situation. I want to touch his face pero nanginginig ang mga kamay ko. I held his hand instead as I silently cried.

Idinantay ko ang kamay niya sa pisngi ko. "I'd rather see you date lots of women than see you in this bed almost lifeless. Dadamihan ko ang pangunguha ng mga bulate na dadalhin mo sa mga dates na iyon. I-demand mo lahat ng pagkaing gusto mong kainin at mga librong gusto mong basahin ko para sa'yo basta gumising ka lang at ngumisi ulit gaya ni Cheshire cat."

"You love him?"

Binalingan ko si Lady Roiri. "Sorry po. Hindi ko po sinasadya."

"Silly. That's not your fault but Daphne, you're young. You don't have to stay with him lalo na ngayong hindi natin alam kung kailan siya magigising. His injuries are severe that it's a miracle he is still breathing until now. Whatever happens to him, he will always be my brother. You however don't have to sacrifice your life and youth."

"I'm taking the risk."

"Daphne..."

"I want to stay with him hanggang sa magdesisyon na ang Diyos na kunin siya sa atin. Hindi niya ako iniwan sa pinakamadilim na chapter ng buhay ko. Hindi ko rin siya iiwan ngayon," sagot ko. Tumango siya and I saw understanding in those blue eyes.


Continue Reading

You'll Also Like

38.4K 1.4K 35
A/N: READ AT YOUR OWN RISK. Under REVISION pa kasi 'to. Salamat sa mga sumoporta hanggang dulo.
114K 2.8K 52
What will you do if you end up in someone else body?
94.4K 1.1K 12
Paano kung bigyan ka ng pagkakataon upang tumakas sa buhay mo ngayon? Pipiliin mo bang umalis at tahakin ang panibago ngunit hindi siguradong daan? O...
74.7K 1.2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...