Chapter Five

649 31 2
                                    

Chapter Five

Achilles


"MASTER, ano ba talaga ang balak niyo sa babaeng iyon?"

Napatigil ako sa pagnguya sa leche flan na kanina ko pa nilalantakan. Sa Pilipinas lang ako nakakakain ng maraming leche flan na walang sumasaway sa akin.

"Ate Sharon, pasensya ka na kung sumasakit ang ulo mo sa spoiled brat na iyon."

Huminto sa paghihiwa ng kamatis si Ate Sharon saka ako tiningnan. Nasa kusina ako at nakikikain. Nasa mid-thirties si Ate Sharon at merong dalawang anak. Si Gabo or Gabriel ang panganay, ten years old at super bibo. Ang bunso naman ay si Cecil o Mary Cecil, six years old, makulit din. Dahil bakasyon ay nasa isla ang mga bata pero pagkatapos ng bakasyon ay pupunta ang mga ito sa siyudad para mag-aral. Naroon sa siyudad ang tatay ng mga ito. Ang asawa ni Ate Sharon na si Kuya Simon ay anak ng ever loyal family driver naming si Mang Simeon.

Minsan ko lang makita ang pamilyang ito but I always admire them dahil sa closeness nila. Mang Simeon always talks about them at alam kong nami-miss ng butihing driver ang mga apo niya. Someday, kapag nag-retire si Mang Simeon, tiyak na magiging masaya siya makasama parati ang mga ito. As of now, Mang Simeon is also in London. Wala ng mapagkakatiwalaang driver si Mama pagdating kay Lan.

"Wala naman 'yon sa akin, Master. Parang malditang kapatid ko lang si Daphne pero hindi ko talaga alam kung bakit kailangan niyang manatili rito. Nag-aaway lang kasi kayo. Isa pa, hindi talaga siya sanay sa buhay-isla."

"Gusto ko lang po siyang turuan ng leksiyon."

"Narinig ko kayong binanggit na galit siya kay Lady Lan."

"Nagkataon kasi na 'yong lalaking gustong-gusto niya eh si Lan ang mahal. Ayun, mapait pa siya sa ampalaya," kwento ko saka napansing naubos na ang ikalawang lanyera ng leche flan. "Pahingi pa, ate."

"Baka 'di ka na makatulog niyan sa sobrang hyper," natatawa niyang sabi saka ikinuha ako ng isa pang lanyera. Ngumisi lang ako. Dumating ang mga anak ni Ate Sharon. Agad silang bumati at nagmano sa akin.

"Master, masama sa katawan ang sobrang matamis," sabi ni Gabo.

"Gabo, minsan lang akong kumain ng leche flan kaya 'wag mo ng basagin ang trip ko," I told the kid and shook his hair. Naghugas ng kamay ang mga ito. "Saan nga pala kayo galing?"

"Tinulungan po namin si Ate Daphie na manguha ng gulay doon sa gulayan," bibang sagot ni Cecil habang nakapatong sa isang silya para maabot ang lababo. Tinutulungan ito ni Gabo. There's something intimate about that scenario. Na-miss ko bigla ang mga kapatid ko.

Wait, Daphie? "Sinong Daphie?"

"Si Daphne," sagot ni Ate Sharon. "Hindi mabigkas ni Cecil ang pangalan ng bisita."

"Daphie. Parang Duffy Duck. Bagay sa kanya. 'Yong puwet niya kasi parang pato," natatawa kong sabi. Natawa rin si Ate Sharon habang clueless naman ang mga bata. "Marunong palang manguha ng gulay ang babaeng iyon, ate?"

"Mas gusto niya iyon kesa maglinis ng banyo at maghugas ng pinggan. Sa loob ng isang buwan, tatlong gawaing-bahay lang ang ginusto niyang gawin: magpunas ng mwebles, magwalis ng bakuran at manguha ng gulay."

"Accomplishment na iyon para sa gaya niyang señorita."

"Master, alam ba ni Madam na nandito si Daphne?"

"Walang alam si Mama and please ate, 'wag niyo po sana itong mabanggit kay Kuya Simon at baka mabanggit pa niya kay Mang Simeon."

"Pero baka magpunta si Madam dito at –"

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon