Chapter Three

673 33 2
                                    

Chapter Three

Achilles


"AW!"

Ang saya-saya na ng mood ko tapos ito pa ang sumalubong sa akin? Ang sakit ng pagkakatama ng tsinelas sa mukha ko. Talagang masasapak ko –

"Kidnapper! Walang hiya!"

Napangiwi ako nang maramdamang may pumasok na buhangin sa kaliwang mata ko. Mukhang napuwing ako dahil sa tsinelas na tumama sa akin na may kasamang buhangin.

"Pangit!"

"Hey! Tawagin mo na ako at lahat-lahat na, wag lang pangit! I'm not ugly! I'm – aray!" lalo akong napangiwi nang hindi ko maibuka ang kaliwang mata ko. Ang sakit talaga!

Bigla na lamang may sumapak sa mga balikat ko at sinapak pa ako sa ulo. Talagang nakakarami na sa akin ang babaeng ito.

"Ibalik mo'ko sa amin, pangit na kidnapper!"

"Sabi ng hindi ako pa– Aw!" napasigaw ako nang tamaan ako ng sampal niya sa kanang pisngi. "Hey, nakakarami ka na– aray!" isa na namang sampal ang tumama sa akin sa kaliwa. Akma niya akong sasampalin ulit nang mahawakan ko ang kamay niya pero lalo lang akong napasigaw sa sakit nang sabunutan niya ako gamit ang malaya niyang kamay.

"Pangit na rapist!"

Ako pa ang rapist? Eh sino kaya sa aming dalawa ang dapat makasuhan ng human rights violation? Sa inis ko ay itunulak ko siya nang malakas, para na rin makawala ako sa sabunot niya. Narinig ko pa siyang tumili bago napaupo sa buhangin.

"Rude! Monster!" galit na galit niyang sigaw sa akin. In just a minute eh ang dami ko ng naging pangalan. Pero pinaka-ayoko 'yong tinatawag akong 'pangit' dahil alam kong hindi 'yon totoo. Ang magsasabi sa akin no'n ay sigurado akong insecure lang o 'di kaya ay colorblind – handsomeblind pala.

"What's wrong with you, woman?" naiinis ako dahil ang sakit pa rin ng kaliwang mata ko. Hindi pa rin nawawala ang pumasok na buhangin.

"What's wrong with me? Tinatanong mo pa!" galit na galit siya sa akin. Nakita kong pumulot siya ng maliliit na bato at ibinato sa akin. Buti na lang at nailagan ko. Hindi pa nakuntento at pinagbabato pa ako ng kahit na anong mahawakan niya. Lumayo ako. Sa sobrang frustrations siguro ay nagpapapadyak siya na parang bata.

Bata pa naman talaga siya. Kamakailan lang siya tumuntong sa legal age ng Pilipinas. Eighteen. Childish at spoiled. Unti-unti ng nawawala ang sakit sa mata ko kaya maayos ko na siyang natingnan. She was furious. Magulo ang mahaba niyang buhok. Nakasuot siya ng malaking t-shirt na siguradong hindi kanya. Nakapalda siya pero parang saya ng matanda. May suot siyang tsinelas pero isa na lang since ibinato niya sa akin kanina ang kapares no'n.

Base sa suot niya, mukha siyang katulong but if you will look at her intently, malalaman mong hindi siya ipinanganak para maglinis ng bahay. Makinis ang kutis niya. She has a pretty face na pwedeng mang-akit ng kahit na sino. Kahit loose ang suot niya, I knew she has a nice figure. Marunong akong kumilatis ng maganda sa isang tingin lang pero marunong din akong kumilatis ng magandang ugali sa pangit at ang babaeng ito ay maganda lang physically pero pangit sa loob. Hindi siya mapupunta rito kung mabait siya.

"You look like a muchacha," sabi ko nang nakangisi. Ang pagkakaalam ko ay mas mabuti ng matawag na katulong kesa muchacha. Tiningnan niya ako ng masama. "What? It fits you. Bagay sa'yong maging muchacha."

"Ano ba ang ginawa ko sa'yong hayup ka?" galit niyang tanong sa akin.

"Wala kang ginawa sa akin pero sa kapatid ko, meron."

Tumayo siya at nilapitan ako. "She deserved it! She's a good-for-nothing bitch!"

Napunta yata sa ulo ko lahat ng dugo ko. I felt so angry and it manifested on my actions. Bigla ko siyang hinawakan nang mariin sa balikat at hinila palapit sa akin. Napasigaw siya pero hindi ko 'yon pinansin. "Let me go!"

"My sister made mistakes but she regretted it a long time ago. You on the other hand have an ugly soul. Your soul is as dirty as muck and the only reason you're still breathing is that because I allow you so." Pinipigilan ko ang sariling lalong magalit dahil baka malimutan kong babae siya. I can see the fear in her eyes pero nilalabanan niya iyon. Palaban siyang babae. Ugali niya nga siguro ang hindi padadaig. Para siyang si Roiri.

"Mas mabuti pang ipinakain mo na lang ako sa pating kesa gawing preso rito at katulong mo!"

"Wag mo akong pangunahan sa kung ano ang gusto kong gawin sa'yo. Iluluwa ka ng pating sa sobrang sama ng ugali mo pero kung gusto mo talagang mamatay kasama ng mga hayup, I will be happy to bring you in the Amazon river and feed you to the piranhas. Hindi sila mapili," nakangisi kong sabi saka siya binitawan. Tumalikod ako at naglakad palayo. I heard her shouting in anger.

"Go to hell!"

"Mauna ka. Nasa wanted list ka na sa impyerno. Minamadali na ang passport at Visa mo," I answered and laughed. Natigilan ako nang matamaan sa ulo ng isa na namang tsinelas. Nakapuntos na naman sa akin ang babaeng ito. Nilingon ko siya. I saw her grinning now.

"Sino'ng wanted? Baka mas malaki ang patong mo sa ulo, pangit ka!"

"Pangit? Bulag ka ba o nagbubulag-bulagan lang?"

"Marunong akong tumingin ng gwapo at hindi ka pasok sa standards ko."

"Your standards suck."

"Sungay at buntot na lang ang kulang sa'yo."

"I will be the most handsome devil, dearest. Kahit sinong demonyo ay mangingiming tumabi sa akin. I'm sinfully gorgeous and you better accept that undeniable fact. Maraming babae ang makakapagpatunay niyan," mas lalo akong ginanahang inisin siya.

"Mabababang uri ng mga babae, I bet."

"Mababang uri? Ang alam kong mababang uri ay mga kagaya mo."

"How dare you! I am Daphne Marie Santillan at hindi ako mababang-uring babae!" lalo siyang gumaganda kapag naiinis. Maganda naman talaga siya, magandang demonyita.

"Yes, you are. Earthworm!" and I stucked out my tongue. Sumigaw na naman siya sa galit saka pumulot ng bato. This time ay tumakbo na ako palayo. Mahirap na at baka mukha ko na ang tamaan. Ngising-ngisi ako sa pinaggagagawa ko. Oo nga't naiinis ako sa kanya pero aaminin ko ring naaaliw ako na inisin siya.

Mukhang mag-e-enjoy ako sa islang ito. May the best 'demon' win.

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon