Chapter Seven

653 27 0
                                    

Chapter Seven

Daphne


MASAYA ang lahat ng tao sa paligid ko pero hindi ko magawang makisaya. Hinahanap ng mga mata ko si Raphael. Kanina ay nakita ko pa siya na busy sa program pero ngayon ay 'di ko na siya makita. I stood and went outside the university's gymnasium kung saan isinasagawa ang Founder's Night Ball.

Sa simula pa lang ay si Raphael na ang gusto kong makapareha sa gabing iyon pero gumawa ang vice-president ng SSC ng paraan para hindi ko siya makapareha. I really hate that Missy. She's very manipulative at sigurado akong dinaya niya ako. I only got the second place for the most famous girl in the university at siya ang number one. Anyway, mas importante sa akin na maging partner si Raphael pero nakialam na naman ang mandarayang Missy na iyon!

Lumabas ako ng gymnasium at nakita ko si Raphael na may hinihintay.

"Raphael –"

"Rap, tara na sa loob," nakita kong nilapitan siya ni Gary. "Alas diyes na. Hindi na siya darating. Hindi rin naman talaga siya pumayag na makapareha ka sa Founder's Night."

"Baka natagalan lang siya."

"Raphael, ano ka ba? Kanina ka pa naghihintay. Tama na kasi."

"Five minutes. Susunod din ako sa'yo after five minutes, okay?"

Walang nagawa si Gary kundi ang bumalik sa gymnasium. I waited for Raphael. Gusto ko siyang makitang pumasok sa gymnasium pero lumagpas na lamang ang twenty minutes ay nanatiling nakatayo roon si Raphael, naghihintay sa kapareha niya.

Nagngingitngit ang kalooban ko. Nagagalit ako sa pangit na babaeng makapal ang mukha na hinihintay ni Raphael. Kilala ko ang babaeng iyon at talagang gusto ko siyang imudmod sa sahig sa sobrang galit ko sa kanya.

Sino siya sa tingin niya? Bakit niya ginaganito si Raphael? Kung ako lang sana ang mahal ni Raphael ay hindi ko siya paghihintayin. Parati akong maaga sa usapan at hindi ko papayagang maghirap ng ganito ang lalaking mahal ko.

In a snap ay biglang nagbago ang paligid ko. I was in the graduation ceremony. I saw Raphael on the stage receiving his medal as Cum Laude. I saw that ugly Goth lady also at hindi siya naka-goth make-up ng araw na iyon. Nang bumaba si Raphael mula sa stage, sa halip na dumiretso sa inuupuan ay tinungo niya ang direksiyon na kinaroroonan ng kanyang pangit na girlfriend. Everyone was astonished when he knelt down in front of Atalanta and offered her a ring. Everyone was cheering already but I felt numb to react anything.

Sobra akong nasaktan. Gusto ko silang sigawan at batuhin ng kahit ano pero hindi ako makakilos. Raphael just proposed to Atalanta and she accepted it. They were engaged and my heart died at that moment.


"RAPHAEL..."

Automatic ng nagigising ang mga mata ko kapag ganoong oras. This time, I was in tears. Napaginipan ko na naman ang mga sandaling iyon. Noong mga panahong sobra akong nasaktan dahil kay Raphael and until now ay hindi pa rin ako nakaka-recover.

Bumangon ako at tumingin sa wall clock. Alas kwatro pa ng madaling araw pero ayaw ng matulog ng mga mata ko. Napansin ko ang journal ni Mac sa tabi ko. Nakatulugan ko na ang pagbabasa no'n. May pagka-corny si Mac pero pati ako kinikilig sa kakornihan niya.

Itinago ko ang journal sa drawer ko. Bumaba na ako at nagpunta sa kusina. Napansin kong bukas ang ilaw sa kitchen kaya naisip kong gising na si Ate Sharon. Natigilan ako sa entrada ng kitchen nang makita si Keeper doon na umiinom ng kape. Naka-sapatos pa siya kaya malamang kararating lang niya. Iba na rin ang suot niyang pang-itaas. He was wearing a black long sleeved shirt. His hair looked messy, 'yong tipong kagagaling lang sa pagtulog. Baka nga naman natulog siya sa yate habang pabalik ng isla.

AchillesWhere stories live. Discover now