Chapter Eighteen

601 28 0
                                    

Chapter Eighteen

Daphne


I WAS only allowed to visit Keeper during night time. Sinasadya nina Roiri at Donnar na magbantay sa gabi para magkaroon ako ng pagkakataong madalaw siya. I am so thankful to Keeper's elder siblings for helping me. Alam kong nahihirapan silang itago ako kina Madam at Atalanta pero ginagawa nila iyon para kay Keeper.

During daytime, I am learning to cook Keeper's requests. Gusto ko na sa paggising niya, marunong na ako ng mga pagkaing gusto niyang kainin. To help me with that, nagi-e-mail ako kay Ate Sharon minsan using Master Donnar's computer or have my own research. I am positive na gigising si Keeper at magiging okay ulit ang lahat. That's everything I pray every single time.

"Sigurado kang hindi ka marunong magluto noon?" tanong ni Lady Roiri sa akin. Dinalhan ko kasi sila ng pagkain nang magpunta ako roon one night. Sinubukan ko kasing magluto ng biko kanina at success naman. Nakaupo kami sa plastic bench sa labas ng ICU.

"Opo. Parati ngang nire-reject ni Master Keeper ang niluluto ko but he was patient to taste my cooking."

"Ang swerte ng loko ah." Ngumiti lang ako. "Pagkatapos kong kumain, uuwi muna ako. Si Donnar muna ang bahala rito." After few minutes ay nagpaalam na nga si Roiri na uuwi. Nag-excuse si Master Donnar na magbabanyo. Nagliligpit ako ng pinagkainan nila nang matigilan. I saw Atalanta standing in front of me.

"Lady Atalanta?" tumayo ako.

"I left my shawl. It's Raphael's gift," sabi niya. Dati-rati ay naiinis ako kay Keeper pag may sinasabi siyang update tungkol kina Raphael at Atalanta pero ngayon ay okay na. Wala ng kirot sa puso ko. Pumasok siya sa ICU at nang lumabas ay may dala ng shawl. She sat beside me. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Tahimik lang din siya sa tabi ko.

"Can I confess something?" tanong niya maya-maya. Tumango ako. "I am jealous of you." Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit siya magseselos sa akin? Nasa kanya na si Raphael. "I am jealous because Keeper loves you. Noon, kaming tatlo lang nina Mama at Roiri ang mga babae sa buhay niya, ngayon nandiyan ka na."

"Can I confess also?" tanong ko.

"Sure."

"Inggit na inggit ako sa'yo noon. Nakuha mo kasi ang puso ng first love ko kahit mukha kang multo samantalang kahit feeling ko ang ganda ko na ay hindi pa rin niya ako magawang magustuhan," I confessed. "Magkaklase kami sa kindergarten. Walang gustong makipaglaro sa akin dahil pangit daw ako at mataba. Tinutukso ako ng lahat. Umiyak ako ng umiyak. I felt so alone then suddenly, he came and protected me from the bullies. Since then, sinabi ko sa sarili ko na siya ang magiging asawa ko balang araw at ako ang magiging perfect wife para sa kanya. Nang mag-migrate ako sa U.S., I started to change myself. I needed to be beautiful para kapag nagkita kami ulit ni Raphael, maganda na ako at hindi siya mahihiyang kasama ako. Sad to say, gumanda ako at lahat na, hindi niya pa rin ako nagustuhan."

"That's sad." Pareho na naman kaming natahimik.

"Congratulations nga pala sa engagement ninyo," sabi ko maya-maya.

"Thanks. Siguradong minura mo ako ng ilang beses when you saw the proposal."

"Oh yeah. I even wished you die soon," pagtatapat ko.

"I can't blame you. I took away your dream husband."

"At nahumaling naman sa akin ang kuya mo."

"I guess that makes us even," sabi niya.

Tumango ako then I sighed. "I'm sorry." Nilingon niya ako, puzzled.

"Saan ka humihingi ng sorry? Masyadong marami ang atraso mo sa akin. One sorry won't be enough."

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon