Chapter Twelve

527 32 1
                                    

Chapter Twelve

Achilles


ANO ANG pwede kong sabihin para pagaanin ang nararamdaman niyang sakit? Kahit yata ano ang gawin kong pag-iisip, hindi ko pwedeng baliktarin ang katotohanan. Sa mga sandaling iyon, hindi boses ni Daphne ang naririnig ko kundi boses ni Atalanta. It was like a déjà vu.

"Daddy!" hagulhol niya habang yakap-yakap ko siya. Bigla siyang nawalan ng lakas at muntik ng bumagsak, buti na lang at maagap ko siyang naalalayan. She fainted.

"Daphne!" tawag ko sa kanya nang mapansing nawalan siya ng malay. Umupo ako yakap-yakap siya, trying to awake her. Ilang minuto siyang walang malay at nang magising ay iyak pa rin nang iyak. I felt very useless gaya noong halos gustuhin na ni Atalanta na mamatay dahil sa pagsisi sa sarili nang mamatay ang daddy nito. Ano ba ang pwede kong gawin?

"Walang sakit si Daddy. He was healthy. Why? Bakit siya namatay?" palahaw ni Daphne habang nakasubsob sa dibdib ko. Paano ko ba sasagutin ang mga tanong niya nang hindi siya lalong maguluhan o masaktan?

"You knew this!" she shouted at me. "You lied to me!" at pinagsususuntok niya ako sa dibdib. Her punches were not strong yet they were painful dahil alam kong nasasaktan siya ng husto. "You knew it all along but you never cared to tell me! You cold-hearted beast!"

Pinigil ko ang kamay niya. "Ano sa tingin mo ang dahilan kaya ayaw kitang dalhin sa Daddy mo?"

"But I deserve the truth!"

"I know. I'm sorry," I said as I embraced her. She cried even more at parang batang na naghahanap ng kalinga na yumakap sa akin. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon. Napansin ko na lamang na nakatulog na siya na magang-maga ang mga mata. Awang-awa ako kay Daphne. She's too young to undergo such pain just like what Atalanta underwent. I am blessed not to feel anything when my Dad died since napakabata ko pa noon.

Tumitig ako sa nitso ng daddy ni Daphne. Galit na galit talaga ako sa kanya.

"You should've tell her everything and not leave her in nowhere. You filled her world with broken promises and lies. Kapag may nangyaring masama kay Daphne, kasalanan mo. Walang ibang dapat sisihin dito kundi ikaw lang."

Tumayo ako buhat-buhat si Daphne. Umalis na ako sa lugar na iyon at bumalik sa hotel na tinutuluyan namin. Buong gabi akong gising habang nakatunghay kay Daphne na natutulog. Hindi ako mapakali. Hindi rin ako makatulog. Bandang alas dos ng madaling araw ay nagising si Daphne na umiiyak. Agad ko siyang nilapitan.

"Daddy..." she was sobbing nang bumangon at akmang bababa ng kama pero napigilan ko. "Leave me alone. I want to see my Dad!"

"Daphne..."

Tinitigan niya ako ng matalim. Galit na galit ang mukha niya. "Kasalanan mo ito! Kaya hindi ko nakita si Daddy kasi kinidnap mo ako and brought me to that stupid island! It's all because of you!" sigaw niya sa akin saka pinagbabato ako ng unan. Nang wala na siyang maibato sa akin ay pinagsusuntok niya ako sa dibdib. Alam kong hindi ko maiintindihan ang nararamdaman niya pero nahihirapan rin ako. Paano ko ba sasabihin sa kanya na kabaliktaran ng iniisip niya ang mga ginawa at mga ginagawa ko?

"Ibalik mo'ko sa Daddy ko! I want my Dad back!"

"He's gone."

"No!"

"He's gone and you better accept it, Daphne!" sigaw ko rin sa kanya. She was stunned as if she was slapped by the mere truth. Then she began sobbing again. "Daphne..."

"Daddy... Daddy..." Nilapitan ko siya pero umatras siya at umupo sa sulok ng silid saka doon umiyak nang umiyak. "Daddy..."

Naupo ako sa kama habang nakatunghay sa kanya. She needs me now more than ever. Kahit ayaw niya, kailangan niya ako.

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon