Chapter Sixteen

656 27 0
                                    

Chapter Sixteen

Achilles

MAHIMBING ang tulog ni Daphne sa kama ko. Yup. She's in my bed. That's the least I can do after letting her sleep on hard beds for more than two months. Pero walang nangyari sa amin maliban sa halik na namagitan sa amin kanina. I can't left a 'souvenir' lalo na dahil hindi naman ako nakakatiyak na babalik akong buo. Mahirap para sa isang bata na lumaking walang ama. Hindi ko rin kayang iwan si Daphne na single mom. Mahihirapan siya.

By the way, she's so beautiful sleeping.

Nagbihis ako. I was all black from head to foot. After that, I left a letter and a package in my drawer. I kissed Daphne on the forehead before I left my room. Nagpunta ako sa basement garage kung saan nakatago ang mga 'babies' ko. Madali na para sa aking ma-decode ang password. Password of the day: my birthday.

Tahimik kong nilisan ang Bradford's mansion sakay ng McLaren F1. On my way, I was recalling and evaluating my life for the past months. Napangiti ako. Those times would be very boring without Daphne.

Good news: I'm in love, at last!

Bad news: I might leave her soon.

Few kilometres from the city ay may kakatagpuin akong tao. Dapat matagal ko ng tinuldukan ang away sa pagitan namin but then, marunong pa kasi akong maawa. Hinayaan ko pang mabuhay ang ugok na iyon kaya ngayon ay ako ang balak niyang isama sa impyerno. Hindi ko naman papayagan na ako lang ang mapunta roon. Kung may balak siyang tapusin ang buhay ko, isasama ko siya sa destinasyon ko.

I have a very bad feeling about this but I can't back out anymore. Kung meron man akong ipinagpapasalamat sa naging buhay ko, iyon ay ang pagkakataong magkaroon ng isang masungit pero mapagmahal na nanay at mababait na mga kapatid. Wala na akong maihihiling pa.

Then there's Daphne. The beautiful, spoiled brat. Hindi na siya spoiled brat ngayon. Ang dami ng nagbago sa kanya. Saying goodbye made even more painful dahil sa kanya. I can't believe that after realizing my feelings for her, heto at lalayo ako at maaaring hindi na makabalik. Naghihinayang ako ng konti dahil siguradong magiging masaya kung makakasama ko siya habang-buhay kahit mag-away pa kami araw-araw. Sigurado rin akong hindi ako magugutom. Magiging mabuti siyang asawa at ina ng mga anak ko.

Sige na nga. Naghihinayang na ako ng sobra. Satisfied?

Inihinto ko ang kotse ko sa isang madilim na patag. I saw a light from a distance. It was a headlight from a car. Bumaba ako sa kotse. Nakita kong bumaba rin ang driver ng isa pang kotse.

"Long time no see, Achilles Perseus Bradford!"

"Yeah. 'Been a long time. 'Can't believe your back, Lionel Carver."

Ngumisi ang walang hiya. Siya ang minsang nakita ko sa drag racing na sinalihan ko. He had been following me secretly. Limang taon ko siyang hindi nakita matapos ko siyang ipabugbog at ipatapon sa malayo. Dati-rati ay mukha siyang boy-next-door, ngayon ay mukha na siyang siga. He has a long scar on the left side of his face. I knew it since I carved that scar on his bloody face. Sinira ko ang mukha ng nanakit sa baby sister ko.

"I heard she's back in London."

"Atalanta? She's doing great. She is even engaged to a good man. To a better man."

Ngumisi si Lionel pero may bahid ng galit. "She became happy then."

"My sister deserves it."

"Aaron Philippe Haven's daughter doesn't deserve to be happy! After I finish you, she will be next and your whole family," may pagbabanta niyang sabi.

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon