Chapter One

1.1K 40 2
                                    

Chapter One

Achilles


KUNG makikita ako ng Mama ko, malamang binanatan na niya ako ng sangkatutak na sermon na may kasamang supalpal sa mukha. Isa lang ang ipinakikiusap sa akin ni Mama:

"Achilles, if you want to die, you die with dignity, not with insanity!"

Dignity ba kamo? Meron naman ako no'n. Mas marami nga lang ang insanity ko.

"Mama... oohh... I don't wanna die..." don't worry, hindi pa ako namamaalam. Malakas kasi ang tugtog ng music sa player ko. I'm listening to Bohemian Rhapsody by The Queen. Sinulyapan ko ang speedometer. I grinned.

Then I heard a loud bang. May nakabuntot ng kotse sa akin at binabangga ang kotse ko sa may likuran. Imbis na mainis ay lalo akong nakaramdam ng thrill. Lalo kong diniinan ang accelerator. Pakakainin ko ng alikabok ang gustong tumalo sa akin. Hindi ako papayag na mapuruhan ang McLaren F1 ko. It's quite an old model pero isa pa rin ang kotse ko sa pinakamabilis na kotse sa history ng mga kotse at kay tagal kong naghanap sa kotseng ito.

"You want to beat me? Let me see you try," nakangisi kong sabi.

And in just few seconds, I reached the finish line.

Nang bumaba ako sa kotse ay agad akong sinalubong ng mga kababaihang kanina pa nag-che-cheer para sa akin. I saw my opponents. Lahat ay nakasimangot at naiinis. Napakunot-noo ako nang makakita ng isang pamilyar na lalaki sa gitna ng maraming tao na naroroon. When I blinked, he was gone. Namalik-mata lang yata ako. Naagaw ng sigawan ng atensiyon ko.

"You're so great, Keeper!"

"Take me home, Keeper!!!!"

I smiled. This is life. My life. Sino'ng aayaw sa ganitong buhay? Ikaw ba naman pagkaguluhan ng magagandang babae?

Nawala ang ngiti ko nang may mag-text. Agad akong nagmadaling sumakay ng kotse at pinaharurot iyon sa kalagitnaan ng gabi sa kahabaan ng siyudad ng London. Wala pang fifteen minutes ay nakarating na ako sa Bradford's residence. Abot-abot ang dasal ko na walang nakahalatang umalis ako sa bahay dahil kung hindi...

"Achilles Perseus Bradford."

Lumiwanag ang buong bulwagan ng malaki at mala-palasyong bahay. Ilang beses akong napalunok nang makita ko si Mama na nakaupo sa couch malapit sa grand staircase. Wala naman talaga dapat couch doon pero mukhang pinalagyan ni Mama for the sole purpose of waiting me.

"Anong oras na, Achilles Perseus?" seryosong tanong ni Mama. Binanggit niya ang buo kong pangalan at nagsalita pa siya in Flipino. Not good signs. Sinipat ko ang wrist watch ko saka tumingin ulit sa kanya.

"Two in the morning."

"Oras pa ba 'yan ng pagtulog ng mga matitinong tao na may trabaho pa sa susunod na araw?" tanong niya. Hindi ako nakaimik. Tumayo siya. Napaatras ako. Believe me, magalit na ang lahat, 'wag lang ang babaeng iyan. Ayoko siyang nagagalit sa akin. Nakakatakot siya.

Bigla akong napayuko at napasigaw sa sakit nang may tumamang kung anong mabigat sa batok ko. "Hey!" angil ko saka napipilan nang makita kung sino ang may-ari ng mabigat na kamay na bumatok sa akin. Isa pang nakakatakot na babae.

"Nakita kong may gasgas ang likuran ng McLaren. Nag drag racing ka na naman ano?" sita ng ate kong si Roiri. Pareho sila ni Mama na naka-robe na pantulog.

"It's my car," angil ko.

"Hindi 'yon ang sagot sa tanong ko."

"Oo na!"

AchillesWhere stories live. Discover now