Chapter Ten

588 28 0
                                    

Chapter Ten

Daphne


DEAR Future Husband,

Aunt Letona told me to cook! I was told to cook 'pinakbet' which I don't even know how or what. Can you believe it? She only gave me instructions but I didn't have the slightest idea of what to do. Oh I hate peeling the squash and the 'hipon' smelled so gross that I wanted to throw up! I'd rather slit by pulse and die.

The hag told me that if I want to go back to England, I should know how to cook but bloody hell, it was awful! I tried my best but I ended up wasting the food. So awful!

Frustrated Cook,

Mac

YEAH, it's awful. Sa itsura pa lang ni Keeper nang malasahan niya ang adobong kangkong na niluto ko, mukhang kailangan ko ng maghanap ng lubid. I did my best but my best wasn't good enough. Yeah it's a song and I felt its meaning right now.

"'Yong Kangkong ay overcooked and the taste is so..."

"Yeah I know, it's awful," nanlulumo kong dugtong. Ngayon ko nararamdaman ang naramdaman ni Mac nang una siyang magluto. I felt so disappointed with myself. Gusto kong umiyak pero pinigil ko.

"See you at dinner," sabi ni Keeper saka umalis nang walang kinakain. Hindi niya kinain ang niluto ko sa sobrang sama ng lasa. I felt rejected. I was teary-eyed already. Kung pumalpak ako sa adobong kangkong, ano pa kaya sa sinigang na baboy?

I went to my room, sulking. Humihikbi na ako nang makita ko ang journal ni Mac. I took it and flipped its pages. I read the next entry.

Dear Future Husband,

I am disappointed with myself. I can't believe how useless I am. I thought it's easy to learn things but I was wrong. Do you want to marry someone like me? I still don't know how to cook but I will try my best. I want you and our children to eat delicious and healthy food. I want to learn. And I will learn. Trust me.

By the way, Aunt Letona has a new neighbour. A man name Kale. He's British. He is having his vacation here. He's in his early twenties and I heard he is already a businessman but I guess he is sick that's why he's here. His family and my family are good friends. He looks happy and jokes a lot.

I like him. Are you him?

Wondering,

Mac

Mukhang magkaka-lovelife na si Mac kahit hindi siya marunong magluto. Ako kaya? Kailan? Kailan ako matututong magluto? Kailan ako magkaka-lovelife?

I shook my head. Kailangan magawa ko ng tama ang sinigang na baboy para makaalis ako sa islang ito kahit sandali lang. Bumalik ako sa kusina. Binasa ko ang cook book na iniwan ni Ate Sharon. Meron doong instructions tungkol sa pagluluto ng sinigang na baboy. May ilang oras pa bago ang hapunan. Pwede ko pang pag-aralan. Kailangan maging maingat na ako sa timpla. Kailangan magawa ko na ito ng tama dahil kung hindi...


ALAS NUWEBE na ng gabi pero nasa beach pa rin ako. De bale ng malamig. Doon tahimik akong umiyak. Hindi kinain ni Keeper ang niluto kong sinigang na baboy. Hindi na ako makakaalis doon.

"Hindi ka pa rin tapos mag-drama?"

Hindi ko nilingon ang nagsalita. Alam kong tuwang-tuwa siya dahil hindi ako makakaalis doon. Sinadya niya akong pahirapan sa pagluluto para hindi ako makaalis sa isla. Madaya talaga!

Biglang may nahulog na kung ano sa harap ko kaya agad akong tumayo at nagtitili. Tarantang-taranta ako nang biglang mabangga kay Keeper. Muntik na akong matumba kung hindi niya lang ako agad naalalayan.

"Careful."

Tumingala ako at ang asul niyang mga mata ang sumalubong sa akin. Hindi ako nakaimik. Hindi ko pa siya natitigan ng ganito kalapit at ang ganda pala ng mga mata niya. Nakakaakit. Pero wala akong balak na magpadala sa gwapo niyang mukha at magandang mga mata. Pinag-tripan na naman niya kasi ako!

Nilingon ko kung ano ang nahulog ay lalo akong nainis. Maikli at manipis na lubid iyon na kulay pula kaya sa unang tingin ay parang bulate. Inis na inis ko siyang hinarap.

"Hindi mo na ba talaga ako –"

"Aalis tayo bukas ng umaga kaya maghanda ka na –"

I was shocked. "Thank you!" masaya kong bulalas nang makabawi. Hindi ko talaga napigilan ang sarili ko at nayakap ko siya ng mahigpit. "Thank you! Thank you! Thank you, Master!" Lumayo na ako sa kanya nang mapansing natahimik siya pero wala akong pakialam kung ano ang isipin niya. Masaya ako na aalis kami bukas and that's it!

"Kumain ka na. Nakakain na ako."

Nagulat ako. "Ano ang kinain mo? Kinain mo 'yong –"

"Wala akong choice. Kaninang tanghali pa ako nagugutom. Pwede ng pagtiyagaan 'yong luto mo pero hindi siya lasang sinigang. Para siyang tinola na maalat. Regulate the salt. Mukhang mahilig ka kasi sa maaalat," mahaba niyang paliwanag. Tahimik lang ako. Hindi naman ako nasaktan sa mga sinabi niya since totoo ang mga 'yon.

"You really like to eat," I concluded.

"My mother is a good cook. Hindi na nga lang siya gaanong nakakapagluto ngayon dahil may trabaho na siya. Noong mga bata pa kami, siya ang nagluluto para sa amin. Hindi kami nagugutom at healthy lahat ng kinakain namin. Kaya niyang magluto ng iba't ibang cuisine lalo na ang Filipino food. She learned it from her aunt. I guess dapat lahat ng mga babae ay marunong magluto, housewife or working girls man sila in the future."

"Para maging utusan ng mga lalaki, ganon?" nakaismid kong sabi.

"It's not slavery. It's servanthood. When a wife loves her husband, she doesn't mind doing things for him and for the family. When there is love and willingness, hindi mo maiisip na alipin ka. Instead, you will feel happy and contented. Gano'n ang Mama ko sa mga naging husbands niya. She never felt humiliated because she liked what she'd been doing for her husbands and children."

Parang ganon rin ang sinabi ni Ate Sharon. Servant to master nga lang ang sitwasyon.

"Matatakot ka sa ugali ng Mama ko pero matututo ka rin. She is very strict and disciplined. Raphael struggled to be with Lan because of her. Donnar is struggling because of her wicked conditions. I'm struggling because of her demands pero lahat ng iyon ay alam kong parte ng disiplina niya."

"Kaya ka nandito dahil sa kanya? May tinatakasan ka?" tanong ko. Hindi siya umimik. "So hindi ka lang nandito para parusahan ako."

Umigkas ang kaliwang kilay niya. "At talagang iniisip mo pag-aaksayahan kita ng oras at effort? Marami pa akong mas importante at makabuluhang gagawin kesa i-disiplina ang mga spoiled rotten na gaya mo." Sumimangot ako. Nakakainis talaga ang mga hirit niya. "Pero aaminin kong nag-eenjoy ako na pahirapan ka," and he grinned like the Cheshire cat. Ang sarap banatin ng ngiti niya hanggang maging kahawig niya si Joker.

"You're like your mom then."

"Ako ang pinakanagmana sa kanya kahit hindi niya aminin. Kumain ka na at maagang matulog. Maaga pa tayong aalis," tumalikod na siya pero nagulat ako nang may ihagis siya sa akin na kung ano. Nasalo ko iyon pero agad ko ring binitawan saka nagtititili nang makitang totoo na iyong bulate.

"You –" gigil na gigil talaga ako sa kanya lalo na nang marinig ko siyang tumatawa habang lumalayo. Wala na yatang gagawing matino ang lalaking iyon. Pero hindi no'n mabubura ang saya ko na sa wakas ay makakaalis na ako ng isla bukas, kahit panandalian lang.


AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon