Chapter Four

677 32 3
                                    

Chapter Four

Daphne


I DON'T feel beautiful at all. Hindi ko na makilala ang sarili ko. I looked at my hands. Gusto kong maiyak. Isang buwan na akong nagtitiis dito. Isang buwan na rin akong ginagawang katulong ng caretaker. At kanina, nakita ko na rin sa wakas ang may pakana ng lahat!

Ilang beses ko ng nakita ang pangit na 'yon na dumalaw sa university na dati kong pinapasukan. Nagpupunta lang ang pangit na 'yon doon para makita at dalawin ang mas pangit niyang kapatid. Pamilya sila ng mga pangit!

I smirked. Oo na! Hindi naman talaga sila mga pangit maliban doon sa Atalanta na 'yon na weird ang outlook sa buhay. Sa pagkakaalala ko, napakaganda ng ate nila, parang model ng Victoria's Secret. 'Yong isa naman nilang kapatid na lalaki ay magandang lalaki. At 'yong kararating lang dito sa isla? Nakakainis sa hambog! Pangit talaga!

Oo na! Hindi siya pangit! Gwapo siya! Gwapo siyang lunurin!

"Kanina pa kita hinihintay."

Naiinis kong tiningnan ang caretaker. Kung ako lang ang masusunod ay ayoko ng bumalik sa bahay na iyon pero saan naman ako pupunta? Wala namang dumadaan na barko roon maliban sa yate na sinasakyan ng caretaker para mamili sa kalapit na isla. Ano ba naman kasi ang islang ito? Nasa gitna ba ito ng Pacific ocean?

"Nagpahangin lang ako," nakaismid kong sabi. Tiningnan niya ako na parang may hinihintay. "Nagpahangin lang po ako," I said stressing out the word 'po'.

"Nagpahangin ka? Nagpahangin ka lang at nagkabukol na sa ulo si Master Keeper. Namumula na rin ang isang mata niya dahil napasukan ng buhangin mula sa tsinelas na ibinato mo sa kanya," nakataas ang isang kilay niyang sabi sa akin. So, nagsumbong pala ang Keeper na 'yon. Master pala ha. Master sa kahambugan 'ka mo.

"Buti lang iyon sa kanya! Pangit kasi ugali niya. He kidnapped me and made me so filthy and ugly!" naiinis kong sigaw saka siya iniwan. Bahala siya kung ano ang gawin niya sa akin. Wala akong pakialam kung hindi niya ako pakainin ng hapunan.

Bumalik ako sa malaking bahay at nagpunta sa silid ko. It wasn't a big room like my room. Mas maliit pa ang kwarto na iyon sa kwarto ng mga maids namin. Ni hindi malambot ang kama. Isang buwan na akong nagtitiis sa tigas ng kamang iyon. I missed my room. I missed my Dad. Kaya mas lalo akong nagagalit sa Keeper na iyon dahil sa mga nangyayari sa akin.

I screamed saka ibinato sa pader ang mga unan. Nagsisisigaw ako sa galit. Sa loob ng isang buwan ay iyon lang yata ang nakakaya kong gawin para mailabas ang galit sa kasalukuyan kong kalagayan. Lahat ay nangyari dahil sa Atalanta na iyon. Kung 'di niya inagaw sa akin si Raphael... Kung hindi lang sana siya ang minahal ni Raphael... "I hate you, Goth girl."

Naalala ko ang graduation day. Sa kabila ng nangyaring gulo sa school na kinasangkutan ni Raphael ay nagtapos pa rin siya with honors. Dapat ay Magna Cum Laude pero dahil sa gulong iyon ay naging Cum Laude na lang siya. Pero wala akong nakitang paghihinayang sa mukha ni Raphael. He was still so happy lalo na nang...

Umiling-iling ako. Ayokong maalala ang eksenang iyon sa graduation ceremony.

"Dapat ako ang masaya ngayon at hindi ang pangit na Goth girl na iyon!"

"May mas mapait pa pala talaga sa ampalaya."

At narinig ko na naman ang boses ng demonyong hambog! Kinuha ko ang hairbrush ko. Kung kanina ay binukulan ko siya, ngayon ay papapangitin ko na talaga siya. Naiinis kong binuksan ang pinto at iniumang ang hairbrush sa kanya nang matigilan ako.

I was shocked. Sino naman kasi ang hindi magugulat at matutulala kung pumarada sa harap mo ang isang lalaking bagong ligo at nakatapis lang ng tuwalya? Sa mga pelikula at TV shows ko lang 'yon nakikita pero ngayon...

Ilang beses akong napakurap. Walang hiyang lalaki! Bakit ang ganda ang katawan niya? Bakit siya may abs? Bakit ako natutulala? Bakit?

"Bastos!" sigaw ko at ibinato sa kanya ang hairbrush ko. Nailagan niya iyon.

"Ano'ng bastos sa ginagawa ko? Kung wala akong tuwalya, 'yon ang bastos. Pero 'yong nakaganito ako? I'm actually giving you a glimpse of my gorgeousness and you should be grateful," nakangisi niyang sabi. Alam kong namumula na ako pero alam kong hindi lang iyon dahil sa galit kundi dahil sa katotohanang ayokong aminin sa sarili ko. Bakit ba kasi nabiyayaan pa ng kagwapuhan ang kidnapper at hambog na ito?

"Wala ka ng sinabi diyan. Siguro kinukumbinsi mo ang sarili mo na hindi ako gwapo pero halata naman sa itsura mo na na-starstrucked ka sa akin. Alam mo Reyna ng mga Bitter, hindi kita masisisi. Hindi ikaw ang unang babaeng nabaliw sa gandang lalaki ko."

"Hambog!"

"Bitter!"

"I'm not bitter!"

"Hindi nga ba? Kung hindi ka bitter, bakit galit ka pa rin sa kapatid ko? Bakit hindi ka na lang matuwa na masaya na sina Raphael at Atalanta? Bakit –"

"Bakit ako magiging masaya para sa kanila?" naiinis kung putol sa mga sasabihin niya. "Bakit ako matutuwa kung inagaw ng kapatid mo ang lalaking pinapangarap ko?" naalala ko na naman ang makailang-ulit na pagbalewala ni Raphael sa akin. Ang mas pagpili niya sa goth girl na iyon kesa sa akin na matagal ng nagmamahal sa kanya. Ang sakit-sakit na ng nararamdaman ko pero hinding-hindi ako iiyak sa harap ng halimaw na 'to. Ayokong pagtawanan ako ng kuya ni Atalanta, ng mortal kong kaaway!

"Bittermelon."

"Hindi sabi ako bitter!"

"Bittergourd."

"Pangit!"

"Ang gwapo ko kaya." Ang sarap talagang sabunutan ulit ng halimaw na 'to. Wala pa kaming isang araw na nagkakausap eh parang ang tanda-tanda ko na. "Raphael is a good guy. Buti at napunta siya sa baby sister ko. My baby sister is special and beautiful inside out. You on the other hand are so ugly, bali-baliktarin man kita. Wala akong makitang maganda sa'yo maliban na lang siguro sa butt mo na parang sa pato," sabi niya saka ngumisi.

"Ano'ng sabi mo? Hindi ako mukhang pato!" Nanggigigil akong sumigaw saka siya sinugod. Biglang nandilim ang paningin ko at gusto ko ng pumaslang ng tao. Sa kabila ng tangkad niya ay nahawakan ko ang buhok niya. Talagang hinugot ko lahat ng lakas ko para masabunutan siya. Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako pero hindi ako nagpatalo.

"Hindi ako mukhang pato!" patuloy kong sigaw.

"Let me go, woman!"

Wala ng ibang pumasok sa isip ko kundi ang makaganti sa pag-kidnap niya sa akin at sa pagtawag niya sa akin ng kung anu-ano. Gusto kong gumanti. Gusto kong –

Pareho kaming natigilan nang makarinig ng maliit na tinig. Sabay din kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko ang sampung taong gulang na anak na lalaki ng caretaker na nakatingin sa amin at nanlalaki ang mga mata sa gulat.

"Bakit Gabo?" tanong ni Keeper sa bata.

"Master, 'yong ano po..."

"Ano'ng ano?"

Wala sigurong maisip na salita ang bata kaya tinuro na lang ang ibig nitong sabihin. Pareho pa naming sinundan ang itinuro nito. Ako naman ang biglang tumili sa sobrang gulat.

"Bastos ka talaga!" tili ko saka agad na bumitaw sa buhok niya at tumalilis ng balik sa silid ko. Nagsara ako ng pinto at parang baliw na tinakpan ng unan ang mukha ko. Hindi maalis-alis sa isip ko ang nakita ko. Lalo akong naiiyak sa inis nang marinig na tumatawa lang ang halimaw na lalaki. Parang aliw na aliw pa ito sa nangyari. "Halimaw ka! Pervert! Manyakis!" I shouted at him.

"Hey, for a girl who flirted with Raphael, you acted so innocent. Are you?"

"Shut up!" ayaw talagang maalis sa utak ko ang imaheng iyon.

"Sabihin mo lang and I will take you to a whole new world," sabi pa niya saka tawa ng tawa. "I can show you the world. Shining, shimmering, splendid..."

"Mamatay ka na!"

"Mauna ka!"

Baka nga mauna akong mamatay kapag hindi ako nakaalis ng islang ito. Ang manyakis na lalaking iyon ang papatay sa akin!

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon